webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 36

Sabado ng Umaga,

Sa Kusina,

Kim: Kevin, si Kelly ba tulog pa?

Kevin: Oo kuya wala naman pasok yun.

Kim: Ohh...oo nga pala tapos na ang OJT niya ano kayang oras kami pupunta sa kaklase niya?

Kian: May lakad kayo ni Kelly?

Kim: Um...bibili ako ng ipis para sa mga tarantula ko may alaga raw kasing ipis yung tatay ng kaklase niya.

Kevin: Ahhh...si Dave?

Kim: Oo yun nga.

Kian: Bakit wala na kay Frankie?

Kim: Wala eh umuwi ng probinsya nila.

Kevin: Ahhh...kaya pala di ko na nakikitang mag post ng mga kung anu anong insekto yung kumag na yon.

Kim: Oo busy raw sa babuyan nila.

"Morning mga kuy's" Sambit ni Kelly na wari'y puyat sa naglalakihan niyang eyebags.

"Ay panda!" Pagulat nilang tugon.

Kevin: Ano ga namang itsura iyan?!

Naupo si Kelly sa tabi ng kuya Kevin niya "Bakit anong meron?" Tugon niya.

Kian: Di ka na naman ba natulog? Sabi ng wag ka ng maglalaro ng online games!!! Isusumbong na talaga kita kay Mama. Kevin kunin mo nga yung telepono ko.

Kelly: Wag!!!

Kim: Bakit ba kasi parang puyat na puyat ka? May lakad pa tayo mamaya.

Kelly: Ha? Saan?

Kim: Ano? Nalimutan mo na pupunta tayo sa kaklase mong si Dave di ba?

Kelly: AYOKO!!!

Kim: Oh, kalma kung ayaw mo ako nalang.

Kian: Umamin ka nga ikaw ba eh gumagamit na ng bawal na gamot? KELLY!!!

Kelly: Ba'y hinde ano ba namang mga tanungan yan kuya.

Kevin: Eh bakit nga kasi ganyan ang ka itsurahan mo.

Kelly: Booohoooo...kuyaaaaa....

"Ba---bakit???" Anila.

Kelly: Kasi ano...

Kian: Ano nga??? Bakit ka naiyak?

Kelly: Ka---kasi feeling ko may sakit ako sa puso.

"ANO???" Anila.

Kevin: Kelly ikaw ba talaga eh nag aadik?

Kim: Papa-anong sakit sa puso ang pinagsasabi mo? Wala ka ngang hika diyan at wala tayong lahi na may sakit sa puso. Well, di ko sure.

Kian: Kelly, ano ba yang pinagsasabi mo ha?

Kelly: Eh...kasi mga kuy's ang bilis ng tibok ng puso ko kahapon.

Kevin: Ano na naman ba ang kinain mo? Sabi ng wag kang kakain ng matataba kasibaan kasi.

Kelly: Di naman eh.

Kim: Eh bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?

Kelly: Ewan ko tapos parang tumigil yung mundo.

Kian: Sandali nga umagang umaga Kelly ako eh binubwiset mo di kita pagagamitin ng mga gadgets mo.

Kelly: Pero kuya promise di ako nagbibiro kaya nga di ako nakatulog eh kakaisip dun nag search kasi ako pa check up nyo na kaya ako? Kuya Kevin...sige na nurse ka eh.

Nagkatinginan yung tatlo "Baby, kahapon ba nung bumilis ang tibok ng puso mo may parang umiikot ba diyan sa tyan mo yung feeling na may butterfly?" Ani Kevin.

Kelly: Oo kuya ganun! Ano ba yon? May sakit na ba akong nakakamatay?

Bineltukan siya ni Kevin "Sira! Wag ka nga magsasalita ng ganyan." Tugon niya.

Kim: Tapos nung tumigil yung mundo mo may nakita ka bang bagay o...tao kaya?

Kelly: Ahm...Oo kuya yung kaklase ko.

"ANO????" Ang pagulat nilang tugon.

Kian: Kevin, simula ngayon wala ng wifi okay?

Kevin: Copy.

Kelly: Ha? Pero kuya!!!

Kian: Kim, yung mga damit ni Kelly na bistida tanggalin sa damitan niya yung galing kay mama at kay tita Karla.

Kim: Noted.

Sa isip-isip ni Kelly "Ano bang nangyayare at bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin bakit parang galit sila?"

Kian: Kevin, lagi mo ng isasabay si Kelly okay? Wala ng gala gala.

Kelly: Ha? Kuya ano ba naman yan?

Kian: Mag tigil ka nga para ito sa kapakanan mo.

Kelly: Di ko kayo ma gets kuya malala ba yung sakit ko? Tara na kasi ipa check up niyo na ako kinakabahan tuloy ako.

"HINDE!!!" Anila.

Kelly: Okay, chill...di naman ako lalaban.

Kian: Lakad, ayusin mo na yung mga pinggan at kakain na tayo.

Kelly: O---okay.

Sa isip-isip ni Kelly "Ano bang problema nila. Humph..."

Pagkaalis ni Kelly ng kusina bineltukan ni Kian at Kim si Kevin "Aray...bakit ako???" Aniya.

Kian: Babakit bakit ka pa diyan bakit di mo binantayan si Kelly?

Kim: Oo, ikaw talaga dapat sisihin kapag si Kelly nasaktan ikaw talaga malilintikan samin.

Kevin: Aba! Di ko naman hawak ang puso ni Kelly titibok at titibok talaga iyon kung sino ang isinisigaw nito alam kong alam niyo ang ibigsabihin nun dahil na inlove na rin kayo.

Kian: Lulusot ka pa diyan! Makakatikim ka talaga sakin eh!

Kevin: Kuya naman.

Kim: Heh! Alamin mo kung sino yung lalaking yon.

Kevin: Tsk...oo na!

Kian: Sa tingin niyo nag confess na kaya siya?

Kevin: Mukhang di pa naman kasi di niya alam na inlove na siya eh. Firstime niya mga bro.

Kim: Sabagay, di naman siya naglilihim satin kaya sa tingin ko hangga't walang pagtingin yung lalaki sa kaniya kalmado lang.

Kevin: Pero sandali lang wala naman sinabi si Kellang na lalaki yung nakita niya kahapon.

Kim: Aba'y oo nga no! Sabi niya nga pala kaklase raw.

Bineltukan sila ni Kian "Issue kayo eh noh? Malamang! Lalaki yon kahit ba pa boyish boyish yang si Kelly babae parin siya at alam kong alam niyo yun. Mga bwiset na to!" Tugon niya..

"Ay...oo nga sorry bro." Anila.

Kian: Sige na dalhin niyo na yang pagkain doon baka nagaantay na sa mesa si Kelly.

"Yes Sir." Anila.

Sa Labas,

Lumabas si Kelly na wari'y may hinahap "Nasan na kaya yung bato dine na hugis puso bakit nawala."

"Ginawa sigurong pangkalang nila kuya sa sasakyan."

"Kainis naman gagawin ko sanang koleksyon eh. Dat, pala nakuha ko na nung isang araw."

"Anong hinahanap mo?" Sabi nung isang lalaki.

Kelly: Bato ho...

Napatigil si Kelly "Si---sino ho kayo?" Dagdag pa niya.

"Maka ho ka naman sa tingin ko mag kasing age lang tayo."

Napaatras si Kelly malapit sa gate nila "Ah...eh...so---sorry." Aniya.

May inabot yung lalaki "Eto nga pala yema cake yan kami yung bago niyong kapitbahay."

Kinuha ni Kelly "Sa---salamat po magkano?"

"Ahahahaha...di naman yan binebenta dahil new comer kami dito kaya binigyan namin ang mga kalapit naming kapitbahay."

Kelly: Ahhh...ganun po ba.

"Wag mo na akong i-po ako nga pala si Renzo 21years old isa ako HRM student. Ikaw?"

Kelly: A---ako?

"Kelly! Ano bang ginagawa mo diyan? Pumasok ka na kakain na tayo." Pa sigaw ni Kian habang nasa loob.

Kelly: Opo andiyan na sandali lang.

" Sige ha? Tawag na kasi ako salamat uli sa pahabs. Hehehe...see you around welcome sa subdivision.

Renzo: Ah? Oo sige nice to meet you.

Kelly: Okay bye.

Pag pasok ni Kelly "I miss you mahal ko." Pabulong na sambit ni Renzo.

10am,

Nasa sala si Kelly at kausap sila Kian at Kevin habang nanonood "Ang tagal naman ni kuya Kim." Ani Kelly.

Kevin: Baliktad eh no? Kung sa ibang babae yan lalaki pinag aantay pero satin ikaw lagi na uuna samin mag bihis.

Kelly: Naka schedule na kasi mga isusuot ko kaya oks na.

Kian: Sus...palusot ka pa di ka kamo naliligo ng ayos.

Kelly: Asa naman kuya, grabe ka sakin.

Kevin: Tama naman si kuya takot ka kasi sa tubig nag kaka crush na eh mag ayos ka.

Kian: KEVIN!

Kelly: Anong crush? Wala noh!

Kevin: Ha---ha—ha...wala yon ikaw naman joke lang yun. He---he---he...

Kim: Oh, tara na.

Kelly: Tsss...kahit kailan talaga paka bagal mo kuya.

Kim: Ere na nga tara na.

Kelly: Humph...

Kim: Oh, sige alis na kami mga bro.

Kian: Sige ingat kayo mag motor ba kayo?

Kim: Um...para mabilis.

Kelly: Yown...kuya turuan mo nga ko mag motor.

"HEH!!!" Anila.

Pabulong-bulong si Kelly "Tsss...KJ!"

"Naririnig ka namin." Anila.

Kelly: Tsk...tara na nga kuya.

Kim: Ge alis na kami.

Kevin: Babysis sweet beans ko ha?

Kelly: EWAN!

At umalis na si Kelly iniwan si Kim "Hoy!" Ang pahabol na sambit ni Kevin.

Kim: Ako ng bahala ge na uwi rin kami agad.

Kian: Mag ingat kayo.

Kim: Um...

Pagbukas ng gate ni Kelly "Aalis kayo baby girl?" Ang bungad ni Ethan.

Kelly: Senior! Bakit ka nandito?

Hinalikan siya ni Ethan sa noo "Movie marathon sana tayo ng mga kuya mo eh tapos board game kaso aalis kayo?"

Natulala si Kelly at namula ang pisnge "Bro, andiyan ka pala." Bungad ni Kim at napatingin kay Kelly.

Ethan: Oo yayain ko sana kayo mag movie marathon at board game eh aalis pala kayo?

Siniko ni Kim si Kelly "Ahh...yun ba saglit lang kami uuwi rin agad pero andiyan sila kuya at Kevin pasok ka na."

Ethan: Sige dapat pala nag text muna ako kala ko kasi free kayong lahat pag weekend.

Tahimik parin si Kelly at wari'y nahihiya "Ah...pupunta kasi kami ni Kelly sa kaklase niya naubusan na kasi ng pagkain yung mga tarantula ko."

Ethan: Ohhh...ganun pala sama ko?

Kim: Ha? Di ba nakakaabala?

Ethan: Hindi wala naman akong pasok nag punta nga ako dito sa inyo eh. Ayos lang baby girl?

Tinapik ni Kim si Kelly sa may balikat "Ha? A---ano yon?"

Kim: Ha---ha---ha...sabi niya oo raw kaso naka motor lang kami may sasakyan ka ba?

Ethan: Ah...oo naka motor lang din ako.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts