Kahit na mayaman siya, hindi naan ito nanggaling kung saan lang.
Natural lang na hindi siya isang hangal para ibenta ang isang bagay na kaniyang binili sa halagang limang daang spirit stones sa halagang limang daang pirasong ginto.
Meron bang tama ang taong ito sa ulo? Dahil kung wala, papaano niya nasasabi ang ganitong mga kahangalan?
Nang nilingon niya si Zhang Xuan, nakita niya itong tumatango na may ngiti, "Tama!"
"Tapos ka na ba? Kilala mo ba kung sino ang aking guro? Ang lakas ng loob mo para magyabang dito!"
Nang makita niyang sumosobra na si Zhang Xuan sa pang-iinis sa kaniyang guro, hindi na mapigilan ni Appraiser Liu Chang ang kaniyang sarili at linapitan ito.
"Kung sino ang iyong guro? Dahil sa kaniyang talas ng mata na sa isang tingin pa lang niya ay nakikita na niya ang kahalagahan ng isang antigo, kung hindi ako nagkakamali... Isa siyang appraiser!"
Tumingin si Zhang Xuan kay Appraiser Liu Chang.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com