webnovel

Chapter 18: Graduation Day

×××

Araw ng graduation namin ngayon. Masaya na malungkot. Dahil sa araw na ito, dito na magtatapos ang pagiging high school student namin sa campus na ito.

As a usual maraming nag iiyakan dahil sa marami rin naman kaming memories dito bilang high school student.

Natanggap na rin namin ang demploma namin pati ang mga medals. At ngayon nasa harap na naming lahat ang top 1 student na mag bibigay ngayon ng speech, si Xian.

Isang lalaking kikilala ng lahat bilang campus prince na ngayon ay mag g-graduate na ngayon ng high school suot ang kan'yang tuga.

Napaka guwapo nito tignan at halos lahat ng mga tao sa paligid ay namamangha sa kan'yang hitsura.

"Ah hey there classmate/schoolmates"

Una n'yang bati sa aming lahat habang hawak ang microphone. Mukhang nahihiya ito at hindi alam ang kan'yang sasabihin. Tumawa lang kaming nanonood sa kan'ya.

"Una sa lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero ito congrats sa ating lahat na mag g-graduate na ng high school. Sa apat na taon natin dito marami din tayong alaala na masaya, malungkot at kung ano-ano pang experiences bilang high school student. Naging cheerleader, nerd, bully, nobody, famous, queen bee, etc. At ako bilang campus prince. Pero sa mga experience na iyon ito ang pinaka memorable sa akin. Si Alice, naging parte si Alice ng high school life ko. Ako bilang campus prince na sekretong nambubully sa kan'ya. At ako na campus prince na childhood friend niya na matagal ng may gusto sa kan'ya. Wala akong pake alam kong nagulat kayo sa sinabi ko. At sasabihin niyo how on earth I like this ugly girl. Simple, kasi siya ang babaeng tumanggap sa akin kung sino ako. Not a campus prince na nakikita niyo bilang mabait, gentleman at palangiti. But she see's me what or who i was, she free me for being pretending and hide my feelings.Alam ko naging bulag ako sa pag ibig nung ginawa ko iyon pero ngayong na realize ko na lahat kong sino ang gusto ko I free myself as I free my ego to step those title. Bahala na kayo kung iisipin niyo na kabaliktaran lahat ng nakikita niyo sa akin bilang campus prince I don't care if that title will vanished on me. That's the real me a boy who has a bad and rude attitude. And a boy who doesn't care for everyone. Thank you"

Sabi niya at bumaba na ng stage. Napatahimik kaming lahat sa sinabi niya. Kahit ako rin ay hindi rin makapaniwala na sasabihin niya iyon sa harap ng estudyante.

Walang palakpak o kung anong maririnig as in total shock ang lahat. Sa sobrang pagkatulala ko hindi ko napansin na nasa harap ko na si Xian.

Hinila niya ko bigla at tumakbo siya palabas ng auditorium kasama ako. Nagpatianod nalang din ako sa kan'ya habang naka tingin sa aming mga kamay na magkahawak.

Namataan ko rin si Dwayne na sinusundan din kami ng tingin pati si Farra na umiiyak sa kan'yang p'westo. Bigla akong nalungkot at na guilty pero hindi ko rin maiwasan na ipaglaban ang nararamdaman ko kahit na dapat pigilan.

Nabalik na lamang ako sa ulirat ng mapahinto sa pagtakbo si Xian. Hindi ko namalayan na kanina pa kami tumatakbo.

Hingal na hingal kaming dalawa habang si Xian nakangiti sa harap ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ngayon ko lang napansin na nasa rooftop pala kami ng school.

"Bakit tayo nandito?"

Taka kong tanong sa kan'ya. Ngumiti muna siya bago tumango.

"Gusto ko maalala mo 'to"

Sabi niya sabay hila palapit sa akin at hinalikan na lamang ako sa pisngi.

Oo sa pisngi lang naman pero sobrang kinapula na ng pisngi ko.

"Tignan mo ang lugar natin"

Utos niya sa akin habang naka tingin ito sa malayo. Sinundan ko na rin kung saan naka baling ang ulo niya.

Nasa malayo at tanaw na tanaw ang buong city.

"Huwag mo sanang kalimutan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan naghihintay ako sa'yo"

Sabi niya at pa simpleng hinawakan ang kamay ko.

Hindi ako makapag salita na tinignan na lamang siya. Nasa malayo parin ang tingin nito na pinagmamasdan ang buong city.

"Maghihintay ako sayo Alice, kahit ilang taon basta ipangako mong babalik ka"

Sabi niya na ngayon ay naka tingin na sa mga mata ko.

"Ito na ang huling araw na magkasama tayo kaya sana matandaan mo ang lugar kung saan tayo nagkakilala"

"Ah dito sa rooftop?"

Taka kong tanong sa kan'ya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Biro lang, alam ko iyon ang lugar na ito ang city kung saan tayo lumaki. Haist! Hindi ka na mabiro eh"

Sabi ko sa kan'ya na kinatanggap ko naman ng pingot sa ilong.

"Ayokong kinakalimutan mo, kaya bumalik ka kaagad"

Sabi niya. Hindi ko alam pero kusa nalang na gumalaw ang kamay ko at yumakap sa kan'ya.

"Babalik ako pangako"

Sagot ko sa mahinang busis. Hindi s'ya gumalaw at nanatili lang na nakababa ang kamay niya.

"Ayaw kitang hawakan baka hindi na kita pakawalan"

Sabi niya sa akin. Natawa naman din ako sa kan'ya at humiwalay na ng yakap sa kan'ya.

"Gano'n mo ba kaayaw akong umalis"

Tanong ko sa kan'ya habang natatawa. Pero ng makita ko ang expression niya bigla nalang akong natigilan.

"Sa tingin mo ba ginusto kong iwan mo 'ko? Sa tingin mo ba hindi ako nalulungkot sa pagka alis mo? Sa tingin mo ba pag wala ka na sa tabi ko magiging ayos ang lahat para sa akin? Alice hindi. Hindi ko kayang wala ka. Alam ko dagat lang ang pagitan nating dalawa pero malaki parin ang impact para sa akin. Kulang ang mga gadgets para sa communication natin. Alice, gusto ko kasama kita mahahawakan at makita ka ng personal"

Puno ng emotion na sabi niya habang ang mga kamay nito ay nasa magkabilang pisngi ko na.

Napayuko ako ng ulo at biglang naiyak. Hindi ko alam pero gano'n na rin ang nararamdaman ko. Parang magiging kulang ang araw mo pag nawala ang taong pinakamamahal mo sa tabi mo.

"Xian, mag date tayo ngayon punuin natin ng alala ang lugar na ito para pagbalik ko ikaw na agad maalala ko sa lugar na kinagisnan natin. Gusto ko ikaw lang, campus prince"