webnovel

Marcella's Diary

Marcella's real journey started when she was 13 years old. Writing in an old diary is one of her diversions. She was young when she became an orphan. So, a wealthy family adopted her. Unexpectedly, Marcella captured each family members' heart. As time goes on, she gained friends, wealth, fame, and compliments. Her life is way better than before. But, just like some typical teenage life, struggles also strikes her. Here come the haters, academic problems, and heartbreaks. Marcella's life seems to be animated and easy, but it isn't. Life is tricky. Swimming to the oceans of Neptune is the only way to her happiness.

Plaissance · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
24 Chs

Day 14

March 23, 2017

11:27 pm

Dear Diary,

Isang lingo na ang lumipas noong makumpirma kong patay na ang pamilya ko. Pinasa sa akin ang SSS ni mama at papa, nakuha ko ang ATM card nila. Nakuha ko rin ang mga ipon ni ate at kuya sa banko nila. Pati ang bahay at lupa namin, napunta sa akin. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung anong gagawin sa bahay at lupa. Kung ibebenta ko ba o ipapaupa.

Isang lingo ko na ring kasama ang pamilyang umampon sa akin. Mas lalo pa akong napalapit sa mga pinsan nila o pinsan ko na din. Nakaya ko naman ang kaartehan ni Heather at ang pagiging perfectionista ng magpinsan na bakla. Minsan ay nakikipaglaro ako sa kambal na Ferriero at ang saya nila kasama. Sana lahat ganoon no, D? Mas lalo din akong napalapit kay Lunox. Nakuha ko din ang loob ni Izar. Kuya nga minsan tawag ko sa kaniya eh at siya 'yung kasa-kasama ko sa paggawa ng mga kalokohan. Pero 'yung kuya niya, masungit pa din. Ganoon din sa iba pa.

Pero sa mga matatanda, napapalapit na din ako. Si Pirena Matilda at ang asawa niya, Mama at Papa ang tawag ko sa kanila, D. Pero 'yung accent, medyo maarte. Sa mga magulang nila, napalapit din ako. 'Yung mga magulang ni Mama ay mababait, pero medyo strikto ang ama niya at sweet naman ang nanay niya. 'Yung ama niya, minsan na akong hinabol ng latigo. Napapamura nalang talaga ako eh. Btw, D, Maxime at Madeline ang pangalan nila. Sa father's side naman, patay na 'yung nanay ni Papa pero buhay pa ang ama niya. Hugo ang pangalan non. 'Yung kalbo naman, hehe. Lolo siya ni Papa. Bastien ang pangalan. Kinatatakutan daw at napakastrikto. Hindi naman ako natatakot, hehe, isa nga siya sa palagi kong pinagtitripan sa bahay. Isa pa, may asawa siya. Buhay pa, pangalan niya ay Mallory. Hanep pala ang pamilya nila, D. Ang hahaba ng buhay.

'Yung palaging kasama ni Kuya Lucifer, pinsan din daw NAMIN. Hindi ko pa alam pangalan eh, sila ang next target ko sa mga pagtitripan ko.

Sa mansion na ito, D. Si Mama at Lolo Bastien ang palagi kong pinagtitripan. Tapos si Izar at ang mga pinsan ko. And then si Lucifer. Muntikan na ngang mabaog si Kuya Lucifer eh, HAHAHAHAHAHAH.

Oo nga pala, binigyan din ako ng bodyguards at chaperone. Hanep talaga, D. Yaman eh. Ang palaging nagbabantay at nakabuntot sa akin ay si Ate Laurel. 23 years old ata. Actually nasa gilid ko lang siya, kaya nag-iingat ako kasi baka malaman niyang chinichika ko siya sa 'yo, D. Anim na bodyguards meron ako. Dalawang babae at apat na lalaki. Pero yung lima ay sasama lang tuwing lalabas ako at pupunta sa malayo. Si Ate Laurel, siya ang palaging naandiyan. Siya ang tagadala ng pagkain ko kada nakakalimutan kong kumain dahil naglalaro pa ako sa bago kong computer. Nakikipaglaro ng WD2 kay Izar. Minsan wala siya pero sinabi ni Mama na tawagan ko nalang si Ate Laurel kung kailangan ko siya sa bago kong selpon.

Pero, D, isang lingo na ang lumilipas pero hindi ko parin matanggap. Ang sakit lang eh. 'Yung uuwi ka nang wala sila at umaasa ka na babalik pa sila habang nagmumukha ka nang tanga. Tapos wala kang kaalam-alam na namatay na pala sila. Nawala 'yung pamilyang nag-aruga at nagmahal sa akin, D. Nawala sila na parang bula. Ibang klaseng sakit iyon. Mas masakit pa iyon sa break-up. It was a torture.

Bago mangyari ang mga kinuwento ko sa 'yo kanina, D, ilang araw akong hindi makausap ng maayos. Hindi ko naasikaso ang sarili ko. Kahit pagkain, nawalan ako ng gana. Kailangan pa akong pilitin para makakain pero kakaunti lang ako sumubo. Ginutom at inuhaw ko ang sarili ko. Iyak ako nang iyak at wala akong maayos na tulog. Umabot na sa puntong nahimatay ako at pinacheck-up sa doctor.

Sila Lola Madeline at Lola Mallory ang mga pangunahing comforter ko. Nagiging komportable ako sa tuwing kasama ko sila. Minsan naman, ang mga lolo ko ang nagpapatahan sa akin. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako napalapit sa kanila.

Tumigil lang ako sa kadramahan ko noong pinagsabihan ako ni Mama at Papa. Huwag ko daw sayangin ang oras ng buhay ko sa pagmumukmok at maging malungkot. Naisip kong tama nga naman sila. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi sila maintindihan. So ayun na nga, nang matauhan ako, inayos ko sarili ko. Kumain ako nang kumain at uminom ng napakaraming tubig, pampabawi sa kakapiranggot na pagkaing kinain at tubig na ininom ko.

Hanggang diyan nalang muna, D. Bukas ulit!