webnovel

LUCID DREAMER

Completed IM BEGGING YOU PLEASE DONT WAKE ME UP Kahirapan? Depression? Anxiety? Lack of self-confidence? Ilan lang yan sa normal na pinagdadaanan ng mga tao sa mundo ilan ay kinikitil ang buhay upang matakasan ito pero iba ang paraan ni Michelle... Bihira lang ang may kakayahan na kontrolin ang panaginip isa siya sa maswerteng nakakaranas nito kakayahang gawin lahat ng kanyang ninanais na di kailanman kanyang makukuha sa totoong buhay... Sa pagkakataon ito naging masaya sya tuwing syang naiiglip sa gabi at ito rinl ang siyang nagiwan ng sakit sa kanyang puso Ang... LUCID DREAMING

Kishialycotna · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
11 Chs

PAGWAWAKAS

Sa pananaw ni Michelle

Inimulat ko ang mata ko nasaang kuwarto ako? Puti malamig tumingin ako sa kanan ko nakita ko si ina na natutulog sa tabi ko pinilit kong makabangon ngunit ang hina ng katawan ko nanghihina ako.

"I-ina? , I-ina?" Pinilit ko ang sarili ko na magsalita at gisingin si ina buti nalang at hindi malalim ang tulog ni ina at nagising siya agad.

Nanlaki ang mata niya nang makita akong bumangon, "a-anak! Maraming salamat sa diyos, doc!!" Niyakap ako ni ina at tarantang tumawag ng doctor na aasikaso sa akin, pagpasok ng doctor ay agad agad akong inasikaso.

Ang sabi ng doctor na comatose daw ako for 5 years ang tagal ang daming nagbago sa bahay, hinanap ko agad si ama ngunit nabigo akong makita siya ang sabi ni ina ay nakulong na daw si ama.

Dahil sa pagkapatay niya kay carl ung mga panahong hindi na nagsasalita si carl ay patay na siya noon, tinago ni ama si carl hindi niya idinala sa ospital sa takot na siya ay makulong, ang sabi ni ina noong araw na iyon ay pinuntahan sila ni ama...

🍀FLASHBACK🍀

Sa pananaw ng ina ni Michelle

Pagkaalis ni Michelle papuntang contest at inayos ko ang mga gamit sa kusina ng may narinig akong door bell.

"Carl! Buksan mo ang gate" pumunta naman agad si carl nagtaka ako ng hindi na umimik si carl mula sa labas.

"Anak?! Sino ang tao sa labas?" Narinig ko ang pagtakbo ni carl at hagulgul nito, duguan ang kanyang leeg nahihirapang huminga, niyakap ko siya at tinanong ano ang nangyari.

"Si a-ama bigla nalang niya akong g-ginasgasan ng hawak niyang basag na bote" hirap na hirap siyang huminga kaya inihiga ko siya at sinabihan na manahimik nalang muna at dahan dahan akong lumabas. Pagkasilip ko sa pinto ay bumungad sa akin si Roger ang asawa ko.

"Anong ginawa mo?!" Sinampal ko siya ng malakas, binawian niya ako ng malakas na suntok, at inuntog sa digdig dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.

Paggising ko ay nakita ko si carl nililinisan ni roger ngunit wala na itong buhay,

🍀END OF FLASHBACK🍀

Ang sabi ni ina ay nagdrodroga si ama at umiinom kaya niya nagawa iyon kay carl, sinabihan ni ama si ina na kapag nagsalita ay papatayin ako ni ama, hindi ako makapaniwala dahil napakabait ni ama sa akin at pati narin kay carl hindi mo maiisio na isa siyang mamamatay tao.

Kaya pala naging dream traveler si carl dahil pagala gala ang kaluluwa niya at pumunta siya sa panaginip ko siguro para ay magpaalam sa akin, sa panahong inalay niya ang buhay niya para mabuhay kaming pareho ni gabby isinuko na niya ang buhay niya sumama na siya sa liwanag.

Napakabait ni carl hindi ko maiwasang humanga sa kanya napakabait niyang kapatid.

"Magayos kana anak bibisitahin natin ang puntod ni carl" ngumiti ako kay ina at nagbihis gusto kong magpasalamat kay carl, kaya pag katapos namin mag bihis ay dumiretso na kami agad sa puntod niya.

"Carl?, Miss na miss na kita madami pa akong hindi na kukwento sayo, alam mo ba may nakilala akong nagmahal sa akin ng higit pa sa sobra, sayang lang at hindi kami nagkatuluyan, nasan na kaya siya carl? Kasama mo ba siya paki sabi sa kanya na mahal na mahal ko siya ah? Hindi ko siya kakalimutan" pilit kong pinipigilan ang luha ko gusto kong maging matapang para kay carl at Kay Christian, nasan kaya ang puntod ni Christian?

"Bibili muna ako ng makakain anak ah?" Nagpaalam si ina sa akin tumungo nalang ako sa kanya, ilang sandali pa ay may narinig akong naguusap.

"Akala ko mabubuhay ka anak, noong panahong gumising ka napakasaya natin bakit bigla ka nalang nawala?" Nilingon ko ito nakita ko ang mayari ng school namin dati, kaya agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Hello po?" Lumingon naman siya sa akin at ngumiti "hi?, Do i know you anak?" siya si maam Emelia asawa ng may-ari ng school namin, ang ina ni Tristan.

"Hindi ko po alam eh pero sa paaralan nyo po ako nagaaral dati" ngumiti siya sa akin at ibinalik ang tingin sa puntod ng anak.

"Kilala mo siguro si Tristan ang anak ko, actually hindi iyon ang name niya, he is Christian Cruz" parang tumigil ang mundo ko ng marinig ang pangalan niya, hindi ko mapigilan ang luha ko na tumulo.

napakalapit lang pala namin sa isat isa hindi ko pa siya nakita at nayakap ng mahigpit, mali ang mga tinuran ko dahil... interesado ako sa Tristan na iyon sanay sumaglit ako sa event na hinanda ng paaralan para sa sandaling pagbabalik niya makikita ko sana siya sa tunay na buhay sanay hindi na niya pinilit ang sarili na matulog upang makita ako, napakalupit tlga ng tadhana.

"Anak? Ano problema mo? Kilala mo ba siya?" Pinunasan ko ang luha ko at umiling nalang, ngumiti ako sa kanya at nagpaalam.

Bumalik ako sa sa puntod ni carl at doon umiyak.

"Carl bakit ganoon? Bakit hindi ko manlang siya nakita? Bat di ko siya nakasama!" Napahagulgul ako... Nakaramdam ako ng malamig na hangin na parang yumayakap mula sa likod ko sumisiksik ito sa aking leeg.

Di ko maiwasang hindi maalala si Christian, gumaan ang loob ko ng niyakap ako ng hangin na ito pinunasan ko ang luha ko at baka makita pa ako ni ina.

Ilang sandali pa ay bumalik na si ina at umupo kami sa tabi ng puntod ni carl. Nagkwentuhan lang kami sa mga masasayang pangyayari sa buhay namin.

"Oh anak? Uwi naba tayo? Dumidilim na kasi anak" tumungo nalang ako at nilinis ang puntod ni carl.

"Sandali lang ina antayin mo ako sa sasakyan may aayusin lang" ngumiti naman si ina at nauna na lumabas pumunta ako sa puntod ni chris ang nagiisang taong minahal ko.

"Hi mahal ko lagi kitang bibisitahin dito ah? Aalis na kami paalam mahal ko" nagiwan ako ng bulaklak sa taas ng puntod niya.

Minsan ang pagibig ay malupit at nakakasakit, ngunit hindi natin maiiwasan ang sarili na umibig. Baka hindi sa panahong ito kami dapat magkatuluyan Christian baka sa sunod na nabuhay kami ulit ay magkakatuluyan na kami sana! Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko siya.

------------------💐WAKAS💐---------------------