webnovel

Midnight Memories

dark_pen · Integral
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

VII

ANGELIE'S

Naglalakad na ako pauwi. Sa wakas at natapos na rin yung klase namin. Napahawak ako sa necktie ko. Teka? Nasaan yung i.d ko?! Muli akong bumalik sa lugar na nilakaran ko at pinagmasdan kung may nahulog ba na i.d sa akin.

"Ito ba hinahanap mo?" bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses na yon. Tinignan ko ang i.d at tama, akin nga.

"Salamat! diba ikaw yun--"

"Samgyup tayo?" tanong niya.

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

cedric's

Napakapa ako sa necktie ko at bigla kong naalala.....

" Hindi ko pa pala nasasauli yung id niya!" napahilamos ako sa aking mukha. Binuksan ko ang bag ko ngunit hindi ko makita kung nasaan yung i.d niya. Paano siya makakapasok sa school nito? Tsaka paano siya nakapasok? Sinarado ko na ang bag ko. Tama lang sa kanya yun! Binuhusan niya ng toyo yung babae kanina e. Pero baka may dahilan naman kung bakit nangyari yun. Napadaan ako sa isang restaurant at nakita ko si James at isang babae. Nako, babae nanaman. Kaya hindi nakakahabol sa lesson to kasi puro babae. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi sa amin.

○○○○○○○○○○○○

Angelie's

"Bakit mo pala binigyan si Cedric ng chocolate?" tanong ni James habang nagiihaw.

"peace offering" maikling tugon ko sabay higop ng inumin ko.

"Paano ka pala nakalabas kung wala kang suot na i.d?" tanong niya pa. Paano nga ba? Pero teka. Paano niya nasabing wala na yung i.d ko nasa school pa lang ako?

"Nakuha ko kasi yung i.d mo mga 5th subject na. Nakita ko sa hallway. Buti nga at nakita pa kita sa daan." sabi niya sabay ngisi. Napangiti ako.

"Hindi ko rin alam e." sabi ko sabay kamot sa ulo. Naglagay siya ng mga baboy na inihaw niya sa plato ko.

"Bakit ba nilibre mo ko dito? Hindi naman tayo ganon kaclose? Tsaka ako yung may utang na loob sa iyo?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya sabay tingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kinikilig ako sa mga ginagawa niya o naiihi talaga ako. Pero kasi, ang gusto ko yung kaibigan niya.

"Sorry, nabibilisan ka ba sa pangyayari? Ayoko lang kasi na maunahan pa ako ng iba." sambit niya. Meron bang iba? Wala naman. Napapaisip tuloy ako. Hindi kaya gusto rin ako ni Cedric? o assuming talaga ako? Siguro assuming lang talaga ako.

"Gusto ka ni Cedric." bigla akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko kasi ano bang dapat kong sabihin?

"Kaso hindi lang ikaw ang gusto ni Cedric." dagdag niya sabay kain ng baboy. Bigla akong nanlumo. Natural lang siguro na magustuhan niya ako at magkagusto rin siya sa iba. Hindi naman sa akin iikot ang mundo niya. Tsaka gwapo siya at matalino. Malamang magugustuhan siya nung mga taong nagkakagusto sa kanya.

"Kaya kung ako sa iyo, wag mo na sayangin oras mo doon sa lalaking yun." sabi niya. Bakit parang sinisiraan niya yung kaibigan niya sa akin? hmm. Ano ba naman to. Hindi ko na maintindihan ang mga bagay bagay. Pero malay natin baka concern lang siya na baka masaktan ako.

"Pero alam mo.." sabi niya. Napatingin ako sa mga mata niya.

"Kung ako sa iyo, ako na lang piliin mo." biglang bumilis ang tibok ng puso ko.