webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
463 Chs

Kabanata 109

Kinagabihan,

Nasa kwarto na si Kelly at nanonood ng tv "Ring...Ring..."

"Vince? At may pa video call pa?" Sinagot niya yung tawag at nakita niyang naka online sila Mimay, Harvey, Dave at Patrick at sabay sabay nilang sinabing "Kelly!!!"

"Anong ibigsabihin nito? At may pag video call pa kayo?"

"Hello Kelly." Ang sabi ni Patrick.

"Tsss..."Reaksyon naman ni Kelly.

"Para ito sa Sunday hindi kasi namin nasabi sayo kanina." Ang sabi ni Vince.

"Ha? Anong meron ba?"

"Baliw ka! Hindi ba birthday ko?"

"Yeah...I know mga ilang paalala pa? Tsss..."

"Humph...mag paalam kana kila kuya Kian dahil uuwi tayo ng Batangas."

"Huh?"

"Oo, baby girl sasamahan kasi natin sila Patrick sa lola ni Harvey."

"Huh? Bakit?"

"Oo Kelly naalala mo si Lola Ensay?" Ang sabi ni Harvey.

"Oo?"

"Nako, si Kelly pa mahina ang memorya niyan sa pag alala ng mga mukha ng tao." Ang sabi ni Vince.

"Heh!"

"Yun yung nagtitinda ng tawas, Master."

"HEH!" Ang sabi nung apat maliban kay Kelly.

"Anong nagtitinda ng tawas pinagsasabi mo?"

"Wag kang makinig dyan baby girl buang yan eh."

"Mims naman."

"Ewan!"

"Pero okay lang naman kung ayaw mong sumama samin para lang naman sana yun sa kapatid kong si Paula."

"Oo baby girl sama ka masaya yun."

"Dun na rin ako mag cecelerate ng bday ko Pis."

"Ha? Hindi ko maintndihan."

"Naalala mo nung isang beses na sinakal mo si Dude para magising sya?"

"Dave!"

"Eh...kasi."

"Tapos?"

"Yun na nga nag pakita kasi sa kaniya yung kapatid niya kaya sabi ko kung gusto niya ipatawas namin siya kay lola Ensay ko."

"Bakit ano bang meron?"

"Sabi kasi ni Paula sa panaginip ko buhay pa siya kaya napaisip ako na baka nga mamaya buhay pa nga ang kapatid ko."

"Huh! Paano naman mangyayareng ang patay na eh buhay?"

"Kelly!" Ang sabi ni Vince.

"Ang akin lang naman kung nakita na nilang patay yung tao bakit kailangan pang buhayin ang usaping iyon? Hindi na dapat pang inuungkat ang mga nakaraan na."

"Hindi mo kasi maintindihan kasi hindi ka naman yung nawalan ng kapatid."

"Dude..."

"Huh! So, ako pa ang lumalabas na masama? Bakit hindi ba ako nawalan dito ng mahal sa buhay? Nawala na rin si daddy pero hindi ko na inuungkat pa ang mga ganyan kasi tanggap na namin kaya kung ako sayo tanggapin mo ng wala si Paula! Bakit dahil ba kamukha ko siya? Bakit akala mo o ang buong pamilya mo na ako ang nawawalang si Paula? Huh! I'm out of this sh*t!" At nag out na si Kelly sa video call nila.

"Kelly!" Ang sabi ni Vince.

"Tsk...pag pasensyahan mo na Patrick ayaw kasi ni Kelly na ikinukumpara siya." Ang sabi naman ni Mimay.

"Ayos lang mukhang kasalanan ko rin naman kasi sumagot pa ko sige out na rin ako." Ang animo'y nalulungkot na sabi ni Patrick at nag out na rin siya.

"Dude sandali lang!"

"Hayaan mo na baka kailangan nila ng space." Ang sabi n Mimay.

"Paano hindi na tayo tutuloy?" Ang sabi naman ni Harvey.

"Tutuloy!" Ang sabi ni Vince.

"Paano? Eh mukhang ayaw na nila Kelly at Patrick.."

"Ako ng bahala kay Kelly at ikaw naman Dave ang bahala kay Patrick."

"Sige okay lang naman pero paano mo naman mapapayag si Kelly?"

"Oo nga kilala natin si baby girl na matigas talaga ang ulo niya gusto niya pag nag desisyon na siya yun na yon."

"Tama si Mims, Vince wag mo ng pilitin kung ayaw." Ang sabi ni Harvey.

"Akong bahala bukas na bukas pupunta ako sa kanila kaya kayo gawin nyo ang mga kailangan niyong gawin."

"Ako anong gagawin ko?" Ang sabi ni Mimay.

"Mag dala ka nalang ng eggpie bukas sasamahan mo ko kay Kelly."

"Ano? Yan ang sinasabi ko sayo eh."

"Hahaha...aba para may kasama akong manunuyo kay Kelly."

"Sigh...sige na nga miss ko na rin naman si Jacob."

"Sus...si Jacob o yung mga kuya niya?" Ang sabi ni Harvey.

"Heh!"

"Sige mag out na rin ako tinatawg na kasi ako ni Mamay."

"Oo ako rin bye sa inyo." Ang sabi ni Mimay.

"Sige out ko na ito Harvey ikaw na bahala kay lola mo ha?"

"Sige Pre."

"Knock...knock..."

"Kelly! Gising ka pa ba?" Ang sabi ni Kian.

"Baka tulog na." Ang sabi naman ni Kim.

"Anong tulog 7:30pm palang kuya." Ang sabi naman ni Kevin at binuksan naman ni Kelly ang pintuan niya "Bakit anong kailangan nyo?"

"Oh? Anong meron sa tono mo? Badtrip ka?" Ang sabi ni Kim.

"Sigh...tara sa labas?" Ang sabi ni Kelly at nauna na siyang bumaba sa kanila "Anong problema nun?" Anila.

"Ewan ko sesermonan niyo palang di ba? Mukhang tayo ata ang masesermonan ah." Ang sabi naman Kevin.

"Sige na bumaba na tayo baka kailangan niya ng kausap." Ang sabi naman ni Kian.

"Okay." Anila at bumaba sila at nag punta sa terrace nila at nakita nila nakain na ng icecream si Kelly "Mukhang mainit ang ulo mga bro." Ang pabulong na sabi ni Kevin.

"Bakit mo naman na sabi?" Sagot nung dalawa.

"Eh tignan niyo iniinom niya na yung icecream niya."

"Bungol! Hindi naman kasi icecream yun gatas!" Ang sabi ni Kian at bineltukan niya si Kevin at lumabas at lumapit kay Kelly "Kuya naman!"

"Halika na! Dami mo pang arte dyan."

"Tsss."

"Kuya, si daddy nagpapakita ba sa inyo?" Ang bungad na sabi ni Kelly habang nakaupo at nakatingin sa malayo nag katinginan naman ang mga kuya niya "Ba---bakit mo naman na tanong bigla baby?" Ang sabi ni Kian.

"Sigh...."

"Bakit ba parang ang lalim ng iniisip mo?"Ang sabi ni Kevin.

"Ang daya po kasi hindi na nag papakita si daddy sakin."

"ANO?" Anila.

"Jusmiyo naman Kelly bakit naman gusto mo biglang makita si daddy?" Ang sabi ni Kim.

"Miss ko na po kasi si daddy." Bigla namang pumatak ang luha ni Kelly at tinapik tapik naman siya ng mga kuya niya "Wag ka ng umiyak lahat naman tayo dito miss natin si daddy kaya wag ka ng umiyak diyan babysis." Ang sabi ni Kian.

"Oo nga ayos lang yan andito naman kaming mga kuya mo kaya wag ka ng malungkot." Ang sabi naman ni Kim.

"Kaya cheer up baby where here for you." Ang sabi naman ni Kevin at niyakap nila si Kelly "Ahhhh!!!!!!" Bigla naman silang lumayo kay Kelly "Bakit ba?" Anila.

"Naulan na nababasa na ko dito."

"Ha? Hindi ka na iyak?" Anila.

"Hindi? Bakit naman ako iiyak? Na miss ko lang kasi si daddy para kasing ang sarap mag emote tignan niyo naulan na."

"Kelly!!!!"

"Ba---bakit?" Aniya.

"Ding...dong..."

"Sino yon?" Anila.

"May bisita kayo?" Ang sabi ni Kelly.

"Wala." Anila.

"Sige ako na titingin." Ang sabi ni Kim.

"Sige pumasok na nga tayo at baka mabasa pa tayo dine." Ang sabi ni Kian.

Makalipas ang isang oras,

"Talaga? Lalaki ang magiging anak niyo?" Ang sabi nung apat nila Kelly kila Keith at Faith na kauuwi lang sa kanila.

"Wow..congrats ate Faith sayang lang at di babae pero ayos lang kahit ano basta malusog." Ang sabi ni Kelly.

"Oo nga eh malusog naman daw ang baby buti nga pinayagan ako ng doctor ko na makauwi dito."

"Hoy! Andito rin ang kuya mo noh! Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah yang si ate Faith mo nalang ng si ate Faith."

"Sus...oo na!" At niyakap niya naman ang kuya Keith niya.

"Ahhh...namiss ka ni kuya babsysis."

"Sus...arte anong pasalubong ko?"

"Uhm...andoon may manok ka ulit na buhay."

"ANO?"

"Ahahahah...hindi niloloko ka lang ng kuya mo andoon may pasalubong kami sayo nasa bag halika kunin natin?"

"Sige po ate."

"Hoy Kellang! Mahiya ka naman." Ang sabi ni Kian.

"Kuya naman, hindi naman na iba si ate Faith eh."

"Oo nga naman kuya hayaan niyo na kami ni Kelly sige mag usap muna kayo diyan."

"Halika na ate"

"Oo sige."

"Babysis, yung sayo lang ang kunin mo ha? Baka pati yung kay Vince kuhanin mo kaarawan nun sa Sunday kaya may regalo kami ng ate mo sa kaniya."

"Tsss...oo na!"

"Hahaha...halika na wag mo na ngang inisin si Kelly."

"Sigh...siya sige na."

Pag ka alis nung dalawa "Bro, bakit parang biglaan ata ang inyong pag uwi dito?" Ang sabi ni Kian.

"Oo nga hindi ka nag sabi edi sana na sundo namin kayo ni Faith." Ang sabi ni Kim.

"May nangyare ba kuya?" Ang sabi naman ni Kevin

"Wala naman gusto lang din ni Faye na umuwi dito sakto naman pinayagan kami ng doctor niya tapos surprise!"

"Talaga lang ha?" Anila.

"Sigh...oo na ayoko na kasi doon pagod na pagod na ko."

"Ano?"

"Keith! Ikaw ha isusumbong ka namin kay Mama."Ang sabi ni Kian at binato niya ng throw pillow si Keith.

"Eh kuya naman kasi ako nalang lagi nag lilinis dun sa gym nila nakakahiya naman kung hindi ako tutulong di ba?"

"Bakit pinahihirapan ka bro?" Ang sabi ni Kevin.

"Hindi naman pero jusko naman mga bro! Gusto ko mag gym at maging fit pero hindi naman maging body builder gaya ng mga kuya ni Faith."

"Ahahaha...edi nakakita ka ng katapat mong gunggong ka!" Ang sabi ni Kim.

"Eh bakit nga kayo umuwi dito? Biglaan naman ata." Ang sabi ni Kian na seryoso.

"Ahh...kasi sumali yung mga kuya ni Faith sa body building sa ibng bansa kaya kami lang dalawa ang naiwan kaya nag decide kami na umuwi dito para may kasama kami. Mahirap kasi pag kami lang dalawa mabuti dito andito si Kevin at may alam siya kasi nurse doon kasi mahirap."

"Ahhh...sabagay."Anila.

"Sige bukas sasamahan ko kayo kay Dr. Ana OB yun dun sa DLRH doon ko nalang kayo re-refer."

"Salamat bro." Niyakap naman ka agad niya si Kevin.

"Kuya!!! Lumayo ka nga ang oa mo!"

"Ahahaha..."At nag tawanan yung mag kakapatid "Welcome back bro." Ang sabi din nila kay Keith. "Yeah..."