webnovel

LUCID DREAMER

Completed IM BEGGING YOU PLEASE DONT WAKE ME UP Kahirapan? Depression? Anxiety? Lack of self-confidence? Ilan lang yan sa normal na pinagdadaanan ng mga tao sa mundo ilan ay kinikitil ang buhay upang matakasan ito pero iba ang paraan ni Michelle... Bihira lang ang may kakayahan na kontrolin ang panaginip isa siya sa maswerteng nakakaranas nito kakayahang gawin lahat ng kanyang ninanais na di kailanman kanyang makukuha sa totoong buhay... Sa pagkakataon ito naging masaya sya tuwing syang naiiglip sa gabi at ito rinl ang siyang nagiwan ng sakit sa kanyang puso Ang... LUCID DREAMING

Kishialycotna · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
11 Chs

Ikaapat na kabanata

Sa pananaw ni Michelle

Muli akong humiga sa kama at pinikit ang mata ko siguro ay iniintay na niya ako,

Pilit kong pinipikit ang mata ko para makatulog, nakakahiya naman bigla bigla nalang akong umalis, baka natatampo nanaman siya.

Pinikit ko ang mga mata ko, ngunit hindi ako makatulog, ilang beses kong pinilit makatulog pero hindi... Hindi ako maka tulog argh.

Bumangon ako ng kama at tumungo sa kusina "oh bat gising kapa?" Nakangiting bungad sakin ni ina, napakaganda ng kanyang ngiti."nagising lang ako ina, hindi ako makatulog ulit" hindii ako comportable na nagsisinungaling ako kay ina pero mas okay na siguro na hindi ko sabihin na namimiss ni carl si ama, baka malungkot lang si ina pag naalala pa niya ito.

"Oh ito gatas anak uminom ka muna sayo na iyan gagawa nalang ako ng bago" nakangiting inabot ni ina ang gatas sa akin, laging nakangiti si ina kahit alam kong malungkot siya. Itinatago niya ang sakit na nararamdaman niya, mabilis kong inubos ang gatas para makatulog na agad.

"Ina matutulog na ako ulit ah?" Niyakap ko si mama at hinalikan sa pisnge, mukhang makakatulog na ako ng mahimbing nito, at makakabalik na ako kay Christian, argh nakalimutan ko inaantay na siguro niya ako.

Humiga ako sa kama at pinikit ang aking mata ilang sandali lang ay inimulat ko na ito. "Buti nakabalik na rin!" Bulong ko sa sarili ko.

Tulad ng inaasahan nakaupo sya sa sofa at parang inaantay ako, hayst nakakahiya naman sa kanya lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya-"-hmm awkward" napasinghal ako at sinubukan makaalis sa awkward ng pangyayaring ito

"Hindi kaba magsasalita diyan Christian??" Hindi niya ako nilingon, famous ka teh?. Ako na nga ang magsisimula, kainis bakit pa kasi ako bumalik.

"Uhm chris? anong ginawa mo nung wala ako?" Ngumiti ako sa kanya napatingin naman sya sakin pero binaling agad ang tingin sa malayo, ano ba ung tinitignan nya wala namang tao ah? Oh di kaya may iniisip siyang iba. Edi wao chris bahala ka diyan

Pero teka  snobber na sya!? Eh kung palayasin ko kaya siya dito

Kapal naman ng pagmumukha nya para isnob ako ah pero hindi ako susuko baka pansinin ako mamaya Ano ba tong iniisip ko *face palm* argh kung ayaw nya akong pansinin edi wag.  Bumalik pa ako ito tas hindi rin naman pala ako papansinin? May ghad cassie!

Patayo nako ng hilain nya ang kamay ko dahilan ng muli kong pagupo sa sofa argh parang bumagal ang oras, bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba kala ko ayaw nya ako kausapin.

"ano iyon bakit!?" Mataray kong tanong sa kanya kahit sandali lang kami magkasama ang gaan na ng loob ko sa kanya.

"Uhm ano kasi may p-pumunta d-dito" paano? May panibagong bweyset ba na darating dito nakakainis naman. Bweyset naman dalawa na sila ganoon pero kung gwapo mapaguusapan naman namin iyon, baka hindi na ako umuwi niyan sa amin... biro lamang.

"Weh? Ano raw ang kailangan niya?"

Kunwaring may pake kong tanong sa kanya baka menemema lang niya ako para hindi ako unalis at magalit, pero biglang sumeryoso ang mukha nya at tumitig sa mga mata ko nakakatakot sya kala mo naman papatayin nya ako sa tingin niya.

Ilang minuto rin kaming nagtitigan, ano toh? Kala ko ba may sasabihin siya. Tinarayan ko siya para matigil na ang titigan na ito naiilang ako.

"Ah wala kalimutan mo na iyon oh siya kumain kana !" Inalis nya agad ang tingin nya sakin at agad tumayo, nakakapagtaka lang pqrang may tinatago suya sakin grabe naman itong lalaking ito,

"molesto" mahinang bulong ko at lumapit sa kanya sarap naman ng hinanda niyang mga pagkain, habang kumakain ako hindi nya inaalis ang mata nya sakin nakakailang.

"Hoy ginoo pwede bang wag mo akong titigan, alam kong maganda ako pero nakain ako oh" turo ko sa pagkain ko na inihanda niya buti nalang nagiwan ako ng mga gamit sa pagluluto sa kusina.

Pero di ko pala natanong sa kanya kung umuwi ba siya. "Hmm chris?" Muli itong tumitig sakin at ngumiti "why?" Bakit ba siya nag papacute sakin nakakainis naman argh!

"Umuwi kaba sa inyo?"nagbago ang expression sa mukha niya ang ngiti niya ay biglang naglaho may nasabi ba akong mali? .

"U-uhm a-ano kasi h-hindi ako umuwi k-kasi b-binabantayan ko ang bahay mo, oo kasi binabantayan ko ang bahay mo baka kasi may pumunta dito at sirain ang panaginip mo binibini" bakit kabang kaba siya? Hindi ko na siya tinanong pa ulit kahit alam kong di siya nagsasabi ng totoo, alam kong hindi lang dahil sa bahay ko, halata sa mga mata nya.

"Bakit mo pala na tanong? May problema ba?" Ngumiti ako sa kanya at umiling, tinapos ko na ang pagkain ko at lumabas para magpahangin.

***********

Gumala kami ni chris buong gabi ng nakaramdam na ako ng pagod ay nagpaalam na ako sa kanya para umuwi,

Sigurado ba siyang di siya uuwi sa kanya baka inaantay na siya ng pamilya niya. Pauwi na ako nang biglang...

"Argh ang sakit ahh" bigla siyang namilipit sa sakit nakahawak siya sa ulo niya, dali dali akong lumapit at tinanong bakit .

Pero bigla nalang siyang hinimatay at biglang naglaho ano kaya ang nangyari sa kanya, nagaalala tuloy ako. Tumayo ako at bumalik sa aking katawan.

"Ano kaya ang nangyari sa kanya? Bat bigla nalang siyang nawala" nagaalala ako sa kanya parang may masamang nangyari, huminga ako ng malalim at bumangon tumungo ako agad sa cr para maghilamos...

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kay chris? Argh, tumungo ako sa kusina, kumuha ng makakain at madali ding bumalik sa kwarto ko...

Binuksan ko ang laptop ko "what is dream traveler?"... Loading. Loading.. loading...

"Ayun! Hmm, r-refers to the ability to travel within a dream on a conscious basis. Such a traveler in a dream may be called an oneironaut." Argh ang unti lang ng mga details dito nakakainis naman, sinara ko ang laptop ko at nagsimulang kumain...