webnovel

Love is a Consequence

Xeñavrielle has been losing the interest to live after the tragic event she had encountered when she was just 12 years old. For four years, it made her heart and mind to be filled up by anger, guilt, and fear. For four years, she felt being unimportant, she felt being alone. But not until she met Xanderzild. The one who made her life full of hopes. The one who gave her consequences because of their bad meet-up. That is what she believes. She has no idea that their is a hidden duty behind those consequences, a duty to keep her on his side because she is his mission. Would it still be ended in a reason of duty or will the reason be turned into something that he can no longer resist anymore? "I love you and being with you is a consequence I am not feeling lost to be with."

Rhianjhela · Ciencia y ficción
Sin suficientes valoraciones
18 Chs

Chapter 2: First Day

XEÑA🎯

Alas singko ng umaga, gising na ako. Kahit sa ayaw ko, kailangan dahil kailangan kong pumasok ng ala-sais kahit 7:30 pa naman ang klase. Kailangan ko kasing kumuha ng exam para malaman kung anong section ako ilalagay. Lunes ngayon at papasok na ako sa panibagong paaralan which is my dream school but that was before. Matapos ipamukha sa akin noon ng Dad ko na hindi ako bagay sa paaralang ito, but here I am, entering this school. Tss, such a waste! Wag na kayong magtaka na kahapon lang niya nalaman na kick-out ako ay may school na agad akong papasukin. Ano pa't naging rich kid to!

I do my morning rituals at nagbihis na ng black fitted jeans at white v-neck shirt at nagsuot ng black converse sneakers. Pormahang lalake lang? Don't get me wrong but it's already one of my clothing signature. Anyways, nasa ayos na ang gamit ko kaya bumaba na ako at pumunta sa garahe para kunin ang kotse ko. Yeah, I am only 16 years old but I have my own car already and obviously I can drive though student's license lang ang hawak ko. Pero hindi ko naman ito inaaraw-araw, kung importante lang. Kaya ngayon, importante ang araw na ito dahil wala namang maghahatid sa akin ng ganito kaaga. May driver ako, pero tinatamad akong gisingin o tawagin ito. So pumasok na ako sa kotse, sinuot ang seatbelt at umalis na.

Nandito na ako ngayon sa gate ng Faulker Academy at may guard na nagbabantay. Ibinaba ko ang bintana ng kotse.

"Good morning, Ma'am, how may I help you?" Wow, English si Manong guard.

"I'm a transferee here so I will be taking the exam--"

"Sige na Ma'am pasok na po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay sa office," saad niya. Oh, well.

"Thank you," sagot ko. Pumasok na ako at ipinarada ang kotse sa parking lot ng school.

Maaga pa kaya wala pang estudyanteng kumakalat dito. Dumiretso na agad ako sa office. Kakatok pa sana ako kaso bumukas naman kaagad ang pinto.

"Oh, Miss Fuentella, good morning. Are you ready to take the exam now?" Wow! Pagpasok, exam agad. Tumango na lamang ako. Inanyahan niya akong umupo sa isang upuan doon at binigyan agad ng test paper.

"Oh, here's your test paper and you have one hour to finish it. By the way, I am Celeste Faulker, school principal here. Nice meeting you and good luck. Your time starts now," she said and then get back to her seat.

Iniscan ko ang test paper at random pala ang questions dito. Sa tutuusin, kaya kong sagutan lahat ito ng tamang sagot but I used to be not. 100 questions 'to pero pumili ako ng 50 questions na pinakamahirap sa lahat at sinagutan. Siyempre, sinigurado kong tama lahat yun at ang another 50, it's too easy so I did not bother to answer it. I leave it there blank.

I know kung ano ang rules and regulations nila dito. Ano pa't naging dream school ko ito. Kapag nagbigay sila ng exam gaya nito, if you want to be in the section A, you have to get a 90-100 correct answer. 75-89, section B and last 74 and below, section C. Another information is hindi naman lahat ng nag-aaral dito ay matalino, may ikabubuga. As long as na may pera ka, pasok ka na. It is just that it became a popular, prestigious and a dream school for a teenager like me ay dahil sa ang school na ito ang nangunguna pagdating sa larangan ng sports, music, dance, acting and other forms of art. Ito ang school na laging nakakapasok o nagrerepresenta ng country for those International contests. So balik tayo sa sectioning. As you can see, pinili kong maging section C. Nakakaumay na kasing makihalubilo sa mga student na masyadong seryoso, grade conscious at katalinuhan ang pinag-aawayan. Yeah, masyadong competitive. So I just want to experience what's there on the last section.

Hindi pa tapos ang 1 hour, tumayo na ako at ipinasa sa principal.

"Here's my test paper Ma'am. So, can I go out now?"

"Yes, you may take a leave and if you want, while waiting for the result, you may take the time to roam around the campus and go back here before 7:30 so that you can already find out what section you're belong. Is that okay?"

"Ok Ma'am, thank you!" Nag-bow ako at lumabas na. Balak ko sanang maghintay lang dito hanggang 7:30 pero ang boring naman. Total, binigyan naman ako ng permission ng principal na makapaglibot, susulitin ko na para ma-familiarize ko na ang pasikut-sikot nito.

Habang naglilibot, napagtanto ko na napakalawak talaga ng academy na ito. At sa mga facility nito, masasabi mong isa sa mga focus nila ang sports. May basketball court, swimming pool, football court, volleyball court at marami pang iba pero sa lahat ng ito, iisa lang ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Ang archery ground. I love archery since I was a kid but it just became waste. Why? Aanhin ko naman kasi yung abilidad na yan kung nandiyan naman si Zyrille na mas ina-appreciate ng parents namin at ng ibang tao yung galing niya kaysa sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at napapansin ko rin na napakaraming estudyante na ang pumapasok, And take note, hindi lang sila ang napapansin ko, mismong ako ay napapansin din nila. Tinitingnan mula ulo hanggang paa. Sinusuri ng mabuti na para bang ipapahamak ko sila. Are they a judge? Kung makatingin parang igigisa ako sa korte, ah. What a judgemental eyes! Hanggang sa...

Buzzz...Buzzzz...

Sh*t!

Mabilis akong tumakbo papunta sa office. Ano ba yan, sa third floor pa naman yun. Sabi pa naman niya, before 7:30 pero heto, tumatakbo ako dahil 7:30 na! Damn! First day na first day ko sa school na ito, pasaway na agad ako.

Teka nga, teka nga, kailan pa ako naging concern sa sarili ko na pasaway ako? Tss, noon yun Xeña, noon yun. Napapailing na lamang ako sa inasta ko habang tumatakbo. Takbo ako ng takbo habang napapatingin sa relo. Kaya naman...

"F*CKSH*T!"

Nakabangga ako ng tao.

"SORRY!" sabay yuko at tumakbo agad. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin.

Pagkapasok ko sa office,

"Oh Ma'am, sorry kung ngayon lang po ako. Nawili po kasi ako sa kakalakad dito sa campus," sabay yuko.

"It's okay dear. By the way, here's Miss Hyacinth Mercado, your adviser and also your Math teacher," pagpapakilala niya sa akin ng isang babae na Mid-20's kung titingnan. Maputi, nakasalamin at kasing height ako. Infairness, hindi halatang isang teacher dito. Parang isang estudyante lang.

"Oh, good morning Ma'am. Nice meeting you and by the way I a---," pinigil niya ang pagpapakilala ko.

"I-reserve mo na lang yan sa introduction sa klase natin," sabi niya na nagpangiti sa akin.

"So let's go, late na tayo. Mauna na po kami Miss Faulker, " paalam nito at nagpaalam na rin ako.

Now it's the start for me to say that I'm belong to this school. Another chapter of being compared to my greatest sister. Haaayyy!!! What a repetitive life!!!