"Posible kayang… Mamamatay na talaga ako?"
Nanginig ang bibig ni Apothecary Chen Xiao at bahagya ring nangatog ang kanyang katawan.
Noong unang beses na sinabi ni Zhang Xuan ang mga salitang ito, inisip niya na sinusumpa siya ng binata, kaya hindi niya ito masyadong pinansin. Subalit, nang makita niyang namatay ang Pill Sample Beast pagkatapos nitong kainin ang pill na ginawa niya, nagulantang siya. Higit pa dito, nakaramdam siya ng takot.
"Ito ay…"
Nang makita nila ang kalagayan niya, nakaramdam ng awa para sa kanya ang lahat. Gusto nila siyang kausapin, ngunit hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila sa kanya.
Kung wala siya sa bingit ng kamatayan, paano mamatay ang isang Pill Sample Beast ng ganun-ganun na lang dahil lang sa pagkain nito sa pill na ginawa niya? Malinaw na totoo ang mga sinabi ni Zhang Xuan!
"Sinabi ko na ang mga dapat kong sabihin. Sinong susunod na hahamon sakin!"
Tiningnan ni Zhang Xuan ang buong paligid.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com