Habang ang dalawa ay pinaguusapan ang sword art, ang lahat ay nasa labas kinakabahan.
"Pavilion Master Kang, si Zhang shi ay dalawang oras ng nasa loob ngayon. Sa tingin mo ba posible na… pinatay na siya ni Elder Hong sa sandali ng pagkagalit niya?" Kabadong tanong ni Su shi.
Dalawang oras na simula ng si Zhang Xuan ay pumasok sa kwarto, ngunit hindi lang walang resulta, wala ding kahit anong kilos sa loob. Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa loob, at isang matinding pakiramdam ang pumupuno sa loob ng kwarto.
"Hindi na kailangan magalala pa. Kahit na kung sila ay magaway, hanggat ang isang panig ay kikilos, ang dami ng atake ay lilitaw sa screen… Dahil sa wala pang numero na lumitaw, ibig sabihin lang nito na wala pang mga atake pero…" Habang inaalo si Su shi, si Pavilion Master Kang ay nakasimangot sa pagkalito.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com