webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 245

At sa magkaparehong oras sa may garahe kinukulit ni Kelly ang kuya Kevin niya...

"Wag ka ngang makulit Kelly napaka pag sinabi ngang hindi pwede, hindi nga pwede!"

"Pero kuya mag iingat naman ako eh."

"Kahit na! Magagalit sakin sila kuya pag kinunsinti na naman kita!"

"Pero kuya wala ka namang duty ngayon ah! Kaya para walang disturbance sayo ako nalang mag momotor wag ka ng sumama sa school uuwi rin ako agad pagtapos ng practice."

"Tumigil ka! Wag mo kong hintayin na magalit sayo Kelly ang kulit kulit mo!"

"Humph!"

Nag tampo na si Kelly at papasok na sana sa loob "Saan ka pupunta?"

"Sa loob!"

"Galit ka?"

"Hinde!"

"Kelly Ann Marie!!!"

"Ano ba naman kuya?! Kainis eh!"

"Okay! Ikaw mag drive."

Tuwang tuwa si Kelly at sumakay agad sa motor "The Best ka talaga kuya promise iingatan ko motor niyo ni kuya Kim."

"Talaga kasi aangkas ako."

"Ano? Kuya naman!!!"

"Ano gusto mo di ka mag drive o ikaw ang umangkas?"

Kelly smirked "Oo na! Pero kuya pag pauwi wag ka na sumabay ha? Mag biyahe ka nalang."

"HEH!"

Makalipas ang isang oras,

Papasok na ng school sila Patrick at Dave at sakto rin namang kararating lang nila Vince at Harvey "Yow!!!" Ang sabi ni Dave at tumigil muna sila sa may malapit sa gate.

"Oh, himala ang aga niyo ata." Ang sabi ni Harvey.

"Ewan ko nga ba diyan kay dide ang aga inaantok pa nga ako eh."

Ang sama ng tingin ni Patrick kay Dave at wala rin sya sa mood "May problema ka?"

Nag tago naman si Dave sa likod ni Vince "Chill dude joke lang naman eh."

"Tsss!"

"Ano ba namang ginagawa mo dyan sa likod ko? Tsupi!" Ang gigil na sambit ni Vince.

Skreeeeekkkkk....

"Kelllllllyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!" Ang sigaw ni Kevin.

"Kelly?" Anila Patrick at konti nalang talag ay muntik na silang mabangga nito.

Hinubad ni Kelu yung helmet niya at parang na slowmo pa ang pag wave ng buhok niya at nakatulala si Patrick "It was a nice trip right kuya?"

Binatukan ni Kevin si Kelly "Kuya naman!"

"Ang sabi ko sayo mag ingat ka! Paano kung nabangga mo sila? Hinding hindi ka na talaga makakapag motor!"

"Kuya!!!"

"Heh!"

"Hindi ko naman sila na hanggang eh di ba guys?"

Nanginginig ang mga tuhod nila Vince, Harvey at Dave "Guys?"

Kevin sighed "Pasensya na kayo ha? Ang kulit kasi niyan muntik pa tuloy niya kayong mabangga. Ayos lang ba kayo? Wala bang nasaktan?"

"A— Ayos lang po kami." Anila maliban kay Patrick na tulalang tulala kay Kelly.

"See! Ayos lang sila."

"Heh! Tumigil ka! Hinding hindi ka na talaga makapag momotor!"

"Humph!"

Lumapit agad si Dave kay Patirck at siniko ito "Dude! Yung bibig mo baka napasukan ng langaw."

"Ha?"

"Langaw pumasok na sa bibig mo."

"Ano?"

Dali-dali namang dumura si Patrick na buong akala ay may langaw talaga ang kaniyang bibig "Ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Kelly agad at sa pag aalala nito napahawak sya kay Patrick.

Tinabig naman ni Patrick ang kamay ni Kelly at sinabing "I'm fine."

Nagulat naman ito sa sinabi sakaniya no Kelly kaya sumingit agad sa usapan si Dave "Ha... Ha... Medyo pangit kasi ang gising niyan kaya wala sa mood. Ha... Ha..."

"Sorry pero mauna na ako."

At umalis na nga si Patrick "Pa— Patrick!!!" Ang pahabol na sambit ni Kelly na balak niyang sundan ito pero pinigilan sya ni Kevin.

"Kelly! He said he's okay so don't worry."

"Pero kuya...."

"Ha... Ha... Oo okay lang yun Master baka na ccr kaya nag mamadali. Sige sundan ko muna baka walang dalang tissue. Ha... Ha... Ha.

"."

Ilang oras na ang lumipas at huminto muna sa pag papractice ang mga magsisipagtapos "Nakakapagod din mag paulit ulit ng lakad ha. Bakit kasi kailangan pa natin mag practice alam naman na natin ang gagawin at sasabihin." Ang sabi ni Vince na nakaupo sa tabi ni Kelly sa may cafeteria at nag mimirienda kasama rin si Harvey.

"Ganun talaga para sure at walang mali." Ang sagot naman ni Harvey.

"Humph! Paulit ulit na nga eh mukha na tayong bungol."

Sumenyas naman si Harvey kay Vince para kay Kelly na nakatulala lang at hindi kumakain "Pis?"

"Hmm?"

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan tulala ayaw mo ba ng snacks mo?"

"Hindi ako gutom. Sige sainyo nalang mag papahangin muna ako."

"Ha?"

At hindi na nga nila napigilan si Kelly na lumabas ng cafeteria "Hindi pa ba sapat ang hangin ng aircon kay Master?" Ang pasulpot na sambit ni Dave.

"Ay kalabaw!" Ang pagulat na sambit ni Harvey.

"Ano ba?!!!"

"Sakin nalang itong egg pie ni Master."

"Heh!" Ang sagot ni Vince at pandalas kinuha yung pagkain ni Kelly.

"Damot nito ayaw naman ni Master eh."

"Heh! Tsaka bakit ba basta ka nalang kung sumulpot? Nasan si Patrick?"

"Oo nga nasan? Hindi mo ata kasama."

"Ewan ko ba dun sabi niya lilibre niya ako sa cafeteria pero nung sinabi kong andito kayo umatras na."

"Nag away ba sila?" Ang sabi ni Harvey.

"Hindi ko alam pero parang umiwas na naman itong si Dude kay Master eh."

"Lagi nalang silang ganyan."

Samantala lumabas si Kelly at nag punta sa may waiting shed at may nakitang nagtitina ng cotton candy "Ma'am bili kana para naman mag smile ka." Ang sabi nung nagtitindang hindi matanda ang lalaki.

Nag pa linga-linga si Kelly kasi hindi siya sure kung sya nga ang kausap nito "A— Ako po?"

"Um. Halika masarap yung cotton candy ko."

Umiling si Kelly "Nako, hindi na po matapos po kasi yan at di po ako mahilig sa matatamis."

"Ay... bakit naman? Alam mo iha sa buhay kailangan ng tamis para hindi puro pait para sumaya tayo."

"Mukhang expert na po kayo sa pagtitinda kasi may pa advice pa po kayo."

"Hindi naman sa ganon mukha lang kasing kailangan mo ng kausap."

Naupo si Kelly sa may waiting shed kung saan nauupo at mag papahinga si Manong. "Paano niyo naman po nasabi na kailangan ko ng kausap?"

"Alam mo 68years old na ako at marami na akong nakikitang iba't ibang tao dahil sa pagtitinda ko at ikaw lang ang tanging nakita ko na kailangan talaga ng payo."

"Eh? Manong talaga ako lang po talaga?"

"Alam mo iha hindi lahat ng problema ay dapat problemahin minsan kailangan ngitian mo lang ito. May anak rin akong gaya mo kasi na pariwara ayun maagang na buntis iniwan pa sya ng asawa niya siguro dala na rin ito ng estado namin sa buhay. Kapag kasi mahirap ka karamihan na ang ganitong pangyayari sa buhay pero alam mo ang ginawa ko sa anak ko?"

"Ano po?"

"Hindi ko sya pinagalitan kung hindi niyakap at kinausap ko sya. Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko lang masaya kahit na kinakapos sa buhay. Ikaw mukhang may kaya ka naman bakit ka malungkot?"

"Nako! Wala po ah blessed lang po kami nakakain ng tatlo beses sa isang araw at may maayos na natutulugan."

"Alam unang kita ko palang sayo alam ko ng hindi ka mapagyabang na tao. Yun nga lang pakialamera ka."

"Ho? Grabe naman kayo sakin Manong."

"Hahaha... Don't get me wrong in a good way naman ikaw kasi yung tulong ng tao na sobrang matulungin kapag alam mong may problema yung isa gusto mong makialam para mag pumilit na tumulong tama ba?"

"Ahhhh... kala ko po kc iba yung ibigsabihin nyo eh mag wa-walk out na po sana ako eh. Hehe."

"May problema ka ba sa pamilya o sa kasintahan o kaibigan?"

"Nako, wala naman po."

"Halata sa mata mo."

Binigyan niya si Kelly ng cotton candy "Oh, kainin mo libre ko na sayo sigurado akong mapapangiti at makakalimutan mo diyan ang problema mo."

"Ho? Pero di po kasi ako talaga nakain ng ganyan pero wait lang po..."

Dumukot si Kelly sa kaniyang pants ng wallet at kumuha ng 500pesos "Ayan po, inyo na yan umuwi na po kayo para di na kayo mapagod mag tonda."

"Ha? Pero ang laki nito 10pesos lang yan."

"Ayos lang po! Namiss ko po kasi bigla ang mga lolo at lola ko sa inyo at salamat po sa mga aral na binigay niyo sakin."

"Pero... hindi ko ito matatanggap."

"Sige kayo pag di niyo yan tinanggap magagalit ako sa inyo tapos papaalisin ko kayo dito alam niyo po bang bawal dito mag tinda?"

"Ay... ganun ba pasensya na pagod na kasi ako mag lakad kaya naupo muna ako."

Kinuha ni Kelly ang kamay nung Manong at po ulit iabot yung pera "Kaya nga po kunin nyo na ito at umuwi na kayo sa pamilya niyo. Kulang pa po ba? Sandali lang susunduin naman ako ng kuya ko bibigay ko na din yung pamasahe ko sainyo."

"Nako hindi na. Sobrang bait mong bata sana makahanap ka ng taong katulad mo para lumigaya ka sa buhay."

Binigyan niya pa ng apat na cotton candy si Kelly "Pero Manong okay na po ako sa isa."

"Alam kong may mga kaibigan ka kaya ibigay mo yang mga yan para naman kahit yan eh maibigay ko sayo ang laki ng naitulong mo sa akin eh."

"Nako... Wala po iyon ayoko lang po kasi talaga ng may matanda ng naglalako ng kung anu-ano sa kalsada ang init po kasi kaya mag iingat po kayo ha? Uso po ang heatstroke teka ibibili ko po kayo ng tubig."

"Hindi na kailangan meron akong Baon sa bag. Maraming salamat talaga iha napakabait mo."

"Kelly nalang po kayo po?"

"Ohh... Kelly ako naman si Mando. Tawagin mo nalang akong lolo Mando."

"Ahhh... Sige po lolo Mando bukas po ba mapapadaan uli kayo dito?"

"Hindi ko pa alam eh kasi may sakit ang asawa ko at nasa hospital sya hindi niya nga alam na andito nagtitinda pero Wala naman aking magawa kulang ang pambayad namin kasi naoperahan siya may diabetes sya at kinailangang putulin ang mga binti niya."

"Nako!!! Sorry po may maitutulong po ba ako?"

"Malaking tulong na itong binigay mo wag ka ng mag alala. Sya sige aalis na ako ha? Para makauwi na din ako at maibili ng pagkain ang asawa ko."

"Si— Sige po Ingat po kayo ah?"

"Oo ikaw rin wag ka laging sad mag smile ka lang kahit may problema ka."

"O— Opo pangako lolo Mando."

"Sige Kelly."

At umalis na nga si lolo Mando at pinagmasdan lang sya ni Kelly habang papaalis at bigla nalang din syang napaluha "Ano ba yan! Bakit ba naiyak ako? Bakit kasi hindi nalang naging patas ang mundo bakit kasi may mayaman at mahirap pa! Lord!!! Bakit kasi ganito?"

Iyak lang ng iyak si Kelly ng biglang May nakakita sa kaniyang isang lalaki "Miss, are you okay?"