webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 247

Araw na ng graduation...

Nagtapos ng may mataas na karangal si Kelly at ang nanay at ang mga kuya niya ang nag sabit ng medalya sa kaniya at talagang pinag kaguluhan ang pamilya niya dahil sa ganda ng kaniyang talumpati at higit sa lahat maraming nabighani sa mga nag gugwapuhan niyang mga kuya na pormal na pormal ang kasuotan na parang men in blue dahil napagpasyahan nila Kian na kulay blue ang isuot na Americana na may hood para maipakita kung gaano nila ikinagagalak na maging kapatid si Kelly. Sobrang proud na proud sila dito at syempre ang kanilang nanay rin ay hindi nag pa kabog dahil ang suot rin nitong dress ay may hood, floral na off shoulder na kulay blue rin ang kasuotan nito.

"Hindi hadlang ang paglalaro ng online games para makapagtapos ng pag aaral. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal ang kabataan ang pag asa ng bayan. Kaya sa mga magulang, guro, kapitbahay nating chismosa hehe... sinalo ko na rin po sila pang karaniwan po kasi sa mga ganyan gamer din ang anak." Ang pabiro pang sambit ni Kelly at nag tawanan ang buong madla.

"Si Kelly talag kahit kailan lukaret." Ang sabi ni Vince.

"Nais ko lang po na sabihin na hindi porket gamer ang anak niyo ah hindi na nag aaral pero opo may mga anak talagang hindi nag aaral kasi hindi nila ramdam ang suporta ng mga magulang o kahit mga kapatid hindi ko naman sinasabi suportahan niyo po ang mga gamer n'yong anak at kunsintihin nalang ang sa akin lang po ay pag tuunan niyo parin sila ng pansin para gaya ko makapag tapos din sila ng pag aaral na may mataas na marka." Dagdag pa ni Kelly at nag palakpakan ang lahat.

"Galing talaga ni Master mag salita." Ang sabi ni Dave.

"Oo nga eh kala ko di siya mag sasalita kasi di ba napaka mahiyain niya." Ang sabi naman ni Harvey.

"Sigurado akong nay kapalit yan." Ang sabi ni Vince.

"Ano naman?" Ang sagot nung dalawa.

"Ewan pero sigurado akong meron dahil kilalang kilala ko yang si Kellang. Sandali nga bakit magkakatabi na tayong tatlo? Hindi naman mag makakasunod ang mga surname natin ah."

"Ayos lang yan pre malapit na kasi matapos tska di lang naman tayo ang wala sa sarili nating upuan halos lahat. Tignan mo." Ang sabi ni Dave at nag palinga linga nga si Vince.

"Anyare?"

"Nagkagulo na kasi nung nag tawagan na ng nga honor list alam kasi ng lahat na patapos na." Ang sabi ni Harvey.

At sa pagtatapos na mensahe ni Kelly sa kapwa niya mag aaral "Sa kapwa ko mag aaral nais ko lang sabihin na GRADUATE NA TAYO!!!!"

Nag hiyawan ang mga mag aaral pero di pa doon nag tatapos ang talumpati ni Kelly "At dahil nga tapos na tayong mag aral alam niyo na ang kasunod TRABAHO!!!" biglang tumahimik "Oh, di ba biglang tumahimik kahit ako hindi ko parin alam kung saan ako pagtapos ng ilang linggong graduate pero isa lang ang sigurado ako ito na ang simula ng pag harap natin sa realidad kaya pilitin nating maibalik ang mga sinakripisyo ng mga magulang, kapatid o sa kahit na sinong tumulong sa inyo na makapagtapos. Alam ko ilan sa inyo mayaman na at hindi na kailangan pang mag hanap ng trabaho kasi pwede naman kayong pumasok sa negosyo ng mga magulang niyo pero sa nga gaya kong ordinaryong mamayanan lang mag sumikap tayo para sa kinabukasan natin. Enjoy life and be happy. Yun lamang po maraming salamat. Kelly Ann Marie Dela Cruz para pagka mayor wag niyo pong kakalimutan sa darating na halalan. Hahahaha..."

Sa pagtatapos ng talumpati ni Kelly talagang napatawa at napaluha niya ang karamihan sa kaniyang kapwa mag aaral at dumiretso sya sa kinauupuan ng kaniyang nanay at niyakap ito.

"Ma... Salamat po."

Nakatingin lang at nakangiti ang nga kuya niya habang yakap nito ang kanilang ina "I'm proud of you my Princess pagbutihan mo sa pagharap sa realidad andito lang kami ng mga kuya mo para sumuporta. Kung andito lang sana ang Daddy n'yo sigurado akong proud na proud din yun sayo baby."

"Ayos lang po yun Ma sigurado naman na nakikita tayo ni Daddy at tuwang tuwa yun dahil lahat kaming mag kakapatid ay nakapag tapos na. Kaya Kelly wag mong kakalimutan na kahit tapos ka na ng pag aaral ikaw pa rin ang Little Princess KellNg namin ng mga kuya mo na handang sumuporta sa tatahakin mong new journey." Ang sabi ni Kian.

"Ahhhh...Kuya..." Ang sabi ni Kelly na parang bata na naiyak at niyakap rin niya ang mga kuya nya at ganoon rin naman ang mga ito sa kaniya.

"Congrats baby sis." Ang sabi nila sa kapatid.

"Maraming salamat talaga mga kuy's kung wala kayo di ko na alam kung paano ako makakapagtapos salamat po kasi andiyan kayo para sermunan ako pag nagkakamali ako at sorry din po kung pasaway akong bunso sa inyo."

"Sshhh.... tama na nga yan baka humagulgol ka pa dine nakakahiya pinag titinginan na tayo. Pero sobrang proud na proud kami ng nga kuya ko sayo bunso naming pasaway." Ang sabi ni Kian.

"Boohoo... kuya..."

"."

Matapos ang moment ng mag kakapatid at ng kanilang nanay nag kuhanan rin di sila ng mga larawan kasama rin ang tropa ni Kelly na sila Vince, Harvey at Dave at iba pa niyang mga kaklase at mga guro na naging part ng kaniyang magulong kolehiyo pero masayang naging pagtatapos ng kaniyang kabataan. Ngayong nagtapos na sya ng pag aaral haharapin na ni Kelly ang consequences ng totoong buhay ng pagiging adult. Hindi naman sya minamadali ng mga kuya at ng nanay niya na makapag hanap ng trabaho dahil alam ng mga ito na isip bata parin naman si Kelly.

Makalipas ng isang linggo,

"KELLYYYYYYY!!!!"

Nabulabog sa tawag ng kaniyang pangalan si Kelly "Ano ba yon? Ang aga aga pa eh."

Ilang araw matapos ang graduation ni Kelly napag pasyahan ng pamilya niya na umuwi sa Batangas dahil gusto mag celebrate ng mga kamaganak nila doon kaya parating maaga nagising sila Kelly at Vince para magpakain ng mga alaga nilang hayop sa kanilang farm "Ano? Bakit di ka pa diyan bihis? Bilisan mo na ngayon ang araw kung paano tayo tuturuan mag gatas ng baka." Ang sabi ni Vince na sya ring sumigaw sa pangalan ni Kelly.

"Ayoko!"

Humiga na naman si Kelly sa kaniyang kama "Ano? Hindi pwede pati ako mapapagalitan kapag hindi ka pa bumangon diyan!" Hinihila na niya si Kelly pero ayaw talag nitong matinag sa pag kakahiga.

"Ayoko nga kung gusto mo ikaw nalang!"

Hawak-hawak pa rin sya ni Vince "Hindi nga pwede ayokong masabon ng mga kuya mo."

"Maligo ka kasi para di ka nila sabunin."

"Ano? Ibang sabon yang sinasabi mo bungol! Idiomatic expression lang yon."

"Whatever! Labas! Ayoko pang bumangon inaantok pa ako. Tsaka ayoko mag gatas ng baka."

Tumayo si Vince at mukhang inis na kay sapilitan nyang binuhat si Kelly "Hoy!!! Saan mo ko dadalhin?"

"Kung ayaw mong makuha sa santong dasalan baka sa santong paspasan."

Nag pupumiglas si Kelly sa pagkakabubag sa kaniya ni Vince "Bitawan no nga ko!!!"

"Tumigil ka nga! May isa ring rason kaya kita minamadali dahil andiyan ang ate ni Patrick."

Napahinto si Kelly sa pagpupumiglas "Si ate May?"

"Abay oo mag iba pa bang kapatid na babae si Patrick?"

"Bakit di mo sinabi agad?!"

Gamit ang kaniyang binti inipit niya ang leeg ni Vince hanggang sa bumagsak sila at tumayo agad si Kelly at bumalik sa kaniyang kwarto "KELLYYYY!!!!" Ang sigaw ni Vince na hindi makatayo dahil sa masakit na pagbagsak niya.

"Bwiset na yan, bakit kasi di ako nag aral ng martial arts nung bata ako!!!!"

Samantala sa may terrace ng bahay nila Kelly sa Batangas...

Kausap na ni May ang nanay ni Kelly at si Kevin at narinig rin nila yung pag sigaw ni Vince.

"A— Ayos lang po ba si Kelly?" Ang nag aalalang sambit ni May.

Nagkatinginan yung mag nanay "Ha... Ha... okay lang po sya pahirapan kasi talagang gisingin si Kellang kapag andito po kami sa Bantangas." Ang sagot ni Kevin's

"Oohhh... I see. He... He..."

"Pasensya ka na sa anak ko medyo isip bata pa rin kasi sya kahit 20years old na sya."

"Nako, ayos lang po wag kayong mag alala ganun din naman po kasi ako kahit na may asawa na ako. He... He..."

"Ohhh... sa tingin ko close kayo ni Kelly."

"Ha... Ha... Ma opo kaibigan niya si Kelly at sya rin po ang director sa DLRH kung saan ako nag tatatrabaho." Ang sagot naman agad ni Kevin na medyo may kaninaan dahil nahihiya sya kay May.

"Ano? Bakit naman di mo agad sinabi sakin?" Ang pagulat na sambit ng Nanay niya at napatayo ito agad at humingi ng tawad kay May.

"Nako, hindi niyo naman po kailangan humingi ng tawad maupo na po kayo." Ang sagot naman ni May at inalalayang maupo si Keilla.

"Sorry po Ma'am hindi ko na inform agad si Mama." Ang sabi ni Kevin.

"Ate May!" Ang bungad ni Kelly at niyakap sya nitong agad.

"Kelly baby I miss you." Ang sagot ni May.

Napatingin naman si Kelly sa nanay at kuya niya habang yakap sya ni May "Sorry kung hindi na kita nabati nung graduation niyo medyo naging busy ako matapos umalis sila Dad papuntang America."

"O— Okay lang po naiintindihan ko naman po kayo."

"Sorry talaga ha? Babawi ako sayo kaya nga andito ako eh."

Bumulong si Kevin sa nanay nila "Ma, tara hayaan na muna natin sila."

"Oh sige."

"Sige po Ma'am May iwanan na po muna namin kayo ni Kelly dito mag papakuha na din po kami ng makakain niyo."

"Sa— San kayo pupunta kuya?" Ang pabulong ni Kelly.

"Maglalaba pa kami ni Ma di ba po Ma?"

"Maglalaba? Hindi ba si Jingkay ang taga..."

"Ha... Ha... Sige na Ma baka tanghaliin tayo. Kelly, ikaw na bahala kay Ma'am May." Ang sambit ni Kevin habang tinutulak niya ang Nanay nila papasok ng bahay.

"I ain't know na naglalaba pala si Kevin? Kahit lalaki sya?"

"Ha... Ha... Opo masipag po kasi si kuya. He... He..."

Pero sa isip-isip ni Kelly "Pero pag na samin lang sua sa Manila naglalaba dahil dito si ate Jingkay naman ang taga laba nila Lolo kaya pati damit namin kasama na din. Ano naman kaya ang gustong mangyari nireng si kuya."

"Kelly?"

"Hmm?"

"Can we talk?"

"Opo naman sige po maupo kayo pasensya na po di ito gaya ng bahay niyo probinsiya kasi pero fresh po ang hangin dine."

"It's okay lang naman gusto ko nga ang ganitong buhay eh simple lang at masaya."

"Hehe... Opo mamaya ililibot ko po kayo sa farm nila lolo at lola para naman makawala kayo sa stress niyo. Hehe."

"Alam mo ang bait mong bata kahit na sa inyo naman yung farm pero hindi mo inangkin at sinabi mo pang sa grandparents mo. If it's not you baka sabihin nila ang opposite nito."

Napahawak si Kelly sa ulo niya na parang bang nahihiya "Ah... eh nakasanayan lang po tinuruan po kasi kami ng lolo at lola namin na wag mangakin kung hindi naman sa amin. Ay, nag rhyme...hehe... mangakin then amin hahaha..."

Habang natawa si Kelly pinagmamasdan lang sya ni May at sa isip-isip nito "That's why I like her sobrang simple ng kasiyahan niya paano ko kaya sasabin sa kaniya ang ginawa ni Patrick? Bwiset ka talaga Patricio!!!"