webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 37

Habang nasa biyahe na naka motor,

Kasunod naman nila Kim si Ethan "Bunso, malayo pa ba?

Kelly: Malapit na isang liko nalang sa kantong yan tapos yun na.

Kim: Okay.

Kelly: Ahm...kuya pwede bang wag na kong bumaba sa motor pag nakarating tayo kila Dave?

Kim: Ha? Bakit naman?

Kelly: Ah...eh...kasi...basta....kayo nalang ni Ethan.

Kim: KUYA ETHAN!!!!

Kelly: Tsk...oo na basta ha? Kuya sa labas nalang ako.

Kim: Ikaw bahala.

Nang makarating sa bahay nila Dave,

Ethan: Oh? Di ka sasama babygirl?

Kelly: Ah...eh...hinde kayo nalang.

Kim: Ewan ko ba diyan kaklase niya naman nya yun.

May nag bukas ng gate "Hello po." Sambit ni Dave.

Kim: Hello rin andito kami para sa mga cockroaches?

Dave: Ah...opo tuloy po kayo nandun na po si tatay inaantay kayo.

Kim: Sige...

Dave: Master, di ka papasok?

Kelly: Ha? Hindi na dito nalang ako.

Ethan: Maiwan na nalang din ako.

Kelly: Nako, di na senior sumama kana kay kuya mahilig ka rin sa ilang insekto di ba? May collection ang tatay ni Dave baka may magustuhan ka.

Ethan: Pero...

Kim: Hayaan mo na sya.

Ethan: Si---sige.

Dave: Ayaw mo talaga master?

Kelly: Oo ayos lang ako dine.

Kim: San tayo?

Dave: Ah...opo sumunod nalang po kayo sakin.

Kim: Sige.

Makalipas ang ilang minuto,

Kelly: Haysss....ang init na dine bakit kasi dine pinark ni kuya ireng motor.

Luminga linga siya at naka kita siya ng malaking puno na malapit sa bahay nila Dave kaya nagtungo siya roon "Ayan...buti may mga puno dine kanlong."

"Hmmmm...ayos dito mukhang magandang mag picture picture."

Kinuha yung cellphone niya "Eh? Bakit may bubuyog?"

Pag tingin niya sa taas "Oh...may bee hive pala sa punong a're."

Tumayo at sinipat "Hmmm...ayos magandang subject ang mga bubuyog ma picturan nga ganda ng rehistro ng araw sa bee hive ayos."

At nagkuha na nga si Kelly ng pictures "Bakit ka nandito?" Sabi nung lalaki.

Paglingon ni Kelly "Pa---Patrick?" Pagulat niyang sambit.

Balik sa bahay nila Dave,

"Kung gusto mo bibigyan kita ng discount pag kinuha mo yang isang colony." Si Denis ang tatay ni Dave.

Kim: Ha----ha----ha...ang dami naman po ata?

Ethan: Pero bro, marami ka na rin namang tarantula.

Kim: Sandali lang po ano?

Hinila niya sa gilid si Ethan "Anong marami sa lima bro?" Ani Kim.

Ethan: Bro, edi ba may mga kaibigan ka ring may mga trantula's? Ayos yun mag benta ka na rin ng mga ipis.

Kim: Well, you have a point.

Samantala inaayos naman ni Dave yung pag lalagayan ng mga ipis "Tay, pwede bang lumabas muna ko?" Aniya.

Denis: Bakit?

Dave: Yung kaklase ko po kasi nasa labas eh baka naiinitan na yun doon.

Denis: Ha? Bakit di mo pinapasok?

Dave: Ayaw ho kasi eh.

Denis: Sige tawagin mo kasama ba nila?

Dave: Opo kapatid po nung kausap niyo.

Denis: Ano? Ay siya, lakad puntahan mo.

Dave: Sige po.

At umalis na nga si Dave "Sir, sige po payag na kaming bilhin pero pwede po ba may bonus?" Ani Kim.

Denis: Sige dahil kaibigan naman kayo ng anak ko.

Kim: Bro, sige.

Ethan: Ahm...yung blue po na paru-paro na mariposa maaari po ba naming bilhin?

Denis: Yung nasa frame ba?

Kim: Oho sana collector din ho kasi ang nanay niya ng mga paru-paro.

Denis: Uhm....ang totoo niyan di ko binebenta mga naka display ko pero may mga alaga ako na paru-paro sa may hardin dun nalang kayo pumili di ko pababayaran kung ayos lang?

Ethan: Ay, ganoon po ba? Sige po basta libre.

Denis: Hehehe...sige wag kang mag alala magagandang uri ng paru-paro ang meron ako sa hardin.

Ethan: Talaga po?

Kim: Yun naman pala bro eh deal na.

Denis: Ano okay na?

"Opo." Anila.

Sa ilalim ng puno,

Nakaupo sila Kelly at Patrick na medyo mag kalayo "Bakit di ka pumasok sa loob?" Ani Patrick.

Kelly: Ah...eh...wala lang paki mo ba?

Patrick: Kamusta ka na?

Kelly: Maka kamusta parang di nagkita kahapon.

Patrick: I mean yang pakiramdam mo.

Kelly: Ha? A---anong ibig mong sabihin?

Patrick: Namumula ka kahapon nilagnat ka ba?

Kelly: Ha? Hin---hindi noh! Ma---mainit lang talaga kahapon.

Patrick: Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang nauutal at kinakabahan ka?

Napatayo si Kelly "Hindi noh! Bakit naman ako mauutal ikaw lang naman ang kausap ko at bakit naman ako kakabahan. Huh! Sino ka ba?" Aniya at namumula na naman ang pisnge niya.

Sa isip-isip ni Kelly "Ano ba naman yan bakit ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Hearty naman kumalma ka nga!"

Tumayo at lumapit si Patrick kay Kelly "Are you really okay? Namumula yang mukha mo." Aniya.

Napaatras si Kelly "Wa---wag ka ngang lumapit sakin." Tugon niya.

Patrick: Sandali nga kahapon nung nakita mo ko namula ang pisnge mo at natulala ka nalang tapos ngayon ganyan rin hindi kaya...

"Anong ginagawa niyo?" Bungad ni Dave.

Kelly: Da---Dave...

Patrick: Oh dude, tapos na?

Lumapit si Dave at wari'y nawala sa mood "Di pa inaayos pa ni tatay yung bibilin nila." Tugon niya.

Kelly: Bakit ka nandito?

Dave: Chineck kita kasi baka ka ko naiitan ka sa labas pero...mukhang di naman pala.

Kelly: Ah...a---ano kasi.

Patrick: Tara na sa loob?

Dave: O—oo sige.

Kelly: Sige kayo nalang dito nalang ako pakisabi nalang kila kuya.

Dave: Pumasok ka na mainit dito.

Nagkatinginan sila Kelly at Patrick "Ha? A---ano hindi na."

Patrick: Ay balita ko nakawala yung asong malaki ng kapitbahay lima na raw nakagat nun eh medyo wild raw kasi. Hinahanap nga kasi na ulol raw.

Kelly: A---aso? Ma---malaki? Wi---wild?

Sa isip-isip ni Dave "Aso? Parang pagkakaalam ko pusa naman ang alaga ng mga kapitbahay namin."

Patrick: Di ba Dave? MA---LA---KING---A---S---O...

Sinenyasan ni Patrick si Dave "Ahhh...oo nabalitaaan ko nga iyon gang ngayon raw pinaghahanap eh."

Kelly: Ha---ha---ha...Sige papasok naman talaga ko kasi baka kailanganin ni kuya yung tulong ko.

Nagkatinginan at napangiti yung dalawa "Okay, let's go!" Anila.

Sa isip-isip ni Kelly "Bakit pakiramdam ko na uto nila ako. Haysss...yaina nga mainit rin naman dine sa labas nag lalapot na ako."

Pagkatapos ng transaksyon,

Denis: Maraming salamat, sa uulitin ingat kayo sa daan.

"Salamat rin po." Anila Kim.

Dave: Hatid ko lang po sila sa labas tay.

Denis: Sige.

Kelly: Sandali lang po Sir.

Denis: Ha?

Kim: Kelly, bakit ba?

Kelly: Curious lang po ako napalo niyo na ng tsinelas yung mga ipis?

"Eh?" Reaksyon ng lahat.

Denis: Ahahahahaha...I like your sense of humor.

Kim: Sigh...Kelly naman pag pasensyahan niyo na po itong kapatid ko may pag ka corny po talaga ire eh. Halika na nga!

Denis: Ayos lang pero di ko pa sila napapalo ng tsinelas ever since na nag alaga ako siguro yung nanay ni Dave yung mga ipis na pagala naman yon. Hehehehe...

Kelly: Salamat po sa pag sagot paalam.

Pabulong bulong si Patrick kay Dave "Luka talag sya noh?"

Dave: Yeah...but she's cute.

Napahinto at napatingin si Patick kay Dave "Tay, hatid ko lang po sila sa labasan." Ani Dave.

Kim: Sige po alis na kami.

Ethan: Salamat po sa paru-paro.

Denis: Sige walang anuman ingat kayo.

Kelly: Bye po.

Denis: Um...

Pinagmasdan lang ni Patrick na ihatid ni Dave sa labasan sila Kelly "Rick? Ayos ka lang? Bakit parang nakatulala ka diyan?" Ani Denis.

Patrick: Ho? Wa---wala po sige susunod lang din po ako sa kanila.

Denis: Okay?

Pagkaalis ni Patrick "Mukhang rival sila pag dating kay Kelly...Sigh...mag bestfriend nga silang tunay." Ani Denis.

Sa bahay nila Kelly,

Keith: Andito na ko.

Kian: Oh? Nasan si Faith?

Keith: Ahhh...ihahatid nalang daw siya dito ng mga kuya niya.

Kevin: Wait, magsasama na kayo?

Keith: Ummm...pinag-uusapan pa pero baka pagka kasal na namin sasabihin pa ka ko natin kay Mama eh.

Kian: Sa bagay.

Keith: Oh? Kayo lang? San si Kelly at kuya Kim?

Kevin: Nasa kaklase ni Kelly nabili ng pagkain ng tarantula si kuya Kim.

Keith: Ohhh...sandale, kasama si Kelly?

Kian: Oo nga kaklase kasi ni Kelly yung meron ay hindi pala yung tatay pala ng kaklase ni Kelly yung may alaga ng mga ipis.

Keith: Eh di ba takot si Kelly sa ipis?

Kevin: Oo sigurado akong di yun pumasok sa loob kung nasaan ang mga iyon.

Kian: Nagtext si Kim pauwi na raw sila.

Keith: Ahhh...nga pala may dala ako mga prutas di ko pa naipasok galing sa mga kuya ni Faith at sa mga tito at tita niya.

Kevin: Wow...welcome to the family ang peg bro ah.

Keith: Tsk...masyado ngang ma tradisyunal ang mag tao doon.

Kian: Malamang, probisnya eh ge na mag bihis ka na. Kevin, kunin mo na yung mga prutas.

Kevin: Okay.

Keith: Nga pala di lang prutas meron don.

Kevin: Ha? Ano pa?

Keith: Tignan mo nalang.

Pagkalabas ni Kevin nakita niya na ang daming gulay, prutas, 3 na buhay na manok, 2 na kambing at may mga seafood rin "WTF! KUYA KEITH!!!!!" Aniya.

Habang nataas ng hagdan si Keith "Huh! Mukhang gulat na gulat siya. Sigh...ayoko ng bumalik kila Faith tatanda ako ng maaga." Aniya.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts