webnovel

LUCID DREAMER

Completed IM BEGGING YOU PLEASE DONT WAKE ME UP Kahirapan? Depression? Anxiety? Lack of self-confidence? Ilan lang yan sa normal na pinagdadaanan ng mga tao sa mundo ilan ay kinikitil ang buhay upang matakasan ito pero iba ang paraan ni Michelle... Bihira lang ang may kakayahan na kontrolin ang panaginip isa siya sa maswerteng nakakaranas nito kakayahang gawin lahat ng kanyang ninanais na di kailanman kanyang makukuha sa totoong buhay... Sa pagkakataon ito naging masaya sya tuwing syang naiiglip sa gabi at ito rinl ang siyang nagiwan ng sakit sa kanyang puso Ang... LUCID DREAMING

Kishialycotna · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
11 Chs

Ikaanim na kabanata

Sa pananaw ni Michelle

Sikat ng araw ang bumungad sakin, hindi ko mapigilan ang sariling hanapin siya "nasan na kaya siya?" Bakit bigla nalang siyang nawala? Nakakalungkot naman minsan na nga akong binigyan ng makakasama sa panaginip ko nawala pa.

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan nang bigla itong tumunog

*MESSAGE!* Binuksan ko agad ang cellphone ko napapikit ako sa taas ng brightness argh. Sino naman tong nag text na ito ang aga aga.

From: Bessy🥀

 

Nagising na daw ang anak ng mayari ng school ah? Nabalitaan mo na ba?

Ano naman pakealam ko doon sa anak ng mayari ng school namin? Nakakairita badtrip na nga ako sinisimulan nanamannako ng kaharutan

To: Bessy🥀

Oh mamatay na nagtanong...Nako Ara wag moko kukwentuhan ng kaharutan mo diyan ah di ako interesado.

Ara and stacy are my best friend hindi nga lang kami laging magkasama, kasi busy din siya sa mga projects.

From: Bessy🥀

Ano ka ba Michelle hindi naman yun ang dahilan ih, magkakaroon ng welcome party sa kanya, MAAGA KA pumasok ah! Maaga

Sanay na sanay siya sa ugali kong laging late pumasok ih nakakatamad kayan gumising ng maaga para lang hindi malate, pero naalala ko ngayon na pala yung contest, sayang naman di ko makikilala si Tristan, pero okay lang di naman ako interesado.

To: Bessy🥀

Nako bes wala ako ngayon! May speech kami ngayon laban namin eh i welcome mo nalang ako sa kanya sige bye na!.

Pintay kona ang cellphone ko at naghanda na para sa contest mamaya, hindi naman ako interesado sa Tristan na iyon kinababaliwan nila. Gwapo nga di naman matalino, nako ewan ko ba.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng salamin tinitignan ang sarili ko kung bagay ba ang pantalong ito sa akin, "okay na siguro ito"  pero napailing iling ako dahil mas maganda kung pormal ang suot ko.

Tumungo ako ulit sa aparador hinahalukat ko ang mga damit alam kong may pormal na kasuotan ako. Regalo sa akin ni ama iyon nasaan na kaya iyon.

"Ito buti nalang nakita kita agad argh" niyakap ko ang damit na ito at nagbihis kaagad. "Bagay naman sa akin ito siguro ito nalang susuotin ko" naglagay ako ng unting pampapula sa aking labi,para magmukhang fresh, unting pabango at tapos na ako.

pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng kwarto ko at nag paalam kay mama. "Ma aalis na ako" sigaw ko mula labas ng kwarto habang naglalakad papunta sa kusina.

"Anak kumain kana ba?"  Umiling ako at ngumiti. "Ay may oras ka pa ba para kumain?" Nagaalala nanaman si ina sa akin.

"Wala na ina malalate na ako, ngayon na ang contest ma" may kinuha siya sa bandang likod niya at ngumiti inabot niya ito sa akin.

"Oh syempre hindi ko makakalimutan anak, alam kong di ka kakain" ngumiti siya sa akin kilalang kilala talaga ako ni ina. Pinaghandaan pa niya ako ng maabaon.

"Thankyou ina! Wish me luck! Bye ina!" Nagpaalam na ako at dumiretso na sa event.

Pagkarating ko dito bumalik na naman ang kaba ko, ngunit alam kong kaya ko ito. Noong tinawag na ang aking pangalan huminga ako ng malalim at umakyat ng stage.

*******************************************

Pagkatapos Ng Pagligsahan

*******************************************

"Ma! Nakuha ko ang  unang karangalan!" Nakangiti akong tumakbo sa kusina, hinahanap ko ang kapatid ko at ina dahil nangako ako kay Carl na bibisitahin namin si- teka!? Bakit nandito si ama.

"A-ama bakit ka nandito?" Hindi ko mapigilan ang luha ko na tumulo sa sahig nang makita kong magkasundo ka sila ni mama? For real!? Hindi na ba ito paasa?

"Anak? Halika maupo ka pinagluto tayo ng ama mo" malambing na sabi ni ina habang pinupunasan ang mga luha nya, parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

Di na ako nagsalita at agad umupo sa upuan at tumitig kay carl, balisa at parang nagpipigil umiyak ang isang ito akala ko ba'y gusto niyang makita si papa, narito na siya ah.

"Kumain kana Michelle masarap yan,alam kong paborito mo yan kaya yan ang iniluto ko." Malambing ngunit nakakatakot na sambit ni ama sakin parang may nagbago ang boses nya at sa kinikilos niya, hindi naman normal na paglutuan niya kami ng sinigang ,dahil paborito ko ito pero parang may mali.

"Oh bakit Michelle bakit hindi ka pa kumakain diba paborito mo yan!?" Nagulat ako nangbiglang tumaad ang tono ng pananalita niya.

"Pasensya anak, kain ka na kasi" biglang naging malambing muli ang tono niya, nagsimula akong kumain binalot ng katahimikan ang paligid.

"Ano itong medalyang ito anak?" Hinawakan at pinagmamasdan ni ama ang medalyang nauwi ko, ay oo nga pala ang napanalunan ko !

"Ay oo nga pala nanalo ako ama sa isang speech contest" nanatiling balisa si ina at carl hindi nila napansin ang medalyang dala ko. Baka pagod lang sila kaya di na akong nagabala pang kunin ang antensyon nila.

Tumungo na ako sa kwarto ko iniwan ko sila ina na hanggang ngayon ay tulala parin, ano ba tlga ang problema nila. Ngunit di parin nawala sa isip ko na ako ang nagwagi nanalo ako napaka-saya. Nagbunga ang pageensayo ko sa panaginip ko!

Itinapon ko ang sarili ko sa kama upang magpahinga sandali bumalik sa isip ko si Christian, nasan na ba kasi siya ang tagal naman niyang bumalik namimiss ko na siya. Nanginimulat ko ang mata ko ay nasa mansion na ako hays hindi  pa nga ako naliligo kainis naman. Pero hindi na ako gigising bahala na bukas.

Pumunta akong sala nang biglang nakarinig ako ng batang humahagulgul, kinilabutan ako sa iyak ng batang iyon ngunit baka si Christian iyon!

Tumakbo ako patungo sa may puno dahil yun siguro ang pinagmulan ng tunog, masaya akong pumunta ngunit may haong kaba nahulog ang hawak kung baso sa nakita ko... "B-Bakit ka nandirito!?" 

Nagkabati na ba sila? Ngunit paano pag sinaktan na naman ni ama si ina okay na sanang wala si ama nakakapag moveon na kami ngunit bakit?