webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

Chapter 375

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang bumukas yung pinto ng opisina ni Martin at rinig na rinig ko yung sigaw niya.

"All of them are bullshit, magaling lang sila kapag kita ang pinag-uusapan pero sa maliit na problema gusto nila akong patalsikin ang dami nilang alam di sila kaya ang maupo dito para malaman natin kung gaano sila kagagaling... mga wala...." di na natapos ni Martin yung sasabihin niya ng makita niya kong naka-upo sa upuan niya.

"Hon?" mahinahon na niyang sabi na para bang inihipan na ng hangin lahat ng galit niya kanina.

Nung binuksan niya kasi yung pinto di siya agad pumasok sa halip ay nilingon niya si Yago saka nagsalita ng salita kaya di niya agad ako nakita.

"May meryenda akong dala!" sabi ko sa kanya sabay turo ng pagkain na nasa center table. Tumayo narin ako para lapitan siya kasi nga para siyang napako na sa kinakatayuan niya. Actually, first time kong makitang magalit si Martin ng ganun.

Nung dumampi yung labi ko sa pisngi niya saka lang siya naka recover. "Di ba sabi ko sayo dun ka na sa shop ni Zaida dun na kita susunduin," sabi niya sakin bago ipinulupot yung kamay niya sa baywang ko.

"Boring ako dun eh, kaya naisip ko dalhan ka nalang ng meryenda," paglalambing ko para mawala yung init ng ulo niya.

"Bakit di ka nagtext sakin?" muli niyang tanong bago niya sinara yung pinto.

"Balak ko kasi hulihin ka, baka kasi may tinatago kang chicks dito kaya ayaw mo kong papuntahin," pagbibiro ko.

"Sa session na ginagawa nating gabi-gabi sa palagay mo may lakas pa kong maghanap ng chicks," sagot ni Martin sakin na bahagya pa kong kinuro sa tagiliran.

"Malay ko ba, baka kasi di ko pa nasasatisfy sakin,"

"Tumigil ka nga, mamaya buhatin kita papunta dun sa kama makita mo!" pagbabanta niya sakin, di na ko nagsalita kasi baka mamaya gawin niya talaga yun.

Binuksan ko nalang yung dala kong carbonara, masarap kasi siya kaya naisip ko na yun nalang din ang dalhin ko kay Martin kasi halos parehas naman taste namin sa pagkain kaya tiyak ko magugustuhan niya yun.

"Timpla kita kape?" tanong ko sa kanya nung iniabot ko yung kutsara at tinidor sa kanya.

"Please," sabi niya sakin.

"Wait lang," sagot ko kay Martin bago ako tumayo para ipagtimpla siya ng kape.

"Ikaw pala nagmeryenda ka na?" tanong ni Martin sakin.

"Tapos na, si Zaida ng angbayad niyan eh!" kwento ko kay Martin kasi tuwing naaalala ko yung mukha ni Ziada di ko mapigilang matawa.

"Talaga,"

"Oo, kaya pag sumakit yung tiyan natin pareho alam mo na masama yung loob niya nung binayaran niya yan," sabi ko kay Martin bago ko inilapag yung tasa ng kape sa harap niya at saka ako umupo sa tabi niya.

"Hon yung tungkol sa pinakita kong ugali kanina," bungad ni Martin sakin.

"Anong problema dun?" takang tanong ko

"Baka kasi...," sagod ni Martin sakin na para bang di niya alam kung paano niya ipapaliwanag sakin yung pinakita niyang ugali.

"Ano ka ba normal lang yun, wag mo yung isipin. Bilisan mo ng kumain at madami ka pang tatapusin sa lamesa mo, Anong oras na tayo makaka-uwi mamaya," sabi ko kay martin saka ko sinipat yung relo na nasa kamay ko. Suot ko yung regalo niyang relo sakin.

"Wag kang mag-alala pag dating ng five uuwi na tayo yaan natin yang mga papel na yan kapag nga ako nainis sunugin ko yan lahat eh!"

"Talaga lang ha, ewan ko na lang kundi umiyak si Yago."

"Yaan mo siyang umiyak pake ko sa kanya," sabi ni Martin habang kumakain. Umiling nalang ako baka kasi kapag pinatulan ko sunugin niya talaga.

Pagkatapos niyang kumain ako na yung nagligpit para makabalik na siya sa trabaho niya.

"Hon, pahinga ka muna sa resting room pagkatapos mo diyan,"

"Wala na nga akong ginawa sa bahay kundi humiga ng humiga pati ba naman dito gusto mo humiga parin ako sa kama," pagre-reason out ko.

"Buti nga sa kama pa yung inoffer ko sayo kasi kung ako lang mas gusto kita dito sa table ko," pang-aasar ni Martin sakin.

"Bwisit na ito, pinahiga na nga niya ko sa office table niya sa bahay namin pati ba naman dito gusto din niya kong pahigain," sabi ko sa isip ko at bilang sagot ko sa kanya inirapan ko lang siya.

Pagkatapos kong hugasan yung ginamit ni Martin ay bumalik ako sa sofa at kinalikot yung phone ko. Pinag-aaralan ko yung features niyon at iniinstallan ko ng mga application ng may bilang kumatok at pumasok sa office ni Martin.

"Di ko akalain na magagawa nila sayo yun dahil lang sa isang maling pirma mo,!" sigaw ni Lucas.

"Ikaw naman kasi pina-alalahanan na kita dati na malaking sakripisyo yung Casa Milan Subic para kay...," di na natapos yung gustong sabihin ni Lucas kasi bigla siyang lumingon sakin, nakita kong sinenyasan siya ni Martin na tumingin sa direction kung saan ako naroroon.

"Uy Michelle andito ka pala, kamusta?" masayang bati niya sakin.

"Okay lang, ikaw musta?" sagot ko naman.

"Okay lang din, lalo kang gumaganda ah!"

"Ikaw nga din diyan eh lalong gumagwapo!"

"Ahem," ubo ni Martin.

"Pero sympre mas guapo parin yung asawa ko sayo!"

"Naman, walang tatalo sa ka-guapuhan ni Martin," sakay ni Lucas sakin.

"Siya nga pala ano yung sinisigaw mo?" paalala ko sa kanya sa gusto niyang sabihin sana.

"Ay yun wala yun," sabi ni Lucas habang nagkakamot ng ulo.

"Eh bakit ka nandito?" taas kilay kong tanong. Feeling ko kasi may nililihim sila sakin.

"Na-miss ko lang si Martin," sagot ni Lucas sakin.

"Umalis ka na nga kung ano-ano pinagsasabi mo!" naiiritang sabi ni Martin nung marinig yung sinabi ni Lucas.

"Makagawa lang ng kwento para di ko malaman yung sekreto niyong dalawa, pag-untugin ko kayo eh!" pagbabanta ko sa kanila.

"May gagawin pa pala ako, usap tayo bukas Martin. Bye Michelle!" sabi ni Lucas na mabilis na lumabas ng opisina ni Martin.

Paglabas ni Lucas bumaling ako kay Martin para sa humingi ng paliwanag pero di niya ko pinansin at isinubsob nalang yung mukha niya sa documents sa harap niya.