webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
86 Chs

Ang lihim na samahan!

Limang daang pagong ang bumati nang magkakasabay na parang kulog kay Ye Song. hindi mapigilan ni Ye Song na takpan ang kanyang tenga upang protektahan ito dahil sa sobrang lakas ng kanilang bati.

Habang tinatakpan ni Ye Song ang kanyang tenga, pinagpatuloy ni Nobita ang pagsasalita.

"Lahat kayo ay gumawa ng link kay master. simula ngayon ay siya na ang magiging boss ng Kung Fu Turtles!"

Sa isang iglap, limang daang maliliit na ilaw ang lumutang sa kalangitan at sabay-sabay na sumugod papunta kay Ye Song!

*DING*

[Congratulations sa pagtataguyod ng koneksyon sa Kung Fu Turtles!]

[Nakuha mo ang limang daang tagasunod na Kung Fu Turtles!]

Dahil sa pangyayaring iyon, si Ye Song ay naging pinuno ng Kung Fu Turtles!

-

Matapos kumalma ang sitwasyon at bumalik na ang lahat sa normal, ipinakilala ni Ye Song si Nobita at ang limang daang Kung Fu Turtles sa mga Penguin at kay Ahoka.

Si Nobita at ang mga pagong, matapos magpakilala ay nag-click kaagad ang mga ito sa mga penguin.

Maraming tawanan at ingay ang kumalat sa hangin dahil sa kanilang masayang pag uusap.

Habang sila ay nag uusap, isang hamster ang lumakad sa gitna at tumingin sa kanila na parang isang boss.

Sa sandaling pumasok si Ahoka sa eksena, ibinaba ng mga penguin ang kanilang mga pakpak at yumuko.

Ito ang treatment sa isang pinuno ng kanilang liga!

Tumingin si Nobita sa hamster at makalipas lang ang ilang sandali ay nagpakita rin ito ng pagsunod tulad ng isang masunurin na dragon.

Naglabas si Ahoka ng smug sa kanyang mukha ng makita ito!

"Nagsusumikap kayong lahat" sabi niya sa mga penguin.

"Hindi naman leader. ginagamit lang namin ang mga tinuro mo sa amin" sagot ng mga penguin.

"H-hello, masaya akong makilala ka l-leader. sana maging magkaibigan tayo dahil gusto kong sundan ko ang landas mo"

Nang makita ni Nobita kung ano ang naging reaksyon ng mga penguin at kung paano nila tratuhin ang hamster ay naging palakaibigan din ito.

"So, naiintindihan mo pala. sa panahon natin ngayon, palagi kaming nakikinig ng mabuti sa mga salita ng aming nakakatanda. dahil dito ay malugod ko kayong tinatanggap sa League of Extraordinary Monsters Operating as Ninjas for Survival!"

"Wow tunog pa lang dominante na! ano yun?"

"Ito ay isang lihim na samahan na itinatag upang matulungan ang mga alagang hayop sa ilalim ng isang masamang panginoon para mabuhay. sasabihin sa iyo ng liga na ito ang mga pangunahing kaalaman, mga patakaran at mga bagay na dapat gawin upang magkaroon ka ng isang mapayapang buhay dito"

"Pwede bang sabihin mo sa amin ang mga paraan ng buhay at kung ano ang dapat naming gawin upang matiis namin ang pamumuhay sa ilalim ng ating master"

Si Nobita at ang Kung Fu Turtles ay nasulyapan kung anong uri ng tao si Ye Song.

Dahil sa kanilang mga instincts, kung nais nilang mabuhay ay kailangan nilang malaman kung ano ang kailangan nilang malaman upang mabuhay ng mapayapa. si Ahoka ay lubos na nasiyahan dahil sa treatment na pinapakita ng dragon at nga mga pagong sa kanya. sinabi niya sa kanila ang mga kinakailangang impormasyon para sa pamumuhay.

"Gaano ka man nagugutom ay dapat kang kumain ng maingat. kailanman, huwag na huwag kang kakain sa paligid kung saan makikita ka ni master dahil pagsasabihan ka sa pag kain mo ng marami! hindi mo dapat na gawin ang mga bagay na ayaw niya kaya kailangan mong maging isang mabuting mapagmasid. kung mag hunt ka ng pagkain ay kailangan mong ibigay sa kanya ang masarap at sariwang karne"

Naintindihan ng mga penguin ang mga payo na sinabi ni Ahoka kaya't hindi nila mapigilan itango ang kanilang mga ulo sa pakikiramay.

"Sa bandang huli, kailangan nating mabuhay habang kinakain lamang ang pagkaing ibinibigay ng ating master ganun? kailan tayo makakakain ng masarap na karne?" tanong ng mga pagong.

"Kailangan mong kumain ng palihim. maging sa ilalim man ng puno o sa paligid ng mga talahib ay dapat mong punan ang iyong tiyan sa ganoong lugar. si master ay may talento na patuloy tayong panatilihing nagugutom. mayroon siyang motto na "kung nais mong kumain, pwede mong gawin ito pagkatapos mong matupad ang inutos ko sayo" kaya lagi niyong titiyaking kumain kayo nang maayos" babala ni Ahoka sa mga bagong miyembro ng LEMONS.

"Tulad ng inaasahan natin sa ating leader!" sabay-sabay sinabi ng mga pagong.

"Ito ang kaalamang natutunan ko sa buhay. malalaman din ninyong lahat ito sa paglipas ng panahon pero sinabi ko na sa inyo agad ito upang hindi kayo magdusa. magkakaroon ng pagkakataon kung saan maghuhunt kayo kasama ang ating master kaya kailangan niyong malaman ang mga pangunahing kaalaman upang malaman mo kung ano ang gagawin pagdating ng oras na iyon"

"Maraming mga okasyon na gusto namin ng kaunting oras sa aming sarili ngunit palagi niya kaming inuutusan para mag hunt"

"Mag-ingat kayo kung hindi kayo makakita ng halimaw o hayop na may matabang katawan. sinusumpong siya pag kaunti lang ang karne. sa mga ganitong araw, mabuting hindi ka magpapansin at magpanggap kang masigasig ka naghuhunt ng halimaw. kung nangyari ang ganoong bagay ay kailangan mong magpanggap na nasaktan ka mula sa paghuhunt buong araw kaya mapapagalitan ka lang ng kaunti. kailangan niyo ng acting lesson para hindi kayo mabisto ni master!"

"Kailangan ninyong mag-ensayo" sinabi ni Ahoka na may seryosong ekspresyon.

"Ahh ganun pala yun!" sabay-sabay na sumang ayon ang mga pagong at si Nobita.

"Ganito?"

Ang Limang Daang Kung Fu Turtles ay nagkunot ng kilay ng sabay-sabay.

"Hindi, hindi, hindi. kailangang kumulubot ang mga mukha niyo hangga't maaari na para bang masakit ang mga tiyan niyo"

Nagpatuloy sa pagsasalita si Ahoka.

"Siya ay nagiging masaya kapag ang halimaw ay may magandang drop. kahit na naiirita siya 10 minuto lang ang nakakalipas, agad siyang tatawa ng malakas kapag nakakuha ka ng magandang drop. kapag nangyari iyon ay dapat kang maging malapit sa kanya at tiyaking nakapasok ka sa kanyang paningin"

"Bakit?"

"Dapat ipakita natin sa kanya ang ating magagandang ugali. sa dami ng pagpuna at pang-aabuso na gagawin niya, kailangan mong tiyakin na nakita niya ang iyong mga pagsisikap. kailangan mong ipakita sa kanya na nagsusumikap ka dahil kapag hindi ay hindi ka makakakuha ng magandang karne"

"Ito ang pinakamahalagang impormasyon para sa inyo upang magkaroon kayo ng mapayapang buhay!"

Itinuro lahat ni Ahoka ang kanyang kaalaman at binahagi sa kanila bilang kanilang nakatatanda sa liga.

League of Extraordinary Monsters Operating as Ninjas for Survival = LEMONS

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts