webnovel

Love's Journal

This journal belongs to Larisse Enriquez

aesthetic_calista · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
35 Chs

PAGE TWENTY-TWO

PAGE TWENTY-TWO

Nakakamiss pumasok. Pero 'pag pasukan na, nakakatamad naman. Ba't ganon? Hays. Namimiss ko lalo 'yong section namin noong Grade 10 na magulo pero masaya naman. 'Di tulad ngayon. (︶︹︺)

Hindi pumasok 'yong teacher namin sa General Mathematics subject kaya nakatunganga kami ngayon. Sobrang ingay ng buong room. Nakakatamad magsaway. Nakakabulabog na nga sila ng mga inaantok dito katulad ko. Lalo na sila Carylla na kung magkatawanan, wagas. Nag-eleksyon na pala kami kanina. Siya ang muse at 'yong Jaylord ata 'yong escort.

Vice President naman ako. Ewan ko nga kung bakit ninominate nila ako at ang dami naman bumoto. Seryoso. Nakakagulat nga, e. Ni ayaw nga nila akong kausapin o pansinin ta's iboboto nila ako. Parang mga tungaks lang. Si Miracle ang bumuto sa 'kin. Siya 'yong madalas kong nahuhuli na nakatingin sa 'kin pero pagtinitingnan ko naman, umiiwas agad ng tingin. Luh. ( ̄◇ ̄)

Hindi naman puwedeng tumanggi dahil na-elect na ako, e. Marami tuloy akong gagawin kaya ayokong maging Officer, e. Buti na lang magaling 'yong binotong President. Masipag pero mukha naman mataray. Ni hindi nga kami nag-uusap.

O, siya matutulog muna ako habang wala pang teacher.

P.S: Tumawag kanina si Bebs. May surprise raw siya sa 'kin sa Sunday. Ang hilig talaga niya sa surprise. Hmm. Ano naman kaya 'yon? (╯-╰)