webnovel

Ang Orihinal na Disenyo

Editor: LiberReverieGroup

Pinipigilan ng isang galit na Xia Zhi ang tukso na suntukin ang mayabang na mukha ni Ruobing.

Imbes ay humarap siya kay Xinghe, "Ate, ipakita mo sa kanila ang ebidensiya, ipakain mo sa kanila ang mga sinabi nila!"

"May pruweba ka?" Tanong din ni Mubai, ang boses nito ay puno ng pag-aalala.

Ang totoo, may perpektong pruweba si Xinghe sa katauhan ng isang saksi. Kung gagamitin ang testimonya ni Ee Chen, magkakaroon siya ng may bisang kaso laban kay Ruobing.

Pero hindi niya gustong masali si Ee Chen para hindi ito madamay sa mga posibleng demanda.

Hindi sa pinapanigan niya si Ee Chen pero mayroon itong mga impormasyon na kailangan pa niya.

Isa pa, sa depensa naman ni Ee Chen, hindi namanniya teknikal na trinaydor si Xinghe at nakatanggap na din naman ito ng parusa kaya naman nagdesisyon si Xinghe na tuparin ang kanyang salita at huwag itong idamay pa sa gulo.

Sa totoo lang, gusto din sanang palampasin ni Xinghe si Ruobing dahil sa may pareho silang kasaysayan pero ang babaeng ito ay wala man lamang bahid ng pagsisisi. Hindi lamang iyon, palagi na lamang nitong kinakalaban ng walang humpay si Xinghe, kaya napagtanto ni Xinghe na walang katuturan pa na magpigil.

Ngumiti si Xinghe, may tiwala sa plano niya. "Ang klase ng pruwebang gusto ninyo, wala akong hawak. Tulad ng sinabi ko, ang tanging pruweba na mayroon ako ay ang kakayahan ko. Ang disenyo ko na ninakaw ni Ruobing ay ang pinakamainam pero binabalaan ko kayo, ang disenyong ninakaw niya ay isang peke, kaya ang produktong ginawa niya ay may diperensiya."

Nagulantang si Ruobing, binalot ng takot ang puso niya.

Ang disenyong ninakaw ko ay peke? Imposible! Ang pinakahuling produkto ay nasuri na ng maraming beses. Naipasa naman nito ang lahat kaya hindi ito masasabing may diperensiya. Nagsisinungaling siguro ang b*tch na ito.

Walang dahilan ang iba na maniwala kay Xinghe. Si Ginang Xi ay patuyang nagsalita, "Sa madaling salita, wala kang pruweba! Xia Xinghe, kailangan mo ng pumunta sa mental department hindi dito sa surgery hall. Lumayas ka na, hindi ka namin tinatanggap dito."

"Xinghe, nakita na namin ang disenyo ni Ruobing at wala itong diperensiya, kaya naman para sa kapakanan ng lahat, tigilan mo na ang akusasyon," apila ni Tianxin na may malungkot na hitsura.

Wala kay Xinghe ang simpatya ng publiko. Dahil wala naman siyang ibinigay dahilan para pagtiwalaan siya ng mga tao.

Paubos na ang pasensiya ni Elder Xi. Galit itong bumulyaw, "Kung wala kang pruweba, bakit narito ka pa para sayangin ang oras namin! Tinatanong kita sa huling pagkakataon, ang disenyo ba na ito ay sa iyo o kay Ruobing? Xia Xinghe, ito na ang huling pagkakataon na ibinibigay ko sa iyo kaya pinapayuhan kita na mag-isip ng maigi bago ka sumagot."

"Syempre, akin ito!" Giit ni Xinghe sa kahanga-hangang paraan. Tiningnan niya ang lahat ng may matalim na titig, "Ako lamang ang makakagawa ng disenyong ganyan!"

Nagulat si Elder Xi. Naririnig niya ang tiwala ni Xinghe sa mga salita nito. Maaaring siya ang nagsasabi ng totoo o baka nahihibang na ito. Sa ibang kadahilanan, nagsimula na siyang maniwala sa una.

"Akin ito!" Hamon ni Ruobing na kakikitaan ng nag-aalab ng tiwala sa kanyang mga mata, "Disenyo ko ito. Wala pang dalawang araw ang ginugol ni Xinghe sa lab. Hindi niya magagawa ang isang magandang bagay na ganito ng walang in-house research at testing!"

"Tama si Ruobing. Saksi ako sa oras at pagsisikap na ibinuhos ni Ruobing sa disenyong ito sa mga nakalipas na taon. Sigurado ako na lahat ng nasa lab ay ganoon din ang sasabihin," sabi ni Tianxin para suportahan ang kaibigan. May maganda siyang lugar sa Xi Family kaya naman nagawa niyang mahatak ang karamihan sa madla na kumampi kay Ruobing.

Alas, hindi niya nagawang mabago ang paniniwala ni Mubai.

Idinagdag pa nito ang kontra-argumento kay Tianxin, "Ang disenyong ito ay kay Xinghe. Handa akong ipusta ang reputasyon ko dito!"

"Tama iyon. Disenyo ito ng kapatid ko, handa akong ipusta ang buhay ko dito!"