webnovel

Meeting Them

After that day where everything crushed into pieces. I've learn how to appreciate little things. My baby is already three weeks old and it doesn't look obvious yet because it's not that big right now. I am so thankful to my friends especially Felix. He is always there for me when I need someone the most.

Palagi ko siyang naalala pero gusto kong maging matatag para sa amin nang magiging anak ko.

I don't regret the things I did wrong, what I regret is the good things I did for that person.

"Mag-iingat ka doon anak." Hinagod ni mama ang buhok ko. Tiningnan ko si mama. Kahit alam ko na sobrang sakit sa part niya bilang ina na mawala ang isa sa mga anak niya. She choose to be strong.

"Kayo din po ni papa. Huwag niyo akong alalahanin lagi po akong tatawag at bibisita din kong walang trabaho." I kissed the both of them in cheeks.

"Kumain ka nang mabuti." My father said. I smiled at them before entering my car. I am going back to Manila after the burial of my sister. It's a bit hard to left my parents here but I need to go. May buhay din na naghihintay sa akin sa Manila.

Nakarating ako sa condo ko nang mag-aalas sais na nang gabi. Pagkatapos kong mag ayos nang gamit at mga bagay sa condo ay naligo na ako. I heard my doorbell rang. Wala din naman akong bisita na inaantay.

"Ohh Shane. Bakit ka andito?" Sabi ko nang makapasok na siya. Nagmadali naman siyang umupo habang pinapaypayan yung sarili niya.

"Alam mo na ba?" She ask.

"Alam ang ano?" Sabi ko naman.

"Huwag nalang kaya." Tatayo na sana siya paalis nang hilain ko ulit siya paupo.

"Dalian mo na. Nandito ka na kaya sabihin mo nalang." Huminga naman siya nang malalim.

"I'm here because Director Reyes sent me. But I can't say it." Taranta niyang sabi. Hindi ko din maintindihan kong ano ang ibig sabihin niya.

"Can't say what?" Napakamot naman siya nang ulo sa tanong ko.

"Kung makikita mo si Director Reyes sabihin mo na pinilit kitang tanggapin yung trabaho pero hindi ka pumayag. Could you tell him that?" Hinawakan niya ang dalawa kong balikat. "Please." Dugtong niya.

"What?" Nagmadali naman siyang lumakad paalis. Kaya sinundan ko naman siya. "Ano bang sinasabi mo. Pwede ba? Iklaro mo naman hindi kita maintindihan. Ano ba yung ipapagawa sakin?"

"It's something you can't do." She replied.

"Why can't I do it?" Nagtataka ko namang tanong. Bumuntong hininga naman siya.

"Basta!" Hindi ko na talaga maintindihan ang isang ito.

"Ano ba naman yan Shaneya. Sabihin mo na habang maayos pa ang mood ko. "Kanina pa siya nagbubuntong hininga kulang nalang pati utot niya ay langhapin niya din.

"May isa kasing event yung organization natin at ikaw ang ipapadala Pero."

"Pero ano?" Tanong ko.

"Pero." I rolled my eyes at her. "Kasama si Jared."Mahina niyang sabi pero rinig ko.

"So what?" Agad kong sabi.

Tumingin naman siya sakin at kinikilatis ang susunod kong magiging reaksyon. Tinaasan ko naman siya nang kilay.

"Okay lang sayo? Sure ka?"

"Let's be professional here Shane. Labas ang trabaho sa personal na buhay kaya wag kang mag aalala. Hindi nga niya ako pinapansin. Ano nalang kaya kung magkita pa kami." Sabi ko pero nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko.

"You're lying. I know it's not okay for you." She's not convinced.

Hindi nga okay sakin, sino nga ba magiging okay kapag ganito yung nangyari sa sayo. I just want to see him, once more.

"I'm okay." I smiled at him.

"Yung totoo?"

"Ang kulit naman Shaneya. Paulit-ulit nalang ba?" Napasinghap naman siya.

Pagkatapos nang usapan namin ay umalis na siya sa condo ko. Sinabi niya din sakin na nagkabalikan daw ulit si Jared at Jane. Wala din akong ka alam-alam. Sa mga panahong kailangan ko siya nandoon pala siya sa ex niya nagpapakasaya. Hindi man lang kami nagkaroon nang proper break up.

Natapos na naman ang gabi ko na may luhang dumadaloy sa mga mata ko.

"Sigurado ka ba talagang sasama ka?" Kanina pa tanong nang tanong si Shane at Megan sakin kung sigurado bang sasama ako. Nandito kami ngayon sa opisina.

"Alangan naman na umatras pa ako. I'm already here." Sabi ko habang inaayos yung dala ko. I just bought some clothes for the event. Hindi naman siguro kami magtatagal doon.

"Basta kapag may problema. Tawagan mo kami agad. We will go there right away." She gave me a fighting gesture.

"Kung magkasalubong man kayo nang lalaking iyon ay umiwas ka nalang okay? Huwag ka na maging marupok. "I heard Megan say.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Could you please stop the both of you? I'm just doing my work here. Let's stop thinking about him." Tumahimik naman ang dalawa nang narinig nila akong magsalita.

"Just don't forget what I've said, okay?" I rolled my eyes on Shane.

"Alis na ako." Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at umalis na ako agad. Nagdrive naman ako papunta sa resort na nandoon sa details nang site.

I arrived safely to my destination. Agad naman akong nagbook sa hotel na nakapangalan sa kompanya namin. Hinatid ko muna yung mga gamit ko sa room hotel ko saka nagbihis nang suit attire. Nagheels ako kahit alam kong bawal iyon sa akin.

Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone. I answer the call.

"Felix." I called.

"Did you arrived already?"

"Yes. I'm in my hotel room. Why did you call?" Kinuha ko yung lipstick ko sa bag habang hawak yung cellphone sa kabilang kamay.

"I might visit there later. Our family owned that resort."

"Talaga?" I said amusely.

"See you there." Sabi niya at binaba na ang tawag.

Lumabas na ako sa hotel at agad hinanap kong saan yung iba pang company na naroroon. Mabuti nalang at madali ko silang nakita dahil nasa sea side lang sila. Sana pala nag flat shoes nalang ako. Ngumiti naman ako sa mga taong makakasalubong ko. Bawat company kasi nang Engineering at Architectures ay kailangan magkaroon nang isang representative. At ako ang piniling pinadala nang kompanya namin.

"Iza? Ikaw ba yan?" Agad ko namang nilingon kong sino yung nagsalita.

"Devon?" Sambit ko naman.

"Ikaw nga Iza! Matagal na tayong hindi nagkita. Mabuti naman at nandito ka." Masaya niyang sabi. Isa siya sa naging classmate namin ni Lorraine noong college. Mabuti naman at may kakilala na din ako dito. Di na siguro ako mahihiya masyado.

"Long time no see Dev!" Nagbeso kaming dalawa. He looks so handsome right now. Hindi mo aakalaing si Devon Padilla na nerd noong college ay isa nang hottie ngayon.

"You look more beautiful right now. "He smiled.

"Ikaw itong mas lalong naging gwapo." Sabi ko naman.

"We need to change. "Laman din kasi siya nang bully noong college kaya siguro nagbago na din ang physical appearance niya.

"Oo nga naman."

"Which company are you in?" He asked.

"Kennedy Corporation." Tipid kong sabi. I saw his eyes widened.

"Wow. Just wow. The Kennedy's also owned this resort." Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya.

"Kennedy's?" I ask again.

"Oo. Hindi mo ba alam?"

"Ah wala. Tara mag log in nalang tayo." Pag iiba ko naman nang usapan.

Napaisip nalang ako bigla sa sinabi niya. Sinabi kanina ni Felix na they owned this resort. I know that Felix is saying the truth . Pero bakit sinabi din ni Devon na pagmamay-ari din nang mga Kennedy ito. Ayaw kong mag isip nang masyado kaya tinuon ko lang ang pansin sa pagcheck nang mga structures dito.

Buong maghapon ay nagcheck lang kami nang mga structures nang isang grand hotel doon sa resort. Si Devon lang ang palagi kong kausap dahil wala naman akong kilala dito. Mabuti nalang ay hindi ko pa siya nakikita dito sa resort.

"Dumudugo yung likod nang paa mo Iza." Tiningnan ko naman yung paa ko. Sa sobrang paglalakad siguro iyon kaya nagkasugat.

"Hayaan mo na. Malapit naman itong matapos." Kinuha ko lang yung panyo sa bag ko at nilagay iyon sa dumudugong parte.

"Mauna ka nalang sa hotel room mo. Ako na bahala dito. Baka mas lalo pang sumugat yan kapag pinilit mo. Sige na." Sabi ni Devon. Nagsmile naman ako sa kanya bago lumakad paalis. Ilang minuto nalang naman kasi bago matapos yung session kaya okay lang naman siguro na umalis.

Paika-ika ako habang lumalakad pabalik sa kwarto ko. Medyo malayo kasi yung naging venue nang session namin. Maglalakad pa ako nang 15 minutes bago ako makarating doon. Kinuha ko nalang yung heels ko at binitbit iyon. I walk on the sad and breathing the ocean breeze. Alas sais na din kasi nang hapon kaya maganda ang view dito sa dagat.

Muntik na akong matapilok pero may humawak sa braso ko kaya hindi ako natumba.

"Thank you." Tiningnan ko kung sino yung sumalo sakin.

"Felix." Sambit ko. Tiningnan niya yung paa ko.

"Umupo muna tayo." Hinila niya ako sa isang bench doon. Pinaupo niya ako doon at hinawakan niya yung paa ko. "Bakit ka nagsusuot nang heels kahit alam mong bawal sayo? Iza naman. " Hinubad niya ang jacket niya at pinatong sa pencil cut kong palda.

"Hindi ko kasi alam na matagal palagi kaming maglalakad at tatayo. May dala naman akong flat shoes doon sa mga gamit ko." Pagrarason ko.

May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong band aid yung binunot niya.

"Sa susunod kapag alam mong masasaktan ka lang. Huwag mo nang gawin." Seyoso niyang sabi. Parang binato naman at ako sa sinabi niya.

"Saan mo hinugot yan?" Natatawa kong sabi sakanya. Napasinghap siya at tumabi sa pag upo ko.

Umupo muna kaming dalawa doon at tinitingnan ang paglubog nang araw. Ito ang pinaka paborito kong part sa araw ko. Ang paglubog nang araw.

"Ang ganda." Sabi ko.

Ngumiti lang si Felix sa sinabi ko. Nakaramdam naman kaming dalawa na madilim na kaya tumayo na kami at naglakad. Paika-ika pa din ako sa paglakad kasi medyo sumasakit na din kasi.

Umupo si Felix sa harapan ko. "I'll give you a piggy ride." Rinig kong sabi niya. "Huwag na." Sabi ko naman.

"Mas lalo lang sasakit ang paa mo kapag nagpumilit ka lang na maglakad sa buhangin." Wala na akong naging choice kung hindi sumakay sa likod niya.

Tahimik lang ako habang buhat buhat niya ako sa likod niya. Hindi din siya kumikibo. Papasok na kami sa hotel nang naramdaman ko na tumigil si Felix.

Nakatingin siya sa dalawang tao. Hindi ko alam kong bakit biglang kumunot yung nood niya. I look where his eyes direct.

It's Jared and Jane.