webnovel

Huwag Mong Pakawalan ang Kamay Ko

Editor: LiberReverieGroup

Mahinang nagkomento si Xinghe, "Mukhang malaki ang tiwala ng Lin family na ang pagsasamang ito ang magiging engrande nilang pagbabalik."

Kung hindi ay hindi maglalakas ng loob si Elder Lin para magyabang sa kanilang harapan.

Umismid si Mubai. "Ang kanilang kumpiyansa ay inaasahan na. Ang pakasalan si Miss Tong ay katumbas ng pagkampi sa kanila ng Shen family, Tong family at ng Madam Presidente, kaya paano'ng hindi sila magiging ganoon katiwala sa kanilang sarili?"

"Alas, ginawa ito sa pinaka nakakasuklam na paraan at wala ni isa sa kanila ang talagang gustong kampihan sila."

"Sa pinakahuli, titigil na sila sa panggigipit sa Lin family."

"Ito ay isa talagang magandang galaw."

Sinulyapan ni Xinghe ang silid at nakita ang maraming tao na sumisipsip sa Lin family. Ang Lin family, dahil sa engagement na ito, ay inilapit ang kanilang mga sarili sa napakaraming makakapangyarihang pamilya, kung kaya itinaas nito ang kanilang pangalan. Natural lamang, na ibig sabihin nito ay maraming tao ang hindi na makapaghintay na mapalapit sa kanila. Lalo nitong pinalaki ang ego ng Lin family.

Gayunpaman, talaga bang inisip nila na matapos mapakasalan ni Lin Xuan si Tong Yan, ang lahat ay magiging maayos na? Hindi habang nabubuhay pa ang Xi family!

Pinag-aralan ni Xinghe ang mga nasa silid at nakakita ng maraming natatagong kumplikasyon.

"Nalaman mo ba, na ang Lin family ay hindi kasing dikit tulad ng iniisip natin. Ang lalaki doon ay isang Lin, tama? Mukhang hindi siya lubos na masaya sa lahat ng ito."

Sinundan ni Mubai ang kanyang tingin at nakita niya ang isang lalaking nasa katanghaliang gulang na may inaalagaang inumin at problema. Ngumiti si Mubai. "Iyon ang third young master ng Lin family, o masasabi natin, ang ama ni Lin Yun."

"Lin Qin? Ang hindi gaanong mahalaga sa tatlong mga anak na lalaki ni Elder Lin? Narinig ko na hindi siya nakakamit ng anumang tagumpay sa kanyang buhay. Isa lamang siyang hamak na manggagawa sa gobyerno at halos hindi mapansin sa istruktura ng kapangyarihan sa Lin family."

"Tama iyon, mukhang ginawa mo ang iyong takdang aralin," puri ni Mubai. Iyon nga ang ginawa niya, kung kaya gusto ni Xinghe na pumunta sila sa pagdiriwang ng gabing iyon. Kung mayroong puwang sa Lin family, ay siguraduhing gagamitin nila ito.

"Kung alam ni Lin Qin na si Lin Xuan ang pumatay sa kanyang anak, iniisip ko kung kakalabanin niya ang mga ito," may laman na mungkahi ni Xinghe.

Tinanggihan ito ni Mubai. "Pero wala tayong pruweba."

At kahit mayroon din sila, makakaligtas pa din kaya ang Lin family?

"Ang totoo, nagtataka ako, bakit magdadala si Lin Xuan ng bomba? Sa oras na iyon, wala siyang alam na maaaresto na si Lin Yun," obserba ni Xinghe. "Kaya, siguro ay mayroong bagay sa loob na hindi natin alam na tungkol sa Lin Xuan na ito."

"Ang pusta ko ay maraming bagay na dapat itago ang Lin family na ito. Manatili kang malapit sa akin at huwag kang gagala ng mag-isa," paalala ni Mubai nang may pag-aalala. Dahil nga naman sila ay nasa teritoryo ng Lin family.

Tumango na nakangiti si Xinghe. "Huwag kang mag-alala, kasama ko si Ali, magiging ayos lamang ako."

Sumama si ALi bilang sekretarya ni Xinghe. Sinusundan niya ng maigi si Xinghe na tila isang totoong personal na alalay, pero nandoon talaga ito bilang bodyguard ni Xinghe.

Lumingon si Xinghe para tingnan si Ali at ang huli ay pabirong kumindat pa sa kanya. Isa pa, may kaunting alam sa karate si Xinghe, hanggang ang anumang kumplikasyon ay walang baril na kasali, magiging ligtas siya.

Gayunpaman, hindi mapigilan ni Mubai na hindi mag-alala. Hinawakan nito ang kanyang kamay, pinoprotektahan siya na tila siya ang pinakamahalagang bagay sa mundo.

"Sa kahit na anong kaso, dumikit ka sa akin at huwag mong papakawalan ang kamay ko," magiliw nitong paalala.

"Okay." Gusto nang tumawa ni Xinghe at sabihin, Ikaw ang ayaw na magpakawala sa akin!

Si Ali, na nakasunod sa kanilang likuran, ay pinaikutan sila ng mga mata sa panibagong palabas ng kanilang pagiging lovey-dovey.