webnovel

CHAPTER ELEVEN

Hindi nakapasok si Nathan at Sam sa unang klase nila.

Dahil hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Sam. Niyaya na siya ni Nathan na umuwi, ngunit tumanggi ito.

"Tara na Nate! " wika ni Sam kay Nathan.

Hinawakan ni Sam ang kamay ni Nathan at sabay silang naglakad sa hallway ng school.

"Okay ka na ba Sam? " pagtatanong ni Nathan.

"Naman! Basta naandiyan ka lagi akong okay! " wika nito.

Binigyan lamang ng isang matamis na ngiti ni Nathan si Sam bilang sagot nito.

"Hala! Sila na ba? "

"Nathan my love, pinagpalit mo na ba ako? "

Nakita ni Sam ang isang babae na mukhang maluluha na.

Bibitaw na sana si Sam sa pagkakahawak ngunit mas hinigpitan pa ni Nathan ang pagkakahawak nito.

"Omg! Girls si Nathan yan diba? How's that girl with him? "

"Nathan my love! Ako nalang! "

Iilan lamang iyan sa mga naririnig ni Sam na mga bulungan.

"Wait! Bulungan ba yun? Parang sigaw na yun ehh! " kausap nito sa kanyang sarili.

"Are you okay? " nathan asked Sam.

"Yeah! " maikling sagot nito.

"Huwag mo na silang intindihan! "

Tumango lamang si Sam bilang pagsang-ayon.

Hindi lubos maisip ni Sam, kung paano naging sikat ito sa campus nila.

Kapag sa loob ito ng room nila hindi mo akalaing sikat pala sa labas.

"Kunsabagay! " biglang bulong nito sa sarili.

"Hoy! Okay ka lang ba? Kanina mo pa kinakausap sarili mo. Andito ako Sam, baka gusto mo mag share. " wika ni Nathan.

"Paano ka nila nakilala? " she asked random question to Nathan.

"Syempre dito ako nag-aaral! "

"Pilosopo! "

"Okay fine! I don't know either! "

"Huwag mo ko ineenglish-english Nathan. Paanong hindi mo alam? "

"Because I don't know. "

Napa mura bigla si Sam ng wala sa oras.

"May sinasabi kaba? " biglang tanong ni Nathan.

"Wala! " sabay alis.

"Hindi naman matinong kausap, pilosopo ang mga sagot. Tingnan natin Nathan malalaman ko rin ang totoo." Bulong ni Sam sa sarili habang naglalakad.

"Sam! Wait! " sigaw ni Nathan.

Ngunit hindi ito pinansin ni Sam, patuloy parin ito sa paglalakad.

Tumakbo si Nathan upang makahabol kay Sam. Mabilis at malaking hakbang ang kanyang ginagawa.

"Ang bilis mo namang maglakad. Dahan-dahan naman, ang hirap mo naman maabot. " wika nito.

Wait! Parang may iba sa sinabi niya.

"Huh? " wika ni Sam.

"Wala sabi ko dahan-dahan lang." Sagot nito.

"Ang hirap mo kasing habulin! " bulong nito.

"May sinasabi ka Nate? " tanong ni Sam.

"W-wala! "

"Okay! Tara na! "

Naglakad na sila ng sabay, hanggang sa room nila.

Napako sa kanilang dalawa ang tinginan ng mga kaklase nila.

"Sila ba? "

"Kailan pa? "

"Diba si Kurt yun, bakit si Nathan na naman? "

"Ang landi niya talaga! "

"Wait! Sinong malandi? " humarap si Sam sa kaklase niyang si Miya.

Si Miya ang may gusto kay Nathan.

Si Miya na nagpapansin lagi kay Nathan.

Si Miya na anak ng principal nila.

"Ikaw malandi! Bakit hindi ba totoo? " tumayo si Miya at tinaasan ng kilay si Sam.

Sinubukang pigilan ni Nathan si Sam ngunit ayaw nito magpaawat.

Napatayong bigla si Azia sa kinauupuan nito.

"S-Sam! " ngunit si Azia lamang ang nakarinig ng sinabi nito. Gusto mang isigaw ni Azia ang pangalan ni Sam ngunit hindi niya magawa.

"Sa ating dalawa, ikaw ang malandi Miya! " tinaasan ni Sam ng kilay si Miya.

"O c'mon Sam! Dati si Kurt, ngayon si Nathan? " sabay tingin kay Nathan.

"Kung si Nathan man ang kasama ko ngayon, wala kang pakialam! Ano naman ngayon sayo? "

"Malandi ka talaga! " sasampalin na sana niya si Sam. Ngunit.

"Alam mo Miya, pasampal ka palang pasipa na ako! " nagtawanan ang mga kaklase nito. Dahil nakaupo na sa sahig si Miya.

"Pagbabayaran mo ito Sam! " banta nito kay Sam.

"Bago ka mag-inarte diyan, itanong mo muna kong may paki ba ako sayo." Bulong ni Sam kay Miya.

"Akala mo ba natatakot ako? Magbanta kalang hindi kita uurungan Miya! " sabay talikod.

"Hindi pa tayo tapos Sam! " sigaw ni Miya.

Pumunta na sa upuan si Sam. Umupo siya roon at yumuko.

"S-sam? " narinig niya ang boses ni Azia. Ngunit hindi niya ito tiningnan.

"I'm okay! " tipid niyang sagot.

Hindi na siya nakarinig pa ng ano pa mang mga bulungan.

Tinulungan ng mga kaklase nila si Miya upang makabalik sa upuan nito.

"S-sam? Are you okay? "

"Yeah! "

"Sam? "

"Yes? "

" Huwag kang matakot akong bahala sayo. Huwag mong isipin na mawawala ang scholarship mo, dahil kay Miya. Dahil sa nangyari kanina. Kitang-kita namin ang nangyari. Kaya huwag kang mag-alala hindi ka matitigil sa pag-aaral. "

Si Nathan ang may sabi nito sa kanya.

Binigyan lamang siya ng matamis na ngiti ni Sam.

Niyakap ni Nathan si Sam.

"Maiintindihan mo rin ang lahat! " bulong ni Nathan kay Sam.

Tiningnan lamang ito ni Sam ng may pagtatanong.

"Basta huwag kang magalit sa akin, kapag nalaman mo ang totoo! " Nathan smiled to Sam.

"H-huh? "

"Basta! Saranghaeyo! " huling wika nito at nag fucos na sa klase nila.

Naiwang tulala si Sam at hindi alam ang ibig sabihin ng sinabi ni Nathan.