webnovel

PROLOGO

"Hindi pa rin namin sya mahanap.Pasensya ka na Alejandro dahil maging kami ay hindi namin mahanap si Aires"

"Ayos lang pasensya na rin kayo kung pati kayo ay naaabala ko"

His friend tap his shoulder and gave him a reassurance smile.Alejandro just nod as his friend walk away

"Nay Ester?!"tawag ni Alejandro sa kanyang tumayong ina nang mga panahong wala ang kanyang mga magulang sa kanyang tabi

"Nay!!!"sigaw muli ni Alejandro dahil baka nagdidilig ang kanyang Nay ester at hindi sya marinig

Tatayo na sana paalis si Alejandro dahil baka abala pa ito.Ngunit may nagsalita sa kanyang likuran kaya napalingon ito

"Ano iyon Alejandro?Manananghalian ka na ba?Mukhang pagod ka na"

Napangiti na lamang si Alejandro. dahil kahit na matanda na ito'y nandyan parin ito  inaalagaan pa rin s'ya nito.

"Opo sana kung maaari"ngiting sabi ni Alejandro

"Sige sige pero medyo matatagalan 'ha? maupo ka muna"

Tumango si Alejandro kaya naman ay umalis na ang matanda upang makapagluto na ng makakain ni Alejandro.

Naupo na lamang si Alejandro sa sofa at nakinig ng musika na parehong paborito nila ng kanyang pinakamamahal na babae ngunit sayang nga lang.Dahil umalis na ito at hindi nila alam kung saang lugar ito pumunta.

Ipipikit na sana nito ang mata n'ya nang may napansin s'ya sa vase na nakapatong sa lamesa.Tinignan nito ang ilalim ng Vase.Dahil may kung anong nakaipit dito.

Itinaas ni Alejandro ang vase upang makita ang nakaipit.Isang sobre ang nakita nito kaya naman itinabi muna ni Alejandro ang vase atsaka ibinuksan ang sobreng naglalaman ng liham.

Tinanggal nito ang pagkakatupi ng papel.

Mahal kong kaibigan,

           Kumusta na?Alam kong nagulat ka sa biglaan kong paglisan pero huwag ka sanang malungkot. Hindi ko layuning pag-alalahin kayo. Ilang linggo kong pinag-isipan ang tungkol dito.Naisip ko kasing mas makakabuti siguro para sa atin ang magkalayo muna.Ang tanga,ano?Napagtanto ko kasi na kung hindi ko gagawin ito,lalo lang lalala ang sitwasyon,parehas lang tayong masasaktan.Binuo kita,ayaw kong masira ka ulit ng dahil sa akin kahit maski ako'y  sirang-sira na.

Bakit hindi mo sinabi?Bakit mo ako binuo?Kung ang kapalit lang naman nito'y ikaw naman ang masisira.

           Naalala mo ba iyong nalasing ako at ika'y aking nasuntok sa mukha?Tapos binilang ko pa ang abs mo gamit ang aking katana sa ilalim ng aking kama,at nagluto ka ng lugaw para sa

akin kinabukasan.Noong tayo'y nasa aking café doon ko lang naalala ng malinaw ang aking nagawang kapusukan noong gabing iyon.Para sa akin,iyon ang isa sa mga ala-alang itinatak mo sa aking isipan.Marami pa akong maraming nabanggit ngunit baka ika'y mainip.

'Tama..' natawa na lamang ito ng maalala ang senaryong iyon

         Sa ilang taon na nagkasama tayo,palagi kong tatanawin ang mga ala-ala mo na nagpatibay sa akin.Nang dahil sa iyo,naging matapang ako.At kahit alam kong hindi mo ako kayang mahalin sa paraang nais ko,tanggap ko basta nakikita kitang masaya.Kaysa sa pilitin kitang ako'y iyong mahalin ngunit hindi ka naman masaya sa aking piling.

"Te amo... charot!hehe" ang akala ko'y biro ngunit totoo

           Patawad.Patawad dahil sa ginawa kong ito.Mahirap.Napakahirap.Pero tama rin nga kasi siguro ang ginawa kong ito.Palayain natin ang isa't-isa.Nais kong maging masaya ka.Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik...o kung babalik pa ako...o kung may babalikan pa ako. Salamat na rin sa lahat kahit walang kasiguraduhan ang bukas.Bukod sa iyi,sa inyo,may isang tao akong nais kong hingan ng tawad.Ako.Ako kasi naging martir ako,pero lahat naman ng iyon,hindi ko pinagsisisihan.Lahat naman tayo'y nadadapa,kaya nating bumangon diyan ako sigurado.

Paalam.Paalam,Mi amor. Hanggang dito na lang siguro ang atin--hindi.  Siguro'y isa lamang ako side character, hindi ako ang bida sa kuwento.Dahil ikaw at sya ang bida at hindi tayo.

                                   Patuloy na umiibig,

                                      Aires

Natulala si Alejandro at hindi alam ang gagawin.

"Iho ano ang  nangyari't natulala ka riyan?"Nataranta naman ang kanyang Nanay Ester ng may luhang unti-unting tumulo sa pisngi nito

Napatingin ito sa liham na hawak ni Alejandro

'Kaya naman pala...'sambit nito sa kanyang isip

Niyakap na lamang nito si Alejandro habang patuloy naman itong humihikbi at sinasabi ang mga salitang

"Patawarin mo ako.."

Patuloy na inaalala ang mga sandaling kasama pa nito ang kaniyang kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang samahan siya sa mga oras na nasa bingit na siya ng kalungkutan at malapit nang mahulog sa bangin kung saan naroroon ang karagatan ng kalungkutan.

Ngunit hindi niya agad ito napagtanto 

Mapagtanto na lahat ng iyon ay may ibigsabihin..

Na hindi lang pala kaibigan..

"Mahal kita..Higit pa sa kaibigan"

Sa bawat ngiti na nasilayan nya sa kanyang kaibigan ay may kalungkutang nakapaloob..

"Sana ako nalang"

Sana pala ay hindi siya naging manhid..

At sinamahan din niya sana ito nang mga panahong nilalamon ito ng kalungkutan...

Nang mga panahong bumubulong ito at humihikbi gabi-gabi na

"Tulungan mo ako"

Ngunit huli na nga siguro ang lahat

Dahil umalis na ito...

at iniwan ang mga salitang nakapaloob sa isang liham na

Patawad, Paalam