webnovel

Looking Over You (Tagalog)

Dahil sa kagipitan sa perang pinansyal na pagdesisyunan ni Ehna na huminto muna ng pagaaral upang makatulong sa kanyang pamilya. Dahil sa pagkakautang sa mga Mondrian ay nagpasya siyang magtrabaho sa Hacienda kapalit ng pagkakautang ng pamilya nila rito. Lingid sa kanyang pagkakaalam ay naging isa siyang personal maid ng kaisa-isang anak ng pinakamayamang Negosyante sa barrio nila na si Zion Heteros Mondrian isang gwapong binata na walang pakielam sa mga taong nakapaligid dito, dahil sa kanyang kalagayan at masaklap na nakaraan. Dahil kasi sa aksidente ay nabulag ang binata. Sa pananatili ng dalaga sa hacienda ay matutunan kaya niyang paamuhin ang binata gayong ito na mismo ang nagbibigay ng pagitan sa paglalapit nila? Tuluyan na kaya nitong buksan muli ang puso at harapin ang kanyang bagong mundo? Paano kung malaman nila ang isang kagimbal gimbal na rebelasyon na maaaring babago sa pagtitinginan nilang dalawa?

iamjewelrie · Integral
Sin suficientes valoraciones
45 Chs

CHAPTER 4: The offer

HINDI maalis sa isip ni Ehna ang natangap niyang mensahe galing kay Don Antonio, di siya makapaniwala na gusto siya nitong kausapin , noong una ay nag aalangan pa siyang pumunta pero sa kabilang banda ay may kung ano sa kaniya na naguudyok na pumunta.

Sa dalawang araw niyang pag hahannap ng trabaho ay hindi pa rin siya pinapalad na matangap, puno na ang ibang pinapasukan niya. Nag pasa na din siya ng resume sa iba pang fast food chains ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din niya natatangap ang text ng mga ito. Natatakot na din siyang magpagabi sa daan dahil sa nangyari noong nakaraan.

Pagkababa niya sa tricycle ay agad siyang nag bayad "Manong saan po ba ang direksyion papunta sa Hacienda Mondrian?" tanong niya sa Lalaking nag titinda ng fish ball.

"Diretso ka lang iha, makikita mo na ang malaking gate na may nakasulat na Hacienda Mondrian" sagot naman nito. "Nako, Maraming salamat po Manong" pasasalamat niya at saka binuksan na ang dala niyang payong at nagsimula ng maglakad.

Ilang milya din ang nilakad niya ng matanaw na niya ang pagkalaki-laking gate na nasa harapan niya ngayon. Hindi niya maiwasang mamangha sa taglay na laki nito.Mukhang napansin naman siya ng guard kaya nilapitan siya nito.

"Kayo na po ba si Ms. Fortaleza?" tanong ng guard sa kanya. Ngumiti naman siya agad at sinabing "Oho, ako nga po"

"Pumasok na po kayo at kanina pa kayo hinihintay ni Don Antonio" sabi nito at iginaya siya pa punta sa loob.

Sa bungad naman ng malaking pinto ng Hacienda ay may nakatayong maid at lumapit sa kaniya at iginaya siya papunta sa salas. Muntik na siyang mapa nganga sa ganda ng loob ng Hacienda pero pinilit niyang magpaka pormal baka kasi sabihin ng mga ito na ganon siya ka ignorante.

"Don Antonio, nandito na po siya" sabi nung maid at umalis na.

Nakatalikod ito sa kanya pero agad ding humarap na may ngiti sa mga labi. "Magandang tanghali iha, please be seated" bati nito sa kaniya at iginaya siyang para umupo.

"Magandang tanghali din po Don. Antonio" Aniya.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa iha, Siguro ay alam mo naman ang pag tanggi ng Ina mo sa alok ko, At naiintindihan ko naman siya, Kaya naman naisip ko na sayo ibalik ang tanong" prenteng sabi nito.

Biglang kumunot ang noo niya "Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya dito.

"Iha, nakarating sakin ang paghahanap mo ng trabaho" Sabi nito at saka panandaliang tumigil "And I want you to work for my son" pag papatuloy nito.

"Ano ho?" naguguluhang sabi niya.

"I'll hire you to become his personal maid iha, Kapalit ng pagkakautang ng pamilya mo, Work for him, ilang buwan din akong mamamalagi sa US kaya kailangan ko ng taong titingin at mag aalaga sa kanya" sunod sunod na sabi nito.

Bigla siyang napahinto sa sinabi ni Don Antonio, Gusto niya akong magtrabaho para sa anak niya bilang personal maid nito kapalit ng pagkakautang namin ? Bata pa kaya ang anak ng mga ito, madami naman silang maid diba?

Alam niya na maganda ang alok nito sa kanya, para sa kaniya ay madali lang mag alaga ng bata, ngunit sa mga oras na iyon ay iniisip niya ang magiging reaksyion ng kaniyang Inay, tiyak na magagalit iyon sa kaniya dahil hindi nito nanaisin na magtrabaho siya sa mga Mondrian.

"Ahhm—Don Antonio, sigurado po ba kayo sa alok ninyo, masyado pong malaki ang pagkakautang namin sa inyo, hindi po sapat na magtrabaho ako ng ilang buwan para don, mag papatuloy po kasi ang ng pag aaral sa kolehiyo" paliwanag niya.

"Don't worry iha, it's take only for 5 months, and every month you have a salary, 50 thousand monthly" sabi pa nito.

Muntik na niyang mabuga ang juice na iniinom niya, What the? 50k monthly? Nagbibiro ba siya?

"Ano ho? Pero sobra-sobra po masiyado iyon sa isang sahod ng katulong" sabi niya.

"Hahaha, Wag mong isipin ang pera iha, So? Are you willing to take it?" tanong nito.

Kung siya lang ang masusunod ay tatanggapin niya iyon para sa ikaaahon ng pamilya niya, ngunit ang tanging iniisip niya lang ay ang kaniyag Inay, tiyak na mag aalala iyon kung iyon ang sasabihin niya.

"Dito ho ba ako mamalagi ng 5 months?"

"Of course yes iha, you have a responsibility here, which is to serve my son"

Paano niya masasabi ang katotohanan sa kaniyang Inay, tiyak na hindi ito papayag.

Ilang sandal pa at sumagot na din siya. "Pumapayag na ho ako" buo ang loob na sabi niya. Sa mga oras na iyon ay iniisip niya n asana hindi niya pag sisihan ang pag tanggap sa trabaho. Saka na niya ipag tatapat nag lahat sa kaniyang Inay. Alam niyang maiintindihan naman siya nito.

"Very good iha, you'll start tomorrow" sabi nito habang nakangiti.

"Don Antonio, may isa po akong hihilingin sa inyo, kung pwede po wag ninyong ipaalam kay Inay yung tungkol dito, dahil tiyak na hindi ito papayag"

"Naiintindihan ko Iha"

PAGKAUWI niya sa bahay ay naabutan niyang nag hahanda ng hapunan ang kaniyang Inay, Agad siyang nag mano at saka umupo.

"Oh, Ehna? Kamusta ang pag hahanap mo ng trabaho?" tanong ng kaniyang Inay.

Pinilit niyang ngumiti at saka sumagot "Magandang balita Inay, nakahanap na po ako ng trabaho" maligaya niyang sambit.

"Talaga Anak, nako salamat naman sa Diyos" sabi nito.

"Pero Inay, may 5 buwan na kontrata po, saka doon po ako mamamalagi habang nagtatrabaho ako doon" malungkot niyang sabi.

"Gaanoon ba anak, kelan ang simula mo?" tanong ng kaniyang Inay.

"Bukas na po, huwag po kayong mag alala dahil tuwing lingo ho ay uuwi ako"

"Nako, mabuti naman kung ganoon, mag iingat ka anak hah? Nga pala ano ba klase ang pinasukan mong trabaho?"

Bigla siyang napahinto at marahang nag isip, Iniisip niya kung anong pwede niyang sabihin para hindi ito mag alala " Sa isang Hotel po Inay, 24/7 po iyon, huwag po kayong mag alala , Mag iingat ho ako"

"Maraming salamat Anak, maiingat ka don" sabi ng kaniyang Inay at saka siya niyakap.

Mariing pumikit si Ehha, nagdadasal na sana hindi niya pag sisihan ang naging desisyon niya.

----------------------------------------

Yey, this is it! Sino kaya ang magiging Amo ni Ehna?

Enjoy reading!

Don’t forget to Vote and Comment!

iamjewelriecreators' thoughts