webnovel

Truth or Dare

Maaga akong ginising ni Jared para sa almusal. Hindi na kami makaka island hopping dahil may tumawag sa kanya at kailangan nang bumalik sa Manila. Di pa kasi inaamin na busy siyang tao. Sayang din sa part namin kasi hindi naman masusulit ang araw na ito.

"Did you already packed your stuff?" Tanong niya habang may kausap sa cellphone.

I nodded.

Wala naman akong dinala na marami, tanging cellphone lang at mga gamit na binili niya kahapon. Hinawi naman niya ang buhok niya. Napalunok naman ako nang matigas. Bakit ba kasi ang hot niya. Kinuha ko nalang yung phone ko dahil may nagtext. Si Kuya Zac yung pinsan ko pupunta daw sila sa condo kasama yung girlfriend niya. Nireplayan ko naman siya na mga hapon na pumunta para makaprepare .

Nag check out naman kami sa hotel. Mukhang tahimik ngayon si Jared hindi kasi siya masyadong umiimik ngayon. Ewan ko din ba kung bakit.

"Are you okay?" I asked.

Nagsmile naman siya. "Oo naman." Hindi ako naging kumbinsido na okay lang siya. Parang may mali talaga. Nilagay na niya yung gamit sa kotse at pumwesto naman ako sa shotgun seat.

Hindi ko inisip masyado ang mga bagay-bagay ngayon. Naglagay nalang ako nang earphone at nagpatugtog.

"I have reasons, I should love myself. Ohwoah ohwoah." Kanta ko. Pumasok namam siya sa kotse at pinaandar yung sasakyan.

Nakatulog naman ako dahil sa sobrang antok tapos sinabayan pa nang mga magagandang tugtog nang BTS. Matapos ang ilang oras ay naramdaman kong may tumatapik nang pisngi ko. Nakita ko namang nasa labas na kami nang condo. Ang bilis naman ata.

"Sorry talaga. Nakatulog pala ako." Kinuha ko namam yung gamit ko sa likod.

"No, it's okay. I know you are tired."

"Thank you talaga nang marami. Nag-enjoy ako." I smiled.

"It's nice to know that you enjoyed. I'll got to go already." Sabi niya.

Lumabas na ako nang kotse saka naglakad papasok sa condo. Nakita ko namang papaalis na yong sasakyan niya. Pagod na pagod akong pumasok sa loob nang condo ko. Humiga muna ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame.

Inisip ko kung may nagawa akong mali. Mukhang wala naman sa pagkakatanda ko. Chinat ko si Faith na pumunta dito sa condo.

AlexEveC: Are you free today?

FeatHutton: Yes. It's weekend and their's no work. ^_^

AlexEveC: Punta ka dito sa condo ko. Tulungan mo ako magluto pupunta si Kuya Zac.

FeatHutton: Sige sige. Wala naman akong ginagawa dito.

AlexEveC: Bumili ka nang soju papunta dito.

FeatHutton: Roger.

Pinsan din kasi niya si Kuya Zac sa side nang papa nila tapos ako pinsan ko siya dahil yung mama ni Kuya Zac at si papa magkapatid. So bale Clataro yung middle name niya. Hinintay ko muna si Faith para siya ang bahala sa pagluto.

No, I don't do the cooking kasi pero Yes, I do the cleaning. Char

After 40 years ay dumating din si Faith .Guess what? Andami niyang biniling soju tapos may yakult pa. Mga sobra sampu siguro.

"Mauubos ba natin to mamaya?" Habang buhat yung platic nang soju.

"Oo naman. Nandito yata ako." Napasapo nalang ako sa noo.

Nagsimula na kaming magluto. Napagdesiyunan naming dalawa na adobo lang at beef steak ang lulutuin. Syempre ako nga tester tapos si Faith ang chef. Mahirap na at baka pumalpak pa.

"Saan ka galing kahapon?" Nasamid naman ako sa tinanong niya.

"Dito sa condo." Simple kong sabi.

"Ulol ka. Ako pa ba lolokohin mo?" Sabay duro sakin nang sandok.

Kumuha muna ako nang tubig saka iinom iyon. Nakatingin parin siya sakin habang hinihintay yung sagot ko.

"Pumunta ako nang beach." sabi ko. "Sinong kasama?" Tanong niya agad.

"Si Jared." Bumalik naman yung atensyon niya sa niluluto niya. Parang nag iiisip siya kung anong susunod niyang sabihin.

"Basta mag durex kayo ha." Payo niya. Lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Natawa naman ako doon.

"Hoy boba! Jusmiyo Marimar. Akala mo naman inaaraw araw namin. Nagcheck na ko sa OB-GYN at nagtatake na din ako nang pills ngayon . " Kinuha ko naman yung mga plato sa cabinet ko at pinunasan iyon.

"Huwag mo lang makaligtaan na inumin yan. Jusko. Masisipa talaga kita. Ayaw ko pa maging ninang. Just keep that in mind Alexandra." I rolled my eyes. Nagiging nanay ko na naman siya. "Hoy! Nakikinig ka ba!" Sigaw niya sakin.

"Opo nay." Sabi ko nalang.

"Chat kaya natin yung mga girls? " She suggested.

"Try to contact them. " I said.

Pinatay na niya yung gasol at naghugas nang kamay. Pumunta siya sa sofa para kunin yung cellphone niya. Tinikman ko yung luto niya. Ang sarap.

"Si Megan at Shane ay wala dito sa Manila. Si Lorraine daw pupunta dito pero may kasama daw." Narinig kong sabi niya.

"Sige sabihin mo sa kanya punta siya dito. Magdala siya nang alak." I chuckled.

Nanood muna kami nang TV ni Faith habang hinihintay si Kuya Zac. Natraffic daw kasi sala kay medyo natagalan.

Napatingin naman ako kay Faith dahil may naririnig akong sumisinghot.

"Naiiyak ka ba?"

"Nakakaawa kasi yung bida. Bakit siya pa yong kailangan mag sakripisyo sa kanilang dalawa." Pinunasan naman niya yung mga luha niya at kumuha nang tissue.

"Parang bata t-." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil narining namin na may nagdoorbell.

Tumayo naman ako para buksan iyon. Si Lorraine pala at kasama si Felix. Ngumiti naman sakin yung dalawa.

"Pasok kayo."

"Ang init sa labas. Buti nalang nakarating na kami. " Umupo naman si Lorraine sa tabi ni Faith habang pinapaypayan parin ang sarili niya.

"Ito pala yung pinabili mo." Inabot naman sakin ni Felix yung plastic na may lamang whiskey. "Umupo ka muna. Huwag ka sanang mahiya." Sabi ko kay Felix.

"Ano bang ganap ngayon?" Tanong ni Lorraine.

"Dadating si Kuya Zac." Sabi ni Faith. Lumaki naman ang mata ni Lorraine.

"As in si Zac Hutton? Yung pinsan niyo?" Tanong niya ulit.

"Sino pa bang Zac ang kilala namin?" Sarcastic kong sabi. Nagtatalon talon naman si Lorraine.

"Kasama yung girlfriend niya." Napasimangot naman si Lorraine sa sinabi ni Faith. Humalakhak naman kaming dalawa habang si Felix ay nakikinig lang sa amin. Binuksan ko yung plastic para ipasok sana yung alak.

"Tulungan na kita." Presenta ni Felix. Ngumiti naman ako sa kanya. Kinuha ko yung soju sa loob nang ref at ang yakult. Nag mix naman ako sa tower. Nilagay naman ni Felix yung mga whiskey doon sa loob.

"Saan pala kayo pumunta kagabi? Nawala ata kayo sa bar." Tanong niya habang naglalagay parin sa loob nang ref.

"May pinuntahan lang kami." Sabi ko sa kanya.

"Boyfriend mo ba yong kasama mo?" Nabigla naman ako sa naging niya. "Hindi" Tipid kong sagot. Nakita ko namang ngumiti siya. Nilagyan ko na nang ice ang tower.

"Ako na ang magbubuhat." Hinayaan ko siya sa gusto niya.

Nilapag niya ang tower sa lamesa ng sofa. Tumayo naman si Faith para kumuha nang tatlong shot glass saka nilapag iyon sa mesa. "Invite ko din kaya si Patrick?" Sabi ni Lorraine.

"Yun ba yong nameet din natin?" Tanong ko.

"Yes girl. " Kinuha naman niya ang phone niya. Tinext na niya siguro.

After 100 years dumating na din si Kuya Zac at hindi niya kasama yung girlfriend niya. Ngumiti naman nang palihim si Lorraine .Nakajackpot ang gaga. Nagkiss ako sa cheeks ni Kuya.

"Ang laki na nang baby girl ko." Sabi niya at niyakap ako.

Close talaga kaming dalawa ni Kuya Zac. Wala kasi akong kuya at wala din siyang kapatid na babae. Only child kasi siya. He is 7 years older than me bale 29 na siya ngayon. Kahit maganda ang career niya bilang piloto parang may kulang pa din sa kanya. "Hindi na ako baby." Reklamo ko naman. Pinitik niya ang ulo ko.

"Nandito ka din pala Fatima." Nag rolled eyes naman si Faith dahil tinawag siyang Fatima ni kuya.

"Huwag mo akong inuunahan Zac Xtian." Nagsmirk naman si Kuya sa kanya.

"Ito pala si Lorraine at Felix kuya, mga kaibigan namin." Pakilala ko naman.

"Nice to meet you." Sabi niya at kinamayan ang dalawa. Kaunti nalang talaga sasabog na ang puso ni Lorraine ,ang pula kasi niya. Ngiti siya nang ngiti habang tumitingin kay Kuya Zac.

"Nagluto kami ni Faith nang pagkain kuya. Kumain ka muna. Sayang naman yung effort ni Faith kong hindi tayo kakain." Asar kong sabi sa kanya.

Nagsitayuan naman kaming lahat at kumain na nang hapunan. It's already 6 pm na kasi. Ang tagal kasi nilang dumating kaya medyo nagabihan na. Si Lorraine naman yung nag lead nang prayer.

"Ang sarap naman kung dito lagi kakain." Masayang sabi ni Felix.

"Baka sa susunod na punta mo dito Felix hindi ka na masasayahan. Hindi kasi masyadong marunong magluto si Iza. "

Tiningnan ko nang masama si Faith. Natawa naman silang lahat. Si Lorraine naman ay tahimik na kumakain.

"Hindi ka pa pwedeng mag asawa Alexandra." I heard Kuya Zac laugh. I grin at him.

Napalingon naman kami nang may nag doorbell. Si Patrick na siguro iyon. Tumayo naman si Lorraine para buksan yung pintuan. At tama nga ako , si Patrick talaga. Ang ganda nang porma niya ha.

"Kain ka muna Patrick." Yaya ko sa kanya.

"Thank you nalang Iza. Kumain na kasi ako bago umalis." Sabi naman niya. Umupo nalang siya doon sa sofa habang tinatapos namin yung pagkain.

Si Lorraine naman ulit yung nagpresenta na maghugas nang pinggan. Padagdag ganda points. Yung iba naman ay pumwesto sa sofa .Kinuha ko naman yung dalawang bote nang black label at snacks sa ref.

Nagform kami nang circle doon sa lamesa nang sofa. "Sinong mag oovernight dito?" Tanong ko sa kanila. May tatlo kasing kwarto yung condi ko kaya parang magkakasya naman kami doon.

"Bahala na yan mamaya kong saan tayo dalhin." Natawang sabi ni Kuya Zac.

"Oo nga. Wala naman ako gagawin bukas." Sabi naman ni Patrick.

"Ako din." Faith.

"Same." Lorraine.

"Ganoon din sakin." Felix.

"Sana all pala. Baka pagalitan ka ni Jhorelyn niyan kuya. " Nasabi ko nalang. Tumaas naman yung kilay niya.

"Hindi ko pa naman siya asawa." Natawa naman kami doon sa sinabi niya.

Patuloy pa din kami sa pag inom. Naubos na namin ang isang black label at isang tower nang soju. Si Patrick naman ay maraming ikinuwento samin kaya hindi namin naramdaman na marami na pala kaming nainom. Tumayo naman ako para magsalin ulit sa tower.

"Felix, pabuhat naman nong tower at pakidala sa kusina. Magmimix kasi ako." Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at binuhat iyon. Sumunod naman ako sa kanya.

"Magdurex kayo ha." Rinig kong sigaw ni Faith.

"Gago." Sigaw ko din sa kanya. Medyo namamanhid na din kasi yung katawan ko. Kinuha ko naman yung limang bote nang soju at tatlong malalaking yakult at minix na. Si Felix naman ay nakaupo lang sa dining table habang nakatingin sakin.

"Can you do it?" Tanong niya sakin.

"Yeah." Tipid ko sabi. Bubuhatin na sana ni Felix nang tumagilid ako natamaan ko yung cheeks niya. Nahalikan ko siya sa pisngi.

"Sorry!" Mabilid kong sabi.

"It's okay." Ngumiti naman siya.

Dinala na namin yung tower sa sofa. Nakita ko namang nasa gilid yung mga baso at bote nang black label.

"Laro tayo nang truth or dare!" Masayang sabi ni Lorraine. Nag ayos naman kami paalternate. Ako, Felix, Lorraine, Patrick, Faith, Kuya Zac.

"Walang kill joy ha. Dapat kong ano yung dare yun na yun." Sabi naman ni Patrick.

"Ang hindi gagawa nang dare o magsasabi nang totoo. Dalawang shot nang black label." Napalunok naman ako sa sinabi ni Kuya Zac.

"Chill muna dapat sa una ha. " Sabi naman ni Faith. "Takot ka lang siguro." Sabi naman sa kanya ni Patrick.

Kinuha na ni Felix yung bote nang soju at pinwesto sa gitna. Pinaikot naman iyon ni Patrick. Humihina na ang ikot nang bote at tumama naman iyon kay Patrick tapos yung likod noon ay na kay Lorraine. Natawa naman kami.

"Bakit ako yung nauna." Reklamo niya.

"Marami ka kasing sat'sat." Sabi sa kanya ni Faith.

"Tama na yan. Truth or Dare?" Tanong ni Kuya Zac.

"Truth."

"Virgin or not?" Kinuha naman niya agad ang dalawang baso nang black label saka ininom yun.

"Ang daya naman, dapat sinagot mo." Sabi ko.

"It's a matter of choice." Natawa niyang sabi. Pinaikot naman ulit niya ang bote at tumama iyon kay Felix at si Faith ang magtatanong.

"Truth"

"Do you have a crush or feelings on someone? Text mo siya." Tanong ni Faith.

"Yes, ofcourse. I recently meet her." Kinuha naman niya ang phone niya at nagtapik. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone sa bulsa ko. May nagtext sakin na unknown number tapos emoji na heart.

"Ang boring niyo naman magtanong." Reklamo ni Kuya Zac. Binelatan naman siya ni Faith. Pinaikot ulit yung bote at tumama sakin.

"Nakaka excite naman ata. Truth or Dare?" Tanong sakin ni Kuya Zac.

"Magselfie ka kasama si Felix tapos i post mo sa IG with caption 'Hi Love'. " Kinuha ko ulit yung cellphone ko saka lumapit kay Felix then nagselfie.

"Basic." Sabi ko at nagtype nang caption then pinost na. Ako naman yung nagpaikot nang bote. Tumama iyon kay Patrick.

"Truth or Dare?"

"Truth."

"Kailan ka last nagmasturbate?" Direstong tanong ni Faith. Namuti naman si Patrick sa naging tanong ni Faith .Habang kami tawa nang tawa.

"Kanina, bago pumunta dito." Tipid niya sabi. Napahalakhak naman kaming lahat.

"Ang lakas mo bruh ah." Pang aasar ni Kuya sa kanya. Namula naman sa hiya sa Patrick. Pinaikot niya ulit yung bote.

This time kay Kuya Zac tumama iyong bote. Napatalon naman si Faith sa tuwa.

"Truth or Dare?" Tanong ni Faith.

"Dare."

"Kiss Lorraine in 10 seconds." Sabi ko .

Humarap naman si Kuya kay Lorraine at hinalikan ito. Lumaki ang mata naming lahat. Akala ko talaga mag shoshot siya. Tahimik naman kami habang tumitingin sa show. As in passionate talaga yung halik nila.

Magiging makasalanan ata kami ngayong araw.