webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 362

Kinabukasan, na gising si Kelly ng wala sa mood…

"Honey… maaga pa sorry na gising ba kita?" Ang sabi ni Patrick na nag susuot na ng sapatos nya.

"Maaga? Eh mag 7am na nga late ka na nga eh."

"Ah… eh… hindi pa naman Friday naman kasi ngayon kaya 8am ang pasok ko."

"Nga naman, pwede nga naman malate ang Chairman bakit nga ba ako nag sasabing mala-late ka eh ikaw nga pala ang CEO."

"Ho—Honey…"

Kelly rolled her eyes "bumaba ka na nga at sabihin mo kila kuya na pag bumaba ako dun gusto ko wala na sila don."

"Pe—Pero honey…"

"Kapag hindi ka sumunod sa sinabi ko pati ikaw gugustuhin kong lumayas na rin."

"O—Oo ere na nga lalabas na."

Pandalas naman na si Patrick at bago sya lumabas ng kwarto nila hinalikan nya muna si Kelly sa noo.

"Bye honey uuwi ako agad mamaya."

"Kahit wag na alam kong busy ka."

"Hindi naman honey tama lang makakauwi ako agad bago mag dinner."

"Wag kang mangako kung hindi naman matutupad baka masampal kita."

"Ho—Honey naman."

"Labas na!"

"O—Oo ere na."

At kumaripas na nga ng takbo papalabas ng kwarto nila si Patrick at nung makita sya ng mga kuya ni Kelly na nag aagahan "oh? Dahan-dahan at baka naman ika'y madapa." Ang sabi naman ni Kim.

Gasp….Gasp…

"Si Kelly po kasi masama ang mood."

"Maupo ka at kumain." Ang sabi naman ni Kian.

"Ah… eh… hindi na po kasi kung ako sa inyo mag mamadali na po akong umalis ng bahay."

"Ha? Ano bang nangyayare?" Ang sabi ni Keith.

"Eh… kasi sabi ni Kelly kapag bumaba sya dito at nakita nyang andito pa kayo malilintikan daw po kayo sa kaniya."

"Ano?!" Anila.

"Ano bang sinasabi mo? Kumain ka na nga muna gutom lang yan." Ang sabi naman ni Kevin.

"Pero kuya alam nyo naman si Kelly kapag galit talagang galit. Kaya bilisan nyo na umalis na tayo. Si mama pala nasan?"

"Namamalengke kasama si Jacob."

"Maupo ka nga at kumalma. Kahit naman galit satin si Kelly hindi nya tayo palalayasin dito." Ang sabi ni Kian.

"Pero kuya."

"Ganun lang sya talaga sya parang figure of speech nya na yon sanay na kami dun." Sambit naman ni Kim.

"Oo kaya chill, kumain ka na muna tignan mo hindi naman yun bababa agad dahil may toyo." Ang sabi naman ni Keith.

"Pero mga kuy's hindi dapat mastress si Kelly kahit na sinabi nya sating okay lang sya kilala nyo yun hindi talaga yon okay." Ang nag aalalang sambit naman ni Kevin.

"Tama si kuya Kevin mga kuy's." Ang bungad naman ni Julian na kasama si Jules.

"Oh? Di kayo nag sabi na pupunta pala kayo dine." Ang sabi naman ni Keith.

"Here may dala kaming egg pie para lumamig ang ulo ni babysis." Ang sabi naman ni Jules.

"Nako, mabuti ba kung makuha ng mga egg pie nyo yang si Kelly galit nga samin gusto pa kaming palayasin sa bahay." Ang sabi naman ni Keith.

"Kuya, kala ko ba figure of speech nya lang yon?" Ang nag aalang sambit naman ni Patrick.

"Ah… oo yun naman ang figure of speech ko. Hehe…"

"Kuya naman eh."

"Tama na nga yan. Jules, Julian ano lumabas na ba ang result ng inyo?" Ang seryosong sambit naman ni Kian.

Nagkatinginan naman yung kambal at nalungkot at umiling nalang kaya napabuntong hininga nalang ang mag uutol "wag kayo mawalan ng pag asa mga kuy's malay nyo ako mag match." Ang sabi naman ni Patrick.

"Ikaw?!" Anila.

"Ah… Opo nag pa test rin po ako at mamaya malalaman yung result."

"Pero hindi ka naman namin kamaganak." Ang sabi naman ni Kim.

"Minsan pwede yun kuya at sobrang rare nun at kahit satin mahirap talaga kung tayo ang mag dodonate ng bone marrow o stem cell kay daddy pangkaraniwan kasi brother and sister lang ang parating match mas mahirap pa ito sa pag dodonate ng dugo." Ang sabi naman ni Julian.

"Mukhang marami ka ng alam." Ang sabi naman ni Kevin.

"Ah… eh… actually gusto ko rin noon na maging doctor kaya may konti lang akong alam. He… He…"

"Kaya pala, pwede ka namang mag aral ulit gusto mo sabay tayo?"

"Gusto mo rin kuya?"

"Kevin?" Ang sabi nila Kian.

"Ah… hindi pa naman ako sure kuya pero parang gusto ko na kasing ituloy ang pagiging nurse ko sa pag do-doctor simula nung nalaman kong may sakit si Jules."

"Kuya…" Ang sabi naman ni Jules na para bang na touched sa sinabi ni Kevin.

"Oo kasi wala akong magawa kung hindi ang mag bantay lang ng vital sign nyo nun ni kuya Kian kaya naisip ko na siguro panahon na para ituloy ko ang journey ko sa pag do-doctor tutal gusto ko na rin naman. Ngayon pa na may sakit si daddy? Gusto ko syang alagaan."

Napabuntong hininga naman ang mga kuya nya at ang twins maliban kay Patrick na touch na touch sa sinabi ng bayaw nya "kuya mag aral ka akong bahala sayo sa inyo ni kuya Jules." Ang proud na sambit naman ni Patrick.

"Tsaka nyo na yan isipin sa ngayon hindi pa naman kayo doctor ilang taon din ang bubunuin nyo para maging doctor anong gusto nyong gawin natin aantayin pa kayong dalawa ni daddy para gumamot sa kaniya? Magiging okay rin naman sya kahit hindi kayo ang doctor nya. Pero masaya ako at may ganyan kayong adhikain sa buhay. Pero ngayon kasi kailangan natin ng bone marrow para sa tatay natin." Ang sabi naman ni Kian at natahimik naman ang mga kapatid nya ng biglang bumaba si Kelly.

"Oh? Anyare na? Bakit nandito pa rin kayo? Bakit hindi kayo mag hanap ng bone marrow para kay daddy?"

"Bu---Bunso…" Anila maliban kay Patrick na napatayo pa sa gulat.

"Ho—Honey sorry andito parin kami."

Naupo naman si Kelly sa bakanteng upuan at nakatingin sa kaniya ang lahat "bu—bunso kumain ka muna." Ang sabi ni Kevin na kabado.

Iniabot naman agad nung kambal ang dala nilang egg pie "egg pie para sayo babysis." Anila.

Kelly smirked "hindi nyo ko makukuha sa pa ganyan-ganyan nyo galit ako sainyo kasi nag sinungaling kayong lahat sakin pero hindi ko rin naman kayo masisisi pero ayoko ng maulit ang mga nangyare."

"Oo honey hindi na talaga mauulit pangako hindi na ko makikinig kila kuya." Ang sabi naman ni Patrick at ang sama ng tingin ng mga kuya ni Kelly sa kaniya. "So—Sorry mga kuy's kapatid lang kayo at asawa ako."

"Heh!" Anila.

"Tama na yan. Pare-parehas naman kayong may kasalanan pero may nalimutan ata kayo." Ang sabi naman ni Kelly.

"Nalimutan? Kami?" Anila.

"Baka nakakalimutan nyo may unang minahal si daddy at sa babaeng yon may naging dalawang anak sya ngunit nawala na ang isa. Kaya napakasama nyo naman para kalimutan si kuya Flin."

Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay-sabay sinabing "oo nga si kuya Flin!"

"Puro kasi kayo pride tignan nyo hindi nyo sya maalala kung hindi ko kayo mabubuking."

"Sorry na babysis." Ang sambit nila Kian.

"Ako honey na alala ko." Ang proud namang sambit ni Patrick.

"Tsss… ewan, wag ako."

"Jules, mamaya pwede bang pumunta ka dun para ma check si kuya Flin?" Ang sabi naman ni Kian.

"Oo kuya akong bahala."

"Huh!" Ang reaction naman ni Kelly at napatingin sa kaniya ang mga kuya nya. "Sabihin nyo nga, bakit ba gusto nyong tulungan si daddy? Hindi ba galit kayong lahat sa kaniya? Ikaw kuya Jules hindi ba galit na galit ka kay daddy dahil iniwan nila kayo ni kuya Julian para samin?"

"Hindi naman sa ganun babysis pero iba na kasi ngayon malala ang sakit ni daddy."

"So, dahil ba dun hindi na kayo galit kay daddy?"

"Well, okay naman si daddy kung tutuusin di naman nya kasalanan na magkaroon sya ng amnesia non at magkaroon ng ibang pamilya na naman." Ang sabi naman ni Kim.

"Ohhh… so, ang buong akala nyo pala talaga may ibang pamilya si daddy?"

"Ha? Hindi ba…"

"Walang ibang pamilya si daddy maling impormasyon yang nalaman nyo puro kasi kayo tamang hinala."

"Pero sabi ni daddy…"

"Yun na kasi ang alam nyo pero ang sinasabi nyang pamilya yun dahil nga yun ang pamilya na kumupkop sa kaniya nung nagkaroon sya ng amnesia pero ending wala syang ibang asawa o anak na naman."

"Ohhh…" Ang reaction nila.

"Sigh… lagi kasi kayong ganyan nga pala, pupunta dito si kuya Flin mamaya para malaman natin kung ano ang naging result ng lab test nya."

"A---ANO?" Anila.

"Bunso, ano ba yang sinasabi mo? Gising ka na ba talaga? Nakakulong siya aya paano naman sya makakapunta dine?" Ang sabi naman ni Keith.

Kelly smirked "yan, yan tayo eh wala kasi kayong alam laya na si kuya at ako ang nag hire ng magaling na abugado para mapalaya sya."

"WHAT?" Anila.

"Ayos ah, ano at what lang ang alam nyong salita ngayon?"

"Honey, don't tell me si Atty. Go yung kinuha mo?"

"Of course sino pa ba?"

"Ho—Honey, magaling nga sya pero grabe yun managa ng talent fee nya."

"Don't worry ibinenta ko muna ang isa sa mga collection mong sapatos."

"H—Ha?"

"Mamaya na tayo mag usap tungkol dyan at kayo naman mga kuy's wag kayong aarte kung dine manunuluyan si kuya Flin."

"Hi—hindi naman kami aangal." Anila.

"Good! Dahil na sakin ang alas kaya ako ngayon ang masusunod."

"Ye—Yes Bunso." Anila.

Lumulutang naman ang isipan ni Patrick dahil iniisip nya kung ano sa mga sapatos nya ang ibinenta ni Kelly "NOOOOOOO!!!"

"Problema mo Patrick?"

"Ho—Honey, kasi base sa talent fee ni Atty. Go yung sapatos na…"

Bumulong naman sa kaniya si Kevin "bro, hayaan mo na huhulog huhulugan nalang namin nila kuya at nila Jules at Julian."

"Pero kuya kung sa fee lang ni Atty. Go ang pag uusapan kulang pa ang sweldo nyo nila kuya."

"Bakit magkano ba ang fee ng attorney na yon?"

"Mahigit kalhating million po."

"ANO?!"

***

Extra,

Sa bahay ng mga Go kung saan naninirahan sila Atty. Gillar Go na ninong sa kasal nila Kelly at Patrick.

"Wow dad, sakin po talaga ito?" Ang sabi ng anak ni atty. Go na si Dr. Beil Go na isa rin sa mahilig mangolekta ng mga mamahaling sapatos.

"Yes my son ibinigay yan sakin ni Kelly bilang bayad nya sakin."

"Bayad po? Dad, hindi po ba napag usapan na natin yan hindi na kayo mag papabayad nangako kayo kay Mommy."

"I know, pero Kelly insists it kaya tinanggap ko nalang naalala kasi kita hindi ba yan nalang ang kulang sa brand na collection mo?"

"Opo pero sobrang mahal ng sapataos na ito dahil limited edition po ito alam nyo ba kung magkano ang ganito?"

"No, hindi naman ako mahilig sa ganyan."

"Daddy, 800, 000 pesos po ito."

"What? That insane."

"Yes Dad kaya sobrang nakakahiya naman kila Patrick I know mahilig rin sya mangolekta ng sapatos. Did you ask Kelly kung san nya ito binili? This is original not fake dad."

"I—I don't know son."

"I think kinuha lang ito ni Kelly sa mga koleksyon ni Patrick."

"Ma—Maybe? I don't know son maybe you call Patrick? You two are close right?"

"Why me? You call him."

"No, you must call him dahil ibinigay ko na yan sayo."

"Daddy, I'm your son not your client."

"Gotta go. Goodnight."

"Dad!!! Attorney Go!!!"

Who wants shoes? HAHAHAHA... Kelly for new sales lady of shoes. XD

lyniarcreators' thoughts