webnovel

Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga

MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya.But, the real journey will start there and the rest of the story is history. NOTE: No part of this novel may be copy, reproduced or transmitted in any forms by any means. Please respect the author. PLAGIARISM is a Crime

Shiani_chii · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
33 Chs

Quisling's Identity

Sabi nga ni Prof. Emmelline, we should take a rest para sa pagsabak namin bukas ay may sapat na lakas kami na harapin ito. Bandang alas-singko kami nagising ng mga kasama ko dahil ngayon ang araw na darating ang Council. Kagabi, nauna nang makabalik ang iba namin mga kasama sa kani-kanilang quarters except for Loki, Rincewind, Luccas, Rage, Stella and me, as well. Lihim kaming kinausap ni Mrs. Clementine at Prof. Irvin, kasama si Prof. Beatrix. Napagkasunduan namin na bukas sa pagdating ng Council, ipapaalam na nila sa mga ito na ako ang nawawalang anak ng reyna, at sumang-ayon dito sina Loki, samantalang inulanan naman ako ni Rage ng mga katanungan nang malaman niya na ako ang prinsesa. Napangiwi na lamang ako dahil hindi ma-digest ng utak ko ang "out of this world" questions niya, yet friendly naman ang approach niya sa akin, sanhi para bahagya akong tumawa. Napag-diskusyonan din namin kagabi na kailangang magmamatyag nina Stella, Rage, at Prof. Beatrix sa oras na magsimula ang gagawin na pagpupulong sa Council, gayundin ang isasagawang interrogation sa mga witnesses at kung kinakailangan, gumamit na ng dahas kung mahuli at manlaban ang posibleng traydor ng academy, dahil iyon din ang kanilang hinuha matapos tahasang sinabi ni Rage ang konklusyon ukol dito. Oo nga pala, isinama ni Mrs. Clementine si Rage dahil malaking tulong ang kaniyang glass magic dahil versatile ito. Rage had the ability to use his glass magic in different aspects, at una kong nasaksihan ang magic niyang ito noong naging teammates kami sa nakaraang Death Match.

Nang magising na kaming lima, nagsimula na kaming mag-ayos ng aming mga sarili. Dahil hindi na ako nakapagluto ng breakfast namin since napuyat kami dahil sa emergency meeting, at naiwan pa kami ni Stella sa conference house kagabi,  napagdesisyunan namin na sa café na muna kami kumain ng breakfast. Thank goodness, libre lahat dito. Hindi ko alam kung gaano ba kayaman ang pamilya ng ina ko sapagkat mukhang hindi na kailangan ng academy na ito ang pera para punan ang pangaraw-araw na pangangailangan ng mga estudyante. Mapa-pagkain, damit, bath essentials and etcetera. Ang kaibahan lamang, hindi uso ang cellphone dito. Nami-miss ko na rin kasing maglaro ng Mobile Legends, isang sikat na video game sa mundo ng mga tao. Ang katangahan ko, naiwan ko ang cellphone ko sa may drawer ko sa loob ng girls dormitory sa Heather U kaya wala akong mapaglibangan minsan dito sa Lunaire Academy. Napabuntong-hininga ako saka isinubo ang pagkain na nasa kutsara ko. Narinig kong may sinasabi si Verdana habang punung-puno ng cheese tamagoyaki ang bibig saka siya iritadong sinaway ni Phyra, "Puwede ba lunukin mo muna ang kinakain mo bago ka magsalita."

Nilunok muna ni Verdana ang nginunguyang tamagoyaki saka lumagok ng isang baso ng tubig, "Sabi ko, ang sarap ng Japanese-style breakfast natin ngayon, kaya i-enjoy na natin ang pagkain kasi mamaya mukhang mapapasabak tayo sa laban."

Pinaikut-ikot ni Stella ang hawak niyang tinidor sa kaniyang plato saka biniro si Verdana, "Wow ah, hindi ka lang pala isang magaling na nature witch Verdana, isa ka na rin foreteller! Dana the great foreteller!"

Nagsimula na kaming magtawanan samantalang nginusuan lamang kami ni Verdana at maya-maya pa ay nauwi na rin siya sa pagbungisngis. Sana palagi kaming ganito, masaya at walang iniisip na problema. Ngunit, alam kong sa tunay na buhay, hindi parating ganito. Palagi rin itong may kaakibat na kalungkutan at kabiguan.

Right after we finished eating our breakfast, we headed toward the convention hall of the academy. Maraming bulwagan kasi rito sa academy kaya kung anu-anong "hall" ang nararating ng aming mga paa. Bago pa man kami maka-order ng kakainin kanina sa loob ng café, tinawag kami ni Prof. Beatrix upang abisuhan na darating ang tatlong miyembro ng Council at magsisimula ang nasabing trial ng eksaktong alas-siyete ng umaga sa academy's convention hall. Take note, invited din manood ng trial ang mga students ng academy. Hindi na lamang kami umimik bagkus sabay-sabay kaming tumango bilang tugon sa propesor kahit na nakaramdam kami ng kaba, saka siya lumabas na ng café.

Nang makarating na kami sa convention hall ng bandang 6:54 a.m., nag-aalangan pa si Zera na buksan ang pinto, ni ayaw nga niyang hawakan ang sosyal na doorknob ng nasabing hall. Mukhang kinakabahan siya kaya ako na ang nagprisinta na magbukas ng pinto. Ngunit bago ko pa man hawakan ang doorknob ay may sumigaw sa aming likuran, "Hey wait for me!" sigaw ni Gwen habang pahingal-hingal na tumatakbo papalapit sa amin.

"Where have you been? Hindi ka namin napansin kagabi ah?" paghihinalang tanong ni Phyra. Pinunasan ni Gwen ang kaniyang mukha gamit ang bimpo na dala-dala niya, "Excuse me Phyra, dapat kasama ako kagabi sa emergency meeting, kung hindi lang ako inutusan ni Mrs. Clementine na samahan si Margaux para bantayan si Wainsley." paangil na sagot nito kay Phyra.

Sumabad si Stella sa kanilang dalawa, "Oo nga pala, you're Margaux former student. Tama ba? Kaya siguro ikaw ang inutusan for that matter last night." Ngumuso lamang si Gwen saka tipid na sumagot, "Yeah," tumikhim si Gwen saka umirap. Ibinaling niya agad ang tingin sa akin saka ako inutusan, "Hey Mira, don't make us wait. Buksan mo na nga ang pinto."

Napabuga ako ng hangin. Bratinella talaga. Marahan ko na lamang binuksan ang pinto at tumambad sa amin ang mga Lunaireians na pirmeng nakaupo sa bawat silya na nasa gitna ng convention hall. Nakuha namin ang atensiyon nila, or let's say ako yata ang nakakuha ng atensiyon nila. Heto na naman ang mga nakaka-iritang tingin nila. I hate it, pero hindi ko dapat sila kamuhian. I cleared my throat, saka ako humakbang papalapit sa unahan kung saan nakapuwesto sina Mrs. Clementine. Lahat ng witnesses at students na involve ng gabing iyon ay pina-upo sa bandang unahan katabi ng mga professors, samantalang ang naimbitahang so-called Council for both Lunaire city and the academy, ay mahinahon at kalmadong nakaupo sa may stage ng hall. Magkakatabi kami nina Stella sa isang row ng upuan, samantalang napalingon ako sa aking likuran nang mahimigan ko ang boses ni Loki at Rincewind. Na-late sina Loki ng ilang minuto, ganun din ang ibang miyembro ng Night Shadows, Twilight Flame at Radiant Heart na itinuring na "witnesses" din last night.

Naramdaman yata nina Loki at Rincewind na pinagmamasdan ko sila, kaya ngumiti sila sa akin. I felt my face flushed, so I averted my gaze away from the two then, I bowed my head. I heard my heart pounded as I placed my right hand on my chest. Shocks naman, ano ba Mira! H'wag kang kabahan kahit abot-langit ang saya mo habang pinagmamasdan mo sila. Chill lang girl. I caught a deep breathe then I inhaled and exhaled gradually to calm myself. Nang maka-recover na ako sa nararamdaman kong mixed feelings, itinunghay ko ang aking mukha at hindi ko sinasadya na matapunan ng tingin ang tatlong miyembro ng Lunaire Council. The Council had three members- two ladies and a man. Mukhang kasintanda lamang ni Prof. Beatrix ang dalawang babae na pumapagitna sa makisig na ginoo na miyembro ng nasabing Council. But, when I turned my eyes to that Council guy, he gave me a grin. Hindi ko alam kung bakit, pero pineke ko na lamang ang pagngiti ko sa kaniya saka nalipat ang atensiyon ko nang tumayo si Mrs. Clementine sa kaniyang kinauupuan saka kumuha ng mikropono at nagsalita sa unahan.

"As you can see, my dear Lunaireians. Magkakaroon tayo ng trial ngayon. Bukod doon, ayaw na rin namin na ilihim sa inyo ang katotohanan. Since, bago mangyari ang pagkamatay ni Ms. Gray at ang pagkawala ng iba pa ninyong kaklase, kumalat ang bali-balita na ang transferee na si Ms. Mira Luna Crescencia ang nawawalang anak ng yumaong reyna na si Lady Minerva."

Tumigil saglit si Mrs. Clementine at narinig kong muli ang walang humpay na bulungan ng mga kapwa-estudyante namin na nauwi sa isang malakas na ingay. Muling nagsalita si Mrs. Clementine upang basagin ang ingay sa buong convention hall, "Si Mira Luna, ay ang totoong anak ni Lady Minerva. At ako rin ang dahilan kung bakit siya napapunta sa mundo ng mga tao. Alam din ito ng mga pinagkakatiwalaan kong professor sa loob ng academy, at ng iba ninyong mga kaklase. Ang pakiusap ko lamang, please treat the future queen of Lunaire city and the future Council head ng maayos. Respect her." istrikto at matatag na inutos ng matandang dalagang propesor, dahilan para tumahimik ang mga tao sa loob ng hall, maging ang mga kaibigan ko. Yumuko na lamang ako since, hindi ko maatim na tumingin sa kanila na may halong pagmamalaki sa sarili, hindi rin ako makagalaw. Nanlalamig ang buong katawan ko kaya napayakap ako sa aking sarili. Gusto kong paki-usapan si Mrs. Clementine at lahat ng narito sa convention hall na huwag nila akong bigyan ng "special treatment" dahil lang may bloodline ako ng isang "royal". But still, I'm a coward lass. I only wanted to treat me as a regular student. I only wanted to be friends with them. Naalintana ang pag-iisip ko nang may nagpatong ng Lunaire blazer sa ulo ko at may humaltak sa aking kanang kamay saka marahang inilagay sa palad ko ang isang medium-sized chocolate bar ng Cadbury mula sa aking likuran. Tumingala at lumingon ako upang alamin kung sino ang mga nagmagandang-loob sa akin. Goodness! My guardian angels, again. Napasinghap ako nang makita ko ang maamong mukha nila Loki at Rincewind. Galing kay Loki ang blazer na nasa ulo ko at ang chocolate naman ay kay Rincewind.

"You're trembling at mukhang nilalamig ka, wear this." utos ni Loki sa akin habang nakatingin siya sa Council members. Sumabad naman si Rincewind habang nakangiti ito sa akin, "Eat this chocolate Mira, alam ko na nai-stress ka. According to the book that I have read, sweets are the best food to wash away your stress."

Gusto ko sanang kiligin dahil concern sila sa akin kaso, we are facing a tough situation right now. Napatuon ang atensiyon namin ng nagsalita si Mrs. Clementine upang ipakilala ang mga miyembro ng Council, "Before we start the trial, I want you to meet Ms. Dorothy Hellis, Mr. Byron Siegfried and Ms. Leona Blaise. Please give them a round of applause." Nagpalakpakan ang mga Lunaireians pero napalingon kami kay Phyra na walang ekspresyon ang mukha habang pumapalakpak. Leona Blaise. Mukhang kapatid o pinsan ni Phyra ang Leona Blaise na 'yon. Hindi ko na sinubukang usisain kung ano ang relasyon nilang dalawa kaya nanahimik na lamang ako.

Narinig ko rin na tinawag ni Mrs. Clementine ang mga itinuring na saksi ng gabing yaon, at isa-isa silang pinatayo sa harap ng mga Council members. Una munang sumalang sila Loki at Rincewind. Gayundin si Calum, Gwydion, Von Marcus, Loure, Leon, at Henry ngunit hindi nila kasama si Luccas at Rage. Out of my curiosity, nagtanong ako kay Prof. Rudolf, "Prof, where is Luccas and Rage?" Nanlaki ang mga mata sa akin ni Prof. Rudolf saka may biglang sumalpok na mala-kuryenteng signal sa utak ko. Mental telepathy.

"Mr. Visco and Mr. Alexevich is with Mr. Worth, Ms. Crescencia. Sa trial na'to, sila ang magiging alas natin. Huwag kang magpahalata dahil nasa paligid ang posibleng traydor. We plotted this strategy beforehand."

"Y-Yes, prof."

Nawala ng parang bula ang mala-kuryenteng signal sa utak ko, saka inayos ko ang aking pagkaka-upo. Marahan kong isinuot ang blazer ni Loki at kinain ang chocolate na ibinigay ni Rincewind. Nakatuon lahat ang atensiyon namin sa mga "witnesses" ganoon din sa Council members, sapagkat sinimulan na ang trial. Unang tinanong si Loure ni Dorothy Hellis na nasa gawing kanan ni Byron Sigfried. In fairness, mukha siyang Korean actress because of her long and curly hair, glassy skin and petite body.

"Loure Ravencraft. You are the twin brother of Crow, and you're roommates according to Mrs. Clementine. Paano mo ipapaliwanag sa amin ang pagkawala ng kapatid mo. Hindi mo siya naipagtanggol kahit magkasama kayo sa kuwarto? Knowing that you two are the next heir of the Ravencraft family, at ang mga magic ng pamilya niyo ay eye-catchy sa mga kalaban. One for Destruction, and another for Restoration. Alam niyo ba 'yon?"

Napayuko na lamang si Loure at sinagot si Dorothy na tila napipiyok ang boses, "Oo, alam namin. Hindi kami naging maingat ng kapatid ko dahil nagtiwala kami na we're safe, pero hindi pala. Hindi ko siya nagawang iligtas, dahil may kung anong itim na usok ang bumalot sa amin, bigla akong dinalaw ng antok noon at paggising ko, wala na siya. H-Hindi ko—," hindi na natapos ni Loure ang sasabihin niya nang humagulhol na ito ng iyak. Mahal ni Loure ang kapatid niyang si Crow. Kahit hindi ko pa personally nakakausap si Crow, I knew these twins were in good terms.

"Wala kang kuwenta. TANGA ka. MAHINA ka. That's it. Kuha mo?!"

Napabuga ako ng hangin sanhi ng pagkainis dahil sa mga sinabi ni Dorothy. She was gorgeous and her beauty was ravishing, yet her attitude sucks. Matabil masyado ang dila niya. Nakakapikon siya.

Nakita kong ikinuyom ni Loure ang kaniyang mga kamao, halatang pinipigilan niya ang sarili na mag-berserk mode dahil sa mga panghahamak ni Dorothy sa kaniya. Samantala, nararamdaman ko ang aura ng mga kasama ko na gusto ng pataubin ang aroganteng Council member na yaon. The atmosphere inside the hall became intense. Biglang winasak ni Byron Siegfried ang intense atmospehere nang sumabad siya, "Ahm, what she wanted to say is that, a wizard should protect and help each other. Alam natin na mga bagito pa lamang kayo at hindi pa gaanong capable na harapin ang isang matinding kaaway who possesses superb power right? So in every action that you do, you should also think of a possible counteraction. Iyon lamang ang gusto niyang sabihin." Byron smiled nervously while nudging Dorothy's arm. Ipinaikot lamang ni Dorothy ang kaniyang mga mata saka ngumuso.

"Sensitive rin pala itong Byron na'to." I thought. All of a sudden, lumingon siya sa kinaroroonan ko. Bahagya akong napabalikwas nang magtama ang mga tingin namin, saka siya kumindat sa akin dahilan para iiwas ko ang aking mga mata sa kaniya. Nabasa niya kaya ang nasa isip ko? Anong problema ng lalaking 'to? I hissed then Stella nudged my elbows, "Type ka yata ni Council guy, mukhang matanda lang siya ng two years sa atin," pagbibiro ni Stella sa akin. Napasinghal ako sa sinabi niya, "No way. Isa lang ang gusto—," napatigil ako bigla nang maulinigan ko na sina Loki, Rincewind, and the rest of the witnesses from the boys' dorm na ang sunod na tatanungin ng Council. Si Byron Siegfried ang interrogator nila.

Deretso lamang ang tingin ni Loki at Rincewind kay Byron. May kakaiba sa tinginan nila ngunit hindi ko na ito masyadong pinansin. Kinakabahan ako para kay Loki at Rincewind, maging sa mga kasama nila na nasa unahan. Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng blazer ni Loki. Please, sagutin ninyo ng tama ang mga tanong sa inyo.

Akmang magtatanong pa lamang si Byron nang marahas na tumayo si Prof. Irvin, "Ano ba Byron! Ang bagal naman ng interogasyon na ito. Puwede bang isang bagsakan na lamang at isalang mo na rin sa interrogation ang mga dalagang 'to," bulalas ng matandang propesor saka kami itinuro. Mareklamo ngunit may pangangatwiran si Prof. Irvin. Napakamot ng ulo si Byron saka sinunod na lamang ang kapritso ng matandang propesor, saka tinawag na kami ni Byron gamit ang mikropono na nakapatong sa lamesa niya.

"Please come here in front, the witnesses from girls' dormitory who were also involved in the incident regarding the death of Hyacinth Gray and the disappearance of Alice Whittaker and Carmilla Fontanelli."

Tumayo kami saka naglakad papunta sa unahan. Lumapit ako sa kinatatayuan nina Loki at Rincewind at pumuwesto sa kanilang likuran. Lumingon silang dalawa sa akin saka bahagyang tumango at ngumiti. Tumango at ngumiti rin ako bilang tugon sa kanilang dalawa, saka walang patid namin tinitigan si Byron. We will find who the real culprit is. Muling nagtanong si Byron, "Girls, uunahin ko ng tanungin ang mga malalapit sa tatlong biktima. So, Ms. Wizcon, Ms. Ashton, Ms. Evergreen, at Ms. de Sienna pero…," napalunok kaming lahat sa pagtigil ni Byron. Medyo nagpapabitin yata siya, or baka may iba pa siyang plano. Tumikhim-tikhim ito saka binuksan ang bottled water na nasa kaniyang mesa at lumagok ng inom habang may pinagmamasdan siya sa may bandang kinatatayuan ko. Or was it me? Inilapag na niya ang bottled water sa kaniyang mesa saka itinuro si Lucia na nasa likuran ko.

"Pero ikaw, Ms. de Sienna. Please tell us the truth. Ayon sa statement na ipinahayag ng tatlo mo pang kasama sa silid, at base sa report na natanggap namin mula sa head ng academy, ikaw ang huling nakausap ng dalawa. Alam natin na ang Whittaker at Gray family ay napapabilang sa mga lahi ng mga dark witches. Carmilla Fontanelli, on the other hand, was the next queen of the Blood witches, and these three families based sa Lunaire history, ay closely-related kay Morgana. At sa pagkakatanda ko, kailangan ni Morgana ng tulong mula sa tatlong pamilya na'to. Sadly, the former heads of the family died at muntikan na silang bansagan na 'quislings' ng Lunaire city. Kaya, bumawi ang mga sumunod na head ng pamilyang ito upang hindi sila bigyan ng death sentence. As for the Ravencraft, possible na kailanganin nila ang Restoration magic ng batang Ravencraft, but I don't know their hidden motive." sumalaumbaba si Byron habang hindi inaalis ang mga mata kay Lucia, "Now, who do you think is the possible quisling in this academy?"

Ngumisi si Lucia, "Pinaghihinalaan mo ba ako?!" bulalas niya kay Byron saka bahagya siyang nagtagis ng bagang. Mapanuksong ngumisi si Byron saka siya sumagot, "Pinangugunahan na kita, hindi kasi magiging sapat ang isasagot mong alibi sa akin. At, oo, pinaghihinalaan nga kita sa simula pa lang, dahil alam ko na may itinatago ka. I can see it in your eyes." Napalingon kaming lahat kay Lucia na ngayon ay nakakuyom ang mga kamay saka bahagyang suminghal. Tinapunan namin siya ng makahulugang mga tingin dahil sa ipinapakita niyang reaksyon, walang duda na posibleng siya ang traydor.

Hindi na muling nagtanong si Byron bagkus humalakhak pa ito ng tawa na ipinagtaka namin lahat. Sa gitna ng kaniyang paghalakhak, may kung sino ang bumukas ng pinto at nakuha nito ang atensiyon namin. Laking gulat namin dahil tumambad sa amin si Luccas habang itinutulak naman ni Rage ang wheelchair na inuupuan ni Wainsley. Kasama rin nila ang academy's doctor na nagngangalang Margaux. She's cute at mukhang nerdy. Tumataltak ang suot niyang six-inch white high-heel shoes papalapit sa kinaroroonan namin. Nang makarating na sila sa aming kinatatayuan, tumakbo si Agatha papalapit kay Wainsley saka ito niyakap. Napangiti si Wainsley saka sinubukan niyang magsalita.

"S-Sir Byron. A-Ako po ang makakapagpatunay—," hindi na naituloy ni Wainsley ang kaniyang sasabihin nang napaiktad ito dahil biglang sumakit ang kaniyang kanang balikat, kaya nagprisinta si Rage na siya na ang magsasalita para sa kaibigan.

"Gusto lamang po ipaalam ni Wainsley sa inyo na kasama natin ngayon traydor ng academy. Fortunately, mayroon akong magical glass na nakasabit sa may tapat ng pinto ko at nare-record nito ang lahat ng nangyayari sa labas ng kuwarto ko, since magkatapat lang ang kuwarto namin nina Loure. Ipapakita ko po sa inyo gamit ang glass magic ko para mas maniwala kayo sa amin."

Iwinasiwas ni Rage ang kaniyang mga kamay. Naka-focus ang aming atensiyon sa ginawang salamin ni Rage at napanood namin ang lahat ng nangyari na tila nanonood kami ng pelikula. Pabalik na si Wainsley sa kaniyang silid nang mapansin niya na mayroong hindi kilalang tao na  nababalutan ng itim na manto ang lumabas mula sa kuwarto nila Crow at Loure kaya inatake ito ni Wainsley, dahil nakita rin ni Wainsley na dala-dala ng "unknown" person na yaon si Crow na walang malay. Sa kaniyang pag-atake, aksidenteng natanggal ang suot na balabal ng nilalang. It was Lucia! Napasinghap ang lahat nang makita ang mukha ni Lucia mula sa salamin at marahas na tumakbo ang mga Lunaireians papalapit sa amin saka pinalibutan si Lucia de Sienna. Ganoon din ang ginawa namin.

Tumayo si Byron sa kaniyang kinauupuan saka matiyak nitong ibinulalas, "Wala ka ng ligtas, Lucia de Sienna. No doubt, you are the quisling."