webnovel

Dugong Maharlika

Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang isang oras, lumabas ng Logistics Branch si Zhang Xuan ng may ningning sa kanyang mga mata.

Kung ang dating Zhang Xuan pa rin ang nakaharap nila, siguradong nakayankayanan nanaman siya ng mga 'yon. Pero, gamit ang Library of Heaven's Path, nagbago ang takbo ng buhay niya.

"Siguro, biyaya sakin na napunta ako dito! Yung ganitong klaseng buhay ang gusto ko!"

Huminga ng malalim si Zhang Xuan.

Sa nakaraang buhay niya, isa lang siyang pangkaraniwang bantay ng aklatan na namumuhay ng simple at umiikot lang ang buhay niya sa aklatan at sa bahay niya. Kahit na magpatuloy pa siyang ganun, patuloy lang siya sa pagkuha ng sahod niya at sa patapon niyang buhay. Ngunit, nagbago ang lahat nang mapadpad siya sa mundong ito. Gamit ang regalong natanggap niya na tinatawag na Library of Heaven's Path, siguro maaari pa siyang umusad at lumakas pa. Maaring magbago at maging masaya ang buhay niya!

Sa mga oras na 'to, tuluyan nang naging parte ng mundong 'to si Zhang Xuan! Hindi na siya namomroblema sa kung alin ang pipiliin niya sa pagitan ng mundo niya at ng mundong ito.

"Huwag mo 'kong pigilan. Pabayaan mo na 'ko, gusto ko nang mamatay…"

Habang palihim na nagsasaya, narinig niya ang isang tinig di kalayuan mula sa kanya. Katunog 'to ng isang nagwawalang toro, na nagdudulot ng matinding sakit at kalungkutan sa isang tao.

Nang lumingon siya, nakita niya ang isang tabachoy na sumisigaw na tatalon daw siya sa lawa at magpapakamatay.

Walang kahit sinong gustong pumigil sa tabachoy. Hindi rin naman siya tumalon sa lawa kahit na paulit-ulit niya 'tong isinisigaw. Bigla na lamang niyang hinila ang kamay ng isang estudyante sa tabi niya at inilagay sa sarili niya, para magmukhang pinipigilan siya nito. Pagkatapos ay, nagpatuloy siya sa pagsigaw.

"Huwag mo 'kong pigilan, pabayaan mo na lang ako. Ayoko nang mabuhay…"

"…"

Natahimik na lang ang lahat.

"Masyadong nakakahiya 'yon!" Napailing si Zhang Xuan.

Pilit na pinagmumukha ng tabachoy na 'yon na pinipigilan siya ng ibang estudyante na magpakamatay, kahit na yung totoo ay hindi naman talaga niya gustong mamatay. Nakakahiya talaga siya.

Dahil alam niyang wala naman talagang balak magpakamatay yung tabachoy na 'yon, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras dito. Sa halip, naglakad na lang siya papunta sa silid aralan niya. Bago pa siya makalayo, narinig niya na papalapit sa kanya ang naririnig na sigaw kasabay ng pagyanig ng lupa. Kasunod nito, may yumakap na pares ng malalaking braso sa kanyang binti.

"Guro, parang awa mo na, nagmamakaawa ako tanggapin mo na ako bilang estudyante mo. Ayaw nilang lahat sakin dahil sa laki ko…"

Humagulgol sa harap niya ang tabachoy.

"Bitawan mo 'ko!"

Hindi makapagsalita si Zhang Xuan.

Hindi ba siraulo 'tong taong 'to? Sumugod siya kay Zhang Xuan para magmakaawang tanggapin siya nito nang makitang isa siyang guro, hindi pa nakakita ng ganitong klaseng tao si Zhang Xuan sa buong buhay niya.

"Guro, bibitaw lang ako kung tatanggapin mo 'ko!" Tumulo ang luha at sipon ng tabachoy. Sa sobrang lungkot ng boses niya, nadala ang mga nanunuod sa emosyon niya at naawa sa kanya. "Sampung guro na ang napuntahan ko, at wala man lang gustong tumanggap sakin. Sige na guro, maawa ka sakin, tanggapin mo na 'ko!"

Ang pagsusulit ng mga estudyante ay makakaapekto din sa pagkilatis sa isang teacher. Ang isang tabachoy na katulad niya ay siguradong magkakaproblema sa kanyang mga laban at sa pagkilos niya. Karamihan sa mga kilalang teacher ay tatanggihan siya.

"Kung gusto mong tanggapin kita, ipakita mo sakin ang kakayahan mo. Ano bang iniisip mo at niyakap mo ang binti ko?" Ang sabi ni Zhang Xuan.

Nasa kanya ang Library of Heaven's Path, hindi siya magkakaproblema sa pagpili ng magiging estudyante niya. Kapag nakita niyang mahina ang taong 'to, hindi siya tatanggapin ni Zhang Xuan.

"Teacher, tanggapin mo na 'ko. Marami akong kayang gawin…" Nag-aalangan na tumingala sa kanya ang tabachoy at dahan-dahang bumitiw sa binti niya.

"Tignan muna natin kung talagang may kakayahan ka. Di mo kailangang sabihin yan!" Sinipa siya ni Zhang Xuan, nang makitang hindi pa siya bumibitaw sa binti niya.

Ano ba 'to? Buti sana kung babaeng estudyante ang nakakapit sa binti niya. Pero, bukod sa lalaki ang nakakapit sa kanya, mataba pa… Kinilabutan siya sa mga naisip niya.

"Sige! Tignan mo kung anong kaya ko!" Hindi nagalit ang tabachoy. Tumayo siya at tumingin sa paligid. Pagkatapos, kumuha siya ng ilang bloke ng semento. Pagkatapos nito, inangat niya ang isang bloke at binasag ito gamit ng ulo niya.

Peng!

Nawasak ang bloke ng semento.

Pagkatapos nito, kumuha pa siya ng mga bloke at binasag ito gamit ng kanyang mga siko at binti. Nadurog ang lahat ng mga bloke.

[Mukha nga siyang mataba, pero bihasa siya sa henglian martial arts.]

Hindi niya pinansin ang henglian ng estudyante, kasalukuyang binabasa ni Zhang Xuan ang librong nasa isipan niya.

Ang mga skill na sinanay gamit ng henglian ay maituturing din na martial arts. Sa oras na ipinakita ng tabachoy ang kakayahan niya, agad na gumawa ng libro tungkol sa kanya ang library.

"Yuan Tao, isang palaboy na cultivator sa Dihuang City, Fighter 1 – dan Juxi Realm Intermediate!"

...

"Mga Kahinaan: 18 aspeto. No. 1, ang Ancient Emperor Bloodline na nananalaytay sa dugo niya ay hindi pa nagigising! No. 2, ang kanyang pundasyon ay masyadong mahina, ang martial arts na sinasanay niya ay…"

"Emperor Bloodline?"

Napaatras si Zhang Xuan sa mga nabasa niya sa libro.

Nang tuluyang magsama ang mga alaala niya at ng dating may-ari ng katawan niya, nalaman niya na sa mundong 'to, napakahalaga ng bloodline at ng innate body ng isang tao. Kapag ang isang tao ay may taglay na kahit isa sa mga ito at may nababagay na paraan sa paggamit nito, ang cultivation nila ay higit na tataas sa hinaharap, at mabilis ang paglakas nila.

May iba't ibang uri ng innate bodies isa na dito ang Pure Yin Body, Pure Yang Body, Immaculate Body, Golden Body…

Mayroon ding iba't ibang uri ng bloodline at isa dito ang Ancient Bloodlines, New Bloodlines, Inheritances at Mutations…

Kapag nahanap ang mga ito, bawat isa sa kanila ay pagkakaguluhan ng mga guro.

Ang Emperor Bloodline na taglay ng tabachoy na 'yon ay isa sa mga Ancient Bloodlines. Sinasabing kapag naabot ng isang taong may ganitong bloodline ang rurok ng kanyang cultivation, magiging sobrang tibay ang katawan niya, walang kahit na anong bagay ang makasisira sa kanyang depensa. Ito ay isa sa pinaka malakas na bloodline sa lahat ng defense-based bloodlines.

[Ang walang hiyang tabachoy na 'to na halos walang nakakapansin samin ay nagtataglay ng isang Ancient Bloodline?]

"Ang Ancient Bloodline niya ay hindi pa nagigising. Mukhang hindi rin naman niya alam ang tungkol ditto."

Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan.

Sa lahat ng mga uri ng bloodline, ang Ancient Bloodline ay napakalakas. Hindi nangangahulugang hindi napapansin ng mga guro ang taglay niyang bloodline, dahil lang hindi siya tinatanggap ng kahit sinong guro na pinuntahan niya, Sa halip, hindi pa nagigising ang taglay niyang bloodline, ito ang dahilan kung bakit parang katulad lang siya ng isang ordinaryong na tao. At gaya ng ibang tao na hindi malaman kung anong bloodline ang mayroon siya, malamang hindi niya din alam ang tungkol dito!

Ngunit, kahit na hindi niya alam, nakikita ang kanyang potensyal sa aspetong ito. Ang kanyang kakayahan sa pagdepensa ay higit na mas malakas kaysa sa iba at iyon marahil ang dahilan kung bakit niya piniling magsanay sa ganitong klase ng 'punchbag' martial arts.

"Tatanggapin ko siya bilang estudyante ko!"

Kumislap ang kanyang mga mata.

Maaaring hindi na uli magkaroon pa ng isang estudyanteng may Ancient Bloodline sa akademya sa mga susunod na taon. Para sumulpot ang ganitong klaseng tao sa harap niya, bakit naman niya 'to papayagang makatakas?

"Hindi na masama. Tatanggapin kita bilang estudyante ko. Tara dito, at kilalanin mo akong guro mo!"

Pinigil ni Zhang Xuan ang nararamdaman niyang kasiyahan at naghagis siya ng isang identity token kay Yuan Tao.

"Guro, talaga bang tinatanggap mo na ako? Napakasaya ko…"

Mukhang maraming pinagdaanan ang tabachoy na 'yon ngayong araw. Kaya naman nang marinig niyang tinatanggap na siya ng isang guro, sa sobrang saya niya hiniwaan niya ang kanyang daliri at walang alinlangang nagpatak ng dugo sa kanyang identity token.

"Malalaman mo kung anong klaseng estudyante ang tatanggapin ng isang guro base sa kung anong klase siyang guro. Kapag basura ang guro, basura din ang estudyante!"

Sa mga oras na 'to, narinig nila ang isang galit na tinig.

Nang lumingon siya, nakita ni Zhang Xuan ang isang aroganteng lalaki na naglalakad papunta sa kanya.

Kasama ng lalaki ang isang magandang binibini. Umaabot sa kanyang mga balikat ang kanyang mahabang itim na buhok, maputi ang kanyang balat at nakahuhumaling ang kanyang mga mata.

"Shang Bin? Shen Bi Ru?"

Nang makita niya ang dalawa, agad niyang naalala ang pangalan ng dalawa.

Sa buong akademya, walang hindi nakakikilala kay Shen Bi Ru!

Wala naming espesyal tungkol sa kanya, pero kinikilala siya ng lahat bilang ang pinaka magandang guro sa akademya. Kahit na ang pinaka magandang estudyante sa akademya aya walang panama sa kanya.

Bale wala ang lahat ng ito kung puro ganda lang ang mayroon siya. Pero bukod sa maganda na siya, magaling din siyang magturo. Kahit na saglit pa lang siyang nagiging guro sa akademya, isa na agad siya sa mga kilalang guro sa akademya.

Marangal, elegante, maganda at matalino, madaming guro ang nanliligaw sa kanya.

Isa ang dating Zhang Xuan sa mga nagkagusto sa kanya.

Ngunit, ang dating Zhang Xuan ay isang malaking palpak. Bukod sa mahina ang kanyang cultivation, siya din ang pinaka huli sa lahat ng klaseng pagsusulit. Dahil sa mababa ang tingin niya sa sarili niya, kahit na gusto niya si Shen Bi Ru, hindi pa niya nakausap kahit minsan ang diyosa ng puso niya, at hindi lang 'yon, wala siyang lakas ng loob na ligawan si Shen Bi Ru

Ang lalaking kasama naman niya ay si Shang Bin, siya ang apo ni Elder Shang. Isa siya sa mga manliligaw ni Shen Bi Ru at ginamit niya ang pagiging apo niya ng isang elder para takutin ang iba pang mga manliligaw ni Shen Bi Ru. May narinig siyang balita na may gusto rin si Zhang Xuan sa binibini, kaya lagi niya itong iniinsulto tuwing magkikita sila, at kung minsan, sinasaktan din niya si Zhang Xuan.

Ngunit, walang pakialam si Shen Bi Ru sa kanya. Noon pa man, wala siyang pakialam sa iba, at parang wala talaga siyang gustong kahit sino, dahil dito nalulungkot si Shang Bin at nadismaya.

"Sinong tinatawag mong basura?"

Nang marinig niya ang pang-aasar ni Shang Bin, hindi nagalit si Zhang Xuan at lumingon sa kanya.

"Nakakainsulto ba ang basura!" Palait na ngumiti si Shang Bin.

"Oh, talaga nainsulto ako sa basura. Ang baho, ang baho talaga!" Pinaypayan ni Zhang Xuan ang kanyang ilong at pinakitang nandidiri siya kay Shang Bin.

"Bw*sit ka…" Ngayon lang umalma si Shang Bin. Namula ang kanyang mukha, dahil ginawa siyang katatawanan ng pinaka walang kwentang guro sa akademya.

Emperor Bloodline <- > 龙犀血脉 (Longxi Bloodline)

Sa ancient China, naniniwala sila na makikita sa hugis ng mukha ng isang tao ang kanilang kapalaran. At mayroon ding mukha para sa isang taong itinakdang maging maharlika. Isa sa mga maharlikang mukha na ito ay ang Longxi face, karaniwan itong tinatawag na mukha ng isang Emperor.

Mukha nga siyang mataba, pero isa siyang bihasa sa Henglian martial arts.

TL: Ang Henglian (横练) ay isang paraan ng pagsasanay na nangangahulugang 'pagsasanay gamit ang lakas ng katawan'. Mayroong 3 paraan sa pagsasanay ng martial arts, Wenlian, Wulian at Henglian. Ayon sa baidu, ang tatlong magkakaibang paraan na ito ang magdadala sa isang martial artist sa magkakaibang kasanayan. Ang Henglian ay tumutukoy sa paraan ng 'paggamit ng katawan para wasakin ang isang matigas na bagay' para sanayin ang bawat parte ng katawan. Hanggang ngayon, ang Henglian ay ginagamit pa rin bilang paraan ng pagsasanay ng ibang tao (gaya ito ng Iron Head Skills, ihinahampas nila ang kanilang ulo sa matitigas na bagay mula pagkabata).