webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

My Forever

"Haha... haha...!" Tawa ni Ziada sakin.

"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Seryoso ka talaga isasauli mo ito kay Martin?" Natatawa paring tanong ni Zaida sakin na para bang nakarinig siya ng worst joke.

"Oo!" Kiming sagot ko kasi nga pinagtatawanan niya ko.

"Itatapon lang yan ni Martin!"

"Bakit niya itatapon eh ang mamahal ng mga ito?" Gulat na gulat kong tanong.

Kasi naman yung laman ng box na iyon di biro. Andun yung relo, bracelet, kwintas at kung ano-anong alahas na binigay niya sakin dati. May bag at sapatos din dun, pati mga accesories na binibili niya sakin. Maliban pa dun andun din yung engament ring na bigay niya.

"Para namang manghihinayang si Martin sa amount ng mga yan. Isa Michelle mas makakabuti kung itatabi mo nalang yan or isuot mo kaysa ibalik mo kay Martin. Baka lalo pa yung magalit sayo kapag sinauli mo yan."

"Bakit naman siya magagalit?"

"Paanong di magagalit eh binili niya sayo yan nung kayo pa, so it means binili niya sayo yan to show kung gaano ka niya kamahal tapos ibabalik mo so anong ibig nun di mo bina-value yung past relationship niyo?" Dire-diretsong sabi ni Zaida sakin.

Bigla akog napa-isip kung ganun ba talaga ang magiging dating nun.

"Mabuti pa itabi mo nalang yan! If ever dumating yung time na bawiin niya saka mo isauli pero doubt ako na gagawin niya yun!" Sabi uli ni Zaida ng di ako sumagot at tumango nalang.

"By the way, alam mo bang andito pa sakin yung gown mo?"

"Gown ko?"

"Oo, yung wedding gown mo! Tara, pakita ko sayo!" Sabay hila sakin ni Zaida palabas ng office niya.

Dinala niya ko sa second floor kung saan naroroon yung mga gown na tapos na and ready for delivery. Maingat niyang nilabas yung gown na nakatago sa isa sa mga cabinet doon. Naka suot yung sa maniquin at naka balot ng puting tela.

"Charan!" Sigaw ni Zaida nung hilahin niya yung nakabalot na tela dun.

Lumantad sakin yung isang puting-puting gown. Off-shouder siya pero nilagyan ng

French lace for the lining and tulle fabric on top para di totally bare yung balikat ng magsusuot. Nilagyan din siya Baroque lace embroidered with French sequins. Napapalibutan ng almost 10,000 different varieties and sizes of Swarovski elements.

Di ko mapigilang mapigilang mamangha kasabay nun yung pagula ng luha ko.

"Sorry!" Mabilis kong sabi kay Zaida bago ako mapaupo sa sahig at tinakpan yung muka ko ng dalawa kong palad. Nahihiya kasi akong ipakita kay Zaida na hanggang nagyon nasasaktan ako.

"Michelle?" Tawag sakin Zaida.

"Okay lang ako!" Sabi ko habang pilit na pinakakalma yung sarili ko.

Hinayaan lang ako ni Zaida at pagkalipas ng ilang minuto tumayo na ko uli at nginitian siya.

"Pwedi ko bang isukat?" Lakas loob kong sabi. Di naman siguro masaya yun kasi para sakin naman talaga yun ang masaklap lang di ko siya nasuot sa araw na iyon kasi nga umalis ako. Kaya wala naman dapat sisihin kundi ako lang, lalo pa nga at naka move-on na si Martin.

"Sige!" Sagot ni Zaida sakin habang inuumpisahang alisin yung gown sa maniquin.

Tinulungan ako ni Zaida isuot yun at gaya dati fit na fit yun sakin, sabagay sa loob ng dalawang taon halos wala naman nagbago sa pangangatawan ko. Di ko mapigilang haplusin yung damit napaka ganda nun.

"Bagay sayo!" Masayang sabi ni Zaida.

Nginitian ko lang siya habang pinagmamasadan ko yung sarili ko sa salamin.

"Wait lang!" Sabi ni Zaida bago ako iniwan.

Di ko nanaman maiwasang maiyak. Nung marinig kong may pumasok mabilis kong pinunasan yung luha ko.

"Upo ka!" Utos sakin ng baklang kasama ni Zaida.

Medyo nagtataka ako pero sumunod ako. Mabilis nitong inayos yung buhok ko pagkatapos ay nilagyan ako ng make-up. Naguguluhan ako kaya tiningnan ko si Zaida pero wala siyang sinabi at naka tingin lang samin habang naka ngiti.

"Perfect!" Rinig kong sabi ng bakla at ng tumingin ako sa salamin di ako maka paniwala na sa sandaling oras ay nayusan niya ko.

"Tawagin mo si Robert, sabihin mo okay na!" Sabi ni Zaida sa bakla na agad naman itong lumabs.

"Ano ito?" Tanong ko kay Zaida.

"Sayang naman kasi yung damit naka tago lang ng matagal. Iniisip ko kasi sanang ibenta sa iba kaya lang nahihiya akong hingin kay Martin kasi nga bayad na. So naisip ko gamitin ko nalang yan for advertising para sa June Bride na ilalabas namin ngayong taon kaya lang wala akong makuhang perfect model na magfit diyan sa damit. Buti nalang pumunta ka at bagay na bagay parin talaga siya sayo, sabagay sayo naman talaga yan haha..haha...!" Masayang sabi ni Zaida.

"So anong gagawin ko?" Takang tanong ko kasi parang di ko na gets yung pinagsasabi ni Zaida.

"Picture-picture!" Pagkasabi nun ni Zaida pumasok yung isang lalaking may dalang camera may kasama siyang dalawa pang lalaki na satingin ko assistant niya na mabilis na nag-ayos para sa background at akalipas nga ng ilang minuto ay nasa harap na ko ng camera at uma-awra.

"Magkano bayad mo sakin?" Taas kilay kong tanong kay Zaida.

Nasa loob na kami ng opisina niya habang tinitingnan namin yung mga picture na kinunan kanina.

"Ako ng bahala sa wedding mo kapag nagpakasal ka na!" Sagot ni Zaida habang seryoso sa pagtingin ng mga picture ko.

"Siguraduhin mo lang yan! Sinasabi ko sayo malapit ng kong ikasal!" Confident kong sabi pero sa totoo lang joke ko lang yun, paano ako ikakasal kung hanggang ngayon di ako maka move-on sa Ex ko.

"Alam ko kaya wag kang mag-alala inaayos ko na yung lahat isa pa naka ready naman na lahat ng gusto mo!"

"Tama naka-ready naman na ang lahat groom lang ang wala!" Natatawa kong sabi kasi kung tutuusin alam na ni Zaida yung dream wedding ko at sa ngayon wala naman nagbago dun kasi yun naman sana talaga ang gusto ko. Kaya lang asan kaya yung groom ko?

"Iniisp ko kung ito yung palalakihan ko, tingnan mo?" Sabi sakin ni Zaida sabay lapit sakin ng laptop niya.

Nakatayo ako dun habang hawak-hawak yung bulaklak ng dalawa kong kamay. Napaganda ng ngiti ko dun, sabi kasi nung photographer isipin ko daw na nakatayo sa gilid ko yung lalaking gusto kong maging groom, yung lalaking gusto kong makasama habang buhay.

"My forever!" Yun sana yung gusto ko.