webnovel

Jin (Chapter 40)

"DIN!" sambit ni Jin ng pangalan nito.

Napakadilim ng kwarto ng kanyang kambal. Ni hindi niya ito nakikita. Walang kahit na kunting ilaw man lamang na pumasok sa kwartong iyon galing sa labas.

Labis siyang nagtaka dahil biglang natahimik sa loob.

"Din?" tawag niya ulit sa kambal. Naisip niya noong lumabas at gisingin ang mga magulang. Matindi ang tahip ng kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Kinikilabutan pa rin siya.

Muli niyang tinawag si Din pero hindi talaga ito tumutugon. Hinanap ng kanang kamay niya ang switch. Nang matagpuan ay kaagad niyang pinindot para bumukas ang ilaw pero laking pagtataka niya kasi hindi bumukas. Napatanong siya sa isipan kung kailan napundi iyon.

Tumalikod na siya at akmang lalabas ng kwarto nang biglang may yumakap sa kanya nang mahigpit na animo'y ikinatalon ng kanyang puso sa sobrang kaba.

"Jin..." gumagaralgal ang boses na sambit ni Din.

Nakahinga naman siya nang maluwag. Panay ang hinga niya nang malalim. Hinarap niya ito at niyakap. Ramdam niya ang panginginig nito.

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" tanong niya.

Pero hindi tumugon si Din.

"Din, sagutin mo ako."

Ayaw pa rin tumugon ng kanyang kambal sa halip ay bigla niyang naramdaman ang kamay nito sa harap ng kanyang boxer. Hinimas at pinisil nito ang kanyang pagkalalaki. Hindi naman siya umangal dahil iyon naman talaga ang kanyang plano. Ang magpaubaya kay Din.

"Jin, kailangan kita ngayon," pabulong nitong sabi sa kanya.

Nasa boses ni Din ang matinding takot at hindi niya maintindihan kung bakit at kung ano ang kinakatakutan nito. Naisip niyang tanungin ang kambal tungkol sa narinig niyang parang may kausap ito pero hindi na niya iyon nagawa nang biglang siilin siya nito nang maalab na halik sa mga labi.

May parte ng isipan niyang tumututol sa halikang iyon pero hindi na niya iyon ininda pa at tumugon na lamang. Tinanggap niya nang maluwag sa kalooban ang dila nitong kaagad na pumasok sa loob ng kanyang bibig. Nakipaglaplapan siya rito ng dila. Pikit na pikit ang kanyang mga mata. Labis ang pintig ng kanyang puso nang mga sandaling iyon.

Habang naghahalikan ay naramdaman na niya ang kanang kamay ni Din na pumasok sa loob ng kanyang boxer. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak lamang sa kanyang leeg.

Nang magkalas ang mga labi nila ay bigla siyang hinila ni Din. Marahas siyang itinulak nito sa higaan. Napakadilim ng paligid. Wala siyang kahit kaunting nakikita. Pero hindi niya alam kung bakit parang malinaw siyang nakikita ni Din at alam na alam kung saan siya hahawakan at hahalikan.

Muli siyang siniil ng kanyang kambal ng halik sa mga labi. Tumugon pa rin siya. Nakipaglaro siya ng dila rito. Ramdam na niya ang pag-iinit ng kanyang katawan at sobrang tigas na rin ng kanyang pagkalalaki nang mga sandaling iyon.

Nang matapos ang kanilang halikan ay bumaba ang labi ni Din sa kanyang leeg. Inunan niya ang mga kamay at tuluyang nagpaubaya sa kambal.

Napaigtad siya nang maramdaman ang bibig at dila nito sa kanyang mga utong. Salitan nitong sinamba ang mga iyon. Hahalikan, didilaan at sisipsipin na animo'y may gatas na makukuha roon si Din.

Bumaba pa si Din. Pababa nang pababa. Hanggang sa tuluyan nitong naangkin ang kanyang pagkalalaki.

Tatlong beses siyang nilabasan no'n. Talagang bigay na bigay siya kay Din. Hindi niya ito pinagdamutan. Ibinigay niya ang hilig nito.

Hindi siya nakatulog pero si Din ay humihilik na. Nakaunan pa ito sa kanyang tiyan. Hawak-hawak pa rin nito ang kanyang pagkalalaki. Dahan-dahan niyang inayos si Din sa pagkakahiga at bumangon na siya. Napakadilim pa rin ng kwartong iyon kaya hindi na siya nag-abalang hanapin pa ang kanyang boxer. Hubo't-hubad siyang lumabas ng kwarto.

Pagsara niya ng pintuan ay para siyang tinakasan ng dugo sa katawan. Bigla na naman niyang narinig ang ingay sa loob ng kwarto ni Din. Labis siyang kinabahan at nanindig ang mga balahibo.

"Et non relinquat tibi! Et non relinquat tibi! Et non relinquat tibi!"

Nanlaki ang kanyang mga mata at natutop ang bibig sa narinig. Hindi iyon boses ni Din. Isang malaking boses at garalgal kung magsalita. Kahit hindi niya iyon naintindihan ay ramdam niya ang poot at galit sa boses na iyon.

Paulit-ulit ang sinasabi nito. Hindi na siya nakatiis, bigla niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Din. Labis ang pagtataka niya dahil tahimik naman sa loob. Madilim pa rin at tanging mahihinang paghilik lamang ni Din ang kanyang naririnig.

Napailing-iling siya ng ulo at napangiti. Naisip niyang baka guni-guni niya lang iyon. Hindi na lamang niya isinara ang pintuan at tumungo na sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng boxer sa kabinet at isinuot iyon saka siya nahiga.

Napatingin siya sa wall clock. Ala una na pala ng madaling araw. Alas kwatro ang punta niya sa terminal para makasakay ng bus papuntang Pasay Rotonda. Alas singko ang biyahe. Gigisingin naman daw siya ng kanyang mga magulang kaya pumikit na siya at nakatulog nga. Kailangan niyang makapagpahinga kahit ilang oras lang.

*****

HINDI na nakasama si Din sa paghatid sa kanya sa terminal. Hindi na rin nila ito ginising pa. Iyon din naman ang gusto niyang mangyari sa totoo lang.

"Jin, mag-ingat ka palagi roon ha. Mamimiss ka namin, 'nak," lumuluhang sabi ni Adela.

Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon na lamang kalungkot ang kanyang mga magulang. Unang beses kasi niyang malayo sa mga ito.

"Ang mga bilin namin, Jin, h'wag na h'wag mong kalimutan ha," sabi naman ni Ryan. Alam niyang naiiyak din ito nang mga sandaling iyon pero pinigilan lang.

Noon niya na-realize kung gaano niya kamahal ang mga magulang at ramdam din niya ang matinding pagmamahal ng mga ito sa kanya.

"Nay, tay, mahal na mahal ko kayo," sabi niya.

Niyakap niya ang mga ito nang mahigpit. Hindi pala ganoon kadali ang malayo sa pamilya pero naisip niyang kung nakaya ng iba, bakit siya hindi?

Hanggang sa tinawag na nga ang lahat ng pasahero at pinasakay na sa bus. Doon na sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Bawat hakbang niya palayo sa mga magulang ay parang tinutusok ng karayom ang kanyang dibdib.

Bago sumakay ay nag-wave siya ng kamay sa mga magulang. Nagyakapan ang mga ito at nag-iyakan. Pinigilan niya ang sariling mapahagulgol. Nahihiya siya sa ibang pasahero. Umupo na nga siya sa nakareserbang upuan para sa kanya.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay biglang pumasok sa isipan niya ang kabataan nilang dalawa ni Din. Hindi talaga niya lubos-maisip kung bakit nauwi sa bawal na pagibig ang lahat. Ang pagkakaalam niya ay tagapagtanggol siya nito sa lahat ng mga nang-aapi. Kailanman ay hindi niya hinayaang may manakit sa kanyang kambal.

"Din, bakit hinayaan mong mangyari ang lahat ng ito? Bakit ako pa?" hiyaw ng kanyang isipan.

Napatingin siya sa malaking peklat na nasa kanyang kanang kamay. Napailing siya ng ulo. Ayaw na niyang muling balikan sa isipan ang nakaraang iyon no'ng kapwa anim na taong gulang pa lang sila ng kanyang kambal. Ang nangyaring iyon ay matagal na niyang binaon sa limot at magiging parte na lamang nang madilim na nakaraan nilang dalawa ni Din.