webnovel

Lucky Twelve

CHAPTER 12

LUCKY'S POV

Sa kalagitnaan ng habulan at panghahampas ko nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit..

**FREEZE**

Natulala ako at para akong tuod sa higpit ng pagkakayakap niya. Isa isang tumigil sa pag galaw ang lahat ng bagay sa paligid namin. Ang salitang sunod sunod na paghinga lang namin ang tanging tunog ang naririnig ko. Nababaliw na ako!

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sitwasiyon. Kung papalag ako ayokong isipin niyang nag iinarte ako. Kung hahayaan ko naman siya ayokong isipin niyang gustong gusto ko. Gusto ko nga ba? Hindi naman sa ayaw ko, hindi lang siguro ako kumportable. Ilang na ilang at labo labo na ang pakiramdam ko.

Si Wesley Ongpauco yan teh, makikipag patayan ang mga mahaharot na babae sa campus mapunta lang sila sa posisyon mo.

Iba't ibang scenario na tumatakbo sa utak ko at nahihirapan akong i-filter sila isa isa. Siguradong pinagtatawanan na ako ni Andres o kung sinong nasa palagid namin. Kung may makakakita sa amin ngayon kakalat ang balita at kamumuhian ako ng mga fans ng damuhong 'to. Iisipin nilang sinasamantala ko ang tagas ng utak ng iniidolo nila.

Ganda ka teh? Bulong ng utak ko. Para ka namang babae kung makaarte. Susuhan at balakangin ka Lucky? Walang mawawala sayo sa isang yakap. May nabalitaan ka na bang nabuntis ng dahil sa yakap? Malay mo naman walang malisya sa kanya ang pagyakap niya sayo dahil pareho naman kayong lalake.

TSEH!

Napasandal ako sa dibdib ni Wesley at amoy na amoy ko ang panlalakeng cologne nito na may halong pawis. Hindi siya amoy araw at wala kahit yung amoy maasim na pawis. Kung pagmamasdan mo kasi ang kabuuan niya siya mukha lang siyang bagong paligo at sa angking gandang lalake nito alam mong palagi siyang mabango. Unfair!

Dinig na dinig ko yung mabilis at abnormal na tibok ng puso niya sa pag kakasandal ko.

'Kabahan ka talagang kumag ka dahil kapag ako nakawala yang puso mo ang gagawin kong bola ng soccer!'

Napansin kong mahigpit parin ang pagkakayakap niya habang nakapatong ang baba sa ulo ko. Mukhang wala na siyang planong bitawan ako.

"I miss you Lucky." natatawang bulong niya sa ibabaw ng ulo ko at saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingalain siya at dun lang muling nanumbalik sa normal ang lahat.

'ANO TO PELIKULA?'

'HABOL-HABULAN!'

"HAMPAS HAMPASAN!'

'YAKAP YAKAPAN!'

'KINANGENANGYAN!

"Miss na miss ka na rin ng kamao ko Ongpauco!" kinurot ko siya tiyan at bumulalas ito ng malakas na tawa habang nakaakap. Kinangenang 'to nakuha pang man trip. May pa i miss you, i miss you pa siyang nalalaman!

"WHEETT WHHEEEEWWWW!"

"ANG SWEEET NAMAN!"

"PAYAKAP DIN BRO ISA LANG"

"YUN OH, KISS SABAY HUG!"

"WES, PARA-PARAAN KA RIN EH!"

Malakas na sigawan ng mga soccer players sa amin ni Wesley. At paglingon ko...

'Putek nasa gitna na pala kami ng soccer field!'

'WAAAAAAAHHHHHHHH!'

Para kaming nadampian ng bulta-boltaheng kuryente at sabay pa kaming napaatras papalayo sa isa't isa. Napakamot siya ulo at nakitawa sa mga kasama at napako naman ang mata ko sa damuhan sa sobrang hiya.

Dear third cousin ni kamatayan,

Pasundo na po ako. Now na.

PS: Sama niyo nadin po siya.

Nagmamakaawa at minamalas,

Lucky Gonzaga.

Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dala ng sobrang sa kahihiyan. Ano lang iisipin ng mga tao dito na maharot akong beklu?! Kung may makikita akong puting liwanag sasama talaga ako pramis!

Hahampasin ko sana ulet siya kaso mabilis niyang dinampot ang bola sa paanan niya at hinagis sa direksiyon ko. Buti nalang nasalo ko naman ng dalawang kamay at namalayan ko nalang nasa harap ko na siya.

"I'm sorry.. I'm sorry hindi ko naman alam na nandon kayo ni Andi eh." sincere pero parang natatawang paliwanag niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"May magnet ba yang bola at sa tuwing nakikita ako bubulusok na lang bigla sa ulo ko?!" Duro ko sa mukha niya.

"M-Magnet, anong magnet? Made of leather yang bola.." hindi ko alam kung naasar lang siya o ano pero kapani-paniwala anga kainosentehan sa boses niya.

'Pektusan ko kaya to ng 360 degrees?'

Tatalikuran ko na sana siya ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso.

"Wait, look i'm sorry. Hindi ko talaga alam na doon papunta yung bola." Mahinahon at apologetic na ang approach niya. 'Tibay nag puppy eyes pa.' Pisti, nakakapanghina ng tuhod ang mga titig niya.

"Ito ang tandaan mo Ongapuco!" para akong nakuryente ng dumikit ang hintuturo ko sa dibdib niya. Natawa siya bigla sa naging reaksiyon ko. "Sa susunod na tamaan ako ulet ng bola mo.. Gagawin kong bola ng soccer yang yagbols mo, nagkakaintindihan ba tayo?!" Nanlaki ang singkit niyang mga mata at pinamulahan siya ng mukha. Paulit ulit niyang kinakagat ang mapulang labi niya sa hiya. Huwag mo kong titigan ng ganyan madumi ang mga imahinasiyon ko Ongpauco!

Hindi ako dapat magpadala sa mga pagpapa cute niya. Isang isa nalang talaga tatan-tusan ko na parang BINGO'han ang noo niya. Mga dimunyu!

"Nagkakaintindihan ba tayo?!" Banta ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at ta-tango tango lang na parang tanga. "Letse! Kung alam ko lang dapat nag helmet naku kanina." inirapan ko siya bago ako mag walk out.

Narinig kong tumawa siya pagtalikod ko kaya lalo akong nainis.

"LUCKY!"

'Habol pa.'

"LUCKY!!"

Isang habol pa ang ganda ganda ko na.

"LUCKY!!!"

"ANO DE-DEDE KA?" Sigaw ko sa mukha niya pagharap ko.

Natulala siya sa sinabi ko. At dahan dahang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko at bigla itong namula..

'Yan nag imagine pa.'

Tinuloy ko ang paglakad ko.

"L-LUCKY!!!!" Mas malakas na sigaw niya.

"ANO? KULANG PA BA?!"

o_O' si Wesley.

"Y-Yung bola.. Akin na." nahihiyang turo niya sa hawak ko. Pinagpawisan ako ng malamig ng maramdaman kong hawak hawak ko pa pala sa isang kamay yung bola ng soccer.

'KINGENA MEEEEEHHHHHH!'

"Dear third cousin ni kamatayan,

Follow up ko lang po yung sundo ko. Asan na?

PS: Sama niyo padin po siya ha.

Sobrang nagmamakaawa at mas minalas pa,

Lucky Gonzaga."

ANDI'S POV

Dahil sa angking kamalasan ng kaibigan ko pagdating sa bola. Muntik na naman kaming maka jackpot kanina.

Ganda lang talaga si sesshie pero lamang ang angking kamalasan pagdating sa mga hugis bilog.

But wait, there's more. Likas talagang lapitin ng iba't ibang klase ng "Balls" ang seshie ko.

*Bola ng volley ball

*Bola ng basketball

*Bola ng soccer

'Fish ball? Kagutom, Charowt!'

At ang kinaiinggitan kong balls..

Ang Yagbols. BWAHAHAHA!

Ayan na siya.. salubong ang kilay at mukhang mainit na naman ang ulo.

"Ano sesshie tapos na ang shooting?" Natatawang biro ko paglapit niya.

"Shooting ng alin?" Naiinis na sagot niya at padabog na umupo.

"Sarap niyong panuorin ni Ongpauco, sarap niyong paulanan ng bala sa field!" naka ngiwing sabi mo.

"Tantanan mo ko Andres mainit na ang ulo ko." Inirapan niya ako at mabilis na tinungga ang Gatorade niya.

"STARRING: WESLEY ONGPAUCO AND LUCKY GONZAGA..SA PELIKULANG PASAN KO ANG BALLS MO!" Nakangiting anunsiyo ko habang nakatingin sa field at saka ako pumalakpak.

"Kingenang Ongpauco yan na nanadya na ata 'e." Hinihingal na sabi niya.

'Uhaw na uhaw seshie? Sabagay tinititigan ko pang si Wesley natutuyuan na ako. Aw!'

"Sinabi ko naman sayong mag helmet ka 'e di ka naniwala."

"Siya ang mag helmet dahil sa susunod ang ulo niya ang gagawin kong target!" nangigigil na sigaw niya.

Pinandilatan ko siya bigla at ngumu-ngusong sumesenyas sa likod niya.

"Sa susunod na tumama pa saken yang bola niya. Pipigain ko yung betlog niya!" gigil na sagot niya at muling tumungga sa iniinum..

"Sorry na--" sabay upo ni Wesley sa tabi ni Lucky.

Parang shower na sumirit ang Gatorade sa bibig ni Lucky.

'OMGEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!'

"Sorry. I'm sorry! I'm so sorry Wesley!" natatarantang napatayo si Lucky sabay bunot ng panyo at pinunasan ang buong mukha ni Wesley. Napaka gwapong niya parin kahit nakatulala nitong pinagmamasdan si Lucky sa ginagawa.

'Ay may something siya oh!'

Nakatitig lang si Wesly sa mukha ni Lucky habang kumikinang ang mga mata.

'Patay na, may tama na ang unico iho ng mga Ongpauco!'

Si Lucky walang tigil parin sa pagtalak habang pinupununasan ang mukha ni Wesley.

Ang swerte mo seshie! Ikaw lang ang naglakas loob hawakan ang gwapong mukhang yan!

Si Wesley tulaley parin..

'"TOINK!"

Kinonyatan ni Lucky si Wesley sa noo.

"Ouch!" napapikit ito habang sapo ang noo. Nginusuan niya si Lucky at ang gwapo gwapo niya sa anggulong yun.

Napansin din pala ni bakla. Haba kasi ng kuda eh.

"Yan punasan mo mag isa yang mukha mo." Galit na wika ni Lucky at hinagis ang panyo kay Wesley.

"Ikaw na!" Naka ngusong sagot nito at ibinalik ang panyo kay Lucky.

"Bakit baldado ka na ba?!"

"Kasalanan mo naman ah."

"Bakit ka kasi biglang sumusulpot sa tabi ko?"

"Sabi mo kasi pipigain mo yung bet--" biglang tinakpan ni Lucky yung bibig ni Wesley.

'Maygad! Maygad! Lumampas kana sa boundary LUCKY SHANE TORRES GONZAGA!'

Hawak niya ang mapupulang labi ni Ongpauco.. Kung ako yun baka bawian na ako ng buhay!'

"Tama na! Narinig ko na. Wag ng ulitin!" at inalis niya ang kamay sa mapulang lips ni Wesley. Aliw na aliw naman si lalake.

'Pwedehhhh... mukhang nag e-enjoy naman 'tong si Ongpauco.'

"Am i forgiven?" parang batang tanong ni Wesley. Wait nagpapa cute ba siya kay Lucky?

"Oo na huwag ka ng maingay!" masungit na sagot ni Lucky.

"Thank you." Saka ito ngumiti ng pagkalaki laki.

"Mukha mo! Hindi pa 'no, anong akala mo napatawad na kita agad?"

"Ang gulo mo naman eh!" lalo siyang lumapit sa pagkakaupo kay Lucky.

'Ang cute cute nilang panuorin nakaka ingget!'

"Subukan mong iharang yang ulo mo kapag naglaro ako ng volleyball Ongapuco para malaman mo kung bakit mainit ang ulo ko." Ngiwing sagot niya.

"Sorry na Lucky. Hindi mo lang ba ako namiss? Ilang araw din tayong hindi nagkita."

'Ako! Ako ang tanungin mo Wesley. Namiss ko na kayo ni Papa Kenneth!'

"Tss! Malamang ikaw namiss mo ko?" mayabang na tanong ni Lucky at nagkrus ng braso.

"Oo miss na miss, ilang araw din kitang iniisip." At nilaro laro yung bote sa mesa. Naay! Maka arte 'tong si Wesley parang siya yung babae.

'Anong ibig sabihin nito? May gusto na ba si Wesley kay Lucky? Nagkakamabutihan na ba sila ng lingid sa kaalaman ko?'

"Mukha nga e.. miss na miss mo na akong patamaan ng bola mo!!" at hinampas niya ito sa braso.

"Seryoso nga!" hinawakan niya ang kamay ni Lucky at dinala sa ilalim ng mesa at ngumiti ng malaki. Shet! Anong ipinahawak ni Wesley? "Kahit na nagagalit ka ngayon thankful parin ako kasi kung hindi nangyari ang insidenteng ito hindi tayo magkikita ngayon." Tulalang nagkatitigan silang dalawa.

'Oh? Huwag niyong sabihin may kissing scene pa kayong dalawa?'

"A-AHERRRM!" malakas na tikhim ko. "Baka nakakalimutan niyong nandito lang ako sa tapat niyo, ano?!" mahirap na mawalan ng exposure isa rin ako sa major cast ng kwento. Chos!

"Hi Andi!" Masiglang bati ni Wesley.

Sabi ko na nga ba eh silang dalawa lang talaga ang nagkakakitaan simula pa kanina.

PUPUTI DIN AKO!

PUPUTI DIN AKO MGA 2 MONTHS PA!

ANTAYIN NIYO AT MAGHIHIGANTI AKO!

BWAHAHAHAHA

Yan talaga ang nagagawa kapag na dededma ka.

"Oh ano tapos na ligawan? Pwede ng kumaen?!" Sigaw ko sa kanila. Unti unti silang naghiwalay sa pagkakaupo at parehong tumingin sa malayo.

"Kaloka ka kayo. Habul habulan, yakap yakapan tapos piga-pigaan!?"

"Eh kung pigain ko yang eyeballs mo?" pinandilatan ako ng mata ni Lucky. Ases! Ases! Ngayon pa nahiya ang bayot!

'See mahilig talaga siya sa balls!

LUCKY'S POV

Bakit ba hindi na ako tina-tantanan ng malas. Wala na atang bisa ang pangalan kong Lucky 'e.

Mukhang kailangan ko na atang magpa renew ng pangalan sa NSO baka sakaling ma extend pa ang swerte ko.

Dahil kailangang bumalik ni Wesley sa pratice game nila naiwan kami ni Andi sa tambayan namin.

"Seshie? Feeling ko bet ka ni Ongpauco." Napalingon ako sa kanya habang kumakaen ako.

"Maganda yan, lahat ng nagugustuhan niya gusto niyang butasin ang ulo." Sarkastikong sagot ko.

"Grabe ka naman. Nagkataon lang naman yun."

"Gandang pagkakataon naman yun? Dahil sa kanya lalo akong na to-trauma sa bola." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa field. Nakita kong masayang masaya si Wesley na nakikipag habulan sa mga ka mga ka team niya.

"Except one, ano?" at bigla siyang tumawa ng malakas ng mahuli kung saan ako nakatingin.

"Bastos ng utak mo!"

"Bastos ako? Eh yung ipanakot mong pipigain mo yung yagbols nung isa hindi ka nabastusan dun?"

"Sino bang kaibigan mo Andres?" napairap lang siya ng papiliin ko.

"Seshie pinsan ni Kenneth si Ongpauco.."

"See, lalake parin talaga.. Tsk tsk tsk!"

Matapos ang huli naming subject sabay na kaming lumabas ng school ni Andi. Hindi narin nagparamdam si Wesley. Natauhan na siguro sa pinaggagagawa niya. Napagkasunduan namin na sa labas nalang namin aantayin yung driver ni Andres dahil nagtext ito na medyo male-late ng kaunti dahil na traffic.

"Omaygad! Sesshie si Jasper yun diba?." Sabay turo nito kung saan naka sandal sa gilid ng waiting shed si Jasper.

Agad niya kaming sinalubong ng makitang papalapit. 'Ano na naman kaya kailangan nito?'

"Hi Andi." Nakangiting bati niya. "Lu.." nagulat ako ng bigla siyang yumuko at humalik sa pisngi ko. Bigla siyang napangiti ng mapansing nagulat ako. "Bayad mo yan dahil pinagtripan mo ako kagabe!" nakungusong sumbat niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa facial expression niya. Ugali niya yan ang manumbat. Antayin niya ako aang manumbat baka maluha siya. Tss!

"Hello! Jasper. Anong ganap, may date kayo?" tukso ni Andi at kiniliti kiliti sa tagiliran si Jasper.

'Date? Saltek ampota!'

"Yayain ko lang sana kayo kumaen. Diba sabi ko sa susunod ako naman manlilibre?" nagpalitan ang tingin niya sa amin ni Andi.

'Agad agad, wala man lang pasabi? Hindi parin talaga siya nagbago hilig pa rin niyang sumulpot na parang kabute.'

"Game ako diyan! Lucky tara sama tayo kakaen daw!" bakas sa mata ni Andi ang saya sa invitation ni Jasper.

'Pero diba kaka kaen lang namin? Anong klaseng alaga ba meron ang baklang 'to sa bituka niya?'

Gusto ko siyempre dahil kainan yun. Ang ayoko lang yung napapadalas na paglabas namin na kasama siya. Ayokong isipin niyang in good terms na ulet kami. Pagbibigyan ko siya dahil ayoko siyang ipahiya sa harap ni Andi.

And besides knowing Andres bast amay involved na gwapo hindi matatahimik ang kaluluwa niya. Ayoko namang lumabas na killjoy or kontrabida.

"Andres akala ko ba on the way na si Mang Lando?" paalala ko sa napag usapan namin kanina paglabas. Nagtitigan kami at sinubukan ko siyang kausapin ng mata sa mata. Bigo. Nangingibabaw ang imahe ni Jasper sa balintataw niya. Wala na friendhip over! Dinaig ng kalandian niya ang friendship namin.

"Tatawagan ko na lang na sa iba na niya ako sunduin." Pangiti-ngiting sagot niya.

"Lucky kakaen lang tayo. Nothing more nothing less." Sabat ni Jasper.

'Pakyu, wala sa bokabularyo mo ang salitang yan.' If i know nahalata niya lang ang sablay na telekentic kembyular namin ni Andres.

"Keri lang, Saan naman tayo pupuna?" walang emosiyong sagot ko. Wala akong choice. Two heads are better than one.

"YESSS!" sigaw ni Andi saka nakipag apir kay Jasper.

'OA netong dalawa.'

Sa Trinoma ang naging destininasiyon namin. Dala naman ni Jasper ang sasakyan niya kaya mabilis kaming nakarating sa mall. Nag ikot ikot muna kami habang naghahanap ng makaka kakainan. Naalala kong mahilig sa Korean food si Jasper kaya ng may nadaanan kaming Korean Resto hinila ko siya sa kamay at nginuso kong dun na kami pumasok. Halos mapunit ang bibig niya sa lawig ng pagkakangiti.

"Hindi mo pa rin nakakalimutan yung gusto ko." Bulong niya sakin.

"Yung gusto mo, oo. Pero ikaw nakalimutan ko na." Nakangising sagot ko at inirapan niya ako.

After naming kumaen nanlibre naman si Andi Starbucks.

"So single ka ngayon Jasper?" Pang uusisa ni Andi. Tinabihan ako ni Jasper at nasa harap namin si Andres.

"Yeah, i'm still single.." may kalakasang sagot niya.

'Ano naman? Single din ako, si Andi double. He he he'

"Ako din single. Charot! After ng break up niyo ni Lucky hindi kana ulet nagka dyowa?"

"Hindi na ulet.. May inaantay kasi ako." Seryosong sagot niya sa tanong ni Andi. Nagpaparinig. Deadma.

'Oh wag kang assumera Lucky hindi ikaw yun.'

"Yung inaantay mo ba darating pa?" pang aasar ni Andi at bigla silng napalingon sa side ko. Oh anong kinalaman ko diyan? Inirapan ko lang sila pareho habang sumisipsip sa drink ko. Kaya ayokong nagkukwento sa negrang 'to kung ano ano naiimbento.

"Bakit may nagsusundo na bang iba?"

"Meron... kaso madalas tinaguan niya." natatawang kwento ni Andi.

Sinipa ko sa ilalim ng mesa ang paa ni Andres para manahimik siya. Di niya kilala ang ng kausap niya.

"Aray!" daing ni Andi.

"Bakit Andi?" nagaalalang tanong ni Jasper at sumilip pa sa ilalim ng mesa.

"Aray nako.. Oh ang sakit naman ng ginawa mo.. Araaaaaaayyyyyy." Biglang kanta ni Andi ng pandilatan ko siya.

"Wala na LSS lang yan sa ringtone niya." alibi ko kay Jasper ng magtama ang mata namin.

"Cool!" sabay ngiti niya.

"Diba lead vocalist ka sa band niyo Jasper? Tara kanta tayo sa Quantum dali habang wala pang tao." Turo ni Andi sa Quantum na katapat lang ng Starbucks na kinaroroonan namen ngayon.

"Sige ba yun lang pala eh. Chicken!" Mayabang na sagot ni Jasper.

"Weh? Okay sige.. Therefore I challenge you to serenade my friend Lucky Gonzaga.." Malanding hamon ni Andi.

"Challenge Accepted!" Sabay silang tumayo at nagkamay sa harap ko.

'Wow ahh, may ganyan pa silang pa hanash parang wala ako sa harap nila.'

Wala akong nagawa kundi sumama papuntang Quantum. Bumili si Andi ng token at si Jasper naman ang namili ng kakantahin niya. Wala pang masiyadong tao sa mini stage, kaming tatlo lang at mangilan ngilang nakatambay sa loob ang naroon.

"This song is for you Lu." tinapik tapik niya pa yung microphone sa stand at kinindatan ako.

"HONG SWEEEETTTT!"

"Aray!" singhal ko. Nabalian ata ako ng ribs ko ng sikuhin ako ni Andres. Kikiligin nalang mandadamay pa! Fish tea!

SONG TITLE: "I Don't Wanna Live Forever" by Zayn Malik

Been sittin' eyes wide open behind these four walls, hopin' you'll call

It's just a cruel existence like it's no point hopin' at all

Baby, baby, I feel crazy

Up all night, all night and every day

Give me somethin', oh, but you say nothin'

What is happenin' to me?

Akala ko hindi na ako magkakaroon pa ng chance marinig ang boses niya. Tulad pa rin siya ng dati, nangungusap at puno ng damdamin kapag nahawakan niya ang gitara o mikropono. Isa sa maraming katangiang nagustuhan ko sa kanya.

I don't wanna live forever

'Cause I know I'll be livin' in vain

And I don't wanna fit wherever

I just wanna keep callin' your name

Until you come back home

I just wanna keep callin' your name

I'm sittin' eyes wide open and I got one thing stuck in my mind

Wondering if I dodged a bullet or just lost the love of my life

Baby, baby, I feel crazy

Up all night, all night and every day

I gave you something, but you gave me nothing

What is happening to me?

Ang pagkanta ang isa sa mga paraan naming dalawa para iparating ang nararamdaman namin sa isa't isa. Sa kanya ko natutunang kung hindi mo kayang sabihin idaan mo nalang sa kanta.

I don't wanna live forever

'Cause I know I'll be livin' in vain

And I don't wanna fit wherever

I just wanna keep callin' your name

Until you come back home

I just wanna keep callin' your name

Nasa harap kami kaya kitang kita ko kung gaano ka seryoso si Jasper sa ginagawa. Hindi magkanda tuto si Andi kaka tili at kaka palakpak sa sobrang pagkabilib kay Jasper.

Ang pagkanta ay isang magandang outlet para ilabas ang tunay na saluobin mo. May mga bagay na hirap tayong isatinig pero nagagawa nating daanin sa pamamagitan ng musika. Lalo na para sa isang Jasper Teng, ito ang buhay niya. Biro nga niya noon mas nauna pa raw siyang kumanta kesa makapag salita ng matuwid.

Ang pagkanta ang pinaka hinahanggaan ko sa kanya bukod sa physical appearance niya na talaga namang hindi magpapahuli sa iba. Maputi, matangkad, perfect gentle man, oozing red lips with matching piercing pa.

Kaya after niya kumanta nagulat na lang kami na napuno niya ang buong Quantum ng mga nagsisigawang babaeng fans niya.

'Wow ah artista?'

Mabilis siyang bumaba sa stage at biglang nilapit ang mukha sa tenga ko.

"Now, I challenge you.." Seryosong sabi niya.

'Hala kakanta din ako?'

"Ayoko ko kumanta.." tanggi ko agad.

"No Lucky.."

"Eh ano?" Nagtatakang napatitig ako sa kanya.

"I challenge you to love me. Again.."

'Patay kang bata ka!'

Hindi ko siya sinagot hanggang magkaayaan na kaming umuwe dahil dumating na ang sundo ni Andi. As usual na iwan na naman ako kay Jasper.

"So, how do you respond to my challenge?" nakangiting tanong niya pagkababa namin sa kotse niya.

"Gun Duel Challenge sige payag ako." Kinorte kong baril ang mga daliri ko at tinutok sa sintido niya. "BANG!" saka ko hinipan ang dulo ng daliri ko.

"Tch! Kahit kailan talaga.." inambaan niya ako ng konyat dahil napikon na naman siya.

Huwag ako Jasper na challenge ko ang katinuan ko simula nung naghiwalay tayo. Suicide na yang gusto mo. Fish tea ka!

To be continued...