webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 341

"Yes Chairman naka ready na po ang lahat." Ang sabi ni Mr. Sensen kay Patrick na nasa loob ng kotse.

"Okay, tara na."

"Ho? Sasama po ako sa loob?"

"Aba'y ano pa? Secretary kita kaya dapat lang na samahan mo ko sa loob!"

"Haysss... napaka talaga nireng si Chairman umiiwas kay Madam tapos ngayon na gusto nya ng mag sorry kailangan kasama pa ko?" Pa bulong-bulong na sambit ni Sensen.

"Naririnig kita, bilisan mo na"

"Ah... Ha... Ha... Opo Chairman eto na po."

Patrick smirked at him...

Habang ibinababa ni Sensen ang mga inihanda ni Patrick para kay Kelly nakita sila ni Julian na noon ay kararating laang din lulan ng kaniyang big bike.

"Oh, kararating nyo lang din?"

"Opo kuya, kayo po ba?"

"Oo dapat nga kanina pa ko may pinuntahan pa kasi ako."

At bigla namang may lumabas si Keith "oh, andito na pala kayo bakit di kayo magsi pasok? Patrick, nasan si Kelly?"

"Ho?"

"Wala pa sya eh kala namin kasama mo."

Nagkatinginan naman sila Patrick at Sensen "pero... ang alam ko po nasa bahay sya, dito."

"Ano?! So you mean hindi ko kasama si Kelly?"

"Hi— Hindi po."

"Anak ng! Nasaan yon?"

Pandalas naman ng kuya ng Phone nya itong si Patrick para tawagan si Kelly pero hindi nya ito matawagan "Ano? Sumagot?"

"Cannot Be reached po kuya."

"Putek! Bilisan nyo pumasok na kayo at mag uusap tayo."

Na unang pumasok sila Keith at Julian at nag uusap sa bansang hulihan sila Patrick at Sensen "yes Chairman naka activate po ang tracking device sa sing sing ni Madam."

"Mabuti kung ganon ngayon track her para malaman natin kung nasan sya. Sana lang nasa maayos syang kalagayan."

"Wag kayong mag alala manalig kayo kay Lord ayos lang si Madam at ang baby nyo."

"Sana Bro, sana dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari ng masama sa mag ina ko. Hindi ko mapapatawad ang sarli ko."

***

Unti-unti namang kinakadkad ni Kelly ang lubid sa kamay nya sa mag gilid ng pader sa naka usling bakal habang busy na nag lalaro ng majong ang mga taong bantay nya.

"Bwiset, maputol ka na!!!" Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly ng biglang May paparating.

Dinala si Kelly ng lalaking kumidnap sa kaniya sa hospital sa isang bakanteng talyer. Nagising nalang syang naroroon na sya may tali ang kamay at paa.

"Kamusta ang bihag?" Ang sabi nung lalaking hindi maaninag ni Kelly dahil nasisinagan ng ikaw ang mukha nito.

"Ayos Boss hindi pumapalag."

"Good, siguraduhin nyong hindi makakawala yan dahil kung hindi kayo ang malilintikan sakin. Naiintindihan nyo?"

"Yes Boss."

"HOY! Ikaw! Bakit mo ko pinakidnap?!" Ang sigaw ni Kelly na para bang iniinis nya pa yung Boss ng nga gangster.

"Huh! Tinatanong mo kung baket?" Sagot nung Boss at unti-unti itong lumalapit kay Kelly gang sa...

"Kuya... Flin?" At na silayan na nga nya ang taong nag pa kidnap sa kaniya.

"Oo ako nga long time nosy my dear babysis."

"Ba— Bakit mo ginagawa ang ganito sakin? Naging mabait kami sayo kuya. Ano bang problema mo?!"

"TAHIMEK!" Pinaputok nya yung baril nya kaya sa gulat ni Kelly napa luha sya dahil unti-unti na rin syang natatakot.

"Ku— Kuya... Bakit mo ginagawa toh?"

Sinakal sya ni Flin "ku— kuya..."

"Huh! Kuya? Kailan ba kita naging kapatid? HINDI KITA KAPATID! Dahil ang kapatid ko ay wala na! NAIINTINDIHAN MO!" Then he forcedly let go of her.

"Cough... Cough... kuya...."

Tumalikod naman na itong si Flin at sinabing "lagyan nyo ng tape ang bibig ng babaeng yan! Wag pakainin hangga't hindi ko sinasabi! Naiintindihan nyo?"

"Yes Boss." Sagot ng mga goons.

Mabalik tayo sa bahay ng mga Dela Cruz...

"Sa isang talyer? Ano namang gagawin doon ni Kelly?" Ang sambit ni Keith.

Bineltukan naman sya ni Faith "gunggong malamang nga na kidnap si Bunso!"

"Na kidnap ang baby girl ko?" Ang sambit naman ni Keilla at nahimatay ito buti nalang nasalo agad sya ni Julian at ibibigay sa sofa.

"Ako ng bahala sa kaniya." Ang sabi naman ni Kevin na kararating lang non.

"Ano ng gagawin natin? Baka kung mapaano si Kelly." Ang nag aalalang sambit ni Faith.

"Wag kayong mag alala sasabihan ko ang mga ka samahan kong sundalo na hanapin si Kelly." Ang sabi naman ni Julian.

"Sandali lang hindi tayo pwedeng mag pa dalos-dalos." Ang sabi ni Kim.

"Tama si kuya at kung na kidnap nga si Kelly sure akong hihingi ng ransom ang mga yon para ipatubos si Kelly." Ang sambit ni Kevin na nag papa amoy ng ammonia sa Nanay nila.

Napa tingin naman si Keith sa nakatulalang si Patrick kaya sinapak nya ito "KEITH!" Ang sambit ni Kim at Faith na umawat agad.

"Ano bang ginagawa mo?!" Ang pa galit na sambit ni Faith.

"Dahil sa lalaking yan kaya na kidnap si Kelly!"

Inalalayan naman ni Sensen na tumayo si Patrick "sorry po kuya..."

"Sorry? Huh! Bitawan nyo ko!!!"

Sinapak rin naman ni Kevin ang kuya Keith nya para kumalma "ano ba kuya?! Nawawala na nga si Kelly nag aaway pa kayo?!"

"Huh! Sige kampihan mo ang isang yan palibhasa girlfriend mo ang kapatid nyan. Tignan natin kung anong gagawin mo kapag may nangyare ng masama sa kapatid natin!"

Lumuhod naman si Patrick at sinabing "pa—pangako po iuuwi ko ng ligtas ang mag ina ko."

"Paano mo naman gagawin yon? Superhero ka ba?" Ang bungad ni Kian na kababalik lang galing sa hospital.

"Kuya..." Ang sabi nilang lahat.

Inalalayan naman ni Kim at Julian si Kian na nahihirapan pa sa kaniyang pag lalakad kasama rin naman nito si Rica na may dalang mga gamit.

"Ano bang nangyayare? Nawala lang ako gumulo na sa bahay na ito." Ang sabi ni Kian at na upo muna sa sofa.

"Anong nangyare kay Mama?" Ang nag aalalang sambit naman ni Rica.

"Ayos na sya age nahimatay lang pero mamaya gigising na rin yan." Ang sabi naman ni Kevin.

"Ipasok nyo na muna si Mama sa kwarto nya baka pag na gising na naman yan mahimatay na naman yan kapag nalaman nyang wala pa si Kelly." Ang mahinahong sambit ni Kian.

"Sige ako ng bahala kay Mama." Ang sabi naman ni Kevin at binuhat nya nga ang Nanay nila.

"Keith!" Ang parang nagagalit na sambit ni Kian kaya kinabahan naman itong si Keith.

"Ku— Kuya..."

"Upo!"

"O— Oo kuya."

"At ikaw Patrick umupo ka na rin you don't need to kneel down. Wala kang kasalanan dahil wala naman sa atin ang may kagagawan kung bakit sya na kidnap."

"Kuya? Bakit parang may alam ka?" Ang nag hihinalang sambit ni Kim.

"Habang inaayos ko ang papeles ng kuya nyo para sa discharge nakita mismo ng dalawa kong mata si Flin." Ang sabi ni Rica.

"Si kuya Flin?" Anila maliban kay Kian na alam na ang buong kwento.

"Oo si kuya Flin ang tingin namin ni Rica na nag pa kidnap kay babysis." Ang sabi ni Kian at inilabas nya ang usb. "Nandito ang buong cctv footage kung paano parating nag mamasid si Flin sa hospital." Dagdag pa nito.

"Pero paano? Bakit?" Ang sabi naman ni Kim.

"Sa ngayon na sabihan na namin ni Rica ang mga pulis mag antay nalang tayo ng tawag mula sa kumidnap kay Kelly."

"Yung pagka wala ni Kelly nakuhaan ba ng camera?" Ang tanong naman ni Keith.

"Sa kasama ang palad walang nahagip ang camera dahil may foul play talaga deleted yung record ng oras kung kailan nawala si Kelly."

"Putek!!! Puntahan natin sa talyer na yon si Bunso!" Ang galit na galit ng sambit ni Keith.

"Hindi pwedeng gumawa tayo ng hakbang ng hindi alam ng mga pulis isa pa hindi sapat ang ibidendsya natin para kay Flin."

"Ako ng bahala sa gamit kuya basta sabihan nyo lang ako susugod kami ng team ko." Ang sabi ni Julian.

"Salamat tol." Sambit ng mga kuya nya.

"At ikaw naman! Ano mag sasawalang kibo ka nalang?!" Ang naiinis ng sambit ni Keith na balak na namang sugudin si Patrick pero pina upo sya ni Kian.

"Pero kuya! Ni hindi man lang mag react ang isang yan! Asawa at anak nya ang pinag uusapan dito!"

"Tumigil ka na!"

"Pero kuya..."

Tumayo si Patrick at sinabing "si kuya Flin rin po ang may kagagawan kung bakit nag ka problema ang SM Corp. nitong nakaraan. Kasabwat po sya ni kuya Richmond."

"Ano?!" Anila.

"Napag alaman po kasi namin na may illegal na gawain si kuya Flin pina background check ko po sya at isa po syang drug lord at may illegal na pag angkat rin sya ng mga sasakyan na mga magagara gaya nung ginamit nya nung una kayong magkita kita."

"Nalaman rin po namin na isa pala syang nag tatagong criminal dahil lulong sa droga napatay nya ang asawa at anak nya." Dagdag pa ni Sensen.

"Ano?! Nagawa nga yon?" Ang sabi ni Faith.

"Tapos ang lakas ng loob nyang nakasama ang SM Corp? Bait baitan lang pala ang mokong na yon sa inyong magkakaptid." Ang sabi naman ni Rica.

"Hindi ba tama ako? Kayo lang eh naniwala kayo sa mabubulaklak na salita ng isang yon." Ang sabi naman ni Kim.

"Tama na yan. Uunahin pa ba natin yan Kim? Si Kelly at ang future pamangkin natin ang nakasalalay dito."

"Sorry kuya..."

"Sige Patrick sabihin mo may pina plano ka na ba?"

"Opo kuya kailangan ko lang po ng tulong nyong lahat."

Emeged! Sorry po ngayon lang naka pag update sobrang busy lang po. ಥ‿ಥ

-anyways, may update din po ako ngayong araw sa dalawa ko pang tagalog novel ang:

• Chasing Her Smile

• PRIDE of Friendship

-don’t forget to add to your library and vote! Thankies po. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts