webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 243

"Ding... Dong..."

Naglalaro ng boardgames sila Kelly ng biglang may nag doorbell "Huy Dave! ikaw na mag bukas baka kamag anak ni Patrick di namin kilala." Ang sabi ni Harvey.

Sumangayon naman ang lahat "Oo sige ako na basta wag niyo kong dadayain ha."

Naglalaro sila ng scrabble at mababa pa ang score ni Dave "Oo na! Di na namin kailangang mandaya dahil kahit anong gawin natin si Kelly parin naman ang mananalo dito." Ang sabi ni Vince.

Pero hindi naman na kibo si Kelly dahil wala sya sa mood iniisip niya parin kasi kung saan nag punta si Patrick "Ding... Dong..."

"Sandali lang andiyan na... wag niyo kong dadayain ah."

"Bukasan mo ang pinto." Anila.

At pagkabukas ng pinto ni Dave nakita niya si Eugene na May mga dalang malalaking paper bags "Oh, ikaw pala yan Eugene wala dito ang boss mo hinahanap mo ba sya?"

"Ah, hinde po Sir si Ms. Kelly po ang hinahanap ko."

"Si Kelly?"

Napatingin si Dave kila Kelly nung sinabi niya yon at ganoon rin ang mga ito sa kaniya kaya dali-dali namang lumapit sila Vince at Harvey para makitsismis "Ano pong meron?" Ang sabi ni Jacob sa tita Kelly niya na walang pakialam dun sa tao sa labas kahit narinig na niya ang pangalan niya.

"Hindi ko alam baby hindi ako interesado."

Bumubuo lang ng kung anong mga words si Kelly dun sa mga blocks niya for scrabble "Master!!!" Ang masayang masaya namang sambit ni Dave habang papalapit kila Kelly at Jacob ganoon rin sila Vince at Harvey.

"Ano?!"

"Here, yan daw ang isuot mo."

Iniabot ni Dave ang mga paper bags na may mga lamang damit "Pis, galing daw yan kay Patrick ang susulat may sekretarya na siya." Ang sabi naman ni Vince.

"Balang araw kasi sya na ang papalit sa Daddy niya kaya binigyan na sya ng sariling secretary actually hindi pala secretary kasi lalaki si Eugene eh pwede na sigurong personal assistant." Sagot pa ni Dave.

"Gung gong! Eh... halos ganun lang din naman ang ibigsabihin nun ah. Mema ka lang eh." Ang sabi ni Harvey.

"Mema?"

"Oo, MEMA... Memasabi lang."

"Humph!"

"Kelly?" Ang sabi ni Vince.

"Ha?"

"Ayos ka lang ba?"

"O— Oo pero bakit hindi si Patrick ang nag bigay ng mga ito? Nasan daw sya?"

Nagkatinginan yung tatlo nila Vince "Ah... Eh... sabi kasi ni Eugene may importante lang daw na aasikasuhin si Dude kaya baka di sya makabalik agad dito." Ang malumanay na pag papaliwanag ni Dave.

"Ohhh... kahit pala na bagyo busy sya."

"Ah... Ahm... oo pero wag kang mag alala uuwi rin naman yun dito di naman yun makakauwi sa kanila eh malakas parin kasi ang ulan sa labas at baha pa rin sa ibang kalsada."

"Yeah..."

"So, hindi pa rin po ba tayo makakauwi?" Ang sabi ni Jacob.

"Sa ngayon kasi baby mahirap lumusong sa baha at hindi pa rin na tigil ang pag buhos ng ulan kaya dito muna tayo mag papalipas ulit ng gabi." Ang sagot naman ni Vince.

"Pero... baka nag aalala na po sila Daddy samin."

"Don't worry na text ko na sila."

"Salamat pis naiwan ko kasi ang cellphone ko."

"Ulyanin ka naman na kasi talaga."

"Tse!"

"Why don't you try the clothes master kagabi ka pa hindi nag papalit ng damit mo samin naman okay na mga damit ni Patrick."

"Oo nga pis mauna ka ng maligo samin ako ng bahala kay Jacob mukhang kasya naman ang damit ni Patrick sa kaniya."

May dagdag pang sinabi si Vince pero pabulong "Sana nga kasya."

"May sinasabi ka po tito Vince?"

"Ha... Ha... Wa— Wala sabi ko sabay tayo maligo mamaya."

"No! Gusto ko si tita Kelly."

Parang nanlaki ang mga tenga nung tatlo nila Vince nung sinabi yon ni Jacob "Gusto mong kasabay si Kelly maligo?" Anila.

Pinagbabatukan ni Kelly yung tatlo "Napaka mamalisyoso niyo ang ibigsabihin nung bata gusto niya ako ang mag paligo sa kaniya. Right baby?"

"Opo."

Nakahinga naman ng malalim yung tatlo at sinabing "Ahhhhhhh... yun pala naman."

"Pero sabay talaga kami ni Jacob minsan maligo." Dagdag pa ni Kelly at bigla nalang nahimatay yung tatlo sa gulat.

"Hoy!!!"

"Tita Kelly ano pong nangyayari sa kanila?"

"Bilis kumuha ka ng mainit na tubig bubuhusan ko sila."

"Po?"

Pandalas namang bumangon yung tatlo "Actually were fine right mga brad?" Ang sabi ni Vince.

"Oo ayos lang kami Master wag kang mag alala samin. Ha... Ha...Ha..."

Kelly rise her eyebrow na para bang she knows something "Oh... Really."

"Oo naman bumalik na nga tayo sa pag lalaro." Ang sabi ni Harvey.

"Oo nga." Sagot nila Vince ag Harvey.

Kelly smirked "Boys always be boys. Humph! Mga buang kayo! Makaligo na nga. Jacob diyan ka muna sa kanila ha?"

"Opo."

Pagkaalis ni Kelly lumapit agad yung tatlo kay Jacob at dali-dali nilang tinanong yung bata about dun sa kanina "Toto bang sabay kayo ng tita Kelly mo maligo?" Ang sabi ni Dave.

"Well, Wala namang malisya bata naman si Jacob at kamaganak si Kelly nung mga bata nga kami sabay rin kami nun maligo eh." Ang sabi ni Vince.

"Talaga?" Ang sambit nila Dave at Harvey.

"Oo sa ulan... ano bang iniisip niyo?"

"Ahhh.. akala namin kasi taboo."

"Ta... ta... ano?"

"Taboo daw po yun po ang sabi nila." Ang sambit ni Jacob.

"Aba't! Jacob kunin mo yung chopping board parang gusto kong mag tadtad ng dila."

"Pe— Pre easy nagbibiro lang kami ni Dave."

"O— Oo nga pre para ka namang others."

"HEH! Humanda kayo sakin!!!"

At nagka Ha ulan na nga yung tatlo sa may sala habang dala-dala ni Vince ang kaniyang belt at pilit na inaabot yung dalawa "Hayyysss... ang hirap talagang maging isip bata. Para tabo pinag aawayin pa nila pero tabo nga ba yung sinabi nila tito Dave at tito Harvey? Parang taboo ata?? Humph! Kung ano man yon hindi ko na aalamin." Ang sabi ni Jacob at nag patuloy nalang sya sa paglalaro ng board games.

Samanta naka tingin lang si Kelly sa salamin sa banyo ng kwarto ni Patrick at kinakausap ang sarili...

"Baliw talaga ang lalaking yon ang mamahal ng damit na ito gusto niya ba akong mabaon sa utang sa kaniya?"

"Pero bakit di na sya bumalik dito?"

"May nagawa ba akong ikasasama ng loob niya?"

"Ah ewan! Napaka moody mo talaga Patricio!!!"