webnovel

Chapter 1

"Damn you, Morgan!"

"Ang sakit mo 'brah!"

"Nice one Morgan!"

Panay ang sigaw ng barkada sa akin habang naglalaro kami ng paboritong computer game dito sa computer shop ni Kuya Von. Kung wala kami sa village namin ay dito kami tumatambay lalo kapag bakasyon. Kagaya ngayon, malapit nang matapos ang summer break at umuulan kaya dito kami sa palengke tumatambay. Kung maaraw siguro ngayon ay nasa village kami at naglalaro ng basketball o di kaya'y nagja-jamming sa kanto.

"One round pa! Tang-ina babawian ko lang itong si Morgan!"

Nanggagalaiting reklamo ni Jay. Talo kasi ang team nila. Siya ang hitter ng team nila at siya lagi ang inuuna kong itumba kaya asar na asar siya.

"Shut up, Jay!" Sabat ni Javi. Napalingon ako sa kanya sa tabi ko. Parang lumulutang ang pakiramdam ko sa simpleng pag-saway niya kay Jayson.

"Better luck next time 'brah!" Tinapik ni Kuya Mavy ang balikat ni Jay at nauna na itong lumabas ng shop. Dali-dali akong nag-log-out sa Facebook ko at sumunod na sa barkada.

Dinumog nila ang kwek kwek stand sa tapat ng computer shop. Kumuha ako ng stick at tumusok ng bagong lutong kwek kwek. Di-nunk ko iyon sa matamis na sawsawan at di-nunk ulit sa sukang may sili saka isinubo. Wala talagang papantay sa sawsawan ni Mang Danny.

May mga babaeng dumaan sa malapit at by instinct ay sumipol si Jared at Michael. Napatingin kami lahat sa grupo nila maliban kay Isaac na walang hilig sa mga babae.Napataas naman ng kilay si Troy nang makita ang chic na pinopormahan niya sa school.

"Una na ko. Daan ako sa inyo mamaya Javi." Paalam ni Troy sa amin at patakbong humabol sa mga girls kanina.

"Saan tayo?" I asked Mavy, my brother when we finished eating all the kwek kwek of Mang Danny.

Alas kwatro palang ng hapon at tumigil na ang ulan kaya naisip kong baka may iba pang lakad.

"Isang game pa kasi 'brah!" Hirit ni Jay na hindi talaga ako tinatantanan.

"Fuck off dude! Tanggapin mo nalang kasi na tinalo ka ng isang babae." Naririndi na rin ang laging walang-imik na si Isaac.

"Alright. Alright."

"Bahay nalang tayo. Chill?" Javi suggested.

Nagliwanag ang mata ko sa narinig. Gustong-gusto kong pumunta sa bahay nila dahil palagi silang may cake at ice cream. Pero hindi kami doon lagi nagpupunta dahil sa kabilang village ang bahay nila kaya natuwa ako nang mag-suggest siyang doon kami ngayon.

Sumakay na kami sa kanya-kanyang bisikleta at sunud-sunod na tumulak patungo sa village nila Javi. Excited ako. Ano kayang flavor ng ice cream nila ngayon? Mas masarap pa naman kumain noon kapag malamig ang panahon.

Dahil sa excitement ay nauna akong nakarating sa tapat ng gate nila. Hinihingal pa ako nang sumunod na dumating si Javi na kasunod naman si Kuya Mavy.

Pumasok na kami at namangha na naman ako sa malaking pool sa gilid ng kanilang lawn. Rectangular ito at sa sobrang laki ay pwede ka nang mag-practice para sa isang swimming competition.

Pag-pasok namin sa kanilang living room ay naabutan namin ang bunso nilang nag-aaral ng piano. Nakatalikod ito sa pintuan kaya hindi kami napansin. Sa tabi nito ay isang babae na marahil ay ang kanyang piano teacher.

Ang isa naman nilang kapatid ay nasa sofa habang naglalaro sa kanyang cellphone at may headphone sa tainga. Tumabi ako sa kanya para hintayin ang mga nahuling barkada. Ganoon din si Kuya Mavy.

"Hi, Ate Cali!" Binati niya ako pero hindi inaalis ang tingin sa kanyang phone.

"Hi! Si tita?" Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil hindi ako sigurado kung dinig niya ako o hindi dahil sa headphone sa tainga niya.

Tumayo ito at dumiretso sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin dahil sa pagtataka. Nang dumungaw ang mukha ni Tita Mabelle sa pintuan ng kusina ay tsaka ko napagtantong tinawag ito ni Samiel.

Tumayo ako para magtungo sa kusina.

"Caliyah!" Niyakap ako ni Tita. Matagal din kaming hindi nagkita.

"Kamusta po kayo Tita? Matagal po tayong hindi nagkita."

She smiled at me. I smiled back shyly. Baka mahalata niyang crush ko ang anak niya kaya nag-seryoso ako ng mukha. Mabuti at hindi naman iyon napansin ni Tita.

"Oo nga eh. Dalasan niyo rin kasi ang dalaw dito." Napaismid siya.

Binuksan niya ang refrigerator nilang double doors at nakita ko ang dalawang box ng cake doon. Nilabas niya ang isa at pinatong sa counter. Naglabas din siya ng mga platito galing cupboard. Dahil malapit sa pwesto ko ang lagayan ng mga kutsara't tinidor ay ako na ang kumuha ng para sa pangkain ng cake.

"Si Javi po kasi, laging sa Queens nakatambay kaya hindi kami makapunta dito." Sagot ko.

"Ganyan kapag nag-bibinata. Hindi mapirmi sa bahay." Tumawa pa si Tita sa sinabi niya.

Binuhat niya ang kahon ng cake at nagtungo na sa sala para pakainin ang barkada. Sumunod ako dala ang mga platito at tinidor. Nakasunod naman sakin ang maids nilang may dalang tray ng baso at juice.

"Sa poolside kami My." Ani Javi na kakababa lang galing sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay nila. Pansin ko agad ang basa pa niyang buhok dahil bahagyang tumutulo pa ito.

Nilapag namin ang mga dala sa marmol na mesa malapit sa pool. May malaking umbrella dito kaya kahit umulan ay hindi kami mababasa.

Nagkanya-kanyang pwesto na ang barkada at ako ang huling umupo sa tabi ni Isaac kung saan ang bakante. Bakante rin ang tabing upuan ni Javi pero dahil ayaw kong mapaghalataan ako ay mas pinili kong lumayo ngayon. Atleast sa tabi ni Isaac ay kita ko ng maayos ang mukha ni Javi.

Nag-strum ng gitara si Jared tsaka sumenyas siya kay Michael at nagsimula na ang jamming session ng barkada. Kung saan saan namin naidudugtong bawat wakas ng kinakanta namin.

At kahit mahal kita...

Wala akong magagawa...

Tanggap ko to aking sinta...

Pangarap lang kita...

Hinayaan nilang kantahin ko ng solo iyong part ni Yeng kaya naman namula ako nang matapos ako at sumabay ulit sila para sa isa pang chorus.

"You really got a nice voice." Si Michael.

"Siyempre kanino pa ba magmamana?" Singit ng sintunado kong kapatid.

"Shut up, Mav! Alam nating lahat na sintunado ka." Asar ni Jay at lumipad agad ang dirty finger ni Kuya Mavy sa kanya.

Nagtawanan kami dahil asar talo ang kapatid ko.

Napaupo ako ng tuwid nang mapatingin ako kay Javi. Tinititigan niya ako. Na-conscious tuloy ako sa mukha ko. Pasimple kong hinawi ang hanggang balikat kong buhon at inipit sa likod ng tainga ang dulo. Ngumuso siya. Parang pinipilang mangiti. For sure pulang pula na ang mukha ko ngayon.

Inabot ko ang baso ng juice sa harapan ko para madistract.

"Anong balak niyo sa college?" Isaac asked. Expected sa kanya ang ganitong mga tanong. Magtataka ako kung kay Jay manggagaling ang tanong na iyan.

"Sa Manila ako. C.E. Kayo?" Sagot ni Javi.

Nalungkot ako sa balak niya. So last year ko na pala itong school year na makakasama siya. Dahil ahead sila sa akin ng isang taon ay maiiwan ako dito kung sakali.

"Not yet sure about my course. Pero Manila din." Nabuhayan ako sa sagot ni Kuya Mavy. Kung ganoon ay pwede rin ako sa Manila. Yehey!

"Manila naman pala tayong lahat eh. Anong problema niyo?" Si Jay. Dumating na si Troy at nakaabot siya sa usapan.

Hindi na pumasok sa utak ko ang sagot ng iba dahil masyado nang pre-occupied ito sa isiping maiiwan ako dito mag-isa.

"Sige mag-Maynila kayong lahat." Di ko naiwasan ang tabang sa boses ko.

Natawa sila.

"Sus! Si Morgan nagda-drama." Si Jared na nangingiti.

"Bawal chics dito oy!" Kantyaw ni Jay sakin. Inirapan ko siya at tinaasan ng middle finger.

"Iyan ang namana niya sayo Mav. Kagaguhan!" Sigaw ni Mike.

Lalo silang nagtawanan.

"Cali, you can always follow us in Manila after your senior year. Dad already bought a condo with three rooms. For whom would you think that be?" Sinulyapan ako ni Kuya Mavy.

I smiled at him. Ang swerte ko talaga sa kapatid ko. Laging pinagagaan ang loob ko.

Kumain nalang kami ng cake at ice cream tsaka nag-table tennis sa garahe nila Javi nang umulan na. Wala ang isang sasakyan nila na marahil ay gamit ng Daddy niya kaya may space doon na pinaglatagan nila ng mesa para sa laro.

Hindi ako marunong nito kaya kinukutya ako ni Jay. Magaling siya kaya naman pinapapulot niya ako lagi ng bola kapag hindi ko natatamaan.

"Cali! Your Mom's on the phone!" Sigaw ni Tita Mabelle sa akin. Mabilis kong binitiwan ang paddle at nagtungo na sa kanilang living room. Thank God nakatakas ako doon kay Jay!

"Mom?"

"Caliyah, I think the rain won't stop anytime soon. Diyan na kayo ng kuya mo matulog, okay?"

"But Mom! Nakakahiya!"

"I already talked to your Tita Mabs and she thinks the same."

Hindi ako nakasagot. Naisip kong wala akong damit na mapagpapalitan.

"Paano ang damit ko? Toothbrush and etcetera?"

Mommy chuckled a bit. Ewan ko kung bakit.

"Your Tita can give you all of that Caliyah. You take care. I'll see you tomorrow."

"Okay."

Wala na akong say sa desisyong ito. It's final. She's just informing me. She knows it's a big deal for me because this is my first time to sleepover at someone else's house. At sa crush ko pa.

"Okay, I love you. Tell your brother."

"I love you too."

Binaba ko ang telepono at dinig ko agad ang kulog galing sa langit at ang malakas na ulan.

Sinulyapan ko ang aking Baby-G at nakitang alas syete na pala ng gabi.

Nandito na silang lahat sa living room nila Javi at kasalukuyang naglalaro ng Uno Cards. Tumabi ako kay Kuya Mavy at sinabi sa kanya ang sinabi ni Mommy. Kasama na ang I love you ni Mommy. Narinig iyon ni Javi at napalingon siya sa akin gamit ang namamanghang mga mata. Anong tinitingin tingin mo diyan?

Natigil sila sa paglalaro nang tawagin na kami para maghapunan. Nang malaman ng ibang barkada na dito kami matutulog ni Kuya ay pati sila ay dito na rin daw. Mga inggitero!

Kaya imbes na solo ko ang isang guest room ay sasama ako sa kung saan si Kuya dahil isang room nalang ang bakante para sa bisita. Doon magsisiksikan ang limang palaboy.

Bago pa man kami umakyat sa itaas ay inabot na sa akin ni Tita Mabs ang damit pantulog at iba pang kagamitang pambabae kasama na ang undies na bago.

"Thanks Tita." Nginitian lang niya ako at nauna na siyang umakyat sa kwarto nila.

Sumunod lang ako kay kuya at napanga-nga nang mapagtantong kwarto ni Javi ang pinasok namin. Halata naman dahil sa jersey at picture frame na nakasabit sa dingding na kulay asul.

Lalaking-lalaki rin ang amoy ng buong silid. May malaking kama sa gitna at side table sa bawat gilid nito na may tig-isang lamp shade. May couch sa gilid at coffee table.

Nahiga si Kuya sa kama samantalang ako ay naupo lang sa couch. Napalingon ako sa nagbukas na pinto ng bathroom na iniluwa ang bagong ligong si Javi.

Naasiwa ako sa topless niyang get up kaya napatingin ako kay Kuya na tulog na ata. I guess dito nalang ako sa couch at silang dalawa sa kama. Mas justifiable ang liit ko na magkasya sa couch kesa sa kanilang parehong matangkad. Baka sumakit lang ang katawan nila sa kakabaluktot.

"Uh...pagamit ng bathroom." I stuttered.

He smirked. "Feel free."

Halos takbuhin ko ang distansiya ng banyo at couch. He's making me giddy.

Nang matapos maligo at magbihis ay halos ayaw ko nang lumabas ng banyo. Paano ba naman ay maikling silk shorts at spaghetti strapped na silk rin ang pares ng binigay ni Tita Mabs na suotin ko sa gabing iyon. Bahala na nga.

Lumabas na ako at naabutan ang buong barkada sa couch na naglalaro na naman ng uno cards.

Sumipol si Mike at Jared nang makita ako sa suot ko. Great! Dahil doon ay lumingon ang lahat sa akin. Namula agad ako.

"Chics na chics Morgan!" kantyaw ni Troy na sinang-ayunan ni Jared at Mike.

"Allowed na pala ang chics sa grupo. Basta si Morgan lang." Hirit na naman ni Jay.

Naiiling lang si Isaac at Javi. Parehong walang imik at abala sa laro.

"Tigilan niyo kapatid ko mga 'brah. Walang talo-talo!" Banta ni Kuya Mavy sa kanila.

Nakita ko kung paano ngumuso si Javi sa sinabi ng kapatid ko. O baka iba ang dahilan. Masyado lang akong nag-aassume.

Matapos i-blow dry ang buhok ko ay nahiga na ako sa kama at niyakap ang isang unan. Gosh! It smells like Javi! Pwede bang nakawin itong bedsheet at pillow cases niya?

Nandoon silang lahat sa couch so I assumed na dito ako sa kama matutulog. Or pwede naman nila akong gising nalang mamaya pagkatapos nila.

Dahil sa dami ng ginawa namin sa araw na ito ay nakatulog agad ako nang di namamalayan.