webnovel

Chapter 7

BAKIT ko ba tinanggap yung offer ng kaibigan ko? Yeah right naaawa ako sa kanya. Hindi ko naman kasi alam na ganito yung uniform nitong bar nato. Hindi naman siya malaswa o masagwang tingnan. Formal naman yung uniform katulad sa mga barterer dito sa bar nato.

Ang problema lang ay sobrang nakakapit yung tela ng uniform sa katawan ko dahilan kung bakit nakikita na 'yong hugis ng aking katawan. Hindi naman mapagkaila na maganda yung hugis ng aking katawan sa murang edad. Nagwo-work out kasi ako sa gym at plus healthy diet.

Medyo uncomfortable yung damit dahil skintight siya. Hanggang hita ang kulay ng black na skirt nito at yung upper ay isang pulang tube. Mayroon din kasama na black na collar sa uniform. Nagmumukha tuloy akong magandang slave HAHAHA. At isa pa sakto lang naman yung tube sa katawan ko hindi rin nakikita yung cleavage ko.

Nakalugay lang yong mahaba at kulot kong buhok na hanggang bewang kaya mas nagmumukha akong customer kaysa waitress.

" John tatlong vodka nga for room 2 " sabi ni rose. Isa rin siyang waitress dito nakilala ko siya kanina. Ang friendly niya and madaldal siyang kasama. At Lexi yung tawag niya sa akin dahil mas bet niya daw yung lexi kaysa sa alexi.

" Oyy Lexi kumusta naman sa pagiging substitute waitress?" tanong niya sa akin.

" So far okay lang naman rose pero nakakapagod talagang 'tong trabaho nato noh" honest kong sagot sa tanong niya.

"Yes lexi nakakapagod talagang'tong trabaho nato pero change topic tayo. Alam mo ang daming tumitingin sayo kanina pa simula nong shift mo ha! Naaagawan tuloy ako ng mga fafa dahil sayo. At isa pa, kanina pa masama yong tingin nina belle sayo. Mga inggitera ang mga pota HAHAHA." sabi niya at tumawa pa ang loka. Loka- loka talaga tong babae nato. Napatingin naman ako kina belle at sa mga alipores nito at masama talaga yong mga tingin na ginagawad nila sakin. Kasalan ko bang maganda ako?

At hindi naman ako tanga at bulag upang hindi maramdaman yung mga tingin sa akin ng mga customer at mga ka trabaho ko nitong bar nato. Masasabi ko talagang maraming manyak dito naalala ko pa nga kanina yong mukhang mayaman na lalaki na nag-order ng heavenly hell na drink at sinabi pa nito na "i can take you to heaven if you want" muntik ko nang mahampas siya ng tray na dala ko kung hindi ko napigilan yung sarili ko baka sa hospital ang bagsak niya pero ngumiti nalang ako kahit pilit pinahaba ko nalang yung pasensiya ko baka ma fired pako dito o sabihin nating ang best friend ko.

"Shunga" yan lang yung naging komento ko sa mga sinabi niya. Hindi nako nakipag-usap sa kanya dahil hinatid ko na 'yong order sa room 2.

"Miss a bucket of beer, please"

"Anything else, Sir?"

"Well, may I order you?" diretso nitong sabi.

Ang sarap niyang patayin kaso wag nalang kasi sayang yung mukha niya gwapo sana kaso manyak ang pota.

Awkward akong ngumiti at umalis na upang kunin ang gusto nila. Baka kung magtagal ako dun hindi ko na mapipigilan yung sarili kong patayin siya. Naramdaman ko pa talaga yung tingin niya sa'kin at pati narin sa mga kasama niya.

Nakaupo sila sa round sofa na may mesa sa gitna at higit sila sa lima. Isang tingin mo palang ay alam mo talagang mayayaman sila. Halos naman lahat ng nandito ay mayayaman.

Sinabi ko yung order ng mga lalaki roon at inakaso naman agad ito ng barterer.

APAT NA ORAS ang nakalipas at inaantok na talaga ako. It's almost 12 at alas kuwatro ng madaling araw ang out ko.

"Lexi pwede bang ikaw muna ang maghatid ng beer dun sa room 10. Pinatawag kasi ako ni manager kitty e, pleaseee?" paki-usap nito sa akin

"Cge² ako nalang yung maghahatid nong drinks sa room 10."

Hindi ko pala nasabi na hindi pang ordinaryong club yung pinagtratrabahuan ni pearl. 10 floor ang club na'to. 1st to 3rd floor ay para sa mid-middle class. Ang 4th to 6th floor naman ay para sa middle class, ang 7th to 9th floor ay para sa mga upper class at sa 10th floor ay mga pribadong tao lamang ang nakakagamit nun.

Madali lang naman pumunta sa room 10 dahil may elevator naman. H

Nang ibinigay na ni John yung order sa VIP room 10 ay agad naman akong dumiretso sa elevator pero bakit kinakabahan ako? Dahil ba alam kong importante ang tao sa room na iyon? Kinakabahan bako dahil hindi pako nakakapunta o nakaka-apak dun? o may iba pang dahilan. Agad akong naalimpunganan nung tumunog yung elevator at mas domoble yong kabang aking nararamdaman.

Kumatok ako pero walang nagbukas ng pinto, kumatok ulit ako ngunit wala talagang nagbukas ng pinto kaya sinubukan kong pihitin yung door knob at nagbukas agad ito. Hindi naman pala naka lock kaya tuluyan ko itong binuksan kaso hindi ko ine-expect yung makikita ko sa loob.

Isang kwarto yung nakikita ko!! Hindi ko alam na kwarto pala ito! It's very luxurious. Walang tao kaya sinuri ko yong buong kwarto at masasabi ko talagang bongga ito. The walls are colored with grey and black color and also the ceiling. There is a big chandelier in the middle of the room. Sa gitna ay may isang king-size bed at may table at lampshade sa gilid nito. Mayroon din itong CR, shelves at bookcases. It's carpeted and a lot of features in the room that I can no longer imagine the prices. Hindi ko napigilan yong sarili kong galawin yung mga bagay doon. Hahawakan ko sana yong mga libro nong may nagsalita sa likod ko.

"Are you done examining and touching them?"

"Ay mukha ng unggoy" napasigaw ako sa gulat at handa sanang sigawan yung biglang nagsalita pero yung nakita ko iyong mukha niya ay parang hindi ako makakapagsalita.

Napahinto naman siya nang makita niya ko.

Pero sa totoo lang, pati rin naman ako dagliang napatigil dahil sa itsura at tindig niya. He was taller than me at yung presensya niya nakaka intimidate.

He has thick brows and long lashes and under it was a pair of blue eyes orbs that look like the sea and sky staring at me. Matangos rin ang ilong niya na may katamtamang haba at mapupulang labi na dinaig pa yata yong akin. At messy rin yong buhok niya. He was the epitome of a chaotic beauty at he's a living art!!

"Why can't you utter a word woman?" baritono nitong saad.

"I, umm"

Anong nangyayari sa'kin? Puta bakit ako hindi makapagsalita? Dahil ba gwapo siya? Dahil pa parang anghel siya?

"What?"

" Isa po ako sa mga waitress dito at ako po yong naghatid nong drinks na inorder niyo po" magalang kong sabi.

" Don't use po me at me. I'm not that old." sabi nito at umupo sa kama

Bigla naman akong napa ubo dahil sa ginawa niya at pinagsisihan ko naman agad iyon. Bakit bako ma distract?

"Take a sit beside me and give me my drinks" he huskily says.

Napalunok ako at ginawa nalang yung sinabi ni Mr. Blue Eyes. Binigay ko sa kaniya yung inorder niyang drinks at umupo sa kilid niya kahit natatakot nako. Pero may distansya naman sa pagitan naming dalawa.

"Let's drink"

Hindi ko napansin na nabuksan na niya pala yung beer dahil sa tensyon dito sa loob ng kwarto.

"Hindi po ako umiinom sir. Bababa na po ako sir total naibigay ko na po yung inorder niyo sir" kahit kinakabahan nako ay pinilit kong tumayo at maglakad ngunit hindi pako nakakabot sa pinto ay may sinabi siyang nagpapatigil sa akin.

" I'm Riguel Velazquez alexi and always remember that I'm always watching you sweetheart" malumay niyang sabi na nagbigay kilabot sa buo kong katawan. Bakit alam niya yong pangalan ko?

Kahit kinakabahan ako at natatakot sa mga sinabi niya ay pinilit kong ngumiti at magsalita nang magalang at malumay na tinig" Nice meeting you Riguel" tuluyan ko nang pumunta sa pinto ay pinihit iyon.

Nang sinara ko ang pinto ay agad akong napahawak sa aking dibdib dahil sa kaba at kilabot ng aking nadarama pero kahit ganun yong nadarama ko ay parang mas nagustuhan ko yong mga sinabi niya.

"What I have gotten into" mahina kong saad at lumakad na palayo sa kwartong iyon.

Author's message:

Sorry mga yesterians sa super duper late update. Naging busy ako sa acads ko and I hope you guys will understand. Matagal na 'kong walang klase pero nagpahinga ako mga yesterians dahil super pagod ako sa school year nato. Bale nong April 30 wla na talaga akong klase pero ayun nga nagpahinga ako so I hope you understand sa late update. And I hope yesterians na may we experience the best rest we deserve, and maybe right now it's the time to choose our happiness. Go choose your happiness and peace. Live like a queen! Live your life to the fullest!! Also congratulations sa mga graduates and sa mga completors!

#quotefortheday

"The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams"

- Shoyo Hinata