webnovel

Third

Marceline's Point of View

Nanatili ang nalaglag kong panga. Sa dami ng estudyante rito sa Larrson ba't si Thorn pa ang substitute student lecturer namin? Kung kailan pang sinabi kong huwag na kaming pagtagpuin ng landas. I feel so embarrassed.

"Get your own questionnaires and answer the questions there right away," our Professor declared.

Binigyan ni Thorn ang bawat rows ng mga papel na tama ang bilang sa kanila.

Nang mabigyan na kami ay tiningnan ko ang papel na nasa aking kamay.

Biglang nanlaki ang mata ko, bakit wala akong maalala sa mga binigay na handouts ni Sir David?

Ilang minuto akong lutang hanggang sa magising na ang natutulog ko kaluluwa.

Nakakahiyang sinabi kong huwag na kaming magkukrus ng landas pero ngayon tadhana na mismo ang nagtakdang magkrus pa kaming muli. Bakit hindi ko naisip na maaring maging lecturer namin siya? Tutal, may plus sa grade ang pag-iistudent lecturer and qualified din naman siya dahil isa siyang third-year college student.

Natapos ko nang sagutan ang mga katanungan, basic lang ang masasabi ko.

Ipipasa na ni Thorn ang mga papers. Mukha siyang teacher sa pormal na suot niya, wow. Kulang na lang salamin para mapagkamalan siya at matawag nang "sir". Hindi ko rin kayang itangi sa sarili ko na napakagwapo niya sa suot ngayon.

What did I just said?

Nag-sitayuan ang mga kaklase ko at isinukbit ang kanilang bag sa braso.

"Where are you going? Hindi pa ako nag-didismiss bilang acting lecturer niyo ngayon," Buti na lang ako hindi pa tumatayo.

Mukhang may period ang bampirang 'yon, nasobrahan ata sa pag-inom ng dugo.

"I'm going to check your papers. Papalabasin ko ang pasa at bagsak. Ang hindi ko lang papalabasin ay ang siyang pinaka mababa," confident akong ligtas, kahit naman loading kanina ang utak ko naalala ko din after ang mga sagot, at nakatulong ng malaki ang binigay sa aming lectures.

Lumipas ang ilang minuto't nagtawag na siya. Hindi na ako umasang ako ang unang tatawagin bilang pinakamataas pero nadismaya ako nang matawag na si Malcolm habang ako naiwan.

Sabi ni Malcolm hihintayin niya akong matawag para sabay kaming lumabas, umupo siya sa tabi ko habang hinintay matawag ang pangalan ko.

Ilang segundo pa lamang nasa tabi ko si Malcolm ngunit nagparinig ang Thorn na 'yon na, "Lumabas na ang mga tinawag ko, I repeat, for those who have been called, leave immediately."

Napairap ako sa inis.

Tatlo na lang kaming natitira at nakakahalata na ako. Mas lalong napatibay ang iniisip ko nang ako na lang ang huling natira.

Gusto kong magmura but that's out of the league. Mas mataas siya sa akin ngayon, this is a student vs. student lecturer. Hindi half-vampire vs. prince.

Lumapit ako sa desk na inuupuan niya. The moment our eyes met I felt electricity all over my body.

Napaiwas naman ako agad. I hate this situation, I hate this feeling.

What do you need? Pinagtritripan mo ba ako? sigaw ko sa isipan. I didn't have the guts to talk to him today or never.

"Hindi ikaw ang pinakamababa," I should be happy and joyful sa sinabi niya pero inis ang bumalot sa buong katawan ko. Inabot siya sa akin ang paper ko.

I faked a laugh. "Then why am I here?"

"Because I want to apologize," rinig sa boses niyang gusto talagang humingi ng sorry pero hindi pa ako handa.

Tutal hindi naman ako ang lowest napagpasyahan kong umalis na lamang. Ano pang rason para manatili ako sa silid na ito? Gusto ko ring panindigan ang mga sinabi ko sa kaniya.

But I wasn't able to do it. He grabbed my wrist and faced me to him.

"What?!" sigaw ko dahil sa marahas niyang pagkuha ng aking kamay.

"Let me explain, please," Tila nanlambot ang tuhod ko sa sinabi, nawala ako sa sarili.

Napalunok ako't saka sumagot sa kaniyang sinabi. "Para saan? Para saan pa? Sa isang bagay na nagawa mo na? Minamaliit mo ang mga nasa paligid mo, ginagawa mong sunod-sunuran sa iyo, you don't deserve a chance to explain," kinuha ko ang paper ko at tuluyan na akong umalis, I was assuming he will stop me again, but he did not.

To be honest, the burdened feeling I have in that room faded the moment na nawala siya sa paningin ko.

Muntik nang mahulog ang puso ko ng sumulpot si Malcolm sa harapan ko.

"So what's your score?" Bungad niya.

Iwinagayway ko ang aking papel aa kaniyang harapan. "Forty-six," proud kong sagot, 46 over 50 is not bad.

"Same, forty-six," ang sagot niya, ngumiti ako, alam ko namang matalino 'tong isang 'to e, kahit na mayabang.

"So what is this, a friendship goal?"

He nodded. "Yes, friendship goals," ngumiti siya't biglang bumuntong hininga, what was that for?

*

A week passed at araw-araw kong nakikita si Thorn, I suddenly missed our real lecturer. He is the nicest person I have ever met.

Ngayong Lunes ay masama ang pakiramdam ko kaya't hindi ako pumasok- ayoko rin siyang makita. For the past few days hindi pa rin pumapasok ang dati naming lecturer, huwag naman sanang maging permanente na ang pwesto ni Thorn dahil pakiramdan ko lagi akong magkakasakit.

Tumayo ako sa paghilata ko sa kama upang bumama at tulungan manlang si Tita Emma sa gawaing bahay. I feel useless dahil sa sakit ko. Sumalubong sa akin si Tita na nag-aayos ng pagkain, inilalagay niya na ang niluto niya sa lalagayan.

Tahimik ang bahay dahil kami lang dalawa ni Tita ang nandito, si Seer ay kaninang 9AM pa pumasok at kanina namang 10AM si Krei, inihatid siya ni Tita sa school nito.

"Tita, dadalhin niyo po ba iyan kay Tito Gordon?" ganito lagi si Tita tuwing 11AM. Inaayos ang kakainin ni Tito at saka dadalhin ito sa pinagtatrabahuhan.

Tumango siya. "Celine, okay ka na ba? Uminom ka na bang gamot? Nako! Humiga ka muna baka masinat ka."

"Okay na ako, Tita, kung gusto mo nga samahan pa po kita sa istasyon," ngayon ay tinutulungan ko na siya sa pag-aayos. Tupperware itong tatlong patong, inilagay ko na ang huling lagayan.

"Huwag na, magpahinga ka muna," ipinatong niya ang kaniyang palad sa aking noo. "Wala ka ng lagnat pero delikado, kapag nagkikilos ka bumalik iyon."

"Okay lang po ako, tita, promise! Kapag nga nagkulong lang ako rito sa bahay mas lalo akong magkakasakit, sasamahan na po kita tita, ayaw mo man o gusto mo."

Hindi na naka-ayaw pa dahil nagpumilit ako.

Sa bus kami sumasakay dahil mas kumportable. Kung magtatricycle kami ay matagtag, baka masira ang magandang presentasyon ni tita sa pagkaing inihanda niya para kay Tito. Malapit lang ang pinagtratrabahuhan ni Tito sa bahay, sampung minuto lang ay nandoon na kami agad. Nang bumaba na kami ay pinindot ko ang pulang button bilang hudyat na kami ay bababa na.

Ganun pa rin ang police station noong huli kong nakita, mas tumingkad at naging malinis lang ang pinturang puti ngayon. Bago na ring pintura ang logo. Huli kong nakita ito ay bago kami lumipat, wala pang ilang buwan ay napaganda na.

Itinulak ko ang glass door at ang bumungad ay ang hagdan, pero sa front desk kami dumiretso.

"Kay Senior Superintended Gordon Forbes po tama, ma'am?" kilala na si Tita, araw-araw ba naman siya pumunta rito. Nang tumango si Tita ay pinindot ng lalaki ang telepono at tinawagan ito.

The police officer led us the way, umakyat kami ng hagdan upang puntahan ang opisina ni Tito, sa unang pinasukan namin ay maraming mga tables na mayroong papeles, akala ko'y doon na ang huling destinasyon pero pumasok pa ulit kami sa isang kwarto doon ay bumungad sa amin si Tito.

He is wearing his eyeglasses, nakapaibaba ito sa ilong niya habang nagbabasa ng papers.

Kumatok pa rin si Tita kahit na nakapasok na kami dahil mukhang hindi kami naramdaman nito.

"O, andito pala kayo," tumayo agad ito at hinalikan ang noo ni Tita, ako naman ay nagmano. "Magaling ka na ba, Celine?" tumango ako agad. I feel better now, that's the truth. Mas umayos ang pakiramdam ko dahil sa paglabas ko sa bahay.

Magulo ang lamesa ni Tito. Punong-puno ito ng papeles, may tambak din ng mga ito. Mukhang basura kung iyong tititigan pero sa kanila importante iyon.

Pumunta kami sa parang living place ng opisina. Mayroon ding dispenser, may sofa at maliit na lamesa. Inilagay ni Tita ang kaniyang niluto roon sa lamesa habang si Tito ay natatakam na sa mga pagkain.

Ang sarap nilang titigan lalo pa kapag nagkakatitigan sila, mararamdaman mo ang pag-ibig na nakadugtong sa kanilang dalawa. Maswerte ang bawat isa dahil mahal nila ang isa't isa.

"Dabest ka talaga, honey," ninanamnam ni Tito ang kaniyang kinakain hanggang sa matigilan ito at mukhang mayroong maalala. "Seer and Celine's school is Larrson Academy, right?" tanong nito kay Tita sabay tingin sa akin.

"Oo, bakit mayroon bang krimen sa eskwelahan nila? Mayroon ka bang nabalitaan, Celine?" Nang mag-tanong si Tita ay napailing ako agad, wala akong maalalang may krimen sa loob ng school, I mean- kung ang pag-uusapan ay tao hindi bampira, wala.

"Sa eskwelahan nila wala, ngunit ang krimen na nangyari sa mga estudyante mayroon. Hindi pa kami siguradong mga pulisya kung matuturingan ba itong Serial Killings, hindi kasi namin mawari kung iisa ba ang mamatay tao, ngunit dahil pareho ang paraan ng pagpatay masasabi naming serial killings nga ito," tumayo si Tito at may kinuha sa kaniyang lamesang may mga papel.

Posible kayang hindi tao ang kriminal at isang bampira?

"We conclude that it's a serial killings dahil tatlong magkakaibang tao ngunit pareho ang way at characteristics ng pagpatay at may similarities sa mga biktima. Lahat sila'y nag-aaral sa Larrson at mga student lecturer, they are even aquainted to each other, and there is even an odd number six on their foreheads," nagpantig ang tenga ko, "student-lecturer"? "This is the case file, in case you are curious, Celine."

Kinuha ko sa kamay ni tito ang file at isa-isang binasa ang mga biktima.

Angela Jose, natagpuang patay sa Chime River noong ika-9 ng Hulyo, Biyernes.

Tiningnan ko ang picture at halos hindi ko matitigan dahil hindi na maidentify ang mukha nito, ayon sa report, sinabuyan ata ng asido ang mukha niya kaya sunog, hindi pa sigurado kung asido nga dahil hindi pa lumalabas ang autopsy. Ganun rin ang sa pangalawa, sa City River naman nakita ang katawan ng babaeng nag-ngangalan Judy Ann Gauz ika-10 naman ngayon buwan din, konektado rin ang Chime at City River, mukhang Serial Killing nga, pareho rin na sunog ang mukha nito kaya hindi na rin makita ang itsura.

Tama ang sinabi ni Tito na may number sa mga noo nitong "6", three six is a demonic number, right? Kung isasama mo ang isa pa, tatlo na ito. Could it be a person who worship Satan?

Nanliit ang mata ko sa ikatlong biktima, na rason kung bakit tinawag na Serial Killings ang case na ito, dahil siya ang nagdagdag upang maging tatlo na ang naging victim sa pare-parehong case. Natagpuan ito kahapon lamang, Hulyo 11.

The third victim was David Morquelez, our student-lecturer.