webnovel

Lost in Lust

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners. Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty. He seduced her with every kiss. She became addicted to his kisses. But she balked when he said: Marry me. How could he convince her that they were destined to be together?

ecmendoza · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
17 Chs

Chapter Eleven

NGUNIT wala nang tao sa school, nang dumating siya. Gayundin sa bagong address na isa palang apartment.

Minabuti niyang umuwi na lang. Baka ipinahihiwatig ng tadhana na hindi dapat mabigla ang dalaga.

Kahit na halos hindi siya nakatulog kagabi, maaga pa rin siyang nagising kaninang umaga.

Masigla siyang bumangon at nagbihis. Dala niya ang magaan na pakiramdam hanggang dito sa opisina.

Ngunit nang makalipas na ang ilang oras, nakakaramdam na naman ng pagkainip si Devlin.

He was a man of great patience, pero tila nawala ang katangian niyang ito pagdating kay Lana!

"Sir, may ipag-uutos pa kayo?" tanong ni Nellie sa kanya.

"Kapag dumating sina Santos at Palma, papasukin mo agad, ha?"

"Opo, sir."

Kalalabas lang ng babae nang dumating ang dalawang tauhan na tinawagan niya kanina.

"Boss!" bungad ni Palma. "Ang ganda ng magiging sekretarya n'yo, a?"

Hindi agad nakahuma si Devlin sa narinig.

Kaya napangalawahan pa ni Santos. "Bosing, hanep ang dating! Simple pero rock! Ang ganda! Ang seksi!"

"Ang ibig n'yong sabihin, dumating na ang aplikante para sa posisyong iiwanan ni Nellie?" paniniguro pa niya.

Sabay na tumango ang dalawa.

He suddenly stood up to race outside. The door almost sailed away when he opened it hurriedly.

Wala siyang pakialam kahit na mapatunganga ang mga empleyadong nanduruon.

'Careful, man!' paalala niya sa sarili ngunit bingi siya nang mga sandaling iyon.

There was a roaring sound behind his ears, caused by excitement.

"Lana!" Halos pabulalas ang pagsambit niya sa pangalan ng babae.

NABIGLA rin si Val. Hindi siya agad nakakilos.

Kaya nalapitan siya at nahawakan ni Devlin Santana.

"T-teka," pigil niya rito nang hilahin siya papasok sa loob ng pribadong opisina.

"We'll talk inside, okey?" he said curtly.

Namimilog ang mga mata ng dalawang lalaking nauna na doon nang makita silang pumapasok.

"I'll talk with you later, guys. Sa labas muna kayo," utos ng lalaki.

Maliksing kumilos ang mga ito.

Saka lang siya binitiwan ni Devlin nang mapag-isa na sila.

Ngunit bihag pa rin siya nito dahil nakasandal sa pintuan ang matipunong katawan.

"Bakit hindi mo ako pinuntahan para makita ang ina mo?" usig nito nang manatili siyang tahimik.

"May karapatan akong tumanggi na makita siya," katwiran niya.

"O pinigilan ka ng kumupkop sa 'yo?" pakli nito. Parang hindi narinig ang sinabi niya.

"Walang kinalaman si Daddy Baldo sa desisyon ko!" Pinilit niyang maging kalmado.

Ngunit parang imposible.

Just looking at this man made her feel nauseous with mixed reactions.

His nostrils flared. "Si Laliana Esguerra ang babaeng nagbigay sa 'yo ng buhay. Nagawa niyang iwalay ka noon dahil ibig ka niyang iligtas mula sa masasamang kamag-anak n'yo."

Napakurap si Val. Hindi niya kailanman inakala na mayroong mabigat na dahilan ang di-nakikilalang ina.

"A-ano'ng ibig mong sabihin?" Nais niyang magpatuloy ang lalaki sa salaysay nito.

"It's not my place to tell you confidential things, Lana," sambit nito matapos siyang matitigan nang matagal.

"Tanging ang iyong Mama lang ang dapat na magsabi ng tutoo. You should see her, talk to her."

Ganoon nga ang nasa isipan ng dalaga ngunit hindi muna siya nagsalita.

Muling naghinang ang kanilang mga mata.

Almost unwittingly, they stared at each other deeply.

Intensely.

Devlin Santana looked more gaunt and haughty than ever.

His eyes were hooded and enigmatic.

His mouth hard and firm.

And his body as wiry and lean as she remembered.

Nakakagulat ang maraming bagay na natandaan niya sa sandaling pag-uugnay nila noon.

All her senses clamoured for another taste of sensational experience that she had the last time they kissed.

Anim na buwan na ang nagdaan pero hindi pa niya nakakalimutan ang mga sensasyon na naramdaman niya noon...

Nakatitig na rin pala sa kanya ang lalaki.

"You've changed," anito. "Your hair's longer and you look more like a woman now."

"Ikaw rin. Nagpatubo ka ng balbas at bigote," puna naman niya.

Hinaplos ng mahahabang daliri ang panga at baba.

Ilang sandali pang nag-usap ang kanilang mga mata bago ngumiti nang pa-kaswal ang lalaki.

"Maupo ka," aya nito.

Tumalima si Val dahil medyo nabawasan na ang tensiyon sa pagitan nila.

"Can we start anew?" umpisa nito, nakangiti pa rin. "I'm sorry, I've no right to jump on you like that," dugtong pa.

Val hesitated. Could she trust this man?

Tila nababasa ng kaharap ang iniisip niya. "You don't have to trust me, Lana. Let's start on being just friends. Okey?"

Inilahad ng lalaki ang isang palad. At kusang gumalaw ang braso niya upang tanggapin ang pakikipagkamay ni Devlin.

Tumango siya nang marahan. "Talaga bang naghahanap ka ng sekretarya?" Iniba niya ang usapan.

She didn't want to feel comfortable with danger.

"Oo. Nag-resign si Nellie dahil mag-aasawa na siya. One week na lang ang natitira sa kanyang notice."

Tumango lang ang dalaga. She had always been awkward with small talks. Hindi siya marunong tsumika, kumbaga.

"I hope, you'd like to work with us, Lana. We really need your services."

Kanina, buo ang pasiya niyang umatras sa pag-a-apply dito.

Ngunit ngayong kaharap na niya ang lalaki, parang walang laman ang kanyang utak.

Hinihigop ng mga matang matitiim...

"You'll be a coward, kung uurong ka, Lana."

Kumunot ang noo niya. "Nanghahamon ka ba?"

Tumango ang lalaki. He was gazing at her challengingly.

'Don't accept it!' utos ng isipan niya. But she uttered the exact opposite.

"Hindi ka kaya magsisi sa pagkuha mo sa akin, Devlin?" She couldn't resist daring him in return.

Saglit lang ang pagkagulat ng lalaki. He laughed out loud after a brief surprise.

"No, Lana," anito. "I'll surely enjoy having you."

His low-pitched voice had become huskier.

Sending shivers to her spine. Making her vulnerable.

Nagbaba ng tingin si Val. She should not stare at him. He got magic in his unfathomable eyes!

Magmula nang magkatitigan sila ni Devlin Santana, nawala na ang kalahati ng sarili niya.

"What is it, Lana?" he asked solicitously. "You look pale. May problema ba?"

"W-wala," she denied hurriedly.

"So," patuloy ng kausap. "Magtatrabaho ka na ba dito?"

Halos hindi humihinga ang dalaga nang kusang tumango ang kanyang ulo.

"Let's shake hands on our deal, Lana." Muling sumilay ang mapanudyong ngiti habang nagkakamay sila.

Inaasahan ni Val na babanggitin uli ng lalaki ang kanyang tunay na ina.

Ngunit wala na itong sinabi tungkol doon gayong kanina lang ay nagagalit ito.

Sinupil niya ang pagtataka.

"Kailan ako magsisimula?"

"I want you to start right away," anito habang dinadampot ang receiver ng intercom. "Kailangan kita dito, Nellie. May makakapalit ka na."

Nagkakilala sila nang pormal ng tensiyonadang empleyada.

"Isama mo si Lana sa workplace mo, Nellie. Ituro mo sa kanya ang filing system natin, pati ang ginagamit nating word processor."

"Yes, sir," tugon naman ni Nellie.

Sumunod siya rito sa paglabas ng pinto. Nakaupo sa mahaba at malambot na sopa ang dalawang lalaki.

Kumindat sa kanya ang mas presko.

Val stiffened slightly. But she remained cool. Kunwa'y wala siyang nakita.

"Puwede na ba kaming pumasok, Nellie?"

Tumango ang kasabay ni Val.

"O, sige, maiwan ka na muna namin, Miss Beautiful."

Naaalibadbaran si Val pero nanatili siyang blangko.

"Huwag mong intindihin ang mga iyon," payo ni Nellie habang hinihila ang isang drawer ng metal filing cabinet.

"Palabiro lang talaga sila."

Lumapit siya rito. "Sabi ng boss, malapit ka na raw ikasal," wika niya, to divert the conversation.

Saglit na nalimutan ni Nellie ang mga kunsumisyon. Ngumiti ito sa kanya.

"Tama. Sa isang linggo na nga 'yon, e. Pero hindi ko pa naaasikaso ang mga dapat bilhin."

"Ganoon ba?" Sinipat ni Val ang mga folders na nakahilera. "Paano ba ang sistema n'yo rito?"

"Standard system lang kami rito. Madali mo ito'ng matututunan."

"Mukha ngang madali. Lampasan na natin 'yan. Ang pagpapaandar na lang ng mga ito ang ituro mo sa akin," suhestiyon niya.

Madaling natuto si Val kaya natuwa nang husto si Nellie.

"Puwede ka nang magpaalam kay boss," aniya rito. "Kaya ko na siguro ito."

"Talaga? Mag-iiwan na lang ako ng telephone number. Tawagan mo ako kapag may nakaligtaan pa akong ituro sa 'yo." Tarantang naghanda sa pag-uwi ang maliit na babae.

Tumango si Val.

Nag-beep ang intercom. Napatalon sa pagkagitla si Nellie.

"Ako na ang bahala dito. Huwag ka nang mag-alala," ang nakangiting wika niya habang dinadampot ang receiver.

Nakagaanan niya ng loob ito kahit na medyo paranoid.

Boses ni Devlin ang narinig niya nang idait sa teynga ang awditibo.

"Lana? Pakidalhan mo kami ng kape dito. Para sa tatlo."

Nagkatinginan silang dalawa ni Nellie.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

ecmendozacreators' thoughts