webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 238

Ang pangyayare bago pumunta sila Kelly sa Condo ni Patrick,

"Good afternoon shoppers we want you to know that there's a heavy rainfall due to typhoon Yolly so please be safe when you go home. Thankyou."

"Narinig niyo yon?" Ang sabi ni Dave.

"Malamang! Anong tingin mo samin binge?" Ang sabi ni Vince.

"Mabuti na yung malinaw dahil may naisip na akong gagawin para sa oplan Kelly and Patrick balik sa dati eto na yung part 3 na naisip ko."

"Ano nga?" Ang sabay na sagot nila Harvey at Vince.

"Baka naman kung ano yan ha bawal ang SPG malalagot ako sa mga kuya ni Kelly." Ang sabi ni Vince.

"Makinig ka nga kasi muna."

"Mabuti na din yung malinaw pre ibang klase ka kasi kung mag isip eh." Ang sabi ni Harvey.

"Gusto nyo ba talagang mag usap sila Master o hinde?"

"Syempre gusto." Anila.

"Oh, yun naman pala eh kaya makinig nalang kayo."

"Ano nga kasi yon? Pa suspense ka pa ba naman." Ang sabi ni Harvey.

"Naulan di ba? Kaya naisip ko na dun na tayo mag sleep over sa condo ni Patrick."

"Ano? Gusto mong dun tayo mag palipas ng gabi sa condo ni Patrick?" Ang sambit ni Vince.

"Pero pre alam mo namang kasama natin si Kelly at sya lang ang nag iisang babae satin hindi ba parang ang awkward nun?" Ang opinion naman ni Harvey.

"Alam ko naman yon pero sure akong baha na sa daan alam nyo naman sa Manila kaya di rin naman tayo makakauwi ngayong gabi tignan niyo ang lakas ng ulan narinig niyo naman yung announcement kaya no choice tayo dahil ang malapit na bahay lang dito ay kay Patrick lang as in walking distance lang. Kaya mamili kayo ma stock sa daan dahil sobrang lakas ng ulan at baha na o ang mag stay sa condo ni Patrick na safe at higit sa lahat hindi baha."

Nagkatinginan sila Vince at Harvey "I know inisip niyo na okay lang naman sa inyo kasi pare-parehas naman tayong lalaki pero paano si Master? Guys, hindi naman tayo gaya ng ibang maniac ginagalang naman natin si Kelly kaya wag na kayong mag doubt diyan." Dagdag pa ni Dave.

"Oo alam ko naman yon at syempre di ko rin namang hahayaan na mabastos ang pinsan ko pero paano ko sasabihin ito sa mga kuya ni Kelly alam niyo naman over protective ang mga yun sa bunso nilang kapatid syempre babae kahit may pagka tibo naman. Ako ang malilintikan sa mga yon mga brad!"

"Edi sabihin mo nga di makatawid kasi nga baha na at alam ko namang alam nila na baha na nga sure naman akong nakapanood na sila ng balita."

"Oo pero kasi..."

"Hmmm... paano kung gumawa tayo ng bagay na di ipag aalala ng mga kuya ni Kelly?" Ang sambit ni Harvey.

"Gaya ng?"

"Vc!"

"Okay naman ang suggestion mo pre kaso mahina ang signal kapag ganitong naulan. Baka nga nag brown out pa."

"Edi tumawag ka na habang maaga pa para di na sila mag alala." Ang sabi ni Dave.

"Hindi ko nga kasi alam kung papaano ko sasabihin nakakatakot ang mga kuya ni Kellang."

"Edi ganito tumawag ka nalang kay nurse Kevin mukhang sya lang ang okay kausap sa mga kuya ni Master eh tapos mamaya kapag nasa condo na tayo ni Patrick tsaka ka tumawag dun sa panganay na kapatid ni Master para makausap niya na din si Dude."

"Woah... bakit pag dating sa ganyan pre ang dami mong alam ano? Pero pag dating sa exam nganga." Ang sabi ni Harvey na tawa ng tawa.

"Tsss! Heh!"

"Sige ganun na nga lang para mapanatag na din si kuya Kian yun kasi eh talagang parang tatay ni Kellang kaya nakakatakot talagang kausap yun."

","

Pagkarating nila Kelly sa Condo ni Patrick...

"Maupo muna kayo sandali lang mag iinit lang ako ng sabaw may pinadala sakin si mommy kaninang umaga eh para makahigop kayo sobrang lamig kasi. Gusto niyo bang i-off ko na muna yung aircon?" Ang sabi ni Patrick.

"Wag na dude were okay naman di naman kami na basa right guys?" Tugon naman ni Dave.

"Yeah..." Anila Vince.

"Baby, ikaw nilalamig ka ba?" Ang sabi ni Kelly.

"No tita I'm fine naman polar bear ako remember."

"Ay oo nga pala. Hehe..."

"Ikaw po lamigin ka eh baka nilalamig ka po."

Nakakuha naman na agad ng blanket si Patrick at ipinatong na sa balikat ni Kelly "Oo lamigin nga ang tita mo kaya sige iinitin ko na muna yung sabaw. Dave!" Di naman na naka imik si Kelly.

"Hmm?"

"Halika tulungan mo ko."

"Ha? Dude iinitin mo lang naman gusto mo pang may katulong?"

Pinandilatan sya ng mata ni Patrick "Tutulong ka ba o gusto mong lumusong sa baha?" Ang pabulong nitong sambit kay Dave.

"Ha... Ha... Sige guys dun muna kami sa kusina ha? Chill muna kayo diyan."

Pagkaalis nung dalawa "Ayieee... pis ang sweet ni Patrick noh?" Ang panunuksong sambit ni Vince kay Kelly.

"Heh!"

"Ang laki pala ng condo ni Patrick." Ang sabi ni Harvey.

"Oo iba talaga ang mayaman." Ang sagot namang agad ni Vince.

"Hindi ba sakanila ang buong condominium na ito? Tapos yung mall din?"

"Oo sakanila rin iba talaga pag Santos eh sana next life ko maging kapatid ko sya."

Kelly smirked "Paano kung sa next life hindi naman mayaman si Patrick ano gusto mo parin syang maging kapatid?"

"Ikaw talaga!!! Kahit kailan panira ng pantasya."

"Tsss... I'm just telling the truth masyado ka kasing ambisyoso!"

"Humph!"

"Hahaha... wag ka na kasing makipagtalo kay Kelly di ka naman mananalo diyan eh." Ang sabi ni Harvey.

"Tsss!"

Habang nag aasaran naman yung dalawa ni Kelly tumayo si Jacob at lumapit sa malaking painting ng falls na nasa sala ni Patrick "Wow... si tito Patrick pala ang nag paint nito?" Nakita niya kasi na may name ito ni Patrick sa baba.

Lumapit naman sakaniya agad si Kelly "Pssst! Anong ginagawa mo baby? Baka makabasag ka ang mamahal ng gamit dito wala tayong ibabayad."

"I'm just wondering lang po magaling po pala mag drawing si tito Patrick?"

"Ha?"

Tinuro ni Jacob ang name ni Patrick dun sa malaking portrait "Did you see that po? Tito Patrick's art side."

Napatingin si Kelly sa portrait at natulala sya sa ganda nito dahil may pa 3D effect yung painting ni Patrick kaya namangha talaga sya "Di ba po you once like to be architect? Pero di ka po magaling sa drawing kay you choose nalang IT kasi magaling ka po sa computer."

"O— Oo pero... hindi ko alam na may ganito palang talent si Patrick he even paint my dream."

"Dream?"

"Ha? No— Nothing... halika na bumalik na tayo dun baka maka basag pa tayo dito."

"Um."

Habang pabalik sila ni Jacob sa may sofa lumingon muli si Kelly dun sa painting at sa isip-isip niya "May mga bagay pa pala akong hindi alam sa kaniya." At napatingin siya kay Patrick na noon ay busy mag prepare ng kanilang soup.

"Tita Kelly? You okay?"

"Ah? O— Oo..."

Okay, yan po muna ang update ng makulit niyong author baka sa Wednesday na po ako makapag update weekdays na naman kasi busy na naman po ang makulit na ito. xD

• Enjoy! Leave your comments guys I like talking to yah all. <3

lyniarcreators' thoughts