Bruno Mars
Talking to the moon....trying to get to you....
Sad boy.. Komento ni Blue sa naririnig na kanta, ganda ng boses pang haranahan ang datingan. Akalain mong ang isang gwapong mayamang business man, sad song ang trip. Napapailing nalang si Blue sa naiisip. Kaylan ko pa narealize na gwapo sya?.. Well totoo naman. Gwapo naman talaga.
Ilang minuto na rin syang nakatayo lang sa veranda ng maramdamang may palapit sa kanya. Alam nyang ang binata ang palapit dahil huminto na ito sa pagtugtog, naramdaman din nito marahil na may nagmamasid sa kanya.
Care if I join you? Hinging permiso nito sa kanya.
Sure. Maiksing sagot lang nya.
By the way I want to introduce myself properly, ibinaba nito saglit ang gitara at humarap kanya.
Leanne Ryle LaMadrid.,27 years old, love to sing and play instruments and single. Kasunod ng matamis na ngiti nito sa labi.
Nakatingin lang sya dito at tila naweweirduhan sya sa ginagawa nito.
Hey! Are you okey?
Ha? Yeah Im okay.
Ikaw naman, introduce yourself.
Pinakilala na ko sayo ni ninong kanina di ba?
Yeah, pero sobrang formal nun ayoko ng ganung introduction lalo na at lagi tayong magkasama I want to cut the formality. Go, tell me something about yourself.
Okey, Blue Jay Rivas 25 years old, nothing Interesting about me, aside from I love guns and motorcycle.
Single?
Yes, single
So tommorow start na tayo, do you think you will be comfortable working close to me?
Yes sir, that won't be a problem.
Can you please cut the "sir".,call me Ryle or anything but not sir.
Okey, can I call you Leanne instead?
Sure,.. Thats a good idea, no one call me by that name, so alam ko na ikaw yun pag tinawag ako sa first name ko.
Ngumiti lang sya sa sinabi nito.
So.. What your plan for tommorow?
Bantayan ka,
I already know that, I mean how do you want to start your day being my PA?
Well speaking of that, I want to ask some questions.
Sure, umayos pa ito ng upo sa harap nya na akala mo'y makikinig ng kwento.
Napangiti naman sya sa inasta nito, hindi nya akalain na ang isang mayamang business man ay may kakulitang taglay.
How do you start your day? Like what are the usual routine?
Umasta namang malalim na nag isip ang binata.
Well, nothing special, office, meeting, bahay monotonous for the last five years.
Sure you can add some spice now. Dugtong ng binata sa isip nya.
Okay, Ill just check it tommorow then. Pasok ka na, gabi na delikado dito sa labas. Pagtataboy nya sa binata.
Grabe, itaboy ba ko?
Natawa naman sya sa ginawi nito.
Sorry, gabi na kasi madilim sa paligid, wala akong masyadong visibility, hindi kita maproprotektahan ng maayos. If you want sa loob nalang tayo mag kwentuhan.
F*ck Blue, anong ginagawa mo? Makikipagkwentuhan ka talaga? Kausap nya sa sarili.
Napangiti naman ang binata at nauna nang pumasok sa studio nito.
Madami silang napag kwentuhan, mga hilig ng binata, mga instrument na alam nitong gamitin, pati ang hobby nito na racing na di na daw nito masyadong nagagawa dahil sa busy schedule, mag aalas diyes na ng magpaalam sya sa binata.
I think we need to take our rest, maaga pa tayo bukas. Paalam nya.
Ano ba yan ang bilis naman ng oras, angal pa ng binata.
Matagal tagal mo ko makakakwentuhan baka magsawa ka nalang.
Well.. Sabay kibit balikat ng binata habang naglalagay ng cover ng organ piano.
Nag check naman sya ng bintana at pinto ng studio bago muling humarap sa binata.
Goodnight Leanne...
Goodnight Blue... Sweetdreams... Sabay silang lumabas ng silid at nagpunta sa kanya kanyang silid.
Samantala sa silid ng binata, hindi maalis alis ang ngiti sa labi ni Ryle..
Medyo cold ka ha, paiinitin naten yang attitude mo na yan. Kausap nito sa sarili, Hindi sya babaero, hangga't maari nga ayaw nyang may babaeng derektang makakatrabaho, kaya pati secretary nya lalake, na phobia na ata sya magkaroon ng close contact na babae lalo na pag work related. Ilang beses narin kasi syang nagkaroon ng bad experience dahil dito.
May secretary sya na, nabuntis at na issue na sya ang ama, mabuti nalang pumunta ang nakabuntis sa opisina at pinanagutan naman ang babae, sumunod naman may sumugod na tatay sa building nila at pilit syang pinalalabas dahil itinanan daw nya ang anak, buti nalang at nalaman nila na isa sa mga guard ang boyfriend nito. Meron pang mag asawa na sya ang sinisi ng mister kaya daw sila nag hiwalay, nalaman nya nalang sumama ang babae sa isang pulis. Ang pinakahuli more than one year na, yung secretary nya na nagtangka pang mag suicide sa building kung hindi rin lang sya ang magiging asawa, psyco pala talaga at stalker na nya since college, maganda ang track record kaya nakapasang secretary nya. Yun nga lang may tama talaga. Napangiti nalang sya sa mga naalala, kaya ngayon si Lowie ang sekretary nya,
Speaking of Lowie, kaylangan nya tawagan ang secretary para maayos nito in advance ang mga gagamitin ni Blue sa opisina, hindi pa man tila na eexcite na syang makasama ang dalaga sa loob ng opisina nya na silang dalawa lang.
7am
Kagaya ng nakagawian ni Ryle, nakabihis na sya bago mag breakfast, light blue polo, black slacks and suit na nakasabit pa sa likod ng upuan, mamaya na lang nya isusuot pag nasa opisina na.
Napatigil ang pag kagat nya sa tinapay na hawak ng makita si Blue na papasok ng dining area. Ibang iba ang itsura nito kumpara kahapon.
Wearing body hugging peach dress, around 4 to 5 inches above the knee, which expose part of her long legs, sleeveless, formal flat shoes that has the same color of her dress.
Napainom sya ng juice dahil tila nanuyo bigla ang lalamunan nya nang makita ang dalaga.
Goodmorning Leanne. Bati nya sa binatang tila pinagaaralan ang itsura nya, nakita na nya ito simula pumasok sya sa dining area.
Goodmorning, lets eat, yaya ng binata na tila nakabawi na sa pagkatulala.
Thanks, kumuha lang sya ng 3 slice ng apple at juice.
Okay ka na dyan? Baka magutom ka, di mo ko maasikaso ng maayos, tudyo sa kanya ng binata.
Oo naman,mas okay ako dito. mas mahihirapan ako bantayan ka kung busog ako, kasi aantukin ako at mahihirapan ako tumakbo. Sagot naman nya sa binata.
Pagkatapos uminom ng juice, isinuot na nya ang holster nya, nakalagay na doon ang baril at jungle knife nya, saka nya ipinatong ang kulay puting vest na medyo makapal pero hapit parin sa bandang bewang.
Napansin naman nya na tila napangiwi ang binata habang nakatingin sa kanya.
Problem?
Kaylangan pa ba talaga may dala kang ganyan?
Yes, paano kita proprotektahan kung wala akong armas? mabuti kung close fight lang, eh kung malayuan, di naman pwedeng saluhin ko lang yung bala dapat lumaban din ako di ba?
Tila hindi naman natuwa ang binata sa huling sinabi nya, sumama bigla ang mood nito at naging formal.
Okay lets go, aya nito sa kanya.
Nagkibit balikat nalang sya sa ginawi ng binata. Saka sumunod dito.
Pag dating sa building, napansin agad nya ang lalakeng nakatayo sa entrance ng building na tila sila ang inaabangan, Matipuno ang lalake, matangkad 6'feet more or less, di rin papahuli ang itsura nito ke Ryle. Neat looking, tisoy.
Pag baba nila ng kotse lumapit agad ang lalake at bumati,
Goodmorning sir.
Goodmorning Lowie, naihanda mo na ba ang mga pinaayos ko kahapon.
Yes sir, the only lacking is the PC, but it will be deliver by the facilities before lunch, they just need some clearance from security.
Tumango lang si Ryle,
Bumaba sya sa passenger seat, bitbit ang gamit ni Ryle, di nakaligtas sa kanya ang biglang pagtaas ng kilay ng lalakeng tinawag na Lowie.
Paminta. Komento nya sa sarili.