webnovel

LEGEND OF VOID SUMMONER [TUA 2] Tagalog/Filipino

Sa pagpadpad ng ating bida sa ibang lugar, ano kaya ang magiging bagong suliranin na kanyang haharapin, magagawa niya pa rin kayang magtagumpay sa buwis-buhay na paglalakbay na ito? Sundan ang ating bida sa pagtuklas ng kanyang sarili maging ng kanyang kapangyarihang tinataglay.

jilib480 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
28 Chs

Chapter 5: Conscious

Nakita na lamang ni Evor ang kaniyang sarili sa isang napakalawak na lupain na puro damuhan. Isa itong patag na lugar kung saan ay may nakita siyang isang lalaking parang napakaordinaryo lamang sapagkat wala itong inilalabas na anumang enerhiya sa katawan. Mga nasa 30's siguro ang edad nito dahil sa napakalaking pangangatawan ito ngunit ang balot ang katawan nito ng itim na balabal habang nakatakip rin ang buong mukha nito. Tanging ang mahabang pilak na buhok nito ang nakalitaw o kung pilak nga kulay nito. Hindi niya rin kasi matukoy ito dahil medyo hindi niya maaninag ng tama ang lalaking nakatayo sa di kalayuan.

Agad siyang naglakad papunta rito ngunit nang medyo ilang metro na lamang ay nagsalita ang misteryosong lalaki.

"Ilang milenya ko rin pinagsilbihan ang lahu ng pamilya mo bata pero hindi ko aakalaing halos isugal mo ang buhay mo para sa mga pipitsuging mga nilalang na yun. Hindi mo ba alam ang maaaring magiging bunga ng padalos-dalos mong desisyon? Sigurado akong hindi matutuwa ang iyong totoong magulang sa ginawa mo nitong mga nakaraang buwan." Prangkang pagkakasabi ng misteryosong lalaki sa baritono nitong boses. Hindi ito naglalaman ng kahit anong emosyon kung kaya't masasabi mong para itong robot kong magsalita.

Nabigla si Evor sa kaniyang narinig lalo pa't hindi niya aakalaing alam nito ang kaniyang totoong pamilya.

"N-nasaan ang aking mga magulang? Bakit ako naririto?! Paano ko sila mahahanap?!" Sambit ni Evor habang bakas sa mukha nito ang samot-saring emosyon lalo na ang labis na pangungulila. Sino ba namang anak ang ayaw makita ang magulang nito lalo pa't kahit anino man lang nila ay hindi man lang niya nasilayan ng magmulat ang kaniyang mata sa daigdig.

"Pinangangambahan kong hindi maaari ang iyong gustong mangyari idagdag pang napakahina mo pa. Sa palagay mo ba ay karapat-dapat ka para masilayan mo sila? Eh ako nga ay minsan ko lamang sila nasilayan at sa kasalukuyan ay hindi pa maaari ang iyong hinihingi. Marami ka ring kasalanang ginawa noon dahil masyado kang mabait! Kung hindi humiwalay sayo ang mga pipitsuging mga Nilalang na yun ay malamang ay pinaslang ko na ang mga iyon!" Sambit ng misteryosong lalaki habang may pait sa boses nito.

Halos mapanting ang tenga ni Evor sa narinig niyang saad ng lalaki. Hindi niya aakalaing kung ituring nito ang kaniyang mga Guardian Beasts ay parang walang kwenta lamang na parang pinapalabas nito na walang silbi ang kaniyang mga ito.

"Ako ang nagkamali at personal ko iyong desisyon kaya bakit dinadamay mo ang mga Guardian Beasts ko n-noon sa aking kapalpakan?" Sambit ni Evor habang labis na lungkot ang kaniyang nararamdaman dahil masyado nga siyang mahina dahil alam niyang sa kasalukuyan ay wala na ang mga ito sa kaniyang pangangalaga. Na literal n nag-iisa na lamang siya habang nangungulila sa kaniyang mga magulang. Ano ba naman ang magagawa niya dahil tama rin ang sinabi ng musteryosong lalaki.

"Ang pagkakamali mo ay pagkakamali ng lahat! Alam ng Guardian Beasts mo ang magiging bunga kapag hindi sila sumunod sa mga dapat nilang gawin!" Sambit ng misteryosong lalaki sa maotoridad nitong boses.

"So ikaw pala ang nagbanta sa kanila noon para bantayan ako? Magpapasalamat pa sana ako ngunit napakapangahas naman ng adhikain mo sa buhay para ilayo sila sa akin. Nasaan na sila ngayon?!" Sambit ni Evor habang hindi niya mapigilang magtanong.

"Kalimutan mo na sila dahil hindi na kayo magkikita-kita pang muli. Asahan mong kaya nilang mabuhay ng wala ka at sana ay ganon ka rin. Kung paiiralin mo yang damdamin mo at katigasan ng ulo mo ay malamang ay baka hindi mo na makikita ang magulang mo kaya ngayon pa lamang ay sinasabi kong umayos ka dahil ako mismo ang mag-eensayo sa'yo!" Maotoridad na sambit ng misteryosong lalaki.

"Mag-eensayo? Paano? Ikaw ang magtuturo sakin?!" Sambit ni Evor habang makikita ang labis na pagtataka niya.

"Oo, may problema ka ba dun?!" Sambit ng misteryosong lalaki habang mabilis na nawala ang pigura nito.

Napasimangot naman si Evor sa sinabi nito at nagulat siya sa abilidad ng misteryosong lalaking ito. Hindi niya alam kong nagte-teleport ba ito o mabilis lang talaga ito sa pagtakbo pero ewan dahil hindi niya matukoy. Kung paano niya nakulong ang apat na Guardian Beasts niya sa katawan niya ay wala pa siyang ideya rito. Ang kailangan niyang gawin ngayon ay magpalakas na lamang at indahin ang mga pangungulila ng kaniyang puso.

"Sa loob ng isang buwan ay magti-training ka rito sa loob ng Space of Consciousness ko. Kinuha ko noon ang kunting main consciousness mo upang personal kang turuan at sanayin dahil nasa iba ka ng dimensyon o mundo ang katawan mo at dito ka na magsisimula upang magpalakas pa. Sana ay wag mong biguin ang personal na habilin sa akin ng msgulang mo na ihanda ka sa muli mong pagbabalik pero nakadepende naman iyon sa'yo. Kung mamamatay ka man ay kasalanan mo na iyon tutal buhay mo naman yan at sa katigasan ng ulo mo malamang eh most likely ganon din ang mangyayari." Walang emosyon na sabi ng misteryong lalaki sa baritono nitong sabi.

Napangiwi naman si Evor sa tinuran ng misteryosong lalaki na magiging personal trainer niya na ngayon. Di niya aakalaing kaya nitong maging sarkastiko sa ganoong boses. Namangha siya sa sinabi ng lalaki na nasa Space of Consciousness siya nito. May ideya na siya sa isa sa abilidad nito ngunit nakakamangha ito pero di niya rin ipapakita noh. Masyado na itong abusado sa kapangyarihan ngunit ayaw niya naman itong isumbong kahit kanino malamang ay wala rin magagawa ang mga ito sa kaniya.

"Simulan na natin ang training!" Mabilis na sambit ng misteryosong lalaki sa maotoridad nitong boses habang nag-snap ito ng kanyang kanang kamay.

Mabilis na naramdaman ni Evor na biglang bumigat ang kaniyang katawan partikular na rito ang kaniyang dalawang kamay at dalawang paa niya. Nakita niyang may dalawang bakal na animo'y bracelets pang ang mga ito ngunit ang bigat ng mga ito ay halos di na siya makagalaw.

"Ano itong ginawa mo sa akin?! Para saan to?" Nagtatakang sambit ni Evor.

"Edi training. Simula na ng training mo at hindi ka magapahinga hanggat hindi ka nakakarating hanggang doon sa malajing punong iyon, Goodluck!" Walang kaemo-emosyong sambit nito habang mabilis na naglaho na parang bula.

Magtatanong pa sana si Evor ngunit wala na ang misteryosong lalaki.

"Ay talaga naman oh. Iniwan ako dito at ano'ng malaking puno ang sinasabi nito eh maliit naman iyon oh. Kayang-kaya ko yun!"pagpapalakas ng loob ni Evor sa kaniyang sarili. Siguradong di ganon kasimple ang magiging training niya sa kasalukuyan. Hindi man lang siya binigyan ng kondisyon ng misteryosong lalaki na akala mo ay parang robot. Napabuntong-hininga na lamang si Evor at maglalakad pa sana siya ng maramdaman niyang parang napako siya sa kaniyang kinatatayuan.

"Naku naman oh, grabeng bigat naman nito. Seriously?! Parang 1 tons ang bigat ng bawat bracelets na to eh. Yung training ko noon is hanggang 500 tons lang na total of 2 tons lang pero dalawang beses na mabigat itong mga bracelets na to." Maktol ni Evor habang pinipilit niyang humakbang ng paisa-isa.