webnovel

Love's Journal

This journal belongs to Larisse Enriquez

aesthetic_calista · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
35 Chs

PAGE TWENTY

PAGE TWENTY

Lecheng araw na 'to. Isusumpa ko 'to, e. Paano ba naman, kagabi, gumawa si Mama ng avocado shake. Sobrang sarap! Favorite ko kasi 'yon. (At ang tagal ko pang 'di nakatikim dahil hindi tag-avocado.) Lalo na kapag sooooobrang daming gatas. Heaven! E 'di naubos ko tuloy 'yong dalawang baso. Puno 'yon. So, ano'ng connect? Heto na nga. (눈_눈)

Hindi ako hinintay ni Remarie sa labas ng room kaya pumunta ako sa room niya at nalaman kong absent pala siya. Dumiretso na lang ako sa Cafeteria at namakyaw ng champola. Umalis din ako at umupo na lang doon sa isang cemented bench malapit sa building namin. Loner na naman ako. Inuubos ko ang champola at nagmuni-muni nang biglang umariba ang tiyan ko.

I swear alam ko agad ang naramdaman ko na 'yon. Hindi maganda. Dahil alam kong napu-pupu ako. Tiniis ko muna at nagpalakad lakad ako kahit kumikirot na ang tiyan ko. Gusto ko man pumunta sa clinic 'di ko magawa. Ano'ng sasabihin ko? "Tulungan niyo ako, napu-pupu na ako!" Langya. Ang sagwa! (╥_╥)

Isa pa hindi ako sanay pumupu kapag hindi namin CR. Oo, namimili pa 'to nang lalabasan. Langya talaga. Eto na, bigla na lang umingay ang paligid nang dumating ang apat na lalaki at tatlong babae. Mga Grade 12 students sila base sa suot nilang mga ID. Maraming benches malapit sa 'kin kaya doon sila umupo. Mas lalo tuloy gustong lumabas nitong anaconda sa tiyan ko.

Kinikilabutan na talaga ako at 'di ko na kayang tiniisin kaya tumayo na ako.

Pagdaan ko sa kanila, bigla na lang may sumabog banda sa likod ko. Natigilan ako, maging sila gano'n din at bakas ang gulat sa mukha nila at sinabi no'ng isa, "Sinong umutot?" Na sinundan pa nang iba. "Tangina. Itae niyo na 'yan. Ang baho.", "Amoy imburnal, hayop na 'yan." Nagtakip pa ng ilong ang tatlong babae at sinabi rin, "Kadiri!", "Yuck!","Eww!" Literal na umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa sobrang hiya. ٩(͡๏̯͡๏)۶

Literal talaga lalo na nang lahat sila'y bumaling sa direksyon ko at may isang nagsabi, "Ito ang umutot, o!" Sabay turo pa sa 'kin. Kung puwede lang magpalamon sa lupa, o maging invisible o magteleport, ginawa ko na. Halos lumubog ako sa sobrang hiya nang humagalpak silang lahat nang tawa. Kung may mas ipupula pa ang mukha ko, naitodo na siguro. ι(´Д`ι)

Leche talaga na 'yan. Sa sobrang hiya ko, nilapitan ko ang dumuro sa 'kin na morenong matangkad at walang habas kong ipinalo sa ulo niya ang notebook ko. Bago ako tumakbo, narinig kong napasinghap ang isang babae at sinabing, "Oh my God, Jareix!" Jareix pala pangalan ng kulugo na 'yon na kung makatawa 'kala mo malalagutan ng hininga. Hindi naman siya pogi. May itsura lang. Peste siya! (ಠ益ಠ)

Hindi na ako pumasok sa ibang subject at umuwi na lang sa bahay para ibuga 'tong anacondang pilit na lumalabas. Imbis na pagalitan, tawang-tawa pa sa 'kin sina Mama at Papa maging ang mga kapatid ko nang sabihin ko kung bakit umuwi ako agad. Isinusumpa ko talaga ang nakakahiyang araw na 'to.

Lesson learned: H'wag masyadong kakain ng avocado shake na maraming gatas kapag may pasok. Nakakatae. Letse! (눈_눈)