webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
388 Chs

Chapter 285

"Michelle!" tawag sakin ni Don na tumatakbo.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Picture tayo!" yaya niya sakin. Naka shorth lang siya na pang basketball samantalang walang suot na pang-itaas at di mo makaka ilang perfect body dahil sa firm muscle and six pack na nasa tiyan niya.

"Smile!" sabi niya sakin sabay taas ng phone niya para kumuha ng selfie naming dalawa. Bahagya pa siyang lumapit sakin. Pagkatapos nun agad niyang ipinakita yung mga picture na kinunan niya at puro naman yun magaganda.

"Balik ko muna itong phone ko ha!" sabi niya sakin bago siya tumakbo pabalik ng cottage, samantalang ako ay lumusong na sa tubig na kanina ko pa gustong-gustong languyin. Makalipas pa ng ilang minuto ay kasama ko na din yung ibang lumangoy at kagaya nga ng pinangako ko kay Don tinuruan ko siyang lumangoy di ko nga lang alam kung natututo ba siya o sadyang gusto lang mapalapit sakin.

Alas dos na nga hapon na magkayayaang umuwi na kasi nga mainit narin. Nagkakantahan parin sila sa jeep habang bumibiyahe kami pauwi. Kapag mga bata nga talaga full of energy lalo pa nga at katabi yung mga nililigawan.

"Ikaw naman kumanata Michelle!" sabi ni Don sakin. actually kanina pa nila ako gusto pakantahin kaya lang wala ako sa mood kaya sabi ko sa kanila next time nalang.

"Mamayang gabi nalanag kapag may hinarana kayo, sama niyo ko ako kakanta!" sagot ko sa kanila.

"Asahan namin yan Ate Michlle ha!" sabi ni Roger na halatang exited.

"Bakit wala ba yung nililigawa mo dito?" tanong ko.

"Wala Ate eh di pinayagan ng parents niya!" nahihiyang sagot nito sakin.

"Ah sige, sama mo ko mamaya!" naka ngiti kong sabi sa kanya.

Pagdating ko ng bahay nasa labas sila Mama at Papa, naka upo sila sa may ilalim ng uno ng kawayan.

"Salamat ah!" sabi ko kay Don na hinatid ako sa bahay namin.

"Walang ano man, kita tayo mamaya!" sabi nito sakin bago umalis matapos niyang batiin din yung magulang ko.

Pagpasok ko ng bahay ay muli akong naligo kasi nga malagkit parin yung katawan ko. Habang nagtutuyo ako ng buhok ay tiningnan ko yung phone ko na kanina ko pa di nasisilip.

"Diba sabi ko sayo wag kang magpapaligaw, sino yung lalaking kasama mo sa FB?" text na bumungad sakin.

"Mukang enjoy na enjoy ka talaga diyan ah!"

"Sabi ko sayo Michelle humnda ka pag nagkita tayo?" bigla akong napataas kilay nung mabasa ko yung text niya na yun kaya agad ko yung nireplyan.

"Lakas ng loob mong pagbantaan ako eh di mo nga masabi yung pangalan mo!"

"Bumalik ka na dito!" Huling text niya pero di ko na yun pinansin. Madami pa siyang text at puro yun pagbabanta tungkol sa pagtanggap ko daw ng manliligaw at paglapit sa lalaki pero inignore ko nalang yun at nag scroll lang ako ng phone ko.

"Ang bilis nilang mag post ah!" nasabi ko nalang kasi halos lahat ng picture namin kanina sa beach ay na post na nila sa FB at naka tag ako dun.

"Michelle, uwi na ba kayo mamaya?" message ni Christopher sa messanger ko.

"Di ko pa alam, why?" tanong ko.

"Di ba may date tayo bukas?"

"Pwedi naman tayo mag date, punta ka dito!" paghahamon ko kay Christopher.

"Kapag di pa talaga kayo uuwi talagang pupunta ako diyan. Sino yung lalaking kasama mo sa beach?"

"Boyfriend ko!" mabilis kong sagot. Maya-maya lng tumatawag na si Chrsitopher sa phone ko pero di ko yun sinagot. Mga lalaki nga naman ang kukulit.

Nagsusuklay na ko ng buhok ng muling tumunog yung phone ko pero dahil nga isip ko si Christopher lang yun, hinayaan ko lang itong tumunog.

Palabas na ko ng kwarto ng damputin ko yung phone ko kama para sana message uli si Christopher pero laking gulat ko ng tumunog ito uli at si Boss Helen ang caller.

"Hello Boss, napatawag ka?"

"Buti naman MIchelle sumagot ka na!" sabi ni Boss na para bang nabunutan ng tinik kasi nga naka usap na ko.

"Bakit po?" seryoso kong tanong.

"May emergency kasi at kailangan ko sa na yung tulong mo." mabilis na sabi ni Boss Helen sakin.

"Ano ba yun Boss?"

"Yung isang project namin sa Subic nagkaroon ng aberya ngayon gusto ng client namin napabayaran lahat ng nasirang materials samin eh aabot yun ng halos 50 million, di ko alam ang gagawin Michelle. Ang masklap pa pwedi pang makulong si Alvin kasi nga siya yung nagdesign nung elecrtical dun sa project."

"Ganun kalala?"

"Oo eh, kaya need ko yung tulong mo!"

"Bakit ako?" takang tanong ko.

"First time kasi namin magdesign ng fiber at naalala ko na nakwento mo sakin sa party na yung ang dene-design mo sa America baka pwedi mo naman kaming tulungan sa investigation team para malaman kung sino ba talaga ang may mali dun sa project. Ikaw nalang yung representative namin."

"Sinong client?"

"Casa Milan Group of Companies." mabilis na sagot ni Boss, So, company under kay Martin nasabi ko sa sarili ko.

"Michelle tulungan mo naman kami!" paki usap ni Boss.

"Sige Boss walang problema, handa naman akong tumulong."

"Thank God, hulog ka ng langit!" sabi ni Boss Helen sakin, para sakin kasi willing akong tumulong kasi nga nung nangailangan din ako dati di naman nagdalawang isip si Boss Helen na tulungan ako. Isa pa involve din si Alvin, paano nalang si Dina kapag nakulong si Alvin pati yung magiging inaanak ko.

"Hintayin kita bukas sa office or dun na tayo magkita sa Casa Milan?" muling sabi ni Boss Helen.

"Sa Casa Milan nalang Boss!" mabilis kong sabi kasi nga dun naman pumapasok si Mike kaya pwedi akong sumabay. Ang problema ko ngayon paano ako uuwi.

Pagkatapos naming mag-usap ni Boss Helen agad kong kinausap si Mama at Papa tungkol sa sitwasyon kaya agad naman nila akong pinayagan. Balak ko sana mag-commute nalang pero sabi ni Papa meron daw pinsan si Mama na bumibiyahe pa Manila ng madaling araw nagdadala daw ito ng mga gulay sa Balintawak market at sumabay nalang daw ako at ng maidaan ako sa Bulacan para di na ko mag-commute at saka baka daw gabihin ako sa biyahe mahirap na.