webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

They are late

"Di ka ba mag so-sorry sa akin?"

Mabilis na kumunot yung noo ko dahil sa narinig ko mula sa bibig niya. Pero di parin ako nag mulat ng mata at di ko parin siya pinansin.

"Michelle... you should apologize. Di naman ako galit. Sige na mag sorry ka na sakin!"

Sabay yakap sa akin, ipinatong pa yung baba niya sa balikat ko at bahagya pang inihipan yung tenga ko at niyoyog ang katawan ko nagmamakaawa na mag sorry ako sa kanya. Kaya napilitan akong mag mulat ng mata at tiningnan ko siya ng masakit. Bahagya ko siyang siniko para kahit papano lumayo siya sa akin pero di parin ako nagsalita kaya lalo niya kong niyakap.

"Bakit ka nagagalit sa akin? Di ba nga dapat ako ang magalit sayo kasi hanggang ngayon tumatanggap ka parin ng manliligaw kahit may boyfriend ka na! Di ka pa nakuntento sa akin at naghahanap ka pa ng iba."

Maarteng sabi niya sa akin na akala mo talaga niloko ko at kung ano-ano ang pinagsasabi na parang na agrabyado.

"Wala pa ba yung pagkain? Nagugutom na ko!"

Pagrereklamo ko sabay tayo para maiwasan ko na mapa kinggan yung mga sinasabi niya at ng manahimik. Naisip kong lumabas muna para sana lumanghap ng sariwang hangin baka sakaling manahimik si Martin. Pero bago pa ko maka hakbang agad akong hinila ni Martin paupo sa kandungan niya kaya di ko maiwasang singhalan siya.

"Martin! Anong ginagawa mo?"

"Mag so-sorry ka ba sa akin o hindi?"

Pagbabanta niya sa akin.

"Di ako mag so-sorry sayo! Dahil di ko kasalanan kung madami akong manlilgaw!"

Mayabang kong sagot sabay irap. Kasi di ko maintindihan pano ako nagkaroon ng kasalanan sa kanya. Sa pagkaka alam ko di kasalanang ligawin ka ng mga lalaki.

"Yun na nga eh, dami mong manliligaw tapos ayaw mo pang ipagsabi na may boyfriend ka na para tumigil na sila sa panliligaw sayo."

"Kung gusto mo di ikaw magsabi para wala ka ng reklamo! Kumuha ka ng mega phone at e-announced mo sa lahat!"

Iretable kong sagot. Malapit na talagang maubos yung pasensya ko sa kanya. Marahil narinig niya na nagagalit na talaga ako di na sumagot si Martin. Pero ramdam ko yung intense ng titig niya sa akin. Dahil nga naka kandong ako sa kanya kalahati lang ng muka ko yung nakaharap sa kanya.

"Hays!"

Buntong hininga ko. Ito talaga ang ayaw ko kapag may boyfriend parang nagiging kumplekado ang mga simpleng bagay. Maya-maya tumunog yung door bell malamang yung pag kain namin. Kaya mabilis akong tumayo sa kandungan ni Martin at di naman niya ko pinigilan. Mabilis siyang lumapit sa pintuam at kinuha yung pagkain naming dalawa. Dineretso na niya sa dinning table yung mga pagkain at agad din akong niyaya.

"Tara na! Kain na tayo!"

Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Nilagyan na niya ng kanin at ulam yung pingan ko nung umupo ako opposite sa kanya. Kumain lang akong tahimik at di ko siya pinansin samantalang si Martin walang ginawa kundi tingnan ako parang may gusto siyang sabihin pero di niya masabi hanggang matapos na kaming dalawa.

Tinulungan ko siyang mag ligpit ng masigurado kong okey na ang lahat agad akong pumuntang sala para kunin yung pouch ko para sana bumalik na sa office.

Pero mabilis niya kong hinarang.

"Saan ka pupunta?"

"Balik na ko ng office."

"Galit ka parin?"

"Martin... Kailangan ko ng bumalik madami pa kong gagawin at need settle sa office."

"Sorry na! Di ko maiwasang mag selos eh, lalo ng ipakita sakin ng Boss mo yung sangkatutak na bulaklak sa lamesa mo. Ang masaklap pa yung ibang bulaklak mas maganda pa kaysa sa ibinigay ko sayo."

Pag momok niya sa akin habang nagsasalita muli niya kong niyakap at ipinatong uli yung baba niya sa balikat ko. Parang pinipilit niya kong amuin siya. Kaya di ko na napigilang sabihin yung sa loobin ko.

"Di ko kasalanang popular ako sa mga kalalakihan at di ko rin kasalanan kung gusto nilang maki pag kumpitensya ng palakihan at pagandahan ng bulaklak sa ibinigay mo. Eh ang pinag basehan lang naman ng lahat ng bulaklak at regalong natanggap ko ay ang bulaklak na galing sayo. Kaya bakit ka magtataka kung napag iwanan yung sayo!"

"Huh?"

Takang tanong ni Martin di niya napigilan tingnan ako mata para marinig ng maayos yung paliwanag ko.

"Nung nagpadala ka ng bulaklak sa opisina akala ng lahat ng admirer ko tumatanggap na ko ng manliligaw at handa ng kong magka boyfriend kaya nagpadala din silang lahat para ipahayag ang pagka gusto nila sa akin."

"Sana sinabi mo may boyfriend ka na para di na sila umasa."

"Di yun ganun kadali. Pagpasok ko palang sa company madami ng nagpahiwatig ng pagka gusto sa akin. Kaya sinabi ko na di pa ko pweding mag boyfriend kasi kagagaling ko lang sa break-up at nagpapagaling pa ko ng sugatan kong puso kaya lahat ng regalo at bulaklak ni reject ko. Dahil nga sa patuloy kong pag reject wala ng nagpadala pero meron parin nagpapahayag pero naiintindihan naman daw nila yung pasya ko. At nangako naman ako sa kanila na if ever willing na ko tumanggap sasabihan ko sila."

"You mean nag assume sila na tumatangap ka na ng manliligaw kasi di mo ni reject yung bulaklak na pinadala ko?"

Gulat na gulat na tanong ni Martin.

Tanging tango lang ang isinagot ko.

Muli niya kong niyakap sabay deklara ng

"THEY ARE LATE!"

Mayabang na sabi ni Martin sa akin.

Tama nga naman siya dahil bago ko pa malamang naka recover na ko sa pagkabigo sa pag ibig napa sagot na niya ako ay mali napikot na niya ako kaya di ko maiwasang mapa iling.

"Ihatid mo na ko bago pa ko maki pag break sayo!"

Pagbabanta ko naman sa kanya para mabawasan ang confidence niya sa sarili.

"Haha...haha... Akala mo naman papayag ako! Huh... nakilala na kaya ako ng parents mo kaya di ka pweding makipag break sa akin!"

Sabay pisil sa ilong ko.

"Sino nag sabi sayo! BREAK NA TAYO!"

Sabay hampas ko sa kamay niya na nasa ilong ko.

"Ah ganun makiki pag break ka sa akin!"

"Ah...! Martin! Ibaba mo ko!"

Malakas kong tili paano ba naman binuhat niya ko na parang isang sako ng bigas na ipinasan niya sa balikat.

Please understand I have work from 8-6 every day and i takes 4 hours to write and edit each chapter if ever i release two chapter how can i sleep? (have some pity).

Just enjoy every chapter and i will do my best to update every day.

Thank you!!!

pumirangcreators' thoughts