Sabi nila "Magaral ng mabuti."
Para magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ngunit bakit tila...
Do iyan ang nakikita ko?
Kung wala kang tiyaga, sipag at diskarte sa buhay,
Ay di ka uunlad.
Ihinto na natin ang kasabihang...
Education ang pagasa para sa magandang kinabukasan.
Kung iyan ay syang tunay...
Lahay sana ng matatalino ay mayayaman at mauunlad;
Hindi ba?
Bilang mamamayan...
Tayong magsumikap
Para sa magandang kinabukasan
Ay syang tunay na malasap.
Huwag kang sumuko sa buhay,
Ano mang hirap yaong iyong nararanasan.
Ika nga...
Habang may buhay, may pag-asa.
Lagi lang tatandaan...
Nariyan ang Poong Maykapal
Na syang laging nakaalalay
Magtiwala, manalig at magsisi ka lang
Ang papuri't pasasalamat na walang hanggan
Sa kanya mo lang ialay.
Lumapit ka lang sa kanya
Huwag kang umatras papalayo.
Sapagkat ang buhay na sa kanya'y malayo
Ay tila isang buhay na patay
Madilim at puno ng unos.
Samantang ang buhay kapiling nya...
Ay isanh biyayang tunay
Puno ng pag-asa, liwanag at pagibig
Walang pangba o takot
Pagsubok mo'y malalagpasan
Sa tulong nya...
...ng Poong Maykapal.