webnovel

Training Results And Duel

Might:(Sa isip) "Isang linggo nalang malalaman ko na Rin Ang resulta kung pasado ba ako o Hindi.."

Aladin:(Sa isip) "Halos tatlong linggo narin pala Ang nakalipas Mula nung mag training sya.." Hoy Bata gusto ko subukan Ang lakas mo..

Might: Ano Po?!! (Sa isip) "May naiisip nanaman itong kabalbalan.."

Aladin: Bingi kaba?!! Sabi ko gusto ko mag dwelo Tayo mamayang Gabi SA gubat.. Mag hahanda ako Ng magiging tanghalan natin at sasabihan ko Ang mga ibang Tao sa SSB na manuod sa Laban natin..

Might: Pero di papo ako handa lumaban! Ang lakas ninyo manong Hindi ko Kayo Kaya..

Aladin: Tandaan mo Bata!! Kung Wala Kang tiwala sa sarili, Ngayon palang talo kana!

Might: Di pa Po ako sigurado sa lakas ko.. Halos 3 linggo palang ako nag tetraining. Imposible na lumakas agad ako..

Aladin: Hindi malalaman Kung Hindi susubukan Bata.. kumain ka muna Ng almusal pagkatapos mag isayo ka SA gubat! Wag Kang titigil hanggang Gabe..

Might: Imposible na akong manalo.. Wala akong pahinga paano ako makakalaban Ng patas nun?? (Sa isip) Hay nako! Nababaliw na sya.."

Aladin: Huwag ka Ng mag reklamo.. Gusto mo lumakas Hindi ba??!

Might: Opo! Pero bibigay Ang katawan ko, Hindi ko kakayanin sigurado ako..

Aladin: Hindi Yan tiwala Lang sa sarili.. Ano pa hinihintay mo kumain ka na Ng almusal tapos punta kana SA gubat!! Bilisan mo sayang oras…

Might: Opo!!. (Sa isip) Ano Kaya iniisip Ni manong?!! May balak siguro ako patayin nun…

Aladin: Sige alis Lang muna ako.. pinapatawag ako sa PINAGSAMA meron Lang ako aasikasuhin

Lumapit SI Aladin Kay Al at bumolong

Aladin:(Pabulong na nag sabi) "Papuntahin mo lahat Ng kaibigan mo mamaya sa gubat pati ikaw at wag Kayo mahuhuli.."

Bermas: Sige ama.. (Sa isip) "Ano kayang mangyayare mamaya?!.."

Biglang nawala na parang bula SI Aladin

Might: Anong sabi ni manong?!!

Bermas: Wala bilisan mo na daw!!

Might: Ang sungit Naman nito.. :(

Natapos Ng mag almusal SI Might at dumiretso na sa gubat.

Might: Hay sisimulan ko Ng mag training.. diko talaga Alam Kung ano iniisip Ni manong kinakabahan ako!! Isang duwelo laban sa kanya?? Mananalo ba ako?? Ni isang taga nya nga Lang Yung balete Nangalahati agad? Samantalang ako nakakailang taga na Hindi parin maputol-putol.. Halos inaabot pa ako Ng ilang araw..

Ang imahe Ng Gubat Kung saan unang nag training SI Might..

Might: Ilang punong balete naba naputol ko Mula nung araw na Yun??

5 puno Ng balite Ang putol at mga buto Ng ibat ibang halimaw Ang nakakalat sa kagubatan Kung saan Nag training SI Might..

Might: Tatlong linggo Lang ako dito sa gubat na ito Ang laki agad Ng ipinagbago..

Nakatago SI Aladin sa damuhan at tinitignan si Might habang nag tetraining.

Aladin: Kahanga-hanga Ang batang ito Lalo na nung nawala sya sa sarili nung araw na Yun..

(Mga Alaala Ni Aladin)

Aladin: Bata ito na Ang pagkain..

Might: Salamat Po manong.

Aladin: Gusto ko pagkatapos mo Jan ay putulin mo Yung puno namang iyon…

Might: Ano Po?!! Yang isapang malaking balete na Yan?

Aladin: Oo! Gusto ko tagain mo Rin Yan at palabasin mo Ang mga tikbalang Gaya nung una mong Ginawa!!

Might: Sige Po manong!..(Sa isip) "Ano nanaman Kaya ngayon?.."

Tinaga Ni Might Ang puno Ng Balete at lumabas ulit Ang mga tikbalang.. sapag kakataong Yun 5 Ang lumabas..

Mga impormasyon Ng Tikbalang.. Level 3 Power 100% Health 100% Stamina 100% Magic 0 Skill Electric Kick

Might: Ano?? 5 Naman Ang lumabas manong!!

Aladin: Sa pagkakataon NATO ikaw Naman Ang pumatay sa mga nilalang na Yan..

Might: Ano Po?!! Hindi ko pa Po Kaya Yan!!

Aladin: Nako Bata subukan mo nalang.. sige alis na ako..

Nag tago Ng mabilis SI Aladin sa mga damuhan at pinanuod SI Might

Might: Manong?!! Asan kana Naman?!! Kaasar talaga SI Manong…

Inataki SI Might Ng mga tikbalang at umiilag Lang sya..

Might: Kaasar ka manong gusto moba akong mamatay??

Tinamaan SI Might Ng skill Ng mga tikbalang.. Electric Kick.. Malakas na sipa at dadanas ka Ng 200 boltahe Ng kuryente..

Might: Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!( Habang nakukuryente)

Nawalan Ng Malay SI Might at pinag sisipa parin sya Ng mga tikbalang..

Aladin: Mahinang klase Lang Yan Ng halimaw… Kahit mas marami Yan mas mahina Yan doon sa nakaraang lumabas na kinalaban ko.. Nag kamali ako sayo Bata.. Wala Kang potensyal.. Isa Kang inactive..(Pasigaw na sabi) "Ako nanaman Ang tatapos sa mahihinang Yan.  Mahina ka talaga!!!!"

Biglang tumalsik Ang mga tikbalang at nakatayo SI Might.. Kakaiba Ang Mata at naging kulay puti Ang mata at ang aura na nakapalibot sa katawan nito na napakalakas.

Aladin: Ano ito?!! Mukang Wala sya sa katinuan!!

Napatahimik Ng sandali SI Aladin at nanuod na lamang sa nangyayari..

Might: Ahhhhhhhhhh!!!!! Kayong mga hangal!! Sino kayo para saktan ako?!!!

Nagwala SI Might at Kung saan saan tumama Ang kanyang ispada.. 5 puno Ng Balete Ang naputol at lumabas Ang ibat ibang mga halimaw na nakatira dito.. pero Hindi tumagal Ang mga halimaw dahil bigla itong mga nangamatay dahil sa Tama Ng ispada Ni Might.. Pinigilan Ni Aladin SI Might sa pamamagitan Ng pagsuntok nito sa sikmura ngunit nag tamo sya Ng sugat sa braso..

(Pagtatapos Ng Ala ala)

Aladin: Diko parin makalimutan Yung nangyaring Yun.. Level 20 na mga tikbalang isang hampas Lang Ng ispada. meron syang abilidad na napaka lakas kaso Hindi nya pa kontrolado.. Umaasa ako na ilalabas mo ulit Ang lakas na Yun mamayang Gabi Bata!!

Umalis na si Aladin sa pinagtataguan nyang damo.. tinuloy Lang Ni Might Ang pag pipiraso Ng mga kahoy Ng Balete..

Kinagabihan.. pumunta na si Might sa pinagusapan Lugar Na gubat at nagulat sya Ng may Malaking stage at maraming mga tao na nakaupo sa gilid..

Might: Ang daming Tao dito halos Yung mga taga E.P Village andito rin.

Biglang napunta SI Aladin sa gitna Ng stage..

Aladin: Ang kampyon Ng palabas na ito ay andito na!! Na si Might God!! Tulad Ng pinag usapan natin pupunta Ang kampyon sa Laban..

Nag hiyawan Ang mga tao!!

Might: Ano?? Might God??!! Sino Yun??

Aladin: Oo ikaw batang Might Ang tinutukoy ko… Pumunta kana dito ngayon sa stage..

Pumunta na si Might sa stage at nag hiyawan Ng malakas Ang mga Tao… at biglang may Hindi inaasahang Makita SI Might..

Might: Kilala ko Yang mga Yan ah??!! Sila Yung mga Tao na Yun!!

(NSB) North Section Board (Elite Assassin)

Lilith Silver- Mahusay SA pag gamit Ng baril at mabilis kumilos, gumagamit Ng mahika na pang palito..

Chivaz Bernard- Hindi masyadong nag sasalita. Matalino at magaling sa taktika, Kadalasang nananalo sa Laban sa pamamagitan Ng mga kakaibang pamamaraan..

Zieeeeee-Ang lider Ng Elite Assassin, Gumagamit Ng 2 ispada at may lason Ang talim nito.. Gumagana Ang lason dahil sa mahika..

Claude Burnette- Malaki Ang pangangatawan, Magaling sa suntukan at gumagamit Ng Fire Vault sa pamamagitan Ng kanyang mga kamay..

Chikovsky Viet- Mainitin Ang ulo at mabilis mapikon.. Nagiging ginto Ang katawan at napaka lakas..

Dimitrio Maras- Mahusay SA Jodo, Nagiging kahit anong hayop sa pamamagitan Ng mahika

Might: Tama! sila nga Yan!! Ang mga masasama Ang ugali.. Hindi pa sila tapos sakin! Sa mga pinagsasabi nila sakin…

Zie: Sya pala si Might God Huh???

Lilith: Napaka interesado nito.. Might God Huh?!! Tignan natin.. hehe..

Chikovsky: Yan naba Ang kampyon?!! Napaka Hina Naman..

Chivaz: hmm..

Claude: Hahaha yang baluga na Yan Ang kampyon na si Might God?!! Hahhahahahha!!!

Dimitrio: Hahahaha!! Parehas sila Ng anak Ni Ginoong Aladin.. Mga talunan.

Might: Hoy kayong anim! Hindi ko Kayo mapapatawad sa pang lalait nyu sakin at pati Kay Al?!! Naiintindihan nyu ako??!!

Biglang may Isa pang dumating

Might: Sya Rin Yung babaeng Yun Yung papalabas Ng tarangkahan nung araw na Yun??

Kata Libya- Magaling sa pag hawak Ng dalawang kotselyo, Kapatid Ni Zieeeeee at myembro Ng Elite Assassin, gumagamit Ng nakalalasong mahika sa pamamagitan Ng mga kotselyo nyang hawak…

Kata: Sya ba Ang Might God??

Zie: Kapatid, Nakarating ka! Hindi ka nga talaga uurong sa Laban!!

Biglang pumunta sa stage SI Kata.

Kata: Kung gayon ikaw pala si Might God?

Might: Oo?!!

Aladin: Kung gayon simulan na natin ang Laban!!

Might: Huh?! Ano??

Aladin: Ipakikila ko pala Ang humamon Kay Might God, Kata Libya, Myembro Ng Elite Assassin..

Might: Teka akala ko ba manong ikaw Ang kalaban?!! Bakit sa dinami dami Ng makakalaban sya pa?!

(Sa isip) Ang babaeng natipuhan ko nung araw na Makita ko sya.. Yun Yung araw na masuwerte…

Aladin: Ayus!! Simulan na Ang laban?!!

Might: Teka manong saglit!!

Biglang umataki SI Kata kay Might at nasalag nya ito..

Might: Teka sandali binibini Hindi ko Alam Kung ano Ang nangyayare.. Teka saglit usap muna Tayo!

Kata: Huwag mo nga akong lokohin.. Bakit ka tatapak sa stage Kung Hindi mo Alam Ang nangyayare?! Huh?!!

Might: Hindi!! Ang ibig Kung sabihin ay Hindi ko Alam na ikaw pala Ang makakalaban ko.

Kata: Tama na Ang sat sat!!! Lumaban ka!

Sinuntok Ni kata SI Might Ng hawakan Ng kotselyo at nag dugo Ang ilong Ni Might!!

Kata: Ano?!! Tatayo ka nalang ba Jan? Huwag Kang mag dalawang isip di porket babae ako mamaliitin mo na ako!! Lumaban ka!!

Pinagtatadyakan Lang si Might at pinagsusuntok. Natutumba man ay tumatayo parin Ng paulit ulit.. hanggang sa

Might: Taaaaamaaaaaaa!!!!! Naaaaaaaa!!!!

Nagulat Ang mga Tao at lumakas Ang hangin.. halos lipayin na si kata palabas Ng stage….

Kata: Ano ito?!! Ang lakas Ng Aura!! At nararamdaman ko Ang lakas Ng kapangyarihan.. Interesado ito?!!

Ilang saglit pa ay inataki Ni Might SI Kata ngunit nasalag ito.. pero nasira Ang sahig Ng stage at napahiga SI kata sa lakas Ng hampas Ng ispada Ni Might…

Kata:(Sa isip) "Pambihirang lalaki ito,Ang lakas, Pambihirang lakas.."

Might: Ahhhhhhhhhh!!!!!

Kata: Hindi dapat Kita minaliit Might God!! Dahil pinakita mo Ang buo mong lakas, siguro panahon na para ako din..

Biglang nawala si kata at napunta sa likod Ni Might.. Sinaksak nya ito Ng kotselyo ngunit..

Kata: Ahhhhhhhhhh!!?? Anong nangyare???!!

Nadaplisan SI Kata Ng ispada Ni Might sa pisngi at sobrang bilis Ng pangyayare.. Wala sa katinuan SI Might at namumuti Ang mga Mata..

Kata: Lalaki? Anong kapangyarihan Ang meron ka? Halos Hindi ko nakita Ang ataki mo! sobrang bilis..

Might: Sino ka para suntukin at sipain ako hangal na babae?!!( Wala sa katinuan na nag sabi)

Kata: Ginagalit mo akong lalaki ka…

Makalipas Ang ilan pang mga minuto..

Kata: Pagod na pagod na ako!!..

Aladin: At Ang nanalo ay Kata Libya!!!!!

Nawalan Ng Malay SI Might habang SI Kata ay hinang Hina Naman…

Biglang dumating ang dalawang manggagamot at ginamot Ang dalawang mag katunggali..

Aladin: Ano ayus Lang ba Ang lagay Ni Batang Might?

Vhen: Oo kaibigan.. mahimbing Lang Ang tulog nya..

Reputana: Ginawa mo Ang makakaya mo kaibigan..(Pabulong na sinabi)

Biglang dumating Ang mga kaibigan Ni Might….

Michael: Ano nanalo ba sya?

Merino: Sayang di Tayo umabot..

Salas: Ano ba Yan!! Kasalanan mo Kasi Drew eh tumae kapa.

Merino: Kasalanan ko bang sumakit Ang tiyan ko.. Ano ba Kasi Yung kinain natin Michael?

Michael: Wala Lang.. ginataang repolyo na may itlog Ng butiki..

Merino: Ano?!!!

Bermas: Nahuli tayo Hindi natin napanood sayang!!

Salas: Kaya nga eh dahil sa gong gong NATO!!

Merino: Bakit ako ba lagi sinisisi mo?!

Salas: Bakit sino ba dapat?!!

Pinuntahan ni Kata SI Might.

Kata: Mahina kapa.. palakas ka muna lalaki!!

Might: Ano bang nangyare?! (Kakagising Lang at Ng hihina)

Biglang umalis narin agad SI Kata kasama Ng iba pang mga myembro Ng Elite Assassin..

At umuwi narin SI Might kasama Ng mga kaibigan nya..