webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 217

12 years ago,

Nasa mall ang magkapatid na sila Patrick at May "Nasan na ba ang baliw kong kapatid?"

Habang palinga linga si May nakita niya na nakaupo sa isang sofa at nagbabasa lang ang kapatid niyang si Patrick ng dala nireng libro "Tsk... Sige Miss I will get those I touched."

"Si— Sige po Ma'am ikukuha ko lang po kayo ng stocks."

"Okay, pwede rin bang paki dala na din sa may counter yung mga binili ko then wait for me there I will make bayad don."

Napatingin yung sales lady sa dami ng pinamili ni May at sa mga kukuhanin pa niyang nga stocks ng sapatos and dresses "O— Okay po."

Lumapit naman si May kay Patrick habang papalapit naman ito maraming napukaw na atensyon ang pag upo ni Patrick sa sofa na naka display don sa mall habang sya ay busy na nagbabasa ng libro dahil may nakalagay na roon na warning sign na bawal maupo "Ah... Ahm... Sir, bawal po kasing maupo diyan for display lang po kasi yan pasensya na." Ang sabi nung isang sales man kay Patrick pero hindi ito nag patinag at patuloy lang na nagbasa.

"Si— Sir..."

Ang sama ng tingin ni Patrick dun sa sales man "Ako ng bahala sa kaniya bibilhin ko ang sofa na inuupuan niya." Ang bungad ni May at naupo rin siya sa tabi ni Patrick.

"Pero display lang po kasi yan at hindi po for sale."

"You're fired!"

"Ma'am?"

"Tanggal ka na! You ain't understand what I'm saying?"

"Sorry? Pero customer lang kayo dito Miss kaya pwede ba umalis na kayo dito?"

May bigla namang lumapit na isang lalaki na animo'y isang manager "Ano ang nangyayari dito?"

Nanlaki ang mga mata nung lalaki "Mi— Miss Santos."

"Manager, pasensya na po kayo hindi ko po sila mapaalis, ngayon din po ay tatawag na po ako ng security guard."

"No need!!!"

"Manager?"

"Gusto kong patalsikin mo na ang sales man na yan ayoko sa sakaniya."

"Sige po Ms. May... Lester sige na makakaalis ka na at mamaya na tayo mag usap."

"Sir?"

"Tsk... hindi mo ba sila kilala? Sila ang anak ng may ari ng mall na ito."

"Pa— Paanong?"

Bigla nalang napatayo si Patrick at sinabing "Ang ingay."

Tinapik niya si Lester sa balikat at tiningnan niya ito ng diretso "Mind your own business."

Nagulat lang at walang kibo si Lester "Ate! Kapag inalis mo sya makukunsensiya ka dahil working student ang isang yan." Dagdag pa ni Patrick habang naglalakad sya papalayo.

***

Sa kasalukuyan,

Nakaayos na at naka wedding gown na rin si May ng biglang pumasok si Patrick "Excuse me nakita n'yo ba ang ate May ko?"

"Luko ka Rick!" At napatawa nalang si May sinabihan niya munang lumabas muna ang mga sylish niya at nag usap ang magkapatid.

"So, how do I look?"

"Ang pangit mo ate."

"Ano?"

Bineltukan ni May si Patrick "Aray! Joke lang naman eh pero pwera biro ate ang ganda mo."

"Ahhh... baby Bro naman eh halika nga dito yakapin mo si Ate."

Yayakapin sana siya ni Patrick pero nahihirapan siya dahil sa gown nitong napakalaki ng petticoat "Ang laki ba naman ng gown mo paano ka niyan sasakay sa kotse?"

"Natutupi yan wag ka nga."

Niyakap niya si Patrick "Wag kang umiyak baka matakot sayo si kuya Lester."

"Baliw ka!"

"Naisip ko lang na ang kapal ng make up mo so pag umiyak ka kakalat yan kaya piglian mo teh."

Bineltukan uli sya ni May "Kapatid ba talaga kita? Natural yan wag kang epal diyan."

"Hahaha... pero ate I'm happy for you dahil si kuya Lester ang nakatuluyan mo."

"Thanks to you dahil kung hindi ka umupo sa sofa sa mall di ko sya makikilala."

"Ang bilis ng panahon dati gusto mo pa syang tangggalin sa trabaho ngayon ikaw na ang tatatrabahuhin. Ayieee...ahahaha..."

Panitik ni May ang kaliwang tenga ni Patrick "Napaka green minded mo!!!"

"Ate masakit!!! Ikaw ang green minded diyan eh wala akong sinasabing ganun noh!"

"Heh! nga pala ano na aattend ba ang mga kuya ni Kelly?"

"Di ko alam pero siguro?"

Sa magkaparehong oras,

"AHHHHHH..."

"Pambihira Kelly akala namin kung ano na yang sinisigawan sigaw mo diyan." Ang sambit ni Kian.

"Pero kuya anong gagawin ko? Nadumihan ko ang gown kong pang abay."

"Kevin, ano ang dapat nating gawin?" Ang sabi ni Kim.

"Bakit naman kasi nung naka gown ka na tsaka nk naisip na uminom ng hot choco?"

"Ehhhh... kasi kuya na curious ako sa mga beads na nasa gown ko totoong crystal kasi ata itong mga ire."

"Napaka likot mo kasing bata ka paano yan rent lang ata yan eh baka mahal yan." Ang sambit Kian.

"Eh kasi kuya... baka naman pede pa maremedyohan?"

"Kasi, kasi ka diyan paano natin gagawa ng paraan yan? May naisip ba kayong remedyo mga tol?"

"What if we put flowers Daddy?" Ang bungad na sambit ni Jacob pag pasok niya ng kwarto ni Kelly.

"Kanina ka pa ba diyan?"

"Not really po natapos na po kasi ako mag bihis kaya nag punta po ako dine narinig ko din po kasi na sumigaw si tita Kelly eh."

Nagkatinginan naman yung limang magkakapatid "Halika nga dine tignan mo di ayos ang pag butones mo."

"Hehe... nagmamadali po kasi nga ako Daddy eh."

"Pero tama ang sinabi ni Siopao pede nga natin lagyan ng flowers yung natapunan ng hot choco." Ang sabi ni Kevin.

"Pero kuya crystals nga ang designs ng gown ko tapos lalagyan mo ng flowers? Ayos lang ba yon?"

"Sino bang may sabi na literal na bulaklak ang ilalagay natin?"

"Ha?"

"."

Dumating na ang oras ng kasal ni May at medyo na una pa sila Patrick kila Kelly sa pagdating sa simbahan "Ayan na sila Kelly!!!"

"Sigurado ka bang sila na yan? 5mins nalang at papasok na tayo ng simbahan eh."

"Oo ate sila na yan kilala ko ang Van ni kuya Kian eh."

"Sya sige na bumaba ka na at baka ikaw nalang inaantay doon susunod na din kami ng mommy mo."

"Yes Dad."

"Bro, umayos ka ha!"

"Ate, ikaw ang umayos baka mamaya humagulgol ka diyan ha."

"Wag mo na ngang tuksuhin ang ate mo sige na bumaba ka na at salubungin mo sila Kelly at ang mga kapatid niya."

"Yes Mom."

At bumaba na nga si Patrick at habang naglalakad siya pandalas namang bumaba na ang magkakapatid na Dela Cruz at pinagtitinginan sila dahil sa late na silang dumating pero nung nakita ng mga abay at iba pang sponsor na may mga itsura ang magkakapatid napa nganga nalang sila lalo na nung bumaba si Kelly dahil napaka ganda niya lutang na lutang sya sa sa napaka elegante niyang gown na kulay light blue para siyang barbie doll simple lang ang ayos niya pero on fire ang dating niya. "Wow, sino sila? Mga artista ba sila? Lalo na yung babae model ba sya?" Sabi nung isang abay na babae.

"Ang ganda niya para syang walang make up sobrang natural lang ang kinis ng mukha niya at ang mata niya para akong matutunaw sa tingin niya."

"Balita ko sya raw yung girlfriend ni Patrick yung bunsong kapatid ni May."

"Ang swerte naman niya kay Patrick ang yaman ng pamilya nila."

"Mali kayo dahil ako ang swerte sa kaniya."

"Pa— Patrick..."

Good Day po! Sana nagustuhan niyo po ang kabanata natin ngayon. Abangan niyo po ang susunod na kabanata. (:

lyniarcreators' thoughts