"What's your plan for your birthday, Mist? Oh my gosh! Beach party? Or are we going to Paris together?" tanong ng isang babaeng may malaanghel na mukha sa harap ko habang namimilog pa ang mga mata sa excitement, na feeling yata nya sya ang may birthday. Angel na angel na eh, wag lang sana magsasalita. Pano ba naman, sobrang lakas ng boses. 'Yung tipong aakalain mong isa syang speaker or amplifier sa past life nya. No wonder kung lahat ng tao sa coffeeshop na to eh babati sakin sa birthday ko.
By the way, she's Eurika Sysmundo, my bestfriend. Simula preschool pa lang magkaibigan na kami. Siguro nga fetus pa lang kami tinadhana na maging magkadugtong ang bituka namin. Hindi ko alam kung pano namin napagtitiisan ang bawat isa, despite of our flaws and evil sides. Well, that would only mean that we're really best of friends.
"I don't know yet. Ayoko mag-isip o magplano. Kakasawa at kakatamad na." Tinatamad kong sagot sa kanya habang iniikot-ikot ang straw sa mason jar na hawak ko.
"Sus, lagi ka naman tinatamad. Wala namang bago dun." She leaned on her chair and crossed her arms.
"This time, totoong tinatamad ako. Hey Euri! Sang review center pala tayo mag-i-enrol?" As I diverted the topic.
"Pinaalala mo na naman! Ugh! Ayoko pa magreview, ayoko pa magboard exam. Gusto ko pa ng isang mahabang bakasyon!" Nagpakawala sya ng isang malalim na buntung-hininga at sumubsob sa table.
"Ano ka ba? Gusto ko na nga magboard exam eh. Gusto ko ng magtrabaho." Sabi ko sa kanya in my most convincing voice.
"Bakit ka ba nagmamadali magtrabaho? We belong in a well-off family. They can provide us everything we want kahit di tayo magpakahirap." Umupo sya ng diretso sabay irap sakin. Okay, bitch mode on.
"We're on different shoes Euri. Kahit hindi ka magtrabaho atleast totoong parents mo sila. Ako hiyang-hiya na ako kay Lolo. Gusto ko na magkaroon ng pakinabang sa kanya." Inabot ko ang fries at isinubo ito.
"I know Lolo Art would not agree sa kung ano man ang iniisip mo ngayon. And let me remind you, lolo mo sya, apo ka nya. Natural lang na mag-buhay prinsesa ka. Baka gusto mo ienumerate ko pa sayo ang company nyo? But it's your choice, kaw pa rin naman ang bahala sa buhay mo."' Kibit-balikat nya.
"Thank you for your wonderful opinion!" Nagslow clap pa ako para asarin sya. Sabi ko na nga ba, hindi nya ako maiintindihan.
"Seryoso ako Mist. Tara na nga, let's go shopping!" Sabay hila nya sakin palabas ng coffeeshop hanggang sa magkabangga-bangga ako sa mga taong nakakasalubong namin.
It's Saturday at probably alas sinco na ng hapon kaya ang dami ng tao ngayon. I hate going to malls pero wala akong magagawa, mahilig magshopping ang bruha kung kasama.
Dumaan kami sa shop ng isang sikat na clothing line, alam nyo na, magwawaldas daw ng pera si Euri. Okay, for sure mapapagastos din ako nito. Ako yung tipo ng babae na hindi masyadong mahilig magshopping, kung hindi ko lang to kaibigan hindi ko to sasamahan.
"Mist, magboyfriend ka na kaya." Out of the blue na sabi niya habang nasa loob sya ng fitting room.
"Wow? Para namang ang dali lang ng pinapagawa mo sakin. Ano yun, para lang akong bibili ng suka sa tindahan? Eurika naman! And one more thing, magboyfriend ka muna bago ka magsalita ng ganyan sakin." Sagot ko naman sa kanya habang pumipili ng pwedeng mabili.
"Oo na. Tch. Mist, let's go on a double blind date. Sobrang kulit ni Mom, pinipilit akong makipagdate. Samahan mo ako please." Lumabas sya at umikot-ikot sa harap ko. Sa tingin ko hinihingi nya ang opinyon ko about sa dress na suot nya.
"You're gorg. Ah yun naman pala, so gusto mo lang pala ng kadamay e." Tinaasan ko sya ng kilay.
"I know I'm gorgeous. E kasi naman BFFE, sige na kasi samahan mo ako." Maarte nyang sabi. Pabebe ang bruhilda. Eew.
"BFFE?" Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga damit na nasa harapan ko.
"Bestfriend forever and ever." Bumalik sya sa loob ng fitting room at after some time ay lumabas na rin.
"Yuck! Gross." At umarte pa ako na parang nasusuka.
"Grabe ka sakin. So ano nga sasamahan mo ako? Miss, I'll buy this. Thank you!" Inabot nya ang sinukat na dress sa sales lady at humarap ulit sakin.
"Pass." Walang emosyon kong sagot sa kanya.
"What? I mean why? Para magkalove life na tayo." Hinawakan nya ako sa braso at niyugyog. "Sige na kasi Mist."
"Mukhang bagay to sakin. Ayoko muna." Kinuha ko ang nakahanger na printed T-shirt at inilapit sa katawan ko.
Tiningnan nya ang hawak ko at biglang sumama ang mukha nya. "Maganda ang print. Pero mukha kang tomboy dyan. Bakit ayaw mo?"
"Eh 'tong cropped top na to? Siguro naman mukha na akong babae dito. Euri kung gusto mo ikaw na lang magboyfriend. Bakit kelangan ba sabay tayo? Ano yan kasama sa friendship goals natin? "
"Ayaw mo talaga? Kaya ba binusted mo si Vince?" Pangugulit nya sakin.
"Eurika, walang kinalaman si Vince dito. Don't bring up our issues here. You know naman na he's a good friend but he's not my type." Kinuha ko ang crop top at isang black na jumper at binigay sa sales lady na kanina pa samin nakasunod.
"Hindi mo susukatin? Why not? He's gwapo and sabi mo nga he's a good guy." Kumuha sya ng isang red off-shoulder tapos sinipat-sipat.
"Hindi na, kahit hindi ko yan sukatin bagay at kasya yan sakin. Yeah right, but I don't see him as my boyfriend. Teka nga, you like him? Nakakahalata na ako sayo ." Nagtataka kong tanong. Kasi naman kung makapuri kay Vince, akala mo sya ang president ng fans' club.
"Of course not. Ano ka ba naman Angela, masama bang magtanong?" Pikon na sya, tinatawag na nya ako sa mabaho kong pangalan.
"Oo nga pala si Migoy ang gusto mo. Wag kang mag-alala, hindi ako susuko ilalakad pa rin kita sa kanya." Mas lalo ko lang syang inasar.
"What the heck Misty Angela Archivedo? Gusto ko six-footer. Magdahan-dahan ka nga sa sinasabi mo."She flipped her hair at inirapan ako. Ang sarap talaga asarin ng babaeng to. Nakakatawa yung paglaki ng butas ng ilong nya.
"Ikaw ang nagsimula eh. I won't say sorry."
"Tch. Uwi na nga tayo!" Isinabit nya ang kanang braso nya sa kaliwang braso ko na parang wala lang yung mga pinag-usapan namin. Isip-bata talaga. Bagay na bagay sila ng pinsan ko.
"BFFE, umamin ka nga sakin, hindi ka pa nakakamove-on kay Zig no?" Tanong nya na hindi ko alam kung san nya kinuha. Pinagsasasabi ng bruhang to? Nag-aadik yata tong kaibigan ko? E kasi naman nakalabas na kami't lahat ng mall ay hindi pa rin talaga ako tinitigilan.
Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. "What? Anong pinagsasasabi mo? Nakadrugs ka ba?"
"I'm dead serious, Mist. Don't tell me hinihintay mo pa rin sya? Kaya ba ayaw mo mag-entertain ng ibang guy?" Napansin ko na seryoso na ang boses nya.
"No. Hindi totoo yan. Nakamove-on na ako, Euri. It's just that hindi pa ako ready pumasok sa isang relasyon." Depensa ko. Totoo naman ah, hindi lang talaga ako ready.
"Well, sabi mo eh. Tara sa Spa, para marelax ka. Mukha kasing binagsakan ka ng langit na may kasamang kulog at kidlat." Tumawa sya tapos sinandal nya saglit ang ulo sa balikat ko.
"Bad girl." Hinampas ko ang braso nya at nakitawa na lang din ako. Pero bigla ako napatigil ng matanaw ang isang familiar na figure ilang metro ang layo mula samin.
"Hahaha sorry na BFFE-- Uy! Anong nangyayari sayo?" Inuga nya ang balikat ko ng maramdaman nyang natulala ako.
Nawala ako sa katinuan ng mahagip ng mata ko ang lalaki na kasalukuyang naglalakad papunta sa isang itim na kotse.
Hindi ako pwedeng magkamali, kahit matagal ko na syang hindi nakikita, kilang-kilala ko sya. Kahit malayo sya, alam kong sya yun.
"Euri, the freaking ghost from my five years ago, andito sya..."