webnovel

MHU Series #1: It All Started With A Mission

I'm Cassandra Monteverde. An ordinary girl with an ordinary life. I have an ordinary family with a dad and 4 siblings. But when I thought that my life was ONLY ordinary, my life became extraordinary because of my family's secret. I was given a mission to go undecover as a guy and take down those enemies of our family. But I made a mistake..... The guy who I taught was my friend. Was actually my family's biggest enemy and my mistake is..... I FELL INLOVE WITH HIM...

Keysie_Unnie · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

CHAPTER 6

Liam's POV

9:30 pm

Tapos na namin ni Cass yung mga assignments namin and kaka-off ko lng...Iniligpit ko na ang mga gamit ko at bumaba sa kitchen para uminom  ng gatas..

Nadatnan ko si Kuya Maverick na gumagawa ng report sa living room

"Oh kuya di ka pa matutulog??" Tanong ko sa kanya at nagtungo sa kitchen

"Di ko pa tapos tung report ko para bukas eh...Ikaw ba't di ka pa tulog? Diba may pasok ka pa bukas?" Sabi niya nang di tinatanggal ang paningin niya sa laptop

"Kakatapos lng namin gumawa ng assignments ni Cass at iinumin lng ako ng gatas bago matulog" sabi ko at kinuha yung gatas sa ref at isinalin sa favourite mug ko

"Nga pala kuya, asan si mom??" Tanong ko pagkatapos mainom yung gatas

"Pumunta ng Tagaytay kaninang umaga lng para sa business trip niya. Bukas na daw siya makakauwi, bakit??"

"May itatanong lng sana ako sa kanya, pero bukas na lng" nagtungo ako sa hagdan at bago ako pumunta sa kwarto ko ay nagpaalam muna ako kay kuya

"Geh kuya matutulog nako" sabi ko at tinanguhan lng niya ako

Pumasok nako sa kwarto ko at humiga sa kama ko....napatingin ako sa phone ko na nasa table ko lng at kinuha yun

Gising pa kaya si Cass?? Hmmm maggoodnight na lng ako

"Goodnight Cass" I texted her and went to sleep, maaga pa pasok ko bukas..

*******

5 am na nang tumunog ang aking alarm, bumangon ako at naghanda..

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba nako, nakita sina mama na kumakain na kaya sumabay narin ako...binigyan ko muna si mama ng halik bago ako umupo...pagkaupo ko ay binati ko sila

"Goodmorning ma, goodmorning kuya"

"Goodmorning rin anak, musta ang tulog mo??" Sabi niya habang inaabot sakin nung hotdog,, yeyy my favv

"Okeh lng naman ma, napaginipan ko na naman yung crush ko" sabi ko habang kumakain

"You mean Sandra?" Nanunuksong sabi ni kuya at muntikan ko ng maibuga tong kinakain ko...ininom ko yung gatas ko at tinignan siya ng masama

"Stop teasing your brother, Maverick" sabi naman ni mama habang tumatawa

Nagkibit-balikat na lng si kuya at muling kumain....Hayss hirap talaga pag alam ng pamilya mo yung crush mo amputek

"Nga pala 'ma may tanong ako"

"Ano naman yun anak??"

"Magclassmate ba kayo ni Tito Ken noong college years niyo?" Tanong ko

At bigla siyang hindi umimik...childhood friend kami ni Cass pero dahil yun sa mama niya, Si tita Lyka. Di rin masyadong close si mama kay tito Ken kaya nagtataka ako kung bakit di niya naikwento samin na magkaklase sila noon..

"Ba't mo naman naitanong?" She asked with a serious tone

"Nakita kasi namin ni Cass yung class picture noon and I saw you and tito Ken on that pic" I explained and she sighed before talking

"Well, yes. Ken Monteverde was one of my classmates as well as your tita Lyka" mmm ba't ngayun lng niya sinabi eh wala namang mali kung classmates sila noon

"We were the best of friends before, but time passes I guess we needed to go on separate ways kaya we don't meet too often"

"Ba't ngayon ko lng nalaman 'to ma?" Tanong ko at bigla siyang tumayo. Lumapit siya samin at niyakap kaming dalawa ni kuya

"For your safety, my dear. I love you both so much" niyakap rin namin siya at hinalikan sa magkabilang pisngi

"You boys get ready na, may aasikasuhin pakong paperworks" sabi niya at kumalas sa yakap..

Kinuha ko na yung bag ko at nagtungo sa garage para kunin yung kotse ko...minsan lng nila ako pinapayagang magdrive cause of our accident 4 years ago..

I went to school at inabangan si Cass sa Parking lot, I have to let her know about what mom said.

Lalabas na sana ako ng kotse ko ng may bigla akong narinig na malakas na huni ng sasakyan patungo sa tabi ko...

Brooommm!!!

At yun nagdrift pa amp, reckless driver hayss...Alam ko na kung sino 'to. And tama nga ko, Si Cassandra nga, nagmotor talaga siya ngayon ha tas ang astig ng porma nya!

Pagkatanggal ng helmet niya ay tumingin siya sakin at ngumisi ng nakakaloko..

"Bilib ka na naman sakin bespar!" Sabi niya at bumaba

"Pwee bilib mo mukha mo, ba't ka ba nagmotor ngayon??" Sabi ko at inirapan siya

"Eh sa trip ko hehe at mag-eensayo ako mamaya....gusto mong sumama??" Tanong niya at inilapit ang mukha niya habang nakangiti

Hayss ba't anlapit! Tas nakangiti pa >~< pag di ako nakapagtimpi hahalikan ko 'to...charot

"Anong oras ba?" Sabi ko at umatras ng onti

"Pagkatapos ng klase, nagpaalam nako kina kuya na hanggang 7pm ako dun"

"Geh sasama ako" nagfist bump kaming dalawa at pumasok na.

Habang naglalakad ay nakita namin sina Hiro at Gelo na papunta narin sa classroom.

"Ohayo~ Ian-kun! Liam-kun!" Masayang bati niya saming dalawa at nag-apir kami (Goodmorning~ Ian and Liam!)

"Ohayo Hiro-kun! Gelo-kun!" Bati naman ni Cass sa kanila

Sabay na kaming pumasok at buti na lng wala pa yung prof namin. Kakausapin ko sana si Cass kaso biglang nagring yung phone ko...tinignan ko and si Ate pala, hays vid call again. Lumayo ako ng onti sa kanila at sinagot ang tawag..

~Video Call Answered~

"Hi baby brother! How are you??" Agad na pabungad niya sakin, baby brother amp

"Ate don't call me baby brother. And ba't ka nga pala napatawag?" Sabi ko at inirapan siya

"Well baby brother, I called to tell you na bukas na yung flight namin. So tell manong Isko to come pick us up okeh? And how's you and Sandra?" Sabi niya at narining naman ni Cass yun

"Hey Liam, is that ate Mich?" Tanong niya at inagaw yung phone ko

"Hey Sandra!!" Sigaw ni ate at tinakpan naman ni Cass yung speaker nung phone ko para walang makarining...

"Ate Mich wag kang sumigaw baka may makarinig sayo. I'm known Christian at school kaya Ian na lng hehiz" pagpapaliwanag niya and natawa naman si ate, magkasundo talaga sila •~•

"Owwkeeyy IAN hahahaha, musta ka na?? Gwapo haa" sabi ni ate at eto namang bespar ko nagpogi sign pa

"Opkors ate, mas gwapo pa 'ko kesa sa mga kuya ko eh hehiz" natawa naman si ate sa sinabi niya, weehh mas gwapo kaya ako eh. "Kelan ka nga pala uuwi ate?"

"Bukas na yung flight ko kaya bukas ka na magsleepover sa bahay ha"

"Yung pasalubong ko ate ha, chocolate tas korean bbq yumm" bigla siyang nagdaydream tas tumulo pa laway amppp

"Huy! Ian! Yang laway mo tumutulo na oh" sigaw ko sa kanya at nanumbalik siya sa realidad

"Hehe sorry par nagutom ako sa korean bbq ehh" nagpeace sign siya at inagaw ko yung phone ko

"Ate mamaya ka na ulit tumawag, may klase pa kami eh"

"Sige baby brother! Ingats kayu IAN hehe kitakits tomorroww...mwahh" nagflying kiss pa siya tas inend ko na. Hayss ate ko ba talaga yun?? Suweird

"Ahh ian may nalaman pala ako tungkol sa class picture na nakuha mo" sabi ko sa kanya at lumapit naman siya ng onti

"Ano yun par??" Mas lumapit pa siya, shuxz ang lapit na naman niya •~•

"Sabi ni mama eh--" di ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang angring yung bell at pumasok yung english teacher namin

"Sa race pit mo na lng sasabihin mehn, kita tayu sa gate" sabi niya at umayos ng upo

******

Tapos ang klase namin at nandito nako sa gate, hinihintay ko si Cass. Kailangan pa raw niya magreport sa tita niya kaya ayun kanina pako naghihintay ditey...

Tinignan ko ang relo ko at 5:45 na pala, hayss tagal talaga. Napaangat ako ng tingin ng biglang may bumusina sa harap ko.

"Uyy bespar! sorry natagalan ako ha, may pinakuha pa kasi sina kuya eh" sabi niya at pinaandar yung motor niya papunta sa tabi ng kotse ko

"Oks lng par, di naman matagal yung 30 mins eh" pang-aasar ko sa kanya at bigla niyang sinuntok yung braso ko

"Nang-aasar ka pa eh! Hmp balakajan una nako dun" humarurot na siya paalis at heto ako naiwan sa ere....charot

Sumakay nako sa kotse ko at sinundan siya. Hayss ba't ang bilis niya ngenaa

After 10 mins ay nakarating na kami sa race pit nila, at ayun siya nakasandal sa motor niya tas nakahalukipkip. Bumaba ako at nilapitan siya.

"Uyy Cass ba't mo ko iniwan dun??" Tanong ko at di niya ako pinansin..hayss nagtatampo talaga eh

"Ahh nagtatampo ka ah, sayang naman may rootbeer at honeybutter pa naman ako sa kotse. Kakainin ko na lng mamaya" pagpaparinig ko saka naglakad papalapit sa kotse ko at bigla naman niya hinila yung laylayan ng jacket ko.

"Par sige na, dalawa na lng tayu kakain nun pleasee? Di naman ako nagtatampo eh hehe" sabi niya at nagpacute pa...hayss di ko matiis pag nagpacute siya amp >~<

"Oo na, pagkatapos ng training mo natin kakainin yun" lumiwanag yung mukha niya at tumalon-talon pa siya sa tuwa...bespar ko talaga tuh amp

"Lika na parr, kunin mo yung isang motor sa garage para Bespar Super Ultra Mega Race tayu!" Sigaw niya at binato yung susi sakin

"Geh gehh una ka na dun, yung motor ni Khen yung hihiramin ko ah"

"Okehh! Bilisan mo!"

Pinark ko muna yung kotse ko at pumunta sa garage nila. Private property nina Cass itong Race Pit, mahilig kasi sila magdrag race kaya ayun binilhan na sila ni Tito Ken ng ganito. Napakalawak nito, tulad nung nasa movie na Lightning Mcqueen parang ganun HAHAHAHA. Meron silang dalawang garage na nasa kanan ng parking lot, yung isa eh para sa kotse then yung pangalawa naman ay para sa motor nila.

Binuksan ko na yung lock ng garage at kinuha yung motor ni Khen, nasa box naman yung susi nun kaya safe rin.

Lumabas nako at nagsimula na kaming mag-ensayo...

Nakailang ikot kami, mga sampu ata. Ginawa rin namin yung mga stunts namin tulad ng pagdrift na nagform ng infinity sign tas wheeling din hakhaks

Pagkatapos ng ensayo namin ay tumambay muna kami dun at humiga sa damuhan..

"Par ngayun lng ulit tayu nakapag-BSUMR, hayss after talaga ng accident nayun nalimit na yung mga pwede nating gawin" sabi niya habang tumitingin sa mga bituin

"Oo nga eh, di na tayu pwedeng maglong ride o magdrag race pag gabi" sabi ko naman sa kanya

"Nga pala par anue yung sasabihin mo kaninang umaga??" Tanong niya at tumingin sakin

"Tinanong ko kasi si mama kaninang umaga tungkol sa pic, sabi niya magkaklase raw talaga sila nina tito Ken noong college days pati narin yung mama mo." Napaupo siya sa sinabi ko at binigyan ako ng curios look

"Kala ko nagkakilala lng sila dahil sa business"

"Well sabi pa niya eh magkakabarkada raw sila noon kaso nagkaroon ata nga misunderstandings kaya di na sila masyadong close" sabi ko at umupo narin

"Bakit ngayun lng niya sinabi?"

"For our safety daw, di siya masyado maintindihan eh"

"Umuwi na tayu par, baka nakauwi na si Dad para tanungin ko rin siya" sabi niya at simula ng tumayo. Tinulungan niya rin akong tumayo at pareho kaming naglakad papuntang parking lot para kunin yung kotse ko

"Oh Cass heto na yung rootbeer at honeybutter mo" inabot ko sa kanya yung 1.5 liter na rootbeer at isang malaking pack ng Honeybutter

"Sugoiii sobrang laki naman niyan!" Sigaw niya at kinuha yun, niyakap pa ngako dahil sa tuwa eh

"Opkorzz 'lam kong peyborit mo yan kaya yung malaki yung binili ko"

"Astig talaga ng bespar ko! Kaya love kita eh" namula naman ako ako sa sinabi niya...shuxx love raw ako yiee

Sumakay na kami sa mga sasakyan namin at umuwi na..