webnovel

Lucky Fifteen

CHAPTER 15

WESLEY'S POV

Today was a rollercoaster of emotion. I was distracted the whole day by my own drama. Mula ng umaga hindi na maganda yung mood ko dahil sa pagtatampo ko kay Lucky. 'Masama na bang humingi ng sorry? Ganun ba kahirap sa kanyang tangapin yun at mapatawad ako? Wala siyang puso!'

Wala ako sa mood kaya the whole day ng klase ko wala akong iniimik. Naging mahirap para sa akin ang kumilos at mag participate sa klase. Kahit si Kenneth na wiwirduhan sa mga ikinikilos ko. Ilang beses niya din akong sinubukang utuin pero wala talaga akong gana.

'Ano bang ginagawa mo Lucky bakit ginugulo mo ng ganito ang utak ko.'

Gusto ko ng umuwe at matulog nalang sa kwarto ko. This past few days naninibago ako sarili ko. Madalas akong inaaway ni Kenneth dahil napapansin niyang palagi daw akong tulala kapag kinakausap niya ako. Palagi daw akong wala sa sarili. And lately.. Ako ang sinisisi ni Kenneth sa pagkatalo namin ng malaki sa pustahan namin ng mga pinsan ko sa DOTA.

And lately.. Napapansin ko ring nagiging mainitin ang ulo ko lalo na kapag inaasar ako ni Kenneth about Lucky. Sinong hindi maiinis paulit ulit siya? Kilala ko ang sarili ko wala lang ako kundisyon but i'm still the same energetic, hyperactive, sporty at mahilig mang asar na si John Wesley Onpauco.

But thinking how i behave this morning in front of them was unforgivable. I felt really bad.

Tama nga siguro si Kenneth minsan maypagka isip bata talaga ako. I'm not shy about it nor i denied it. For them its somewhat attractive. I'm only child and i always get what i want. Ito siguro yung unang beses na hindi ko nakuha yung gusto ko. Maybe that's the reason why i misbehave a while ago.

At kahit nagkaayos na kami ni Lucky ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kaninang umaga. Muli akong naupo sa harap ng grand piano dahil sa request ni Lucky. Ang totoo parang na recharge ako dun sa mga sinabi niya kanina. It felt so good, really really good.

Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya at natatawa ako kapag naaalala ko yun isa isa. Nakaka bading mang pakinggan pero kinikilig ako sa kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko yun.

'Nababaliw kana talaga Wesley.'

Habang nalilibang ako sa ginagawa kong pagtugtog at nakikita ko namang nag e-enjoy sila bigla nalang nag black out ang buong hall...

-===KATAHIMIKAN===-

"KKKKKYYYYYYYYYYAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Biglang tili ni Andi at Lucky.

Dali daling akong tumayo sa kinauupuan ko at kinapa ko ang bag ko sa ibabaw ng piano.

'Damn it! Kakamadali ko nasagi ko tuloy yung bag at nalaglag sa ibabaw ng piano. Kinapa ko agad sa sahig ang bag ko at dali dali kong dinukot sa bulsa ang cellphone ko. Sa dilim ng buong hall para akong nakapikit kaya pagbukas ng flashlight ng phone ko nag adjust yung mata ko sa liwanag. Hinanap ko agad si Lucky. Sa pagkakatanda ko nasa bandang gilid ko lang sila kanina kaya humarap lang ako patagilid at itinutok ang phone ko sa direksion nila.

Nanlaki bigla ang mata ko at mabilis nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita.

'Si Lucky nakayakap kay Kenneth? Pero himala hindi man lang pumapalag ang pinsan ko. I thought he hates Lucky?'

Magkaharap sila at mukhang naksubsub ang mukha Lucky sa dibdib ni Kenneth. Marahan namang naka patong ang baba ng pinsan ko sa ulo ni Lucky. Nakapikit si Kenneth at sa nakikita ko mukhang okay lang sa kanya ang set up nila. Sa pagkaka kilala ko sa pinsan ko ayaw niyang may dumidikit o humahawak sa kanya lalo't hindi niya kakilala. Pero ano tong nakikita ko sa kanya ngayon? Bakit parang nag e-enjoy pa siya?

I know something happened between them. Hindi ang black out ang bagay na makakapag lapit sa kanila ng ganito kabilis. Para silang aso't pusa. Hindi nila trip ang isa't isa. But what the heck? Ano 'tong nakikita ko sa kanila? Hindi sila aastang ganyan kung di pa sila nagkapalagayan ng loob right? O nagkapalagayan na? And i'm damn curious about it.

Nang mailawan ko si Kenneth dahan dahan siyang lumingon sa direksion ko. Hindi ko alam kung paano i-explain ang nararamdaman ko sa nakita ko sa mga mata niya. Sa kanilang dalawa. Hindi naman ako galit. At lalo namang hindi ako natutuwa. Hindi ko lang talaga maitindihan yung nakikita ko sa kanila ngayon.

But at the back of my mind..

Inisip ko na sana...

Sana ako na lang yung nasa posisyon niya....

Marahan kong hinila ang braso ni Lucky sa pagka kayakap kay Kenneth. Kasalukuyan pa din siyang nakapikit habang hinila ko siya sa tabi ko. Buti na lang kasama namin si Andi at na walang kupas na magpatawa kaya nawala din pansamantala ang mga gumugulo sa isip ko kanina.

Paglabas ng Carlisle Hall..

"Wala ng kayong klase diba? Gusto niyo bang kumain muna bago umuwe?" yaya ko sa kanila tutal maaga pa naman.

"Waley na. Ikaw lang talaga ang inantay namin ni Lucky kanina." si Andi ang sumagot habang isinasara ang bag niya. Tahimik naman si Lucky na parang malalim din ang iniisip.

"Bro, sumama kana para may kasabay akong umuwe mamaya." aya ko sa kanya. Unahan ko na baka maisip na naman nitong umuwe.

"Tss! Gagawin mo na naman akong driver!" Masungit na sagot niya sa akin. Kainis. Di makisama ipapahiya pa ata ako sa harap nila Lucky.

"Sige na please, wala din akong dalang kotse sumabay lang ako kay Daddy kanina." Pagmamakaawa ko at kapag ganun ang style ko hindi siya nakakatanggi. Nilingon niya muna si Lucky at ng nginiwian siya nito ng nguso saka siya natatawang tumingin sa akin.

"Ayos lang maaga pa naman, saan ba?" inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat niya. Napansin koang pasimpleng bulungan ni Andi at Lucky. Sa bagay katatapos lang ng alitan nila with Amber kung makakasama na naman nila si Kenneth panibagong gulo na naman sigurado.

"Doon nalang tayo sa Cafe Resto nila Lucky sa Banawe kung gusto niyo." excited na alok ni Andi at nakatingin kay Lucky na parang wala sa sarili. "Okay lang naman diba seshie?"

'Ano na naman kaya ang iniisip niya?'

"Keri lang.. Kung okay lang sa kanila?" nag aalangang sagot ni Lucky at tumingin sa gawi ko.

"Kahit saan basta may makakaen okay lang ako." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ikaw, keri lang?" si Andi at kay Kenneth nakatingin.

"Bahala kayo. Kahit saan." Walang emosiyong sagot nito. Kainis di man lang siya magpanggap na excited.

"Para isang sasakyan lang tayo sa amin na kayo sumabay." Pagmamagandang loob ko at pasimple kong kinurot si Kenneth sa likod para di na siya kumontra.

"Okay lang magku-commute nalang kami malapit lang naman." tanggi ni Lucky. Yan na naman yung ugali niyang palatanggi. Ilang beses niya na bang tinaggihan ang mga offer ko mula ng makilala ko siya?

"Sumabay na kayo. Hindi din naman namin alam ang way e." sagot ni Kenneth sa monotonous na tono. saka naunang naglakad papuntang parking lot.

"Ang sigla kausap ng pinsan mo 'noh. Anong vitamins niya?" nakangiti pero puno ng sarkastikong tanong ni Lucky.

"Kahit payat yun malakas yun si Kenneth!" pagbibida ko pa sa pinsan kong ipinaglihi ata sa robot.

"Malakas na yun? Baka pag siniko ko siya sa batok iluwa niya yung ulam nila nung nakaraang gabi." Sabay kaming tumawa ng malakas ni Andi sa huling sinabi niya.

"Seryoso na nga." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Sa amin na kayo sumabay para mas masaya."pangungumbinse ko at tumango naman siya.

"O-Okay." Tipid na sagot niya. YES!!!

"Antayin niyo nalang kami sa labas. Alam muna baka may makakitang alagad ni Amber at malagot na naman kaming dalawa." Nag aalalang sabat ni Andi. Yun din siguro ang ipinag aalala ni Lucky kanina kaya nagdadalawang isip siya.

"Sige antayin nalang namin kayo sa labas." kinawayan ko muna sila bago ako sumunod kay Kenneth sa parking lot. Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya habang inaantay ako.

"Hoy ang tahimik mo naman ata?" hindi ko mapigilang magtanong pagka start niya ng sasakyan. Kanina ko pa kasi napapansin yung pananahimik niya paglabas namin ng Carlisle Hall.

"Tss. Bakit diba dati na naman akong ganito ah. Hindi ka parin ba nasanay?" Iritabling sagot niya.

Alam ko namang dati pa siyang ganyan. Hindi ko naman siya masisisi may dahilan kung bakit minsan ang cold ng personality niya. Ang grandparents ko lang kasi ang nagpalaki sa kanila ng nakatatandang kapatid niyang si Ate Joi. Tahimik, masungit at madalas may sariling mundo. Pero kapag kaming dalawa naman lumalabas naman ang pagiging makulit niya. Sa akin lang siya komportable dahil ako lang naman ang nakakatagal sa kakaibang ugali niya.

"Well i thought it was something to do with what i saw inside a while ago." Casual na sagot ko. Mukhang nakuha ng bagay na yun ang atensiyon niya pansamantala.

"What do you mean by that?" sa malalim na boses.

"I saw you guys back there hugging each other." Walang halong malisyang sagot ko. Tagusan ang mga tingin niya at hindi agad nakasagot.

"Siya ang unang umakap sakin at hindi ako." Depensa niya. Wala akong pakialam kung sino ang nauna ang inaasahan ko magde-deny siya. So, ginusto niya nga.

"Wala lang.. sa pagkaka alam ko kasi ayaw na ayaw mong may humahawak sayong iba."

"Hanggang ngayon hindi naman yun nagbago." Pormal na sagot niya.

"Mukha nga e." Umiiling na sagot ko. "Mukhang enjoy na enjoy ka."

"Tss, you sounds jealous Ongpauco."

"I'am cousin." mariing sagot ko. "Lucky is special and i wanna keep him bro." Sandali siyang natigilan sa narinig.

Kenneth and I grew up together. We never fought or argue when it comes to toys or anything. My grandparents always bought us the same thing so we won't fight out of envious. Kapatid at bestfriend ang turing ko sa kanya dahil nag iisang anak lang ako.

Nothings changes until up to this day. I'm still willing to share everything to Kenneth wholeheartedly.

Except one thing...

Paglabas ng school nakita namin si Andi at Lucky dalawang kanto mula school sa gate. At least they're safe from Amber army of mean girls. Mabilis ko silang pinagbuksan ng pinto at agad naman silang sumakay.

"OMGEEEEEEHHHHH! Ngayon madadagdagan na yung ilalagay kong experience sa resume ko pagdating ng araw." si Andi habang pinagmamasdan ang kabuuan ng loob ng kotse ni Kenneth.

"Oo bad experience, kasi pagbaba mo ha-huntingin ka Ni Amber!" Natatawang sagot ni Lucky na katabi ko sa backseat.

"Yun lang.." Natatawang sagot din ni Kenneth habang nag da-drive. 'Sira ulo talaga 'to tatakutin pa si Andi. Tch!' "Saan pala sa Banawe?" sinilip niya pa si Lucky sa rearview mirror.

"After ng madadaanan nating church sa ikalawang kanto malapit sa McDonalds doon kanan ka tas derecho lang." Derchong sagot ni Lucky saka lumingon sa side ko at nginitian ko lang siya.

"Excited naku, dapat lahat tayo magpo-post ng Hugot Lines sa hugot walls mamaya ah, kaya mag isip na kayo." Announce ni Andi.

"Hugot lines?" sabat ko.

"Oo para may maiiwang tayong memories sa Cafe nila."

"Anong isusulat ko, Lucky help me please." Lambing ko sa kanya at sumandal naman siya sa akin.

"No problem. Ilagay mo In Loving Memories of Andres Bolivar Jr. Hahaha!" sabay tawa ni Lucky na sinabayan din ng mahinang tawa ng Kenneth.

"Yan tayo eh, 'e kung patamaan kita ng bola ng soccer?!" Biglang sagot ni Andi na ikinabigla ko naman.

"Keribels, basta idagdag mo nalang yung isusulat ni Wesley sa resume mo." Nakangising sagot niya.

"Asus asuss.. dati rati lang galit na galit ka sa balls ni Papa Wesley." Nanunuksong biro ni Andi habang naka harap samin sa back seat. "Tapos ngayon ano na seshie.."

"Tantanan mo ko Andres kung ayaw mong lihain ko yang batok mo!" pinandilatan niya si Andi pero hindi ito natinag sa banta niya.

"Anyareh sesshiiee?! Masarap ba yung balls niya kaya tanggap tanggap ka na lang?" Sabay tawa ng nakaka loko pati si Kenneth nahawa na sa kanya.

Sinimangutan lang siya ni Lucky at ako naman ang tatawa tawa sa tabi niya. Ang sarap niyang pagmasdan kapag napipikon siya ang cute cute niya.

"Naayy, gustong gusto naman ni Ongpauco." Sa akin naman nabaling ang panunukso niya.

"Ansaveh mo nung isang araw Lucky, pipigain mo ulet yung anek ni Wesley?!" Sabay baling niya ulet kay Lucky na pinandilatan siya. Sinenyasan ko siyang manahimik. Walang alam si Kenneth sa naging engkwentro namin ni Lucky nung isang araw.

"Tigilan mo ko Andres, baka yung anek mo ang pigain ko!" ganti ni Lucky at hinampas niya ito sa braso.

"Andi ano yung pipigain ni Lucky?" kunot yung noong tanong ni Kenneth.

"Shut up bro!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano nga yun Andi sabihin mo." Pangungulit pa ni Kenneth habang na kay Lucky ang tingin.

"Yung anek daw ni Wesley.." Pabulong na sagot niya kay Kenneth pero sa amin nakatingin.

"SUBUKAN MO ANDRES BOLIVAR JR. SASAMAIN KA TALAGA SAKIN!" Banta ni Lucky at mukhang naiinis na.

"Sabihin muna mukhang pinaglilihiman na ako ng pinsan ko e." Baling ni Kenneth kay Andi. Alam kong dadaanin niya sa pagpapa cute hanggang bumigay si Andi.

"A-Ano.." sumilip muna siya sa side namin saka ngumiti. "Pipigain daw niya yung YAGBOLS ni Wesley!" sabay malakas na tumili. Napatawa ng malakas si Kenneth. Napasandal ako sa upuan sa hiya. Pakshet! Nagulat ako ng biglang napasugod si Lucky kay Andi. Mabuti nalang mabilis ang reflexes ko at naawat ko siya dahilan para mapaupo siya sa lap ko habang nakaakap ang isang braso ko sa bewang niya.

Nakayakap lang ako sa bewang niya habang pilit niyang hinahampas si Andi.

'Hmmmm, amoy baby!'

"Anong feeling bro? Pigang piga ba?" Komento ng pinsan ko sa harapan at uminit lalo yung mukha ko sa hiya. Siraulo sinakyan niya talaga.

"Tapos yung isa diyan para-paraan mak kandong lang kay Wesley." sabay tawa ng malakas ni Andi.

'Lokong Andi 'to mamaya mapikon si Lucky.'

"HOY! Hinila niya ako baliw!" singhal niya. "Pasalamat ka napigilan niya ako kundi magiging apat yang puyo mo!" Sinilip naman kami ni Kenneth sa backseat habang nagpipigil ng tawa. Isa pa 'to! Humanda ka talaga sa akin mamaya.

Nagpark kame sa isang vacant lot katabi ng Hugot Cafe. Katabi ng cafe ay isang computer shop na ayon kay Andi pagmamay ari din nila Lucky.

Naunang pumasok si Andi kasunod ako at nakabuntot naman sina Kenneth at Lucky.

"Good evening! Ma'am/Sir Welcome to Hugot Cafe." masiglang bati ng maliit na babae sa counter. "Hi Boss Lucky!" Bati ulet nung girl sa counter ng tabihan ako ni Lucky.

"Anong inyo boss!?" Masayang bati niya.

"WORLD PEACE AT ULO NG BAKLANG YAN" turo niya kay Andi sa tabi ni Kenneth na biglang tumawa. "ILAGAY MO SA PLATO, YUNG UTAK TAKE OUT KO IPAPAKAIN KO KAY MUNING!" nakangiting sagot ni Lucky.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay tawa namin ni Kenneth sa sinabi ni Lucky.

"Kayo sir Andi?"

"Ako? Yagbols lang nitong lalakeng 'to with lots of maple syrup!" turo niya sa akin at mabilis akong nagtago sa likod ni Lucky.

"Subukan mo lang at matutuloy na yang "IN LOVING MEMORIES" na hugot line mo!" napangiwi lang si Andi ng sighalan siya ni Lucky.

"Bleh!" pang aasar ko kay Andi. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon. Ang sarap kasi sa pandinig ko yung sinabi ni Lucky kanina.

"Guys umorder muna tayo mamaya na kayo mag asaran." Singit ni Kenneth sa gitna. "Sorry miss." Baling niya sa cashier na titig na titig sa kanya at hindi na nakapaglita sa harap ni Kenneth.

"Sorry father." Nakangusong sagot ni Andi. "Ikaw tinugtugan ka lang ng piano iba na yung kinampihan mo." tinuktok niya ng pamaypay ang ulo ni Lucky. Mabilis ko namang hinawi ang kamay ni Andi. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Lucky at tinulak papunta sa harap ng counter.

"Sus, sweet-sweetan, maghihiwalay din kayo, WALANG POR EBER!" sigaw niya sa amin.

'Siraulo to buti nalang konti pa lang ang mga customer.'

"Hi Jenny, One CORN DOG na IN RELATIONSHIP and STICK TO ONE na shake." Naka ngiting order ko dun sa girl.

"Okay, can i have your name sir?"

"Wesley." Sagot ko at isinulat niya sa papel na mukhang resibo.

"At kanino ka naman in relationship Mister John Wesley Ongpauco?" usisa ni Andi habang nakasandal sa counter. Nagulat ako ng sumulpot si Lucky sa ilalim ng kili kili ko.

"Sa akin bakit may angal?" maangas na sagot niya sa tanong sa akin.

"Tseh! Diba ayaw mo sa mga gwapo?" singhal niya kay Lucky. Kunot noo akong napatitig sa mukha niya. Hindi ko alam pero parang nalungkot ako sa narinig. Totoo kaya yun, ayaw niya ba talaga sa mga gwapo?

"May exemption.. isang John Wesley Ongapauco. Hehehe!" natatawang sagot niya at umakap sa bewang ko. At para akong malulunod sa narinig. Hahahahaha! Narinig niyo yun may excemption at ako yun! Umikot naman ang mata ni Kenneth ng magtama ang mga mata namin.

"One WAFFLE LONER and SEENZONE ICED COFFEE. Gusto kong mag serve poging waiter yung naka topless at brief!" halos di ko naintidihan ang mga sinabi niya sa bilis ni Andi magsalita. Napakamot naman sa batok si Kenneth sa mga narinig.

"Next please!" nakangiting bungad ng cashier sa pinsan ko.

"One THIRD PARTY HAZELNUT ICED COFFE and CORNDOG na ITS COMPLICATED." Nakangiting order ni Kenneth.

"Ay bet ko yan Kenneth. Ako ang ka Third Party niyo ni Amber." Sabat uli ni Andi.

"Andres, diba may pamahiin na kapag tatlo kayo sa picture mamamatay daw ang isa?" tumango naman si Andi. "Same rules apply kapag third party.. mas tragic nga lang daw yung pagkamatay nung isa." Seryosong wika ni Lucky at biglang namutla si Andi at saka sila naghabulan sa loob ng store.

"Bakit ka natatawa?" kunot noong tanong ko sa pinsan ko.

"Ang wi-weird kasi ng name ng mga food sa menu 'e." Turo niya sa mga menu's sa ceiling.

"Oo kasing weird nung may ari." Mahinang sagot ko baka marinig ako ni Lucky e.

"Ang cute nga e." Nakangiting tugon niya habang nakatingala parin sa menu.

"Nang may ari o ng menu?" pukol ko at parang bulang naglaho ang mga ngiti niya.

"Tantanan mo ko Ongapauco tatamaan kana sakin." tiim bagang na sagot niya paglingon. Pikon!

At tamang tama naman na lumapit si Lucky sa counter kaya nanahimik kaming magpinsan.

"BINESTFRIEND Cheese Fries at KAPENG MATAPANG NA KAYA KANG IPAGLABAN!" nginitian niya yung cashier na nagti-take ng order.

"Wow binestfriend talaga seshie, tapos kapeng kaya kang ipaglaban? Si SUPERMAN na kaya ng orderin mo! Kaloka ka!" walang sawang pamumuna ni Andi sa mga orders namin.

"Tigilan mo ko ipapatake out ko talaga yang ulo mo sinasabi ko sayo!" Pinandilatan siya ni Lucky bago iabot ang one thousand bill sa cashier.

"Ako na.. ako ang nag aya 'di ba?" singit ko habang nag aasaran sila.

"Huwag na po kami ang may ari nito tapos pagbabayarin ko pa kayo ansama ko namang host. He he he." Ipinatong ko lang ang palad ko sa ulo niya bago ko guluhin ang buhok niya.

"One order of CORN DOG na IN RELATIONSHIP and STICK TO ONE na shake for Sir Wesley."

"One order of WAFFLE LONER and SEENZONE ICED COFFEE for Sir Andi."

"One order of THIRD PARTY HAZELNUT ICED COFFE and CORNDOG na ITS COMPLICATED for Sir Kenneth."

"And last but not the least BINESTFRIEND Cheese Fries at KAPENG MATAPANG NA KAYA KANG IPAGLABAN for Boss Lucky!"

Para kaming tanga ni Kenneth habang nakatitig dun sa cashier na nagbasa ng mga orders namin.

"This place is very weird." Umiiling na sambit ko sa sarili.

Habang nag aantay kami ng order hinila ko si Lucky papuntang Hugot Wall kung nasaan nagbabasa si Andi at Kenneth sa napakaraming Hugot Lines na nakasulat sa post it na ibat iba ang kulay. Ang cute!

"Nakaisip ka na ba ng ilalagay mo?" siniko ako ni Lucky sa tiyan habang dahil aliw na aliw akong basahin ang mga hugot lines. Ang totoo wala akong maisip na isulat ang dami dami kong naiisip pero wala akong mapili.

Tumango na lang ako at napangiti bago ko siya akbayan.

To be continued...