webnovel

Failed

Chapter 3. Failed

(Nine Years Ago)

"ANG PAYAT naman ng manliligaw mo, Atalia." komento kay Lia ng kaklase niyang si Momo. Nasa ika-sampung baitang na sila at kasalukuyang nagla-lunch kaya malaya silang makapagkwentuhan. Nasipat nila ang manliligaw niyang si Leon sa cafeteria kasama ang kaibigan nitong babae.

"Hindi pa mayaman," komento naman ng isa niyang kaklase na si Vienna.

"Balita ko, kaya raw dikit nang dikit iyan kay Flare, kasi may kaya ang mga Sanchez."

"Baka kaya ka nililigawan kasi mayaman ka," panggagatong pa ni Vienna.

"Grabe naman kayo. Baka hindi. Hindi naman siya mukhang ganoon," katwiran niya.

"Don't tell me you like him?"

"What? No! You both know I like Mark Louis," kaila niya.

Mark Louis was their classmate. Was only fifteen-year old but had a masculine body suited for his age.

"O, ayan na ang manliligaw mo," tudyo ni Momo.

Bago pa ito makalapit ay tumayo na ang dalawa at iniwan siya sa mesa.

"Leon," bati niya. She shouldn't be rude to him especially he's being good to her. Pero malinaw niyang sinasabi na hindi niya masusuklian ang pagtingin nito sa kanya.

"Hi, Lia." He's smiling all ears and sat in front of her. "I bought you pineapple juice," magiliw na sambit nito at nilapag ang isang pineapple juice in can.

"Thanks," tinanggap niya iyon. Ginitna niya ang kinakaing chocolate chips at inalok itong kumuha.

"Hindi, ayos lang," tanggi nito pero parang may nagtampo aa kanyang loob nang tanggihan nito ang alok niya. Pakiramdam niya ay mataman siyang tiningnan nito. Nagulat pa siya ng kumuha ito ng tatlo at sabay-sabay na isinubo.

Wala sa sariling ngumiti siya nang tingnan ito.

"Busog na kasi ako pero dahil galing sa iyo, hinding-hindi ko tatanggihan," seryosong sambit nito.

Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagkain. Nagkwentuhan din sila saglit tungkol sa nagdaang exam. Leon was in Star section while she's in A. Noon pa siya nililipat sa Star section pero tumanggi siya. Mas pinili niya sa A dahil ayaw niyang ma-pressure sa pag-aaral. Close to geniusna ang mga estudyante roon at karamihan ay pag-aaral lamang ang nasa isipan.

"Top three ka pala. Ang galing mo naman," puri niya rito. Hindi sita sigurado pero parang namumula ang mukha nito.

Ngumuso ito na tila pinipigilang mangiti.

"Ihahatid na kita sa klase," alok nito.

"Hala! Oras na pala!" bulalas niya. "Huwag mo na akong ihatid, male-late ka," tanggi niya. Sa second floor kasi ang classroom nila habang ito nama'y sa third.

Sa huli ay hinatid pa rin siya nito at sigurado siyang nahuli ito ng ilang minuto sa klase.

Naging abala si Lia buong taon dahil gusto niyang makatanggap ng parangal kapag nag-moving up na. Palagi niyang kasama si Leon at tinulungan din siya nito sa mga Math problems na nahihirapan siyang i-solve.

"E, ito, paano?" tanong niya sa isang problem. Nasa café sila at walang pasok nang hapong iyon kaya marami silang oras na magkasama nito.

He skilfully taught her the solution and she eventually got it right.

"Ang galing mo talaga, Leonard!"

He stayed still and looked at her face. "Can you say my name again?"

"Huh? Leon?" patanong niyang sambit.

"No," malat nitong sambit.

"Leonardo?"

Ngumiwi ito at natawa siya nang bahagya.

"I'm just kidding. Alam kong ayaw mong matawag na Leonardo kasi pakiramdam mo, tinatawag ang lolo mo."

Tumango ito. "But I want to hear you say my name again."

"I just called you. Leon," ulit niya.

"No, the other one."

Natigilan siya at nakagat ng bahagya ang labi. She'd been calling him Leonard on her mind. Hindi niya namalayang naisatinig niya iyon.

"Please..." sumamo nito sa kanya.

"Leonard," maliit ang tinig na untag niya.

He smirked triumphantly. Sumandal ito sa upuan at prenteng ininom ang mocha frappe. He really looked satisfied.

"I should tell my friends to stop calling me Leon. Leonard sounded better. And I'd always think of you whenever they call me that."

"Ha?"

"Wala," agap nito. "Tapos ka na ba?"

Natatarantang yumuko siya para mag-focus sa pagsagot. Tumawa ito nang bahagya bago nagseryoso para turuan ulit siya.

Lumipas ang ika-sampung baitang niya at inalok na naman siyang lumipat ng section ng kanilang punung-guro. Even if she'd become classmates with Leonard, she politely said no. Kontento na siya kung nasaan siya.

At eleventh grade, their shipping lines business failed. Baon na sa utang ang kumpanya nila at wala siyang magawa nang magdesisyon ang Papa niya na umalis para mangibang-bayan. Pero hindi pa ngayon, kailangang mabayaran muna ang mga utang nila dahil hindi ito makakaalis ng bansa sa mga kasong kinahaharap.

Ang mama niya ang numero unong dahilan sa pagbagsak ng negosyo nila. She didn't know that her mom had a lot of boy toys, and now, she's admitted on a rehabilitation center. Sumunod na dahilan ay ang kanyang ama, when he knew about her mom's wrongdoings, matagal na nagsugal ang kanyang papa hanggang sa napabayaan ang negosyo at naitalo nito ang mga assets and properties nila. Idagdag pa na naloko ito ng isang nagpanggap na investor at na-scam ng milyones.

Kung hindi dahil sa namana niyang properties sa kanyang lola ay nasisiguro niyang naghihikaos na sila. Makapag-aaral pa siya sa kolehiyo pero hindi na sa isa sa mga prestigious University na binalak niyang pasukin noon.

She just turned sixteen and she must focus on her studies. Wala siyang magagawa sa kompanya nila kundi panoorin ang unti-unting paglubog niyon.

"Hey," si Leonard. Mag-isa siya ngayon dahil unti-unti na siyang nilayuan ng mga tinuring niyang mga kaibigan.

"Hmm?"

"I heard what happened," ingat na ingat ito sa sasabihin. "You... have to stay strong, okay?"

"Of course," agap niya. "I have to."

"I... uh, asked my family if we can help you. I'm sorry, I know nothing about business."

Nagtatakang tiningnan niya ito. How would his family help her?

"My dad... is the owner of Centeno Airlines..." bulong nito.

"What?!" bulalas niya. Lumingon ang ilang estudyante sa cafeteria.